OFFICIALLY MARRIED TO MY BIAS

Chapter CHAPTER 31: BE MINE AGAIN



DASURI

"Stay here. Babalik din ako agad." Saad ni Kai matapos akong paupuin sa isang bench.

Nang mapansin nya kasi ang mga galos ko sa katawan. Agad-agad nya kong hinila at pinaupo rito. Hindi pa daw tapos ang panenermon nya sa'kin. Tss.

Habang naghihintay, napatingin ako sa maliit na playground sa loob nitong shelter. Naalala ko tuloy bigla 'yung sitwasyon ni Jun young at mga kapatid nya. Hindi ko maiwasang isipin na napakaswerte ko parin pala talaga. Kahit na sabihing hindi ko madalas makasama ang parents ko.

Atleast nandyan parin sila para alalayan at suportahan ako. Hindi kagaya nila, umaasang babalikan ng kanilang ama kahit walang kasiguraduhan.

Hindi naman nagtagal, bumalik na si Kai na may dala-dalang first-aid-kit. Lumuhod ito sa harap ko pagkalapit nya sa'kin. Doon ko naman naalala 'yung tungkol sa mga galos at gasgas ko sa katawan.

"Aray! Dahan-dahan lang hubby. Masakit kapag nilalagyan mo ng alcohol 'yung sugat ko."

"Dapat lang sa'yo 'yan. Para magtanda ka." Tugon naman nito. Tss. Hindi parin talaga sya makamove-on 'don? Tsk.

"Ano ba talagang nangyari sa'yo? Bakit ang dami mong galos sa katawan? Wag mong sabihing ikaw talaga 'yung tinutukoy nilang koreanang naaksidente sa di kalayuan?" Dali-dali akong umiling nang marinig ang tanong nya. Naisip ko, mas makakabuti siguro kung ililihim ko na lang 'yung tungkol sa nangyari sa'kin kanina. Ayoko nang magaalala pa sa'kin si hubby. Okay na naman ako e.

"Hindi 'no. Nadapa nga lang ako kakahabol 'don sa batang kumuha ng tinapay." Pagdadahilan ko pa. Tinitigan pa nya ko sandali na para bang sinusuri ang reaksyon ng mukha ko kung nagsasabi ba ko ng totoo o hindi. Pero sa huli wala na syang nagawa kundi ang maniwala na lang.

"Fine, if you say so." Sabay pagpapatuloy sa kanyang ginagawa.

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil 'don. Pinagmasdan ko lang sya habang naghahanap ng tyempo. Kanina pa kasi ako may gustong i-open sa kanya. Isang bagay na kanina ko pa pinag-iisipan.

"Hmm, Jong In." halos pabulong kong wika. Natigilan naman si Kai at dahan-dahan akong tiningala.

"Bakit?" walang kamuang-muang kong tanong.

Para kasi syang nakakita ng multo habang nakatitig sa akin. Adik lang. Ngumiti muna ito bago ibinalik ang atensyon sa paggamot ng mga galos ko.

"Wala, ang sarap lang pakinggan kapag tinatawag mo yung totoong pangalan ko." saad pa nya.

Eh? Big deal ba 'yon? Hindi ko na lang pinansin 'yung sinabi nya at tinumbok ang totoong pakay ko.

"Ahhh. Naalala mo pa ba 'yung sinasabi kong bata na hinabol ko dahil kumuha ng tinapay ng walang paalam?" panimula ko. Tumango naman si Kai bilang sagot.

"Jun young ang pangalan nya. Isa sya sa mga batang namamalagi rito pero araw-araw din syang pumupuslit ng pagkain para dalhin sa mga kapatid nyang nasa labas ng shelter."

"So? Just go straight to the point." Utos naman ni Kai. Nagsisimula pa nga lang ako sa pagpapaliwanag pinapatapos nya agad. Napakainipin talaga ng taong 'to. Tsk.

"Gusto ko sanang humingi ng favor sa'yo. Pwede ba natin silang tulungan? Ayaw kasi ni Jun young na isama ang mga kapatid nya dito sa shelter dahil sa takot na paghiwa-hiwalayin sila. Kaya naisip ko, mas mabuti siguro kung may magdadala na lang ng mga pangangailangan nila sa pang-araw-araw doon mismo sa bahay nila. Para hindi na nya kailangang magnakaw ng pagkain, para din makasigurong meron silang makakain."

"Kaso, hindi ko alam kung sino ang pwedeng gumawa 'non. Hindi naman kasi ako tiga rito at nakakahiya namang ipakiusap pa kay Mrs. Yoon ang tungkol 'don. Alam ko namang madami na syang iniisip pagdating dito sa shelter." Buong sinseridad kong pagpapaliwanag sa asawa ko. Gusto ko kasi talagang tulungan ang batang 'yon. Hindi rin ako matatahimik kung iiwan ko lang sila sa ganoong sitwasyon na walang ginawang kahit ano. Hindi ko nga lang alam kung paano. Ibinalik na ni Kai ang mga ginamit nyang panlinis sa sugat ko. Isinara nya 'yung first-aid kit box at saka ko hinarap. Nagawa pa nitong tumayo sa harap ko, dahilan para ako naman ang tumingala sa kanya.

"Sure, I will help you. Gagawa ko ng paraan para matulungan 'yung batang tinutukoy mo. Tatawag ako sa bahay mamaya at kakausapin si Mr. Akayama, s'ya na ang bahalang mag-alaga at tumingin sa mga batang 'yon pagbalik natin sa Korea." Unti-unting sumilay ang malapad kong ngiti pagkarinig 'non. Napatayo pa ko't napayakap kay Kai dahil sa tuwa.

"Yehey! Thank you, hubby! Salamat talaga ng marami! Kaya labs na labs kita e." halos panggigilan ko pa sya dahil sa sobrang tuwa. Wala pa sana kong balak na huminto kung hindi ko lang narinig ang sumunod nyang sinabi. "But in one condition," tinanggal ko ang pagkakayakap sa kanya at saka dahan-dahan syang nilingon.

"Anong kondisyon?" tanong ko pa.

He gave me an evil smile while looking at me seductively. Bigla tuloy akong napaatras.

"Y-Yah, anong kalokohan 'yang iniisip mo?"

Lumingon-lingon pa ko sa paligid para alamin kung may mga nakakakita ba sa amin. Ngunit tanging kaming dalawa lang talaga ang naroroon. Napalunok ako dahil sa ideyang nabuo sa aking isipan. Wag mong sabihing may binabalak syang gawin dito? Open na open kaya sa madla yung paligid tapos tirik na tirik 'yung araw. Tanghaling tapat tapos gagawa kami ng milagro?

Nakakahiya!!

Bigla nyang hinawakan ang braso ko dahilan para hindi na ko makakilos pa palayo. He holds my chin and leans on me.

"Siguro naman naiisip mo na ang gusto kong ipahiwatig?" then grins on me. Mas lumapit pa sya sa'kin at saka bumulong.

"Mamaya-maya darating na 'yung mga bata kaya dapat bilisan na natin 'yung kilos. Mahirap na, baka magkabitinan pa." kumindat pa sya bago ko hinila papasok ng building. Dahil sa sobrang shocks wala na kong nagawa kundi ang magpatangay kung saan nya ko dadalhin.

Kung anu-anong tanong ang gumugulo sa utak ko. Seryoso ba si Kai? Ngayon ba talaga namin gagawin 'yon? As in NOW? Hindi na ba sya makakapaghintay? Paano kung may makakita samin? Marami pa namang bata dito. Bawal ang SPG waaah!!!

Dinala nya ko sa kusina at saka isinara ang pinto 'non. Napalunok ako matapos marinig ang pagkakalock ng pinto. Hindi ko alam kung mae-excite o matatakot ako sa gagawin namin. Jusmeyo garapon. Bakit kasi biglaan?!

"Teka, hubby, sure kana ba dito?" paninigurado ko matapos nyang maglakad malapit sa mesa. Pinigilan ko sya sa paglalakad at saka tinanong. Mamaya kasi natatangay lang sya ng init ng panahon.

"Oo naman. Why? Ayaw mo ba?" buo ang loob nitong sagot. Lalong kumabog ang dibdib ko sa naging tanong nya. Gosh. Hubby, you are killing me.

Umubo-ubo ko kunwari at saka iniiwas ang tingin ko sa kanya. Ang awkward naman kasi ng tanungan nya. Sumandal pa ko sa mesa para ipakitang nagugulantang ako sa pinagsasabi nya,

"Ehemp, hindi naman sa ganon. Kaya lang pano kung.... pano kung may makakita sa'tin? Nakakahiya." Ramdam ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko habang sinasabi 'yon. Gosh. Hangin please. Hangin.

Humarap sya sa direksyon ko at nagkibit-balikat, "So what? Mas gusto ko nga 'yon. Nang makita nila kung paano tayo---mmmph," hindi ko na nakayanan. Tinakpan ko 'yung bibig ni Kai para hindi nya matuloy yung sasabihin nya. Alam ko magasawa na kami at nasa hustong gulang.

Pero my gosh! Wag naman ganong kaliberal ang usapan. Sobrang init na kaya ng tenga't pisngi ko.

"Ano ka ba hubby! Nakakahiya! Mamaya may makarinig sa mga pinagsasabi mo. Magpasintabi ka naman." saad ko habang nakatapal parin ang kamay ko sa bibig nya.

Lumingon-lingon din ako sa paligid para malaman kung may tao ba sa paligid. Mabuti na lang wala. Grabe. Ako ang nanliliit sa mga sinasabi nya e. Ibinalik ko ang atensyon sa kanya at napansin ko naman ang pagkunot ng noo nito. Tinanggal nya ang kamay ko sa bibig nya at saka nagsalita, "What's wrong with you? Ano naman ang nakakahiya kung makita nila tayong nagluluto? Gawain naman talaga 'yon ng magasawa." Nagtataka nitong tanong. Halos mapanganga ko nang magsink-in sa utak ko ang totoong nangyayari. M-MAGLULUTO? KAMI?? AKALA KO??? AHHHH!!!

Anak ng kapre! Ako lang pala ang nagiilusyon dito ng hindi maganda. Takte! Lamunin na sana ko ng lupa please. Kaya pala sa kusina nya ko dinala kasi magluluto! Kaya sya nagmamadali kasi konti na lang ang oras sa pagluluto! Magluluto Dasuri! Magluluto pala hindi Mag---Ahhhhh! Nakakahiya!!!

Mukhang nahulaan rin ni Kai kung ano 'yung tumatakbo sa isip ko mula pa kanina kaya bigla itong natawa. Sinubukan pa nyang pigilan 'yon pero halata namang tumatawa talaga sya.

"Sige, tawa pa. Hindi mo naman kasi nililinaw." banta ko rito habang matalim ang tinging ipinupukol ko sa kanya.

Nagcrossed-arm pa ko para ipakitang hindi ako natutuwa sa ginagawa nya. Sinulyapan lang ako ng loko at saka nagpatuloy sa pagtawa. Lalo tuloy kumulo ang dugo ko.

"Yah! Isa, pag di ka tumigil. Aalis ako dito." Banta ko muli.

Pero hindi nya ininda 'yon at nagpatuloy sa pagtawa. Napuno na ko kaya inihakbang ko na ang paa ko para layasan sya. Pero nakaisang hakbang pa lang ako hinatak nya agad ako pabalik sa pagkakasandal sa mesa. "Hey, wait," saad nito. Inilagay pa nya ang magkabilang braso nya sa gilid ko para hindi ako makaalis.

"Asar talo ka talaga," naulinigan ko pang pahayag nito.

Iginawi ko sa gilid ang mukha ko. Pilit kong iniiwasan ang tingin nya. Kahit kasi hindi ko sya nililingon alam kong nakangisi na naman ang loko. Tss.

Wala na sana talaga kong balak na kausapin pa sya kung hindi lang nya hinawakan ang baba ko at iharap 'to sa kanya. Namilog ang mga mata ko nang bigla nya kong halikan.

The kiss was slow and so passionate. Para bang doon nya idinaan yung panunuyong hinahanap ko. I close my eyes to feel the kiss. Pero hindi rin naman nagtagal ay pinutol rin agad ni Kai ang paghalik sa akin. Parang nabitin tuloy ako. "Let's stop here. Maraming bata ang magugutom kapag ipinagpatuloy natin 'to. Pero wag kang mag-alala, next time na maisip mo ang tungkol 'don. Totohanin ko na." medyo natawa ko sa ibinulong nya.

"Baliw," saad ko pa pagkatapos syang mahinang hampasin sa dibdib. Alam na alam nya talaga kung paano ko susuyuin e. Aist.

Gaya ng usapan namin ni Kai, nagtulong kami pareho para malutuan ng pakain 'yung mga bata. Halos lahat sila hindi makapaniwala na ako 'yung katulong ni hubby sa pagluluto. Sobrang sarap daw kasi ng kinalabasan. Maski si Dada ay hindi naiwasang magbigay ng papuri.

Pagkatapos 'non, kami rin ni Kai ang naghugas sa mga pingkainan at nagpaligo sa mga bata. Sumakit nga 'yung lalamunan ko kakasigaw sa mga batang 'yon. Paano ba naman mga pasaway. Tinatakbuhan ako habang pinapaliguan at binibihisan sila. Pero kahit ganon, hindi ko rin maitatanging nag-enjoy ako sa mga ginawa namin maghapon. Para kaming nagkaroon ng instant dosenang anak ni Kai.

Halos magkaiyakan pa nga kami nung nagpapaalaman na. Kahit na naging pasaway 'yung mga bata, masasabi kong sobra kong nag-enjoy sa company nila. Para tuloy ginusto kong manganak agad. Lalo kong ginustong magkababy. Pansin ko rin 'yon kay Kai. Tuwang-tuwa kasi sya sa mga bata. Kitang-kita ko 'yon sa mga mata at ngiti nya kanina.

Hayyst. Kailan kaya ibibigay ni Lord and baby namin ni Kai? Sana ngayon na, excited na ko e. Haha.

"Wow. Sino ang nagayos nito?!" bulalas ko pagkabalik namin sa condo na pinanggalingan namin kanina. Hinatid ulit kami dito nung sasakyan na sumundo samin.

Nalaman ko na 'yung Akiyama na tinutukoy ni Kai ay yung head butler nila dito sa Japan. Sya 'yung nagalaga kay hubby nung bata pa sya. At sya na rin 'yung magaasikaso kila Jun young kahit wala na kami dito sa Japan. Nakakatuwa nga 'yung butler ni Kai, nakipagkwentuhan pa sa akin habang nasa byahe. Ang dami ko tuloy nalaman about sa childhood memories ni hubby. Haha.

"For sure, sila mama na naman ang may pakana nito." Patungkol ni Kai sa naging ayos ng condo. Nagkaroon kasi ng mga petals at candles sa paligid ng kama. Mayroon ding mga pagkain at alak sa sahig. Sa loob nung nakadecorate na candles na paheart. Talagang nagagalak 'yung puso ko sa mga nakikita ko. Nakapatay kasi 'yung ilaw at tanging sinag ng candles lang ang nagbibigay liwanag sa kwarto. Nakakaset tuloy sya ng mood.

"Bakit nila ginawa 'to?" maang-maangan kong tanong.

"Isn't it obvious? Gusto na rin nila ng baby," walang kagatul-gatol na sagot ni Kai. Bigla namang naginit ang magkabilang pisngi ko.

"Yah! Sinabi nang magdahan-dahan ka sa pagsasalita mo e. Maliligo muna nga ko. Bigla atang uminit sa paligid. Bukas siguro yung heater?" umalis ako sa harap nya at dumiretsyo sa closet. Binuksan ko 'yon paa kumuha ng damit na pamalit pero nagulantang ako nang makitang isang sexy night gown lang naroroon.

Dali-dali ko iyong isinara kaso maagap si Kai at napigilan ito. Kinuha pa nya 'yung gown at itinapat sa akin.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Wow. Talagang pinaghandaan 'to nila mama. Alam kasi nilang mahihirapan kang akitin ako." Tinignan pa nya ko mula ulo hanggang paa,

"Pero subukan mo rin. Malay mo naman mabulagan ako bigla. Haha." Ngiting-aso nitong pahayag.

Hindi naman ako nagpatalo. Kinuha ko 'yung damit at ibinalik sa closet. "Kaya kitang akitin kahit wala nyan." Buong pagmamalaki kong saad. Lalo namang nangasar si Kai. Tinitigan nya ko na para bang nanghahamon, "Really? Sa paanong paraan?"

"Sa sarili kong pamamaraan," then I smirked.

3RD PERSON

Matapos ang mapanghamong usapan ng magasawang Mr. and Mrs. Kim. Inaya ni Dasuri si Kai na maglaro ng jenga. Ang jenga ay isang laro kung saan mayroon limampu't apat na wood blocks na gagawing tower. Ang rules ng laro ay kailangang kumuha ng player ng isang block mula sa tower at pagkatapos ay ilagay sa pinakatuktok ng tower nang hindi ito bumabagsak. Ang player na magiging dahilan ng pagkasira ng tower ay syang magiging loser.

"Pero gagawan natin ng twist ang laro natin. Gagawin natin itong strip game. Maghuhubad ng damit nya ang taong matatalo. Ano hubby, deal?" mapangahas na tanong ni Dasuri sa kanyang asawa. Kasalukuyan na silang nakaupo sa carpet katabi ng kama. Sa loob ng heart-shape na dekorasyon sa sahig. Nakapalibot din sa kanila ang mga pagkain at inumin.

"Hmm, is that your way of seducing me? I don't think it will work." Pangaasar na namang muli ni Kai. Hindi naman nagpatinag si Dasuri. Mas lalo syang naging determinado na maakit ang kanyang asawa. "Oo o hindi lang, ang dami pang dada. Tsk."

"Fine, Fine, Yes, it's a deal. Masaya kana?" kumurba ang ngiti sa labi ni Dasuri. "Good. Let's start."

Nagsimula na nga ang laban. Naunang rumatsya si Kai. Naging maayos naman ang paglilipat nito sa blocks patungo sa ibabaw. Nginisihan nya si Dasuri. Ganon din naman ang nangyari nang si Dasuri na ang kumilos. Nagpasalit-salit pa silang dalawa hanggang sa...

"Waaah! Bumagsak, talo ka. Hahahaha!" tuwang-tuwang saad ni Dasuri. Halos magtatalon pa sya sa tuwa.

"Paano ba 'yan? Maghuhubad kana? Hahaha."

Nagsmirk lang si Kai at walang sabi-sabing hinubad ang suot-suot nyang T-shirt. Napaurong naman ang dila ni Dasuri nang tumambad sa kanya ang hubad na itaas na katawan ng asawa. Napabawi agad sya nang tingin at napatingin sa ibang direksyon.

Takte. Mali ata ko ng desisyon. Bakit parang mas mauuna kong maakit kaysa sa Kai? No way! Hindi 'to pwede. sabay iling pa nya.

Napansin naman iyon ni Kai dahilan para mapangiti sya. "Are you enjoying the view?" tanong pa nito. Nasamid si Dasuri at dali-daling itinuon ang atensyon sa pagtatayo muli ng tower.

"Asa. Di ka naman yummy." Bulong pa nito.

Dahil sa nadi-distract sya sa nakabalandrang sexy body ng asawa. Si Dasuri naman ang nagkamali ng kilos at nakabagsak ng tower.

"Aisst!"

Tinitigan sya ni Kai na para bang sinasabi na. Ano pa bang hinihintay nya? Strip now! Nakuha naman 'yon ni Dasuri at dahan-dahang hinubad ang kanyangs suot-suot na pang itaas. Medyo namula pa ang magkabila nyang pisngi ng mapansin ang pagtitig sa kanya ng asawa. Para bang kanina pa nito inaabangan ang pangyayaring ito.

"Yah! Ayusin mo nga 'yang tingin mo." saway pa nya dito.

"Bakit? Wala kong ginagawang masama." Sagot naman ni Kai.

"Anong wala. Makatitig ka sa katawan ko, wagas."

"Ngayon ko lang kasi narealize, para paring katawan ng high school student 'yang katawan mo. Nagdadalawang-isip tuloy akong hawakan. Mamaya makasuhan ako ng child abuse."

Umakyat ang dugo ni Dasuri patungo sa ulo nya nang marinig ang mga katagang iyon. Binato nya si Kai ng unan na nadampot nya sa paligid.

"Edi wag mong hawakan! Bwiset!" nangangalaiti nitong pahayag. Nasapo naman 'yon ni Kai.

Habang lumalalim ang gabi. Nagpatuloy ang laro nila hanggang sa boxer na lang ang natira kay Kai at undies naman ang kay Dasuri. Nakakarami na rin sila nang naiinom na alak. "Waaaaah!!!! Asar!!!!"

"Yeba!!!"

Sabay na sigaw ng dalawa matapos ang pinaka huling round ng laro nila. Isang matalim na titig ang ipinukol ni Dasuri kay Kai habang isang napakatamis na ngiti naman ang ibinalik sa kanya nito.

"Paano ba 'yan? This is the moment of truth? I will give you the right to choose. Alin sa dalawa ang tatanggalin mo? Cover of upper? Or lower part? Choose wisely my wife." Ngiting-asong pahayag ni Kai. "Yah! Talaga bang ipapatanggal mo sa'kin 'yon? Ang pervert mo!" singhal ni Dasuri dahil sa sobrang hiya.

"Well, deal is a deal. Whatever you say sumusunod lang ako sa rules. Ikaw ang nakaisip nito diba? And besides, sa'yo lang naman ako nagiging pervert." Sa hindi malamang dahilan. Imbes na mainis, para bang kinilig pa si Dasuri sa naging sagot nang asawa.

"Liar. Alam ko namang napapatingin ka rin sa katawan ng ibang babae. Imposibleng hindi. Sa araw-araw na madami kang nakakasalamuhang magaganda at sexy na babae, imposibleng hindi ka napapatingin sa legs nila 'no. Hmp." Pilit nyang itinatago ang kilig na nadarama kaya gumagawa sya nang paraan para matungo sa iba ang atensyon ng asawa.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Kalahating oo at hindi. Oo, napapatingin ako. Bakit? Because I have eyes. Imposibleng hindi ko sila makita lalong-lalo na kung dumaraan sila sa harap ko o di naman kaya'y kinakausap ako. That's a natural thing to do. But it's a NO too. Why? Dahil never akong tumitig sa kanila na may halong pagnanasa. Siguro nga maganda sila, siguro nga makinis ang mga balat nila. Pero kahit ganon, isang babae lang ang gustong-gusto kong makasama sa kama. Alam mo kung sino?" Tinanggal ni Kai ang espasyong namamagitan sa kanila ni Dasuri. Lumapit ito sa kanyang asawa at hinaplos ang mukha nito. "Yung pasaway na asawa ko."

Napayuko naman si Dasuri dahil sa kilig na nadarama. Ni hindi nga nya magawang tumitig sa mata ng asawa. "I know, naniniwala naman ako sa'yo e. Kahit maraming tukso sa paligid. Alam ko hindi ka papatangay sa kanila. Kaya nga mahal na mahal kita. Hubby," tumingala ito at tinugon ang pagtitig sa kanya ni Kai. Hinaplos naman ni Kai ang labi nya habang tinititigan ang kanyang mga mata.

"Dasuri, can I have a favor?" tanong nito gamit ang mapang-akit na tono ng boses.

"A-Ano 'yon?" wala sa loob namang tugon ni Dasuri.

"Can you be mine again, tonight?" hindi na nagisip pa si Dasuri at tumango.

Napangiti naman si Kai at saka inangkin ang labi ng asawa. Hinalikan nya ito na para bang ito ang unang beses nyang mahahalikan ang mga labi nito. Agad-agad din naman iyong tinugon ni Dasuri.

Halos habol hininga sila pareho nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Si Dasuri ang unang kumalas nang may maalalang isang bagay,

"T-Teka hubby," saad nito habang namumula ang magkabilang pisngi.

"Bakit?" nagaalalang tanong ni Kai.

"Uhh, y-yung punishment ko kasi. H-Hindi ko pa nagagawa." Nahihiya nitong pahayag. Bahagya namang natawa si Kai nang marinig 'yon. Binuhat nya si Dasuri at maingat na inihiga sa kama. Pumwesto sya sa ibabaw nito at mahinang bumulong.

"H'wag mo nang problemahin ang tungkol 'don. Ako na ang bahalang gumawa 'non, para sa'yo."

KAI

"Hmmm."

Nagising ako dahil sa mga munting halik na nararamdaman ko sa aking labi. Pagmulat ng aking mata, nakita ko si Dasuri na nakangiti habang nakapwesto sa ibabaw ko. Tanging isang kumot na puti lamang ang nakatakip sa mga hubad naming katawan.

Nag-inat pa ko bahagya bago ngumiti rin dito, "Ang sarap gumising sa umaga kung mga labi mo lagi ang gigising sa akin." Pahayag ko.

"Nawili ka naman. Ngayon lang 'to 'no. Bleh," nagawa pa ko nitong dilaan para mangasar.

"Bakit naman? Hindi ka ba nag-enjoy sa ginawa natin kagabi?" kitang-kita ko kung paano mamula ang pisngi nito matapos ang sinabi ko. Lalo tuloy akong ginanahang asarin sya.

"Gusto mo..." I change our position. I went on her top. Hindi naman nya inaasahan ang ginawa kong pagkilos.

"Yah," bulalas pa nito.

Hindi ko sya pinansin at ipinagpatuloy ang aking pagsasalita, "Ulitin natin? I will give you a recap, para naman maalala mo kung paano mo paulit-ulit na tinawag ang pangalan ko." ngumiti ako dito nang nakakaloko. Dahilan para mamula ang magkabilang pisngi nito. Hindi ko naman napigilang mabighani sa taglay nyang kagandahan.

Every time I saw her, lalo syang gumaganda sa paningin ko.

"Yah! Tumigil ka na nga." Sabay hampas nito sa balikat ko.

"Bakit? Ayaw mo ba?" inilapit ko ang mukha ko sa leeg nya at saka mahinang kinagat ito.

It makes her moan. "Ahhh,"

Hindi pa ko natapos 'don. Hinagilap ko naman ang mga labi nya matapos kong mag-iwan ng munting marka sa leeg nya. Kasabay nito ang paggalaw ng kamay ko patungo sa iba't-ibang parte ng kanyang katawan.

"I'm hungry wifey, can I eat you?" bulong ko rito habang pinupupog sya ng halik.

Balak ko pa sanang palalimin ang ginagawa kong paghalik sa kanya kung hindi lang tumunog 'yung cellphone sa gilid namin.

I tried to ignore it pero si Dasuri na mismo ang gumawa ng paraan para patigilin ako. "Uhh. H-Hubby, wait." sabay putol sa paghahalikan namin.

"What?!" I groaned.

"Yung phone tumutunog. Wala ka bang balak na sagutin 'yon?" I rolled my eyes for an answer.

"Wag mong pansinin." Then kiss her again.

Sa pangalawang pagkakataon, itinulak ulit ako ni Dasuri ng bahagya para mailayo ko sa kanya.

"Kung ayaw mo, ako na lang sasagot. Baka kasi importante." Pahayag pa nito. Wala na tuloy akong nagawa kundi abutin 'yung phone sa gilid at kausapin ang istorbong tumatawag.

"Who's this?" medyo naiinis kong wika. Bigla namang nawala ang inis ko nang mabosesan yung tumatawag. Umalis ako sa ibabaw ni Dasuri at naupo sa tabi nya. Ginawa ko 'yon para mas maintindihan ng maigi ang sinasabi ng kausap ko. "Naiintindihan ko. Pasensya kana kung pati ikaw nadamay sa kalokohan ng mga magulang namin. Don't worry babalik na kami ng Seoul as soon as possible."

Ibinaba ko na 'yung telepono at nilingon si Dasuri. Sakto namang nakatitig na sya sa akin at halatang may gustong itanong, "Tama ba 'yung pagkakarinig ko. Babalik na tayo ng Seoul?"

Pinagmasdan ko pa sya sandali bago nagbuntong-hininga. "Ayoko mang sabihin but yeah, we're going home."


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.