Chapter CHAPTER 29: FREE TRIAL PARENTS
DASURI
"Maupo kayo,” alok samin ni Mrs. Yoon pagkapasok sa opisina nya. "Maraming salamat po," sabay naming wika ni Kai.
Maliit lang yung kwartong pinasukan namin. May isang mesa sa gitna at dalawang upuan sa harap nito. Doon kami umupo ni Kai. Naging magkaharap kami sa isa't-isa habang nasa gilid naman namin si Mrs. Yoon.
Tanging yung mesa lang nya ang pumapagitna sa aming tatlo. Puno rin ng mga papeles ang kwartong ito. Iyon siguro 'yung mga dokumento ng mga batang namamalagi dito.
"Bago ang lahat, gusto ko sanang magpasalamat sa inyo Mr. and Mrs. Kim. Ilang taon na rin since patuloy na sinusuportahan ng kumpanya ng magulang nyo ang aming munting ampunan. Hindi ko man malaman ang syang dahilan, nais parin naming iparating ang lubos naming pasasalamat. Sampu ng mga batang namamalagi rito." Napasulyap ako kay Kai nang marinig 'yon. Tama ba ang pagkakarinig ko? Kumpanya namin? May kinalaman ba sila mama dito? Pero teka, kaninong mama at papa?
'Yung sa akin o yung kay Kai?
"Wala po 'yon, sobra rin kaming nagpapasalamat dahil hindi kayo nagsasawang tumanggap at alagaan ang mga batang nangangailangan ng tulong." Sagot naman ni Kai.
"Isa po 'yong karangalan. Dito sa Japan, marami ang mga batang Korean na nangangailangan ng tulong. Kadalasan sila 'yung mga batang inabanduna na ng mga magulang o di naman kaya'y mga batang biktima ng pangmamata ng iba. Dahil sa pagiging kakaiba, yung pagkakaroroon ng ibang lahi mula sa karamihan. Malimit silang nagiging tampulan ng tukso ng kapwa nila mga bata. Dahil sa mga ganoong pangyayari maraming bata ang nawawalan ng kumpyansa sa sarili. Marami ang pinipiling mapag-isa at lumayo sa iba. Kaya ang layunin ng institusyon namin ay iparamdam sa kanila na hindi sila iisa, na kahit wala sila sa totoo nilang bansa marami parin ang handang dumamay at magmahal sa katulad nila. Hindi man nila nasilayan ang lupang kanilang pinagmulan. Walang sapat na dahilan para hindi namin sila tanggapin rito."
"Bakit po inaambanduna ng mga magulang nila 'yung mga batang naririto?" singit ko sa usapan.
"Hindi naman 'yon gustong gawin ng mga magulang nila. Kaya lang ang iba'y napipilitan. Gaya na lang ng magulang ni Dada, dumating dito ang batang iyon noong nasa tatlong taong gulang pa lamang sya. Nung umalis ang ina nya sa Korea wala itong kaide-ideyang buntis ito. Nalaman nya na lamang iyon tatlong buwan mula nang mamasukan sya bilang isang katulong sa isang mayamang pamilya dito sa Japan. Dahil nga buntis sya naging limitado na lang ang mga bagay na pwede nitong gawin, na syang ikinagalit naman ng kanyang mga amo. Kaya simula noong magsilang na ito naging malupit na sa kanya ang kanyang amo. Wala namang magawa ang ginang kundi ang magtiis."
"Subalit nang lumaki na si Dada, ito naman ang pinagbubuntunan ng galit ng kanyang mga amo. Lalo na ang mga anak ito. Madalas ay paluin o di kaya'y awayin ng mga inaalagaan nya. Marahil ay hindi matanggap ng mga inaalagaan ng kanyang ina na may kahati sila sa atensyon ng kanilang yaya. Dahil roon, nagpasya ang ina ni Dada na iwan sya sa amin para matigil na ang pagmamalupit sa kanya ng amo ng kanyang ina. Hanggang sa ngayon, nananatili sya sa aming pangangalaga. Paminsan-minsan naman ay binibisita sya ng kanyang ina. At isa lang 'yon sa mga kwento ng mga batang naririto."
"Kung ganon po, ano daw po ang dahilan kung bakit kami pinapunta dito?" tanong ni Kai.
"Bilang sagot sa tanong mo. Ang mga taong bumibisita sa shelter namin ay may iba't-ibang dahilan. Ang iba ay para mag-ampon. Ang iba'y magbigay ng tulong pang pinansyal at ang iba naman ay magboluntaryong alagaan ang mga bata sa loob ng isang araw. Kadalasan ng mga taong gumagawa 'non ay ang mga mag-asawang bagong kasal kagaya nyo. Mag-asawang gustong maranasan at mapaghandaan ang pagkakaroon ng anak. Kumbaga, ginagawa nilang training ground ang lugar na ito para sa hinaharap na magkaroon na sila ng sariling mga anak. Sa tingin ko'y iyon din ang dahilan kung bakit kayo naririto."
"Po? Ibig nyo po bang sabihin magiging yaya kami ng mga makukulit na batang iyon?! Ayoko nga po!" pagtangi ko agad. Ayoko ngang alagaan ang mga 'yon. Inaaway nila ko e.
Mukhang nagulat si Mrs. Yoon sa naging reaksyon ko. Napatitig lang kasi sya sa'kin at halatang hindi makapaniwala sa kanyang narinig. "Mrs. Kim, bakit po kayo sumisigaw?" tanong pa nito.
Sasagot pa lang sana ko nang maramdaman ko ang paghawak ni Kai sa kamay ko. Pinisil nya 'yon dahilan para mapatingin ako sa kanya. Sumingit sya sa usapan, "Pasensya na po kayo sa asawa ko. Minsan talaga hindi muna sya nagiisip bago magsalita. Ako na po 'yung humihingi ng tawad." Tinaggap naman 'yon ni Mrs. Yoon.
"Naiintindihan ko Mr. Kim," tipid nitong sagot.
"Sa tingin ko may dapat kayong pagusapan na mag-asawa. Iiwan ko muna kayo dito sa opisina. Makalipas ang ilang minuto, magtungo na lamang kayo sa kusina para makausap si Dada. Sya na ang bahalang magpaliwanag sa mga bagay na gagawin nyo." Tumayo na si Mrs. Yoon at iniwan kami ni Kai sa loob nung kwarto. Pagkalabas na pagkalabas nya hinatak ko agad ang kamay ko mula sa pagkakahawak ni Kai. "Umuwi na tayo. Ayoko na dito." Saad ko.
"We can't." tipid nyang sagot. Nagsalubong na naman ang dalawang kilay ko.
"At bakit? Sino ba nagsabing pumapayag ako sa gusto nila? Basta nyo lang naman ako dinala dito nang walang pasabi." Nangagalaiti kong pahayag. Hindi nila ko mapapayag na gawin ang mga bagay na ayoko.
"Same with me. Wala rin akong alam tungkol dito pero dahil mukhang ang mga magulang natin ang nasa puno't dulo nito. Wala na tayong magagawa kundi gawin ang gusto nila. Besides, sa tingin ko makakatulong talaga para sa'tin kung gagawin natin ang gusto nila. Marami tayong matututunan when it comes to taking care of children. Best way of preparation, I guess?"
"Hindi ko na kailangan 'yon. Nakalimutan mo na ba? Ako kaya 'yung nag-alaga kay Kia nung baby pa sya. Kaya wala na kong kailangang matutunan pa sa kanila 'no."
"Yeah, you are right. Kaso paano kung 'yung baby natin maging pasaway rin kagaya nila? Ibig bang sabihin, aayawan mo rin sya?" pangungunsensya pa sa'kin ni Kai. Napaisip naman ako sa sinabi nya.
"Magkaiba naman sila. Iba kapag totoong baby ko na. Mas magiging mapagpasensya ko kung ganon." Nakakainis naman si hubby. Bakit ba nya kinukumpara sa mga batang 'yon ang magiging baby namin? Hindi kaya magiging pasaway ang baby ko. Sure ako 'don.
Napabuntong-hininga na lang si Kai nang hindi nya magawang baguhin ang desisyon ko. Lumapit pa sya sa'kin at hinawakan muli ang magkabilang kamay ko.
"Wifey," tawag nito sa'kin. Pinisil pa nito ang mga kamay ko dahilan para mapalingon ako sa kanya. Nakakatitig sya sa'kin habang nagsusumamo ang kanyang mga mata.
"I know, kahit anong sabihin ko hindi parin magbabago ang isip mo tungkol sa mga batang iyon. Pero sana i-consider mo din 'yung nararamdaman ko. Gusto kong ituloy 'to hindi dahil sa sinabi ng mga magulang natin. Kundi dahil, gusto kong matuto mula sa kanila. Gusto kong maging isang mabuting ama bago pa man dumating 'yung batang isisilang mo para alagaan nating dalawa."
Nakaramdam ako nang pag-init ng magkabilang pisngi ko. Pakiramdam ko nahiya ko bigla nang marinig ang sinabi ni hubby. Ang sarap siguro sa pakiramdam kapag dumating na 'yung baby na nakalaan para sa amin. 'Yung aalagaan at mamahalin namin pareho. Ano ba, nae-excite na ko. Hoho.
"Ehemp, sige na nga. Pumapayag na ko. Para naman 'to sa future baby natin e. Pero hindi ako nangangako na hindi ko sila papatulan. Kapag inaway nila ko, aawayin ko rin sila." Natawa si Kai nang marinig 'yon. Tinitigan nya ang mukha ko sabay angat ng kanyang kanang kamay para pisilin ang ilong ko. Mukhang masaya talaga syang marinig ang pagpayag ko.
"You're so silly. Kaya gustong-gusto ka nilang asarin e." saad pa nito. Napanguso naman ako. Alam na alam talaga nya kung paano ko pasusunurin, tss!
"Mr. Kim, kayo po pala 'yung bisita namin ngayong araw. Kinagagalak ko po kayong makilala. Ako po pala si Daseul, Dada for short." Umarko ang kilay ko nang marinig 'yon. Jusmeyo! Totoo ba 'tong narinig ko. Kapangalan ko pa ang mangaagaw na batang 'to?!
Matapos kasi ang paguusap namin ni Kai sa opisina ni Mrs. Yoon. Gaya ng sabi nya, nagdiretsyo kami sa kusina. Kung saan nadatnan nga namin ang pinakaiinisan kong bata ngayon.
"Nice, kapangalan mo pala ang asawa ko. Pero mas madalas nyang gamitin ang english name nyang Dasuri." Nakangiting pahayag ni Kai habang nakatitig kay Dada. Nakacrossed-arm lang naman ako sa gilid nila.
"Asawa? Talaga po bang kasal na kayo?" napangiti ako nang mapansin ang reaksyon ni Dada. Bigla kasi itong nalungkot. Buti nga, wag na kasing asamin pa ang pagmamay-ari na ng iba. Maghanap ka na lang ng ibang lalandiin. Tse. "Oo, pero you can still call me oppa if you want." Pagpapalubag loob ni hubby. Nabuhayan naman ng loob si Dada at bumalik ang ningning sa mga mata nito.
"Talaga po? Syempre naman po gusto ko. Kai oppa, ahihi." Kinilig pa ang loka. Tirisin ko sya dyan e.
"You're so cute." Sabay gulo ni Kai sa buhok ni Dada. Napairap naman ako dahil 'don.
"Dada, okay lang ba kung ipaliwanag mo na samin kung bakit kami naririto?" tanong ni Kai. Natauhan naman si Dada at hinawakan ang kamay ni Kai. "Oo nga po pala, tara po. Doon po tayo sa kusina." Hinila nya ang asawa ko papalayo sa'kin. Gusto ko sana silang pigilan kaso nakalayo na sila sa'kin.
"Hubby, nandito pa kaya ko!" bulong ko. Hindi naman nya ko nilingon. Nag-e-enjoy pa sya sa pakikipagusap sa batang 'yon. Wala na tuloy akong nagawa kundi ang sumunod sa kanila.
"Ang mga bumibisita po sa amin ay nagboboluntaryo na alagaan kami sa isang araw. At dahil isa kayo sa mga bisita ibig sabihin nandito po kayo para alagaan kami. Bale ang una nyo pong task ay ang ang pagpapakain sa mga bata. Saktong alas-dose ng tanghali dapat nakaluto't nakahain na ang lahat ng pagkain. Isa-isa na po kasi silang dating dito sa hapagkainan." Paliwanag nung Dada pagkarating namin sa tapat ng lutuan. Nakalatag roon ang sandamukal na ingredients para sa gagawin naming pagluluto.
Pinasadahan ko lang 'yon ng tingin. Ano bang alam ko sa pagluluto? Si hubby lang naman nakakatyaga sa mga niluto ko. "Hindi ako marunong magluto kaya hindi kita matutulungan." Pahayag ko agad.
Napahinto naman 'yung Dada at kasabay ni Kai na lumingon sa'kin. "Kung ganon po, sino po 'yung tutulong sa'kin? Hindi ko po 'to matatapos sa oras kung ako lang mag-isa." Kinakabahang tugon naman ni Dada.
I crossed my arms, "Hindi ko na problema 'yon 'no. Hindi ko naman ginustong mapunta dito."
"Hala..." bagsak ang dalawang balikat nya habang nakatingin sa akin. Kahit magpaawa sya dyan hindi ko sya tutulungan. Kahit naman kasi gustuhin ko, hindi ako makakatulong. Baka nga magulo ko pa sya. "Kababaeng tao hindi marunong magluto. Pinikot nya lang siguro si Oppa kaya sya pinakasalan. Tss." naulinigan kong bulong nito.
"Anong sabi mo?!" bulalas ko. Natauhan naman sya't tinanggi 'yung masamang sinabi nya.
"Wala po. Sabi ko, magluluto na ko. Nakakahiya naman kasi sa bisita naming babae. Baka walang kainin mamayang tanghalian."
Ramdam ko ang pagtaas ng dugo ko papunta sa aking ulo. Ay Jong ina! Pumapatol ako sa bata.
"Hindi 'yon 'yung sinabi mo 'no. Anong akala mo sa'kin bingi?!" singhal ko rito. Hinablot ko 'yung braso nung bata para magkagharap kami.
"Ulitin mo 'yung sinabi mo." utos ko pa rito. Tinanggal naman nya 'yung kamay kong nakahawak sa braso nya bago ko tignan sa mata.
"Hindi ka naman PO pala bingi. Bakit uulitin ko pa PO diba?" sarkastiko nitong pahayag. Asasafdasdsadsja. Sinasagad talaga ko ng batang ito!!!!! Grrrr. Malapit ko na sanang kutusan ang neneng kaharap ko nang pumagitna samin si Kai. Hinigit nya ko para ilayo sa nakakairitang batang nasa tapat ko. "Tama na 'yan wifey. Pati ba naman bata papatulan mo?" sita nito sa'kin. Nagsalubong ang dalawang kilay ko.
"Inaaway nya kaya ko!" pagtatanggol ko sa aking sarili. Bulag ba sya o bingi? Ba't di nya nakikitang inaaway ako nung bata.
"Kahit na, bata lang 'yan for Pete's sake. Ikaw ang mas nakakatanda ikaw ang dapat na nagpapasensya." Sermon pa nito sa akin. I rolled my eyes for disapproval. Wala sa edad ang pakikipagaway. Nasa pagkulo 'yan ng dugo. Tss. "Ewan ko sa'yo. Basta hindi ko sya tutulungan. Tapos." Kumuha ko ng isang upuan at naupo sa gilid. Pag sinabi kong ayoko, ayoko. Napabuntong-hininga na lang si Kai habang nakatitig sa'kin.
"Fine, if you don't want to help Dada. I won't force you. Ako na lang ang tutulong sa kanya." bahagya akong napatayo nang marinig 'yon. Sasama na naman sya sa batang 'yan? No way!
"Ayoko! Hindi pwede!" pigil ko rito. Hinawakan ko pa ang braso nya para ipakitang seryoso ko.
"C'mon Dasuri, pati ba naman si Dada pinagseselosan mo? She's just a kid." Saad pa nito.
"Oo nga, pero babae pa rin sya. At gusto ka nya. Hindi ba halata?" hindi malaman ni Kai kung matatawa o maiinis sya sa naging sagot ko.
Hinawakan nya ang kamay ko at dahan-dahang tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso nya. Natameme ko sa ginawa nya.
"I'm sorry wifey, but I can't tolerate you this time."
Bigla kong nanlumo sa naging tugon nya. Pinagmasdan ko lang sya nang tumalikod ito at lumapit kay Dada. Talagang mas pinili nya kaysa sa'kin ang batang 'yan? Makikita nya.
"I hate you." Saad ko sabay upo sa sulok. Bahagyang natigilan si Kai nang marinig 'yon pero mas pinili nyang magpatuloy at h'wag pansinin ang sinabi ko. Aysst. Naiirita na talaga ko!
Kalahating oras na ang nakakalipas pero wala paring nagbago sa akin. Nakaupo parin ako sa sulok at out-of-place sa tawanan at harutan ng asawa't karibal ko. Masakit ah. Gawin ba naman nila 'yan sa'kin ng harap-harapan? Mga walang
manners.
Patuloy lang ako sa pagaalburoto sa pwesto ko nang makarinig ako nang kaluskos mula sa bandang likuran ko. Wala sana kong balak na pansinin iyon nang nangyari pa iyon ng paulit-ulit. Nilingon ko nga 'yung pinanggagalingan ng ingay. "Ano ba 'yon? Marami bang daga dito?"
Nagulat ako nang makita ang isang batang nangunguha ng tinapay sa gilid ko. Isang batang lalaki na ngayon ko lang nakita. Hindi sya kasama sa mga batang sumalubong samin kanina. Kung titignan nasa edad walo ang batang ito. Nakasuot sya nang lumang puting polo at kupas nang maong na short. May diperensya na rin 'yung isang pares ng suot-suot nyang sandals. Pinanlakihan ko sya nang mata para patigilin sa kanyang ginagawa. "Hoy, masama 'yang ginagawa mo. Pagnanakaw ang tawag dyan." Sigurado kasi akong hindi sya nagpaalam kung kanino. Basta kumuha lang sya nang isa sa mga tinapay sa mesa.
Dinilaan naman nya ko't tumakbo palabas ng kusina. "Ay, pasaway na bata!" bulalas ko pa.
Nilingon ko sila Kai para alamin kung napansin nila 'yung ginawa nung bata. Kaso mukhang masyado silang busy para bigyan ako ng atensyon. Wala na tuloy akong nagawa kundi habulin magisa 'yung bata. "Hoy bata! Ibalik mo 'yang tinapay. Bilang kaya 'yan, siguradong malalaman at malalaman nila kung may kumuha ba 'don nang walang paalam." Sigaw ko pa rito habang hinahabol sya. Nilingon naman nya ko habang patuloy parin sa pagtakbo. "Bleh! Habulin mo ko!" balik nitong sigaw sa akin.
"Aish. Talaga naman. Humanda ka sa'kin kapag naabutan kita." Sigaw ko sabay dagdag sa bilis nang pagtakbo ko. Hindi naman nagtagal ay naabutan ko rin 'yung pasaway na bata. Hinablot ko sya mula sa damit nya sa likod. Napahinto naman ito at pilit na sinecure 'yung tinapay.
"Huli ka! Akala mo makakatakas ka sa'kin? Lelang mo!"
"Bitawan mo ko! Bitaw!" pagpupumiglas nito.
"Ayoko nga, ibalik mo muna sa'kin 'yung ninakaw mong tinapay." Utos ko rito. "Kahit anong gawin mo hindi kana makakatakas. Kaya ang mabuti pa, ibalik mo na sa'kin 'yan hanggang mabait pa ko." "Bakit anong gagawin mo sa akin?!" tanong nya habang patuloy parin sa pagpupumiglas. Medyo nahihirapan na ko sa ginagawa nya. Kahit mas bata 'to sa'kin, hindi ko maitatanging medyo malakas nga sya. "Basta! Sumunod ka na lang!"
"Ayoko nga sabi!" singhal nito sabay tulak sa'kin nang malakas. Natumba naman ako't napaupo sa sahig.
"Aray!" wika ko pa.
"Buti nga sa'yo! Bleh!" nagawa pa kong dilaan nung bata bago nagmamadaling lumabas doon sa maliit na gate.
Huli na bago ko narealized 'yung ginawa nung bata. "Takte, lumabas ba sya nang gate?!" dali-dali akong tumayo kahit na medyo masakit pa ang bewang ko dahil sa impact ng pagbagsak.
Alam ko mahigpit na ipinagbabawal ng tagapamahala ng shelter na 'to ang paglabas ng mga bata nang walang paalam.
"Lagot. Baka mapahamak 'yung pasaway na batang iyon."
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Gusto ko sanang ipaalam kila Kai ang tungkol sa nangyari kaso wala na kong oras para gawin iyon. Mas lalo lang makakalayo 'yung bata kapag hindi ko sya sinundan agad. Baka kapag hinabol ko sya, mas malaki ang chance na maabutan ko pa sya.
Kahit na medyo nahihirapan ako sa paglalakad. Sinubukan ko paring sundan 'yung batang pasaway. Paglabas ko nang gate nahilo ko sa dami ng daan na pwede kong tahakin. Marami-rami rin ang mga taong naglalakad sa kalsada. Hindi ko tuloy mapagdesisyunan kung saan ako tutungo. Hindi naman nagtagal, namataan ko ang isang bata sa di kalayuan. Sinisimulan na nya 'yung pagkain sa tinapay na kinuha nya sa mesa kanina.
"I got you. Akala mo makakatakas ka sa'kin ha." dahan-dahan ko nang tinatahak ang landas patungo rito. Napalingon naman sya sa direksyon ko at namilog ang mga mata. Halatang nagulat sya nang makita ko.
Ibinalik nya sa plastic 'yung tinapay at akmang tatakbo na naman palayo. Sinigawan ko sya, "H'wag kang tatakbo." Babala ko rito.
Ngunit imbes na sundin ako, 'yung kabaliktaran pa 'yung ginawa nya. Halos mapamura naman ako sa isip nang mapansin 'yon.
"Aish. Pinupuno nya talaga ko." medyo nawala na ang pananakit ng bewang ko kaya medyo bumilis na rin ang pagtakbo ko.
"Isa, titigil ka sa pagtakbo o babatuhin kita ng sapatos ko?" singhal ko sa bata. Nilingon naman nya ko,
"Ayoko nga. Nakakatakot ka ale. Siguradong sasaktan mo rin ako kapag huminto ako." Lalong dumoble ang inis ko nang marinig ang pagtawag nya sa'kin ng ale.
"Anong ale ka dyan! Ate pa ko 'no!" singhal ko habang patuloy parin sa pagtakbo.
Para kaming timang nung bata na walang tigil sa pagtakbo. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid. 'Yon nga lang hindi nila maintindihan ang pinagsasabi namin. "Wag mo nang subukang magsinungaling. Hindi parin ako maniniwala sa'yo, ale!"
"Hindi nga sabi ako ale e!"
"Ewan ko sa'yo!" Nagpatuloy sya sa pagtakbo.
Huminto lang ito nang mapansin ang paghinto ko dahil sa sobrang pagod. Tinukod ko pa ang dalawang kamay ko sa aking magkabilang tuhod.
"Ano ale, hanggang dyan lang pala kaya mo e. Bleh!" sigaw nung bata habang nangaasar.
"Bleh! Bleh!"
Lalong kumulo ang dugo ko. Gusto ko sana syang lapitan kaso nanghihina na ko para gawin pa 'yon.
"Maghintay ka lang dyan. Titirisin talaga kita." Banta ko pa habang hingal-kabayo.
"Maniwala naman ako sa'yo, ale, bleh."
Inihakbang ko ang mga paa ko para sana lapitan sya. Kaso kumaripas rin ito ng takbo nang mapansin 'yon. Nagulat ako nang bigla syang tumawid kahit na marami ang sasakyang dumadaan sa kalsada. Halos lumuwa ang aking mga mata nang mapansin ang isang kotseng kumakaripas ng takbo patungo sa pwesto nya.
"Hoy bata! Bumalik ka rito!" kinakabahan kong sigaw.
"Ayoko nga! Sasaktan mo lang ako!"
"Hindi! Ano ba! Bumalik kana kasi!" lalong dumoble ang kabog ang aking dibdib nang patuloy parin sya sa pagtawid. Pasalit-salit ang tingin ko sa bata at sa sasakyang tatama sa kanya.
"Diyos ko, bakit ayaw nyang makinig sa akin?"
Huminga ko nang malalim at patakbong lumapit sa bata. Kahit sobrang takot na takot ako. Nagawa ko paring kumilos at itulak sya para maligtas sa tiyak na kapahamakan.
"TABI!!!!!" saad ko.
Nagsigawan ang mga taong nakasaksi sa pangyayari. Hindi ko na nalaman ang mga sumunod na eksena. Masyadong mabilis ang lahat, ipinikit ko na lang ang aking mata at inasa sa taas ang aking kahahantungan.
May isang eksenang bumalik sa aking alalala, "I hate you." Saad ko sabay upo sa sulok. Bahagyang natigilan si Kai nang marinig 'yon pero mas pinili nyang magpatuloy at hwag pansinin ang sinabi ko. Kung alam ko lang na iyon na pala ang magiging huli, sana.... hindi ang mga salitang 'yon ang huling binitiwan ko.