Chapter CHAPTER 2: SOMEONE
DASURI
"Paano, Dasuri? Mauna na kami sa'yo. May klase pa kasi kami ngayong araw. Bakit kasi sa ibang eskwelahan mo pa napiling magenrol?" kunot-noong tanong sa akin ni Amber habang nasa tapat kami ng isang taxi.
"Oo nga, hindi pa naman pare-pareho ang schedule ng klase na'tin." Saad pa ni Yoonsoo. Silang apat kasi ay sa iisang school lang pumapasok. Maski si Bambam, ako nga lang 'yung nahiwalay.
"Wala na kong magagawa 'ron. Yon lang kasi 'yung school na malapit sa building ng SME." Pagtatapat ko naman sa kanila.
"Asush. Nasa college na tayo hindi ka pa rin nagbabago. Lagi pa ring nakadepende kay Kai 'yung desisyon mo. Kailan ka ba mauuntog kang babae ka ha?" sabay tapik ni Soyeon sa balikat ko. Tumawa lamang ako bilang sagot. "Saan kana pala ngayon, girl? Uuwi kana?" singit ni Krystal sa usapan. Hinarap ko naman ito bago sagutin.
"Maglalakad-lakad muna ko siguro dito. Mamayang gabi pa kasi uuwi si Kai sa bahay. Ayoko namang maburo mag-isa sa bahay." Simple kong saad.
"O, sya. Sige na, mauna na kami. Male-late na kami sa klase eh. Mag-iingat ka ha? Tawagan mo na lang kami pag naligaw ka." Biro pa ni Soyeon.
Hinampas ko nga sya sa balikat. Anong akala nya sa akin aanga-anga? Ilang taon lang naman akong nawala rito. Mas matagal pa rin 'yung paninirahan ko dito. Psh.
"Bye Dasu."
"Bye Dasuri. Ingat." "Bye."
Kinawayan ko ang mga ito habang papaakyat sila ng bus. Inantay ko pang makaalis iyon bago magsimulang maglakad. "Hmm."
"Saan kaya pwedeng pumunta?" usal ko sa aking sarili.
Hindi naman kasi akong pwedeng pumunta sa practice room o dorm ng Exo. Hindi na nila ko p. a para gawin 'yon. For sure din na hindi matutuwa si Kai kapag ginawa ko 'yon.
Hayst. Ipinagpatuloy ko ang paglalakad habang pinagmamasdan ang mga establisyemento sa paligid. Wala pa rin gaanong ipinagbago ang mga nadaraan ko. I can't help but to laugh sa tuwing bumabalik sa aking alaala ang mga nangyari sa nakaraan.
'Yung kalsada kasing nilalakaran ko ngayon ay 'yung mismong kalsada kung saan una kong nakita si Kris oppa. "Argh. Shit!" angal ng lalaki sa di kalayuan.
Nasapo ko ang aking bibig matapos masaksihan ang pagtama ng plastic cup na sinipa ko patungo sa ulo ng lalaki. Napahawak pa s'ya sa kanyang ulo matapos maramdaman iyon. Mabagal n'ya kong nilingon habang magkasalubong ang mga kilay.
"What the hell?!" usal nito na may halong inis.
Bahagya naman akong napaatras matapos magtama ang aming mga tingin. Lagot! Mukhang may kalalagyan ako sa lalaking ito. Bakit ko pa kasi naisipang sipain yung plastic cup? Nadagdagan na naman tuloy ang problema ko! Huhuhu. "Sandali, wag kang lalapit!" Babala ko nang mapansin ang paglapit nito sa akin. Jusko. Hindi naman po siguro n'ya ko kukutusan no?
"Something fell from your bag." Usal ng lalaki matapos magpatuloy sa paglalakad.
"Ha? Ano?" hindi ko s'ya naintindihan dahil hindi ako masyadong maalam sa ingles.
"Sinabi nang wag kang lalapit, e! Isa!" Bawat hakbang n'ya papalapit sa akin ay sinasagot ko naman ng hakbang paatras. Ang kulit naman, e! Sinabi nang wag s'yang lumapit.
Napansin ko naman ang paghinto nito pagkarating sa kinatatayuan ko kanina. Yumuko pa ito na para bang may pinulot sa sahig. Kinuha ang pagkakataong iyon para kumaripas ng takbo.
"Pfft. Nakakatawa talaga 'yung itsura ni Kris nung araw na 'yon. Haha." hindi ko napigilan 'yung tawa ko nang bumalik 'yon sa alaala ko.
Huminto lang ako nang mapansin ko ang pagtitig sa akin ng mga tao sa paligid. Nakakahiya naman. Akalain nila isa kong baliw na nagagagala sa daan. Inayos ko ang sarili ko at nagmadali sa paglalakad.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
SOMEONE
"Here's your coffee americano order, sir. Thank you and please come again." Nakangiting inabot sa akin ng babae sa counter ang inorder kong kape. Hindi na ko nag-abalang tumugon pa. Kinuha ko iyon at lumabas ng shop. Pinagmasdan ko ang paligid. Korea change a lot. Mapapansin mo ang biglang paglago ng ekonomiya ng bansa. Nagkalat ang malalaki at nagtataasang gusali sa paligid. Ilang taon rin ba simula nang umalis ako rito?
10 years ago? Who knows na darating ang araw na gugustuhin ko pang bumalik rito? I sip my coffee and walk around.
"Grabe. Sino kaya sya? Ang gwapo nya."
"Oo nga girl. Isa kaya syang idol? Ang ganda kasi ng porma nya eh."
Naulinigan kong bulungan ng mga tao sa paligid. Hindi ko naman inintindi 'yon at nagpatuloy sa paglalakad. Sa patuloy na paglago ng bansang ito. Hindi makakailang ang isa sa mga pinaka malaking dahilan ay ang "Hallyu" o ang tinatawag nilang Korean Cultural Wave. Kung saan ang mga bida ay ang tinatawag nilang...
Huminto ako sa paglalakad at humarap sa isang napakalaking larawan na nakakabit sa pader nang nilalakaran ko. Larawan ng labing dalawang lalaki na hindi maitatanging isa sa mga sikat na grupo sa panahon ngayon.
"Idols? Who give shit on this kind of thing?" saad ko habang nakatitig dito.
Yes, I'm a pure Korean but I'm not a fan of this kind of jokes. Mga tao lang rin sila na pinagmukhang perpekto para mang-akit ng mga uto-utong fans.
Paalis na sana ko nang maramdaman ko ang pagdating ng isang babae sa tabi ko. Mukhang hindi nya pansin ang presensya ko. Nakapako kasi ang mga mata nya sa larawang nasa harap namin.
"Woah! Sila na rin pala ang napiling endorser ng MCM? Aigoo. The best talaga ang Exo." Saad nya habang makikita mo ang sobrang paghanga sa kanyang mga mata.
Dahan-dahan ko syang nilingon.
"Iba na talaga ang level ng mga 'yon. Kaya siguro mas lalong naging hectic ang schedule ni Kai. Hmm." She's talking to herself. Umalis ito sa gilid ko at nagsimulang maglakad nang hindi man lang ako binibigyan kahit kaunting atensyon.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Narinig ko pa ang patuloy nyang pagkausap sa sarili. "Idagdag mo pa 'yung bagong teleserye nya. Kaya siguro hindi na nya naiisip 'yung tungkol sa...." Pinagmasdan ko sya habang unti-unting lumalayo sa kinaroroonan ko. Hindi rin naman nagtagal, I decided to follow her.
"Arrgh. Pero kahit ganon, he should ask me pa rin. Paano kung gusto ko na pala diba? Dapat i-take consider nya rin 'yung nararamdaman ko."
"Kaya lang... ready na ba talaga ko? Kaya ko na ba 'yung responsibilidad na kaakibat 'non?"
Wala kong maintindihan sa mga sinasabi nya. Pero kahit ganon, hindi ko pa rin mapigilang sundan sya. Nakakatuwang pagmasdan ang likod nya habang naglalakad. Her long blonde straight hair na bumagay naman sa kulay nang kanyang balat. Nagdire-diretsyo sya sa paglalakad patungo sa sakayan ng bus.
"Ako na kaya mag-open ng topic na 'yon pagkauwi nya?"
This girl.
She is drowning on her own world. Mukhang wala syang nakikita sa paligid. Nagpatuloy sya sa paglalakad hanggang sa makasakay ng bus. Umupo ito sa pangalawang upuan sa dulo. Sinundan ko naman sya't umupo sa tabi nya. "Pero kapag ginawa ko 'yon, baka naman isipin nyang nagmamadali ako masyado? Ayst. Dasuri ano ka ba." Ginulo pa nito ang kanyang buhok. Pinagmasdan ko lang ito sa kanyang ginagawa. She's quite entertaining. "Bakit ba kasi ang hirap intindihin ng mga lalaki. Nakakaloka!" she sighs habang bagsak ang dalawang balikat. Hindi na ko nakapagpigil at nagsalita.
"Boys are not complicated. You are just thinking too much." Sabay naming nilingon ang isa't-isa. Pinagmasdan nya kong maigi.
Finally, napansin nya rin ang presensya ko. Mababasa mo sa mukha nya ang pagkagulat.
"Ha? Kanina ka pa ba nakikinig sa akin?" gulat nyang tanong.
Paano pa kaya kung sabihin kong narinig ko lahat ng sinabi nya mula umpisa? Ano kaya ang magiging reaksyon nya?
"Pero teka, sino ka ba? Kilala ba kita?" tanong nito habang nakatitig sa akin. Palihim naman akong ngumiti.
"I will answer your question. Next time that we'll met." Tumayo na ko't bumaba ng bus. I leave her with a question mark on her face. See you again... Dasuri.