OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS

Chapter CHAPTER 54: UMUWI KANA



DASURI

"Grabe. Hindi ko talaga kinaya yung nangyari kanina. Alam mo 'yon? Di ko naman talaga sinasadyang tawagin sya sa endearment namin noon. Wala lang talaga ko sa wisyo 'non. Kainis." Litanya ko habang kumakain kami ni Sora sa canteen. Nasa harapan ko sya at patuloy lang sa pagkain.

"Tama naman kasi si Kai, masyado kang defensive. Tignan mo. Until now dumepensa ka parin samantalang naka move on na ang lahat." Tumulis ang tingin ko sa kanya nang marinig 'yon. "Anong sabi mo?! Di kaya. Pinapaliwanag ko lang 'yung side ko. Mamaya kasi iba isipin ng iba."

"Ano naman ang pwedeng isipin nila?" Napahinto ko sa pagsasalita nang may biglang umupo sa tabi ko. Una kong napansin ang paglapag nya ng kanyang tray sa mesa namin bago ko sya lingunin. "Would you mind if I'll join you eating here?" Tanong pa nya. Hindi ako nakasagot agad dahil sa gulat. Si Sora ang gumawa non para sa'kin.

"No, Sir. It's okay with us. Di 'ba Dasuri?" Napalingon ako kay Sora na nakanunot ang noo.

'Wag kang pumayag' I mouthed to her. Ngumisi lang ito sa akin saka biglang nagdahilan.

"Hmm, excuse me, punta lang po ako sa comfort room." Lalo kong nawindang nang nginitian nya si Kai bago umalis.

Takte. Parang pinagkakaisahan ako ngayon. "Hoy! Sora! Sandali lang, sama ko." Tumayo rin ako at sinubukang habulin ang kaibigan ko. Ngunit bago ko pa magawa 'yon, pinigilan na agad ako ni Kai.

"Left me and I'll fail you." Napahinto ako sandali pero nagpatuloy din agad. Ano naman kung ibagsak nya ko? Di ako natatakot 'no.

"Same with your friends." Napailing ako nang marinig 'yon. Wala na. Uwian na may nanalo na tsk.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina at muling kinuha 'yung chopstick na binitawan ko kanina.

"Good wifey, now finish your meal." Saad ni Kai pagkaupo ko sa tabi nya. Ha. Anong tingin nya sa akin? Alaga? Tss.

Gaya nang sabi nya, sinimulan kong muli ang pagkain. Di ko na lang pinansin ang presensya nya. Basta ako, tatapusin ko lang ang pagkain tapos aalis na.

"Ano ba 'yang ginagawa mo?" Sita ko sa ginagawang paghiwa ni Kai sa steak na ulam ko.

"Pinagsisilbihan ka. Hindi ba halata?" Simple nitong sagot habang patuloy parin sa paghiwa.

"W-wag na. Ako na gagawa nyan. Kaya ko naman e." Sinubukan kong ilayo yung plato ko sa kanya kaso bigla nya kong tinignan nang masama. Napatigil tuloy ako.

"Di mo naman kasi kailangang gawin 'yan. Pinagtitinginan tuloy nila tayo." Bulong ko nang mapansin ang reaksyon ng mga tao sa paligid namin. Mula kasi nang maupo sa tabi ko si Kai. Nagbubulungan na sila. "So?"

"So? Professor kaya kita. Estudyante mo ko. Mamaya magkaroon pa ng issue."

Huminto sya sa paghiwa at tumingin sa mga mata ko, "Pero asawa mo rin ako Dasuri, baka nakakalimutan mo."

Ilang segundo pa kaming nagkatitigan dahil 'don. Hindi ko alam pero parang natuwa ako nang marinig ang sinabi nya. Siguro kasi ang sarap lang pakinggan na manggaling 'yon sa kanya kahit pa lagi ko syang pinagtatabuyan. "You know what? Kahapon ko pa 'to napapansin. Parang lumalakas ka ata sa pagkain. Lalong bumibilog ang mukha mo e." Natutuwa nitong pahayag. Natauhan naman ako nang marinig yon. Naconcious ako bigla. Hinawakan ko 'yung pisngi ko.

"H-hindi naman e." Dipensa ko pa.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Oo kaya. Tignan mo, may bilbil kana. Haha." Napatayo ako nang biglang hawakan ni Kai ang tummy ko. Hindi ko kasi inaasang gagawin nya 'yon. Mukhang nagulat ko tuloy sya sa naging reaksyon ko.. Palihim ko namang sinulyapan ang tummy ko. Shocks. Mukhang umuusbong na yung baby bumps ko. Nilingon ko naman si Kai. Nahalata nya kaya?

"Okay ka lang?" Nagaalala nyang tanong.

"May masakit ba sa'yo? Gusto mo pumunta nang canteen?" Alok pa nya. Umiling-iling naman ako.

"H-hindi. S-sige. Alis na ko. Bye." Hindi ko na sya hinayaang pigilan ako. Takte. Kinabahan ako 'don ng sobra.

Paano kung nahalata nya? Paano kung napansin nya? Paano ko ipapaliwanag ang lahat? Di pa ko handa.

"Oh, Dasuri. Anong nangyari sa'yo? Ba't namumutla ka?" Saad ni Gain nang makasalubong ako.

"Ha? H-Hin...."

"Woah! Dasuri!"

Nasilaw ako sa ilaw nang imulat ko ang aking mga mata. Pinakiramdaman ko muna kung nasaan ako. Puro puti ang nakikita ko sa paligid. Mula sa sahig hanggang sa ceiling. Pati na yung kurtinang nakatabing sa kinaroroonan ko. Hinawi ko iyon para malaman kung nasaan ako. Hindi nga ko nagkakamali. Nasa clinic ako nang school.

"Mabuti naman at gumising ka nang babae ka. Nag-skip pa ko ng isang class dahil sa'yo! Ano bang nangyayari sa'yo ha?"

Lately kasi lagi akong nakakaranas ng pagkahilo. Mabuti na lang noon e lagi kong kasama si L. joe kaya walang nangyayari sakin at sa baby ko na masama.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Wala. Nahilo lang ako bigla. Pero okay na ko. Salamat sa pagdala sa akin dito." Umalis ako sa kama at tumayo nang maayos.

"Salamat ulit ha? Sige aalis na ko." Maglalakad na sana ko palabas nang mapahinto ako dahil sa mga sumunod na sinabi ni Gain.

"Dasuri, alam ba ni Kai?" Nilingon ko sya bigla.

"Ang alin?" Huminga ito nang malalim at tinitigan ako sa mata.

"Kanina, nung dinala kita dito may sinabi sa akin 'yung nurse na tumingin sa'yo. Ang sabi nya wag daw akong magalala dahil normal lang daw ang nangyayari sa'yo. Naguluhan ako sa ibig nyang sabihin kaya tinanong ko syang muli. 'Anong ibig nyong sabihin? Normal lang na hinihimatay sya?' Alam mo kung ano ang sinagot nya?" Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Gain.

Narinig ko ang pag ngisi nya bago nya ko bulungan, "Normal lang ang mahilo at himatayin sa mga babaeng nagdadalang-tao. Signs lang yung nang pagbubuntis nila."

Tumaas ang balahibo ko nang ngumisi sa harap ko si Gain. Halatang may binabalak syang hindi maganda.

"Alam mo pa kung ano ang nakakatuwa? Lately lang kasi nabalitaan ko ang nangyaring miscarriage ng asawa ni Kai. Nalungkot pa naman ako para sa kanilang dalawa." Umalis na ito sa harap ko at nagpalakad-lakad.

"Kasi sa totoo lang, fan talaga ko ni Kai. Hardcore pa nga kung tutuusin. Kaso nung nabalitaan kong ikinasal na sya. Nasaktan ako nang sobra. Tang-ina naman kasi! Mahal na mahal ko kaya 'yon. Sa kanya ko pinaikot ang mundo ko. Tapos isang araw isasampal sa mukha ko na may nagmamay-ari na sa taong pinakamamahal ko? Ni hindi ko man lang naamin sa kanya ang nararamdaman ko?"

"Ha. Eto pa malupit, naging classmate ko yung asawa nya. Nung una di ko talaga alam kung paano sya pakikitunguan. Kakaibiganin? Ang plastic ko naman kung ganon. Kaya mula non lagi ko na syang inaasar. Makaganti man lang ako sa pagwasak nya sa puso ko."

"Pero hindi naman ako ganon ka bad. Nung nabalitaan ko yung tungkol sa miscarriage t


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.