Chapter CHAPTER 51: CRUSH KITA
DASURI
"Wifey? Wake up, nandito na tayo sa last stop ng bus." naalimpungatan ako nang may maramdaman akong bahagyang tumatapik sa pisngi ko.
Pagmulat ng aking mata, bumungad sa akin ang mukha ni Kai na nakadikit sa aking mukha. Nakatitig sya sa akin dahilan para lalo kong magulantang. "Y-Yah!" saad ko sabay tulak dito palayo.
Takte! Ano bang nangyari?! N-Nakatulog na naman ako?!
Sinubukan kong i-analyze ang mga pangyayari. Nakatitig ako kay Kai na nakangiti pa habang pinagmamasdan ako.
"Finally, you're awake. Akala ko bubuhatin pa kita hanggang sa bahay nyo. Hindi ko pa naman alam kung saan 'yon." Inabot ni Kai ang gilid ng labi ko para sana punasan 'yung tulo-laway sa pisngi ko. Napansin ko naman agad 'yon kaya hinawi ko agad yung kamay nya.
"A-ako na." pigil ko rito.
Kahit naman sabihing 'asawa' ko sya. Nakakahiya paring ipapunas ko sa kanya yung left over ng pagtulog ko 'no! Eww.
Nakatitig lang sa akin si Kai habang ginagawa ko 'yon. Naiilang naman ako sa ginagawa nya kaya pilit kong iniiwasan ang tingin nya.
"Ehemp, dito na po ang pinaka last na bus stop ng routine ko. Bababa po ba kayo?" Pahayag nung driver habang hinihintay ang sagot namin ni Kai.
Nilingon ko naman sya't sinagot. "Opo manong. Saglit lang."
I faced Kai and bow at him, "Salamat sa paghatid. Okay na ko dito. Bye." Saka nagmamadaling umalis sa pwesto ko.
Dali-dali akong bumaba ng bus at hindi na muling lumingon pa. Binabatuk-batukan ko pa 'yung sarili ko dahil sa sobrang hiya habang tinatahak ang daan patungo sa bahay ng mga magulang ko.
"Aissh, nakakahiya ka talaga Dasuri! Matutulog ka na nga lang. Nangtulo ka pa ng laway mo. Arrgh!" Sermon ko pa sa sarili ko.
Hindi naman nagtagal ay narinig ko na naman ang boses ni Kai sa gilid ko. "Okay lang 'yon. Sanay na naman ako." saad nito pagkalingon ko. Namilog naman ang mga mata ko nang makita 'to. Napahinto pa ako sa paglalakad dahil sa sobrang gulat.
"A-Anong ginagawa mo rito? D-Diba sabi ko okay na ko dito? Kaya ko na sarili ko." wika ko matapos kong maover come yung pagkagulat ko.
Nagkibit-balikat naman 'to sa harap ko, "Sabi ng professor ko dati, if you want to know the exact address of the girl that you like. Ihatid mo sya sa bahay nila. In that case, magagawa mo nang simulan ang panunuyo sa kanya." Kinindatan pa nya ko na kinatawa ko naman.
"So, ang ibig mong sabihin. Kaya mo ko sinusundan kasi gusto mong malaman kung saan ako nakatira ngayon? Tss. Para ka namang bata." saad ko sabay lakad na muli. Pilit kong pinipigilan ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko. Sumunod naman sya sa'kin.
"Yeah, para kong high school student na nanunuyo sa crush nya." Nilingon ko sya na nakataas ang isa kong kilay. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Nababaliw kana ba?" Ang weird naman kasi ng mga kinikilos nya. May nalalaman pa syang high school student na nanunuyo sa crush. Psh.
"Ang slow mo talaga. Sabi ko crush kita, pwede ba kong manligaw?"
Halos bumagsak sa sahig ang panga ko dahil sa sinabi ni Kai. Para bang nabingi pa ko ng marinig 'yon.
"A-Anong sabi mo? Ka-crush mo ko? Pffft." Tinakpan ko yung bibig ko para pigilan ang tawa ko. Matapos kasing magsink-in sa utak ko ang kanyang sinabi. Hindi ko mapigilan ang tumawa.
Ilang araw na bang hindi natutulog 'tong si Kai at kung anu-ano ang pinagsasabi. Crush nya daw ako? Edi wow. Hahaha.
"Pfft. Teka di ko na kaya. Hahahaha. Sorry. Hahahaha." Di ko na napigilan. Tumawa ko ng malakas kahit nasa harapan ko si Kai. Alam mo yung feeling na may sinabi sa'yong di kapanipaniwala? Matatawa ka na lang talaga e.
"Hahahahahahaha. Ako crush mo? Pffft. Nice joke." Halos maiyak na ko sa sobrang tawa. Hindi ko talaga ineexpect na masasabi ni Kai 'yon. Sya na napakamatured at seryoso. Bigla-biglang magbibitaw ng mga linyahang ganon? So funny.
Haha.
Narinig ko naman ang pagbulong nya, "Tss. Sabi ni Sehun effective kay Dasuri ang gantong style. Lagot talaga sa akin ang maknae na 'yon pag nagkita kami." Unti-unti kong pinigilan ang pagtawa ko. Huminga ko nang malalim para mahinto ito. Nang mapakalma ko na ang sarili ko. Muli ko nang hinarap si Kai.
"Ano ba kasi 'tong kalokohang pinagsasabi mo. Hindi na tayo bata para sa mga ganyang bagay. Siguro kung nung nasa high school pa lang ako nung ginawa mo 'to. Mas kinilig pa ko pero ngayon? Pffft. Atleast napatawa mo ko. Haha." Pagtatapat ko.
Naging seryoso naman ang mukha ni Kai. Lumapit ito sa'kin at hinarap ako. Nawala ang tawa ko't napatitig sa kanya. "Okay fine, I'll do it on my own way." Ipinulupot nya ang braso nya sa bewang ko at iginiit ako papalapit sa kanya. Walang kaanu-ano'y inidikit nya ang labi nya sa mga labi ko. Dahil sa sobrang gulat ay hindi na ko nakapalag pa.
He claims my lips and started to move. Hinalikan nya ko na para bang sobrang tagal nyang hinintay ang pagkakataong iyon. Sinubukan kong kumawala ngunit hindi ko nagawa because he already turns his head left to right. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata habang unti-unting natatangay sa bawat galaw ng labi ng asawa ko. "Uhmm," i moaned between our kisses.
Binalik ko ang bawat halik na ibinibigay nya sa'kin. Tinugon ko ang pananabik na nararamdaman ko sa mga halik nya.
Pareho kami ni Kai na habol hininga matapos maghiwalay ang mga labi namin. Nakatitig lang ako dito habang pilit na inaabsorb ang mga nangyari. Napahawak pa ko sa labi ko habang hindi makapaniwala. Aissh.. Heto na naman ako. Muling nahulog sa patibong nya.
"I'm not asking for permission. Sinasabi ko sa'yo 'to para maging aware ka." Lumamlam ang mga mata ni Kai habang nakatitig 'to sa akin.
"Mahal na mahal pa rin kita Dasuri. At dahil sa mga nangyayari sa atin, mas lalo kong napapatunayan na hindi ko na kayang mabuhay ng wala ka sa tabi ko. Kaya pasensya na pero.... I will do everything to get my wife back." Akmang hahalikan pa sana nya ko sa noo nang mapansin ko ang paglabas ni mama sa gate na nasa tapat namin. Otamatikong gumalaw ang mga kamay ko't tinulak si Kai palayo.
"Dasuri iha? Ikaw ba 'yan?" Pahayag nito habang inaaninag kami ni Kai sa di kalayuan.
Napalingon naman doon si Kai at natauhan. Umayos ito nang tayo at binati si mama. Nagbow pa ito bilang paggalang,
"Magandang gabi po,"
"Omo! Ikaw ba 'yan Jong In?!" Gulat na tanong ni mama habang inaaninag si Kai.
Lumapit pa ito samin para mas makasigurado. Napapailing na lang ako nang palihim. Ayoko pa sanang malaman ni mama na magkasama kami ngayon ni Kai kaso no choice. Tsk
"Ako nga ho, mama." Nagulat ako nang marinig si Kai na tawaging 'mama' ang mama ko.
Eto lang kasi 'yung first time na gawin nya 'yon. Lalo na nang mapansin ko ang pag ngiti ng aking ina nang marinig 'yon. Napatitig pa ko dito pero hindi nya ininda 'yon.
"Masaya kong makita kang muli. Matagal-tagal na rin mula nang huli tayong magkita. You look better." puri pa ni mama.
"Salamat ho, kayo rin." Sabay ngiti nito.
"Meron ka bang pupuntahan? May lakad ka ba? Kung wala baka gusto mo munang pumasok sa loob ng bahay." Pilit kong sinesenyasan si mama na itigil ang sinasabi nya pero hindi nya ko pinapansin. "Ma..." halos panlakihan ko na sya ng mata pero wapakels parin. Aissh.
"Sakto katatapos ko lang magluto ng hapunan. Dito kana kumain sa amin." Hinawakan pa ni mama ang braso ni Kai at inalaayan papasok ng bahay. Halos himatayin naman ako sa gulat.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Yung totoo, Kailan pa sila naging close?! Kaloka ha.
Pagpasok ko ng bahay, nakaupo na si Kai sa sofa namin habang nasa loob ng kusina si mama. Mukhang inaayos na nya 'yung kakainan namin. Agad-agad ko naman syang nilapitan.
"Hoy, umamin ka nga. Anong ginawa mo sa mama ko't pinapasok ka pa rito? Kaloka ha. Parang close na close pa kayo." Hindi ko kasi talaga matanggap. Nakalimutan na ba ni mama ang tungkol sa naganap sa hospital? Bakit ang bait nya kay Kai? Nakakainsulto.
"We're close. Di mo alam?" Mapangasar nitong sagot. Lalong kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi nya.
"Umalis kana dito hangga't nakakapagtimpi pa ko. Hindi porket pinayagan kitang ihatid ako at natulog ako sa balikat mo sa bus ibig sabihin..." he cutted my words.
"You forget to mention... about our kiss." nakangisi nitong pahayag. Napuno na ko't hindi nakapagpigil.
Hinubad ko 'yung bag ko at inihagis sa kanya. Nasapo naman nya 'yon na naging dahilan para ngumiti pa 'to ng wagas. "Oops, alam ko namang kinilig ka sa ginawa ko pero hindi ko akalaing mamumula ka agad kapag binanggit ko ang tungkol 'don."
Halos pumutok na ang mga ugat ko sa ulo dahil sa sobrang inis. Lalo na't nakikita ko ang mga pigil na tawa ni Kai. Talaga bang inaasar nya ko?! Grrr.
"YAH! JOO GOO LAE?!" singhal ko rito.
Hindi naman sya natakot at mukhang mas nage-enjoy pa sa nagiging reaskyon ko. Patuloy lang sa pagaasar sa'kin si Kai hanggang sa may marinig kaming yabag mula sa hagdan. Naulinigan ko pa ang pagtawag nito sa pangalan ko. "Dasuri? Bakit ka sumisigaw?" Sabay kaming natahimik ni Kai nang marinig ang maotoridad na boses na iyon.
Napaayos pa sya nang upo habang ako naman ay nanlaki ang mga mata. Takte! Si papa, naku. Baka anong gawin nya kay Kai kapag nakita nya ito. Lagot.
"Umalis kana." Bulong ko kay Kai. Pero imbes na sumagot, umiling lang ito at tinignan ako ng seryoso.
"Ayoko." Matigas nitong pahayag.
"Ano? Nababaliw kana ba? Umalis kana bago ka makita ni papa." Kinakabahan kong bulong. Kahit naman kasi hindi pa kami in good terms. Ayoko paring makita syang mapahamak. Napailing na lang ako nang maramdaman ang papa ko sa gilid ko. Wala na kaming takas. Makikita na nya si Kai. Hmm.
"May bisita ka?" Tanong pa ni papa pagkadating nya sa gilid ko dala-dala ang isang dyaryo.
Nakapambahay lang ito pero ramdam mo parin sa awra nya ang pagiging maotoridad. Maski ako minsan naiintimidate sa awra ni papa e. Pano pa kaya 'yung iba.
Kinakabahan ko naman syang nilingon, "Ahh, ano... pa..." sinubukan kong takpan si Kai habang nakaharap kay Papa. Jusmeyo. Ano ba 'tong nangyayari samin. Si Kai naman kasi e. Arrrgh. Naramdaman ko ang pagtayo ng tao sa likod ko. Umusod pa ito nang kaunti para harapin ang papa ko.
"Magandang gabi ho, Papa." bati nito.
Kitang-kita ko kung paano mas lalong naging seryoso ang reaksyon ni papa nang makita si Kai. Nakatitig sya rito na para bang inuusisa maski ang kaluluwa nya. Nilingon ko naman si Kai at nakita ang seryoso rin nitong mukha. Wala ka ritong mababanaag kahit kaunting takot.
"Oh, bumaba kana pala honey. Mabuti't hindi na kita kailangang tawagin pa. Nakahain na 'yung hapunan kaya Dasuri magpalit kana ng damit mo para makakain na tayo." Nagdadalawang-isip pa ko kung susundin ko ba si mama. Pakiramdam ko kasi anumang oras pwedeng bigwasan ni papa si Kai base pa lang sa paraan ng pagtitig nito.
"Huh? Eh, ma..." gagawa pa lang sana ko ng palusot para hindi sumunod nang lingunin ako ni Kai at bahagyang ngitian. Para bang sinasabi nya sa akin na wag akong mag-alala. Kaya nya 'yon. Napabuntong-hininga na lang ako't sumunod. "Sige po, pero babalik din ako agad." Sabay lingon kay papa para ipahiwatig na hindi talaga ko magtatagal.
Umakyat ako sa hagdan na sobrang occupied ang utak. Hindi ko alam kung matatawa ba ko o hindi. Para kasing pinaglalaruan talaga kami ng tadhana. Akalain mong sa mga nangyayari ngayon.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Pakiramdam ko nagback to zero kami ni Kai. Para kaming mga high school student na kailangang humingi ng approval sa magulang para makipagdate. Nakakatawa lang isipin na dalawang beses na kaming kinasal ni Kai pero ngayon pa lang namin 'to
Gaya ng sabi ko, nagmadali talaga kong magpalit. Wala pa atang 10 minutes nakapunta na ko nang dining area. Naabutan ko si Papa at Kai na magkalapit ang upuan. Naulinigan ko pa ang usapan nila.
"Hindi ka parin pala sumusuko?" pahayag ni papa habang nagbabasa ng dyaryong hawak nya.
"Hindi ko po magagawang sukuan ang anak nyo. Hindi ko sya kayang mawala muli sa'kin." Seryosong tugon ni Kai. Ibinaba naman ni papa ang dyaryong hawak nya at nilingon si Kai.
"Ganon ba? Kaya lang iho, paano kung hindi na ikaw ang gusto nyang makasama? Matatanggap mo ba?" Nakita ko sa mata ni Kai ang sakit nang marinig ang sinabi ni papa. Halatang nasaktan sya dahil 'don. Minabuti kong pumasok na nang tuluyan at sumingit sa usapan nila.
"Papa, binubully nyo ba ang asawa ko?" saad ko sabay upo sa pagitan nila.
Halatang nagulat sila sa sinabi ko. Umacting naman akong walang mali sa sinabi ko. Wala naman talagang mali 'don. Asawa ko parin si Kai, hindi na nga lang kami nagsasama.
"Oh' bakit ganyan ka makatingin? May mali ba sa sinabi ko?" Tanong ko kay Kai dahil hindi nya tinatanggal ang pagtitig sa'kin. Natauhan naman sya't napangiti. "Wala. wala..." wika nito habang pilit pinipigilan ang pag ngiti. Sinimulan ko naman ang pagkain. Aist. Mapapsubo ako nito sa ginagawa ko e.
"Hmm, balita ko prof mo si Jong In, tama ba anak?" Basag ni mama sa katahimikan habang kumakain kami.
"Opo, dahil po 'yon sa isang variety show na sinalihan nya." sagot ko naman.
"Ganon ba? Nakakatuwa naman. Ibig sabihin araw-araw kayong nagkikita?" Usisa pang muli ni mama. Si papa naman ay nakikinig lang sa usapan. Si Kai na ang sumagot.
"Ang totoo nyan ma, 'yun yung dahilan bakit ako pumayag sa variety show na 'yon. Gusto ko po kasing makita at makasama si Dasuri ng araw-araw. Kaya lang parang ayaw naman nya." Sabay lingon naman nito sakin. Teka nga. Pinapahaginan ba ko nito?
"Gusto sanang iparamdam sa kanya kung gaano ko nagsisisi sa mga nangyari. Alam ko namang walang kapataran yung nagawa ko. Maski ako, hindi ko magawang patawarin ang sarili ko. Pero sana wag naman sana nyang hayaang magkasira kami ng husto dahil sa pagkakamali ko sa nakaraan. Handa naman akong magbago. Handa kong pagdusahan yung kasalanan ko pero wag naman sa paraang iiwanan nya ko." Napahinto ko sa pagkain at napatitig sa asawa ko. Pansin kong may mga munti nang luha ang namumuo sa gilid ng kanyang mga bata.
Bahagya namang kumirot ang aking dibdib. Napatitig ako rito at napaisip, 'Sumosobra na ba ko?'
"ANO?! AYOKO!!" Sobra ang naging pagtutol ko nang i-suggest ni mama na sa kwarto ko na lang patulugin si Kai.
Pano kami napunta sa ganitong sitwasyon? Ganto kasi 'yon... matapos naming kumain. Sinubukan na ni Kai na magpaalam nang umuwi. Gabi na rin kasi at maaga pa ang klase namin pareho bukas. Sya kasi 'yung prof ko. Tss. Kaso kung sinuswerte ka nga naman. Biglang umulan nang malakas sa labas. Wala pa namang dalang sasakyan 'tong si Kai kaya hindi sya makaalis-alis.
Ang malala pa, sabi sa balita magtatagal daw yung ulan hanggang madaling araw. Edi mas naloka ang lola nyo. Lalo na nung maisipan ni mama na dito na sa bahay patulugin si Kai.
"Pwede naman syang mag-commute. May payong ako dito papahiramin ko na lang sya." Suhestyon ko para lang hindi matuloy ang balak ni mama na sa kwarto ko patulugin si Kai. Hindi naman sa wala kong pakialam kay Kai. Kaya lang kasi hindi sya pwedeng pumasok sa kwarto ko. Hindi maari.
"Pero anong oras na anak, wala na syang bus na masasakyan." Sagot naman ni mama.
"Okay lang ho ma, magpapasundo na lang siguro ko sa manager ko." Singit naman ni Kai. Mabuti naman at nakaramdam sya. Tss.
"Sige ho, Ma, Pa, Dasuri. Aalis na ho ko. Salamat po sa pagtanggap sa'kin dito. Sana payagan nyo po ulit akong bumalik." Pagpapaalam ni Kai. Medyo nawala na yung kaba ko nang magpaalam na si Kai. Woooh!
Buo na ang loob ni Kai umalis ng bahay. Tutungo na nga sana 'to sa pintuan kung hindi lang nagsalita si Papa.
"Dito kana matulog. Hindi namin naging bestfriend ang mga magulang mo para pabayaan ka." Tumayo ito mula sa sofa at saka umakyat ng hagdan. Napangiti si mama nang marinig 'yon. Hindi naman makapaniwala si Kai. Kanina pa kasi sya hindi iniimik ni papa tapos ngayon. Aiish.
Napakamot na lang ako sa ulo ko. Nanadya ba sila? Aist.