Chapter CHAPTER 15: HIDDEN MESSAGE
HYENA
"Welcome, Ms. Hyena."
"Hello, Ms. Hyena. Dito po tayo."
Ilan lang 'yan sa mga pagbati nila pagkarating ko sa set ng shooting namin ngayong araw. Huminto ko sa tapat ng dalawang kwartong nasa harapan ko. Dali-dali naman akong inassist nung staff sa tabi ko, "Ms. Hyena, eto pong kwarto sa kaliwa 'yung magiging dressing room mo." paalala nya sa akin.
Hindi ko sya pinansin at dumiretsyo sa kwartong nasa kanan ko. Naramdaman ko naman ang pagpigil sa akin nung staff,
"Um, Ms. Hyena, sandali. Kay Sehun at Kai po ang kwartong 'yan."
Nilingon ko naman sya, "I know, anong akala mo sa akin TANGA?" ibinaba ko ang tingin ko patungo sa kamay nya. Napatingin din naman sya 'doon.
"Now, pakitanggal 'yang kamay mo sa braso ko. Masyado kong maganda para dumihan mo lang." ipinagpag ko ang braso ko sa harap nya para ipakita ang pagkainis ko rito. Napayuko naman ang bruha. Inismidan ko lang sya't iniwan. Hindi na sila nadala. I went inside the room and look for Kai. Napangiti naman ako nang makita ko agad sya. He's holding his phone, again. May balak ba syang maging call center agent? Aish. Lumapit ako't binati sya, "Hello, my dear."
Sinulyapan nya lang ako sandali at ipinagpatuloy ang pakikinig sa cellphone. WTF? He's ignoring me AGAIN?! Hindi na ko nakatiis, hinawakan ko sya sa braso at hinarap sa'kin. Tinaasan naman nya ko ng kilay pagkaharap namin. "You jerk! Kailan ka ba matututong sumagot kapag kinakausap ka?! Wala ka bang---mmmph." I was shocked nang ilapat nya ang kanyang hintuturo sa labi ko. Naputol ko tuloy ang sasabihin ko.
"Ako dapat ang nagtatanong sa'yo nyan. Who are you? Bakit hawak mo ang cellphone ng asawa ko?" he looks pissed. Sino ba 'yung kausap nya?
I pushed his finger away. "Yah!"
Balak ko pa sanang magsalitang muli nang mapansin ko ang paghigpit nang hawak nya sa cellphone. Para bang nangigigil sya sa kausap nya.
"Damn it!" pinatay nya 'yung phone atsaka nagmamadaling tumakbo palabas ng room.
"Hoy Kai! Magsisimula na 'yung shoot. Saan ka pa pupunta?!" naulinagan kong sigaw ng kaibigan nya. Bigla naman akong natameme dahil sa ginawa nya.
Sino ba 'yung kausap nya? Bakit parang galit na galit sya?
THIRD PERSON
Matapos lumabas ni Kai sa room na pinanggalingan nya. Agad-agad din naman syang napansin ng mga estudyante. Ang iba'y natameme dahil sa hindi inaasahang pagkakita sa kanilang hinahangaang idol. Ang iba nama'y nagdadalawang isip kung lalapitan ba sya o hindi.
Abala naman si Kai sa paghagilap nang daan patungo sa rooftop. Nilapitan nya ang isang babaeng estudyante na may suot-suot na headband habang may dala-dalang libro,
"Miss, excuse. Saan ba dito 'yung daan papuntang rooftop?"
Nagulantang pa sandali 'yung estudyante at hindi makapaniwala sa nangyayari. "Ah.. D-doon. Lumiko ka sa kanang hallway tapos may makikita ka roong hagdan. Akyatin mo lang 'yon para makarating sa rooftop." Saad nito habang titig na titig kay Kai.
"Salamat." Sagot naman ni Kai saka nagmadaling sinunod ang sinabi nung babae.
Agad-agad namang nilapitan ng mga tao sa hallway yung babaeng kinausap ni Kai. Kahit ito'y hindi makapaniwala sa naranasan.
"Grabe girl! Ang swerte mo. Kinausap ka ni Kai!"
"Oo nga. Hinawakan ka pa nya sa braso. Gosh! Sana ako na lang ikaw."
Wala namang naisagot 'yung babae kundi ang pagngiti. Isa 'yung alaala na hindi nya makakalimutan.
Samantala, pagkarating ni Kai sa hagdan na tinukoy nung babae kanina. Wala na syang sinayang na oras at umakyat rito. Hindi parin mawala ang inis na nararamdaman nya matapos tawagan ang asawa. Ang daming katanungan ang tumatakbo sa isip nya ngayon.
Sino ba 'yung lalaking nakausap nya? Bakit sya ang sumagot sa tawag na para sa kanyang asawa? At bakit sila nasa rooftop na magkasama?!
Kahit isa ay wala syang maisip na kasagutan sa mga ito. Hinihingal syang nakarating sa tapat ng pinto ng rooftop. Huminto pa sya sandali habang nakahawak sa doorknob nito. Kasabay nang kanyang paghinga ay ang mabilis na tibok ng puso nya.
Huminga muna sya nang malalim bago bahagyang buksan ang pinto. Napahinto sya nang marinig ang usapan ng kanyang asawa at ng lalaking kasama nito. Mula sa maliit na espasyo sa pagitan ng dalawang pinto. Kitang-kita nya na magkaharap ang mga ito.
"Baliw ka ba? Bakit mo inagaw 'yung cellphone ko? Atsaka, Sino ang nagbigay sa'yo ng karapatang kausapin ng ganon ang asawa ko?! Namumuro kana sa'kin, akala mo! Ibalik mo na nga sa'kin 'yung cellphone ko!" sinubukan pa ni Dasuri na hablutin iyon sa lalaki ngunit gaya ng dati. It was failed.
"Just a minute." Sagot ni L. joe habang nagtatype sa phone ni Dasuri. Hindi rin naman nagtagal ay ibinigay nya na rin 'to sa ating bida.
"Here, I already saved my number there." Saad pa nito. Pahablot naman 'yong kinuha ni Dasuri.
"Paki ko? Akala mo may plano kong i-text ka? Asa ka boy! I-de-delete ko 'to agad kala mo." gagawin pa lang sana nya ang kanyang sinabi nang matigilan sya.
"Do it. Let's see if you will regret it or not." Kumpyansa pang sagot ni L. joe.
Lalo namang kumulo ang dugo ni Dasuri. Inirapan nya ang binata at sinubukang layasan 'to. Pero bago pa man nya magawa 'yon. Pinigilan na agad sya nito sa paghawak sa kanyang braso.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"I'm curious," panimula nito. Nilingon naman sya ni Dasuri na halatang naiinis na sa ginagawa nito.
"You fall for Jong In? Or for Kai?" L. joe looks straight to her eyes.
Walang kahit kaunting pagbibiro ang maiipinta mo sa mukha nito. Kumunot naman ang noo ni Dasuri habang nakatitig dito. Hindi nya malaman kung maiinis o matatawa sya sa klase ng tanong na ibinato sa kanya. "What? Seryoso ka ba dyan sa tanong mo?" natatawang tanong ni Dasuri. Sinagot naman sya ni L. joe with a straight face.
"Yeah, so what's your answer?" Naramdaman naman ni Dasuri ang pagiging seryoso ng kaharap. Hinatak nya ang kanyang braso mula rito at humarap ng maayos.
Handa na sana nyang sagutin ang tanong nang biglang magbukas ang pinto ng rooftop. Iniluwa nito ang kanyang asawa na dali-daling lumapit sa pwesto. "Dasuri," saad pa nito.
"Hubby? Anong ginagawa mo dito? Diba may taping kayo sa baba?" gulat na tanong ni Dasuri.
"Ikaw, anong ginagawa mo rito? Bakit magkasama kayo nang lalaking 'yan?" masama ang tinging ipinukol ni Kai kay L. joe. Isinawalang-bahala lang naman 'to ng binata.
Hindi naman makasagot si Dasuri sa tanong ng asawa. Pilit nyang iniiwasan ang mga tingin nito. "Ano.... Kasi...."
Iniligpit naman ni L. joe ang mga gamit nya. Binuhat na nya 'yung gitarang gamit-gamit nya kanina.
"I heard that you are Dasuri's husband. My name is L. joe. Nice to see you here." Pagpapakilala nito.
Tinitigan lang sya ni Kai at hindi binati pabalik. Nakuha naman 'yon ni L. joe at nagpasyang mauna nang umalis.
"I guess, I should go now. See you around." Ngumiti pa sya kay Kai bago tuluyang maglakad.
Ngunit sa kalagitnaan ng paglalakad. Huminto ito at muling nilingon si Dasuri. "By the way Dasuri, I changed my mind. I accept your offer. Call me when we'll start." Sabay labas nito.
Nakahinga naman ng maluwag si Dasuri. Ramdam nya kasi ang namumuong sigalot sa pagitan ng asawa nya't ni L. joe. Hindi man nya maintindihan ang dahilan masaya itong umalis na ang kaklase. 'Yun nga lang oras na rin para harapin nya ang nagkapatong-patong nang galit ng asawa na.
"Ano sumagot ka, Iniiwasan mo ba ko? Bakit kasama mo ang lalaking 'yon? Bakit sya 'yung sumagot ng tawag ko? Are you cheating on my back?!" sumasakit ang ulo ni Dasuri dahil sa sunod-sunod na tanong ng asawa nya. Wala naman syang maisip na sagot na hindi 'to magagalit.
Kaya ang ginawa na lang nya ay niyakap na lang 'to nang mahigpit. "Sorry na po. H'wag ka nang magalit. Hindi naman kita iniiwasan e. Nahihiya lang kasi ako sa ginawa kong eksena kagabi. Hindi ko alam kung paano haharap sa'yo." Pagpapaliwanag nito.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Why? Naalala mo na ang mga ginawa mo?" medyo natatawang tanong ni Kai. Matapos syang biglang yakapin ng asawa. Para bang bulang nawala ang pagkainis nya rito. Tumango-tango naman si Dasuri.
"Oo, Nakakahiya." Isinubsob ni Dasuri ang mukha nya sa dibdib ng asawa para magtago. Tuluyan naman nang natawa si Kai.
Yumuko ito at bumulong, "If you want a baby, just tell me. I'll work for it. Okay?"
Bigla namang nag-init ang magkabilang pisngi ni Dasuri pagkarinig 'non. Bahagya syang humiwalay kay Kai at hinampas ito. "Yah! Nangaasar ka na naman eh."
Hinaplos naman ni Kai ang pisngi nito habang nakangiti rito. Hindi tuloy mapigilan ni Dasuri na mapangiti rin dito. Kahit na madalas silang may hindi mapagkaintindihan. Nakakatuwang sa simpleng ngiti lang ay napapatawad na rin nila agad ang isa't-isa. Bahagya namang yumuko si Kai at hinalikan ang noo nya, "Just kidding."
Bumaba ang kamay nito at hinawakan ang kamay ni Dasuri. "Tara, bumaba na tayo. Baka hinahanap na ko nila noona. Papagalitan na naman ako 'non. Gusto mo bang sumama sa dressing room namin?" tumango lang si Dasuri bilang sagot. Hinila na sya ni Kai paalis roon.
Nahagip naman ng mga mata ni Dasuri 'yung pwesto nila ni L. joe kanina. Muling bumalik sa ala-ala nya 'yung mga nangyari nang tawagin ni L. joe ang pangalan nya. "Dasuri, listen,"
Napahinto ko sa pagpupumiglas nang muli na naman nya kong lingunin. Pinagtagpo nya ang aming mata at tinitigan ako gaya nang kanina. Ano ba 'to. Bakit ba lagi na lang nya kong tinitignan nang ganyan? Hindi nya ba alam na......naiilang ako sa ginagawa nya?
Ibinaba pa nya ang kanyang kamay na nakaharang sa noo ko para magkaharap kami nang mas mabuti. Hinihintay ko lang na ibinuka nyang muli ang kanyang bibig. Ano ba talaga 'yung gusto nyang sabihin? "Dasuri, Watashi wa anata ga amarini mo watashi o suki ni narimasu."
Muling natauhan si Dasuri nang magsalita ang kanyang asawa. "Hey! Nakikinig ka ba?"
Dali-dali naman nya itong nilingon, "Ha?"
"Sabi ko na nga ba. I said stay away from that guy. Wala kong pakialam kung kaklase mo sya. Basta, simula sa araw na 'to ayokong makikita kang kasama sya. Maliwanag?"
Napatingin si Dasuri sa lalaking tinutukoy ng asawa nya. Nakasandal na naman 'to sa pader sa hallway habang nakaheadphone. Dinaan lang nila 'to.
"Okay," sagot nya pagkalagapas nila kay L. joe.
Pasimple pa nya itong sinulyapan. "Watashi wa... ano raw?"