My Stranger Legal Wife

Chapter CHAPTER 7: Housemate



Alora's Point of View

"About the coming expansion, sir, the team is still working about it. And honestly sir, sobra po silang nahihirapan. We really need your presence there, sir."

Kanina pa sila nag-uusap tungkol sa business kaya naman para lang akong audience dito habang pasimpleng pasulyap-sulyap sa kanila.

Sumulyap sa'kin si Zeke. Nag-iwas ako ng tingin at nagpatuloy sa pagkain.

"I'm sorry, sir. I was being inconsiderate. Nakalimutan ko pong on leave po pala kayo." Magaan ang boses ni Richelle Ravina. Animo ay isa itong anghel sa malamyos niyang tinig na bumagay naman sa maganda niyang mukha. Bagay na bagay rin sa kanya ang lipstick niyang pula.

"Is it okay if you have a night shift, Miss Ravina? Let's work about the expansion during night." Hindi ko naiwasang mapaangat ng tingin dahil sa sinabi ni Zeke. Magtratrabaho siya sa gabi? So ano? Balak ba niyang patayin ang sarili niya?

"Hindi mo naman kasi kailangang mag-leave sa trabaho si Zeke." Sumabat ako sa usapan nila bago pa sumang-ayon ang sekretarya niya.

"I'm doing this for our marr-----" Pinutol ko na ang sasabihin niya. Nakakarindi lang pakinggan. Kailan ba kasi siya magigising sa kahibangan niya kay Leina?

"I already told you that we can't-----" Kusa akong napatigil sa sasabihin ko nang matanto kong hindi lang kami ang magkaharap ngayon.

"Argh! Kumain na nga lang tayo. Tama na muna ang chicka."

Naiiling naman siyang sumandok ng pagkain. Ipinagpatuloy nga namin ang pagkain ngunit wala nang imikan.

Nang matapos ang agahan. Muling bumalik sa library room si Zeke at ang secretary niya.

Halos hindi ko rin nakausap ng matino si Zeke sa araw na 'to. Super busy siya at laging may kausap na phone. Nagbilin na lang ako kay Manang Linda na ipaalala sa kanya ang pag-inom niya ng gamot para sa lagnat niya. Dahil wala rin naman akong magawa, nagkulong na lang ako sa guest room na tinutuluyan ko.

Napagpasyahan kong bumaba nang kumatok ang isa sa katulong. Sinabihan ako nitong handa na ang hapunan.

Napahinto ako sa pagbaba ng hagdan nang mapansin ko ang babaeng nakatayo sa living room. It's Richelle Ravina. Nakasuot ito ng bestidang kulay abo na umabot hanggang siko ang manggas. Walang kadise-disenyo iyon pero hapit na hapit iyon sa makurba niyang katawan. Nagawa niyang bigyan iyon ng hustisya kahit halatang hindi ito kasing mamahalin ng mga suot ni Leina. Gayunman bigla akong nahiya sa suot kong puting V-neck shirt na tinernuhan ko lang ng kulay pink na pajama.

Napansin ko rin ang hawak niyang maleta dahilan para mapakunot-noo ako.

What's the meaning of this?

"Manang Linda, pakisamahan na lang po si Miss Ravina sa magiging kwarto niya." Agad napunta ang tingin ko sa nagsalita. Noon ko lang napansin na naroon din si Zeke. Nakatayo ito malapit sa pintuan. Mukhang kararating lang niya mula sa kung saan. Nakasuot ito ng puting V-neck shirt na pinatungan niya ng leather jacket. Tinernuhan niya iyon ng pantalon at rubber shoes. Sa bandang likuran nito ay naroon si Artheo.

Nakita ko ang pagkilos ni Manang Linda at Richelle paakyat. Nagawa pa akong ngitian ng bahagya ni Richelle nang magtama ang mga mata namin habang paakyat sila.

Parang lang akong natuod habang pinapanood na lampasan niya ako sa hagdanan.

"Good evening, wife." Para naman akong nagbalik sa reyalidad dahil sa malamig na boses ni Zeke.

Hindi ako umimik. Ngunit kumilos ako pababa ng hagdan.

"Art, dito ka na kumain. Hintayin lang natin si Miss Ravina."

Lalo tuloy lumakas ang kutob ko. Mukhang tama nga talaga ang hinala ko.

"Hintayin ko na lang kayo sa kitchen." Wala parin akong kangiti-ngiti. Pakiramdam ko kasi biglang nasira ang araw ko.

Hindi ko na hinintay na sumagot ang kahit sinuman sa kanila, basta nagpatiuna na lang ako sa hapag. May nakahanda ng mga pagkain pero nilampasan ko iyon. Lumabas ako hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili kong nakatayo malapit sa pool.

Ano bang nangyayari sa'kin? Bakit ganito? Hindi ko maipaliwanag pero pakiramdam ko, ayoko sa Richelle Ravina na iyon. Hindi ko alam. Basta, hindi ko siya feel. Nakakabahala lang dahil wala naman akong dahilan para hindi siya magustuhan. Nagising lang ako sa pagmumuni dahil sa pagtikhim. Nang lingunin ko iyon, bumungad sa'kin ang nakatayong si Art. Nakasuot ito ng kulay asul na polo at slacks. Tinernuhan niya iyon ng itim at makintab na sapatos. Ilang hakbang lang ang layo niya mula sa'kin. Hindi maitatanggi ang taglay na kakisigan ni Art subalit sa tuwing mapapatitig ako sa berdeng bilumata ni Zeke, nakakalimot akong humanga sa iba.

Hindi kaya may gayumang taglay ang mata ng isang 'yon?

"Good evening po, ma'am." Ngumiti siya ng tipid.

Tinanguan ko lang siya. Sandali ko muna siyang tinitigan bago ako nagsalita.

"Dito na ba titira si Miss Ravina?"

Napatitig naman siya sa'kin. Para niyang binabasa ang laman ng isip ko sa titig niya.

"Curious lang ako." Maagap kong saad. I also smiled awkwardly after realizing how stupid may question is.

"Honestly, I don't know, ma'am. Kay Mister Fuentares niyo nalang po siguro tanungin."

Tsk! Loyal din kay Zeke ang isang 'to eh.

"Hindi ko po talaga kasi alam. Pagdating ko po kanina rito, nasundo na po siya ni sir."

Ano daw?

Nasundo na po siya ni sir.

Nasundo na po siya ni sir.

Wow! Just wow! VIP rin pala ang secretary niya kasi siya pa mismo ang sumundo. Wow lang! As in! Ang galing!

Samantalang noong ako, pinasundo lang niya ako kay Art. Ang galing! Ang galing! Gusto ko siyang bigyan ng best employer award!

"What you guys doing here?"

Agad napunta ang mata ko sa nagsalita. Ewan ko lang kung nagawa kong maitago ang panlilisik ng mata ko sa kanya. Nakita ko kasing parang natigilan siya.

"Is there any problem?" Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa'min ni Art.

"Wala naman po, sir."

Kinalma ko ang sarili ko. Agad akong nag-iwas ng tingin nang dumako ang mga mata ni Zeke sa'kin.

"Tara na. Time to eat dinner." Parang nag-aalangan pa ang boses niya. Mukhang nakahalata ang magaling kong asawa este asawa ni Leina.

Naging tahimik lang ako habang kumakain. Pinilit ko lang lunukin ang pagkain kahit pakiramdam ko ay kasingtigas at lasa ito ng bakal. Panaka-naka naman ay nag-uusap sina Zeke, Art at Richelle tungkol sa trabaho. Zeke's Point of view

It was a busy day. Halos hindi na ako nagkaroon ng time para sa asawa ko. After ng dinner naging busy na ulit kami. I checked Alora after work but she's already asleep. Katulad ng dati kong ginagawa, mataman ko siyang pinagmasdan. Ramdam ko ang pagsidhi ng aking dating pag-ibig sa kanya.

Kailan ba siya muling magiging akin? Kailan siya magiging akin ng buong-buo, walang kahati na kahit sinumang lalaki.

Tumabi ako sa kanya. Hindi naman siguro siya magigising. Saglit lang naman akong hihiga sa tabi niya.

Maingat kong siyang niyakap. Sa ganitong pagkakataon ko lang nagagawa ang mga ito. Sa tuwing mahimbing ang tulog niya, malaya akong haplusin ang maganda niyang mukha. I really miss her so much. Gusto ko mang maglambing sa kanya, hindi ko naman magawa dahil ramdam ko ang pagdistansya niya sa'kin.

Marahan ko siyang hinalikan sa noo.

"Good night, wife. Sweet dreams." Mahina kong usal bago ako maingat na tumayo sa pagkakahiga.

Naging maingat din ang paghakbang ko patungo sa pintuan. Muli ko pa siyang nilingon bago ko pihitin ang seradura.

Napatigil ako sa paghakbang palabas nang makita ko si Richelle. Natigil din ito sa paglalakad. Gumuhit din ang pagkagulat sa mukha niya.

"Good evening, sir." Bahagya siyang ngumiti.

"Good evening too." Napunta ang tingin ko sa hawak niyang folder.

"Ni-review ko po ulit sir, baka po kasi nagka-typo error ako kanina." Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya. She's a kind of employee who's worth to keep. Kailan lang siya nagsimula pero nakikita ko na agad ang dedication niya sa trabaho. "You can do that tomorrow. It's already late, you should be sleeping by now."

"Hindi ko pa kasi makuha ang antok ko, sir. Ginawa ko na po ito, ayoko naman pong sayangin ang oras."

Hindi ako umimik.

"Namamahay po yata ako. Hindi po ako makatulog," sunod niyang turan. Natawa rin siya ng mahina. Tuluyan na ngang nabura ang una kong impresyon sa kanya bilang isang masungit na babae. She's actually very nice. Nakikita kong mabait talaga siya. Bukod pa riyan, matalino at hardworking din siya.

"Z-Zeke?" Agad akong napalingon mula sa pinanggalingan ng namamaos na boses ni Alora.

Nakaupo siya at pupungas-pungas ng kanyang mata. Noon ko lang napansin na hindi pa pala ako tuluyang nakakalabas ng kwarto niya.

"Naku sir, nagising po yata si ma'am. Pasensya na po, napalakas po yata ang boses ko kanina." Gumuhit ang nahihiyang ngiti sa labi ni Richelle.

"Gabi na Zeke. Matulog na tayo. Ipagpabukas mo na ang chikahan ninyo." Narinig kong saad ng asawa ko. Nang muli ko siyang lingunin, nakabalik na ito sa pagkakahiga.

"Sige po, sir. Didiretso na po ako sa guest room." Tumango na lang ako bilang tugon sa kanya. Nang humakbang si Richelle patungo sa kwarto niya, muling kong sinarado ang kwarto ni Alora at humakbang patungo sa kanya. "I'm sorry if I wake you up."

"Bakit ba kasi diyan pa kayo nagchikahan?" Bumaling din siya ng tingin sa'kin bago muling nagsalita.

"Pwede naman sa kwarto niya eh." Hindi ko tuloy maiwasang mapakunot-noo.

"Why would I do that?"

"Hmp! Ewan ko sa'yo!" Tumagilid siya ng higa patalikod sa'kin.

Umupo naman ako sa tabi niya.

"Balik ka na sa kwarto mo, matutulog na ako." Nagtalukbong pa ito ng kumot matapos niyang sabihin iyon. Napabuntong-hininga nalang ako. Kung minsan talaga, napakahirap intindihin ng mga babae.

"Be ready tomorrow, we're going somewhere."

Hindi siya umimik.

"I'm expecting you to come with me."

Inalis niya ang kumot na nakatalukbong sa kanya.

Pinaningkitan niya ako ng mata.

"Alam mo, ang dapat mong gawin, magpahinga na. May lagnat ka pa nga eh tapos gala na naman ang iniisip mo."

"I'm not sick anymore. You took care of me very well." Hindi ko naitago ang pagsilay ng ngiti sa labi ko. Ilang beses din akong pinuntahan ni Manang Linda kanina para ipaalala ang pag-inom ng gamot na bilin daw ng asawa ko. "Sige nga, patingin ako kung talagang wala ka ng lagnat." Bumangon ito sa pagkakahiga. Agad niyang itinaas ang kamay niya para abutin ang noo ko. Pero bago pa iyon dumapo sa balat ko, sinunggaban ng kamay ko ang kamay niyang nasa ere. Mabilis kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. Pinatakan ko siya ng isang mabilis na halik.

Rumehistro naman ang gulat sa mukha niya.

"Good night, Wife. See you tomorrow." Nginitian ko siya ng matamis at saka mabilis na tumayo bago pa niya akong maisipang hampasin.

Nakangiti pa rin ako hanggang sa marating ko ang pintuan. Nanatili pa rin siyang tahimik at tulala. Nakalapat rin ang dulo ng hintuturo niya sa labi niya. Sobra ko ba siyang nagulat? Hindi naman ito ang first kiss namin ah. Naiiling na lang ako bago isara ang pintuan. My wife really change. It was just a smack kiss but she look like a teenager who got her first kiss.

Gusto kong matawa. Nasaan na ang dati kong asawa na kayang makipaghalikan sa bago niyang kakilala kahit sa public places?

Nadala ko ang aking mga ngiti hanggang sa mahiga na ako para matulog. I shut my eyes while keeping her adorable reaction on my mind. And I must admit, it was a night like fairytale. I fell asleep while feeling like I was on cloud nine.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.