Chapter CHAPTER 3: His House
Alora's Point of View
It's already nine in the evening when we reach our destination.
Hindi ko maiwasang mamangha. It was a three story modern house. Sa pinakataas na parte ng bahay ay mapapansin ang bahaging walang bubong at may mga palamuting halaman roon. Malamlam ang liwanag sa parteng iyon kaya naman parang ang sarap tumambay roon kapag gabi. Sa second floor ay kapansin-pansin ang ilang bahagi nito na gawa sa salamin.
"Nasa loob po si sir, ma'am," saad ng sumundo sa'kin dahilan para mapatingin ako sa malaking pintuan na ilang hakbang lang ang layo sa'min.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba. Parang biglang nag-sink in sa'kin ang dahilan kung bakit ako nandito.
Iginala ko ang paningin ko. May mga palm trees at mga halaman sa labas. Maliwanag ang paligid dahil sa mga post lamp.
Hindi naman siguro ako mapapahamak dito. At tsaka, hindi naman mukhang nakakatakot ang paligid. In fact, parang nakaka-relax pa nga.
Hay naku! Bahala na nga. Wala naman sigurong gagawing masama sa akin ang asawa ni Leinarie.
Humakbang ako papalapit sa pintuan.
Sinalubong ako ng dalawang babaeng nakasuot ng housemaid uniform.
"Good evening, Ma'am" bati nila sa akin na yumuko pa bilang tanda ng paggalang.
I'm still wearing my office uniform. Hindi ko na nagawang magbihis dahil biglaan naman ang lahat. At saka, sandali lang naman siguro ako dito.
"Sumunod po kayo sa'min ma'am. Hinihintay po kayo ni sir," nakangiting saad ng isa sa kanila.
Inilabas ko ang lahat ng tapang at lakas ko. I need to be strong and face this.
Pagpasok namin sa malawak na living room, bumungad sa'kin ang lalaking tumawag sa'kin kanina ng Lei.
Siya siguro si Zeke. What's his name again?
Ahh-- Zeke Xavier Fuentares.
"Care to give me a hug, wife?" he said in a cold voice. He even spread his arms telling me he's open for a hug.
I can't see any emotion from his face. Hindi ko tuloy alam kung matatakot ba ako sa kanya kasi mukha naman siyang mabait. But knowing the fact that I'm on his territory, I can't stop my knees from trembling. Naku Alora! Ano ba 'tong napasok mo?
"I-I am not your wife." Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para masabi iyon.
Aminin ko na kaya ang totoo. Pero paano? Kapag umamin ako, anong sunod na mangyayari?
"Well, you are my run-away wife who is legally married to me," he said while directly looking at me.
"Okay, what do you want from me?" I asked. Bakit kailangan niya akong ipasundo sa ganitong oras. Gusto ko ring palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako nautal. At sa tono ko, pakiramdam ko sinapian ako ni Leina. "I just wanna talk to you." Parang nakita kong lumambot ang expression ng mukha niya.
"A-about what?"
"Let's talk about it while having a dinner."
"I already had my dinner," maagap kong saad. Totoo namang nag-dinner na ako, hindi ko nga lang natapos ang pagkain ko dahil sa revelation ni Leina.
"Just this time, join me for dinner," turan niya at saka naglakad na. Napabuntong-hininga na lang ako bago ko siya sundan. Mukha namang hindi siya papayag na tanggihan ko siya. Humantong kami sa pool area. Agad nahagip ng mata ko ang nakahandang pandalawahang mesa. May mga pagkaing nakahain na rin.
Napatingin ako sa kanya nang ipaghila niya ako ng upuan. Alanganin naman akong lumapit at umupo. Hinintay niya akong makapwesto bago siya umupo sa katapat kong upuan. Nanatili akong walang imik nang magsimula siyang magsandok ng pagkain.
Sunod niyang nilagyan ng pagkain ang plato sa harap ko.
Hindi ko naman naiwasan ang mapataas ang kilay.
Gentleman, huh? At mukhang maasikaso pa.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.
"Let's eat," walang kangiti-ngiting saad niya.
Awtomatiko naman akong napatingin sa pagkain. Kakainin ko ba yan? Ayoko nga! Baka may lason pa 'yan. Baka sa sobrang galit niya kay Leina ay plano na pala niya itong lasunin. Nag-iwas ako ng tingin nang magsimula siyang kumain.
"May gusto ka bang kainin? I'll tell the maid to serve what you want."
"Hindi ako gutom," Mabilis na sagot ko pero ang totoo hindi lang ako komportable sa presensiya siya.
"Hindi ka gutom? Or you are just concern with your diet?"
Aalma sana ako kaso nagsalita ulit siya.
"You know what, even you get fat, you're still beautiful."
Weww. Bolero pala ang isang 'to. I wonder kung bakit nagsawa sa kanya si Leina. Mukha naman siyang okay, mayaman at g-gwapo. Ah, Hindi! Napakagwapo niya.
Nakasimangot kong kinuha ang kutsara at tinidor, tsaka nagsimulang kumain. Dapat nga siguro kumain na ako para makauwi na ako after nito.
We are at the middle of our dinner when he cleared his throat and talk.
"It's been four years of searching. At last! I found you."
Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Seryoso ba siya?
Lihim na lamang akong napailing.
Martyr din yata ang lalaking 'to.
"After all the things that your wife did to you. You still have the guts to search for her?"
Hindi ko lang naiwasang magtanong. Grabe naman kasi. Hindi ako makapaniwala. This kind of man is chasing my friend? Whoa! Parang gusto ko tuloy isipin na ang swerte ni Leina. "Because you are my wife. We are legally married. Anything that you will do will affect my reputation."
Napangiwi na lamang ako.
Ahh.. Assuming lang pala ako. Reputasyon pala ang dahilan, akala ko pa naman mahal na mahal niya ang kaibigan ko.
"I really wanna talk to you, so that we can fix what we need to fix. And maybe, we can discuss about it after dinner."
"Sabi mo kanina while having dinner tapos ngayon after na. Pinapatagal mo lang yata ang usapan eh." Maagap kong turan.
Tss.. Akala ba niya 'di ko naaalala ang sinabi niya kanina.
"Bakit? Hindi ba pwede?"
Bago pa ako makaimik ay muli siyang nagsalita.
"Bakit Lei? Naiilang ka ba? O baka naman may itinatago ka?" turan niyang hindi bumitaw ng tingin sa'kin.
"Hindi ako naiilang sa'yo nohh!" Mabilis kong sagot. Pero sa totoo lang parang kakainin ako ng kabog ng dibdib ko dahil sa huling tanong niya.
Obvious bang may itinatago ako?
Zeke's Point of View
After dinner, dumeretso kami sa living room. Nagpalabas ako ng wine para sa aming dalawa. Pareho kaming umupo sa isang sofa. Siya mismo ang umusod palayo at gumawa ng distansya sa pagitan namin. Nanatili siyang walang imik. Mukhang wala siyang balak magsalita kung hindi ako ang mauuna.
Pasimple niya akong dinedma. Bahagya niyang isinandal ang ulo niya sa kinauupuan niya.
'Why it is that you're so cold with me, wife? Ba't kung umakto ka parang walang nangyari. 'Di ba dapat ngayon nagso-sorry ka dahil sa mga nagawa mo sa'kin o kaya dapat sumbatan mo ako dahil dumating ulit ako at maaaring nagugulo ko ang kasalukuyang buhay mo.' Usal ko sa aking isipan.
Ito ang mga salitang hanggang sa isip ko lang. Kahit kailan naman ay hindi ko makakayang sumbatan siya.
Gano'n ko siya kamahal. Handa ako magbulag-bulagan at magpakatanga.
Hindi niya inintindi ang paninitig ko sa kanya. Tila balewala niyang ipinikit ang mga mata niya.
"How's your life?" I asked so that I could get her attention.
"Just fine," she answered lazily without opening her eyes.
"How's your child?" Agad siyang napamulat ng mata dahil sa tanong ko. Awtomatiko rin siyang napatingin sa'kin. "Kumusta siya?" Ulit ko.
Bumuntong -hininga siya bago sumagot. "He's with his father."
Hindi ko naman naiwasan ang mapakunot-noo.
"Meaning, you two are living in a separate house?"
Binigyan naman niya ako ng nagtatakang tingin.
"Well, I'm expecting that you two live like husband and wife now." Sumimsim ako sa wine glass na hawak ko.
Tila kinurot ang puso ko sa ideyang bumuo na siya ng pamilya kasama ang ama ng kanyang anak ngunit hindi na lamang ako nagpahalata.
Hindi niya inalis ang tingin niya sa'kin bago siya nagsalita.
"Kung may asawa na ako, tingin mo ba pupunta pa ako dito?"
Ibinaba ko ang baso ng alak na hawak ko.
"Oh I forgot! You can't be a wife to anybody because I am your legal husband."
Bago pa siya makaimik ay muli akong nagsalita habang mataman akong nakatitig sa kanya.
"Hindi ka talaga magkakaroon ng ibang asawa. Kundi kabit, kabit lang," sunod kong turan.
Gusto kong ipamukha sa kanya ang posisyon ko sa buhay niya.
"Tsk!" naiiling siyang bumaling sa ibang direksyon.
Hindi na rin siya muling umimik.
Ine-expect ko pa namang makikipagtalo siya pero kalmado lang siya na para bang hindi apektado sa mga sinabi ko.
Sandaling namayani ang katahimikan.
"Gusto ko nang umuwi." Turan niya kasabay ng pagpikit niya sa kanyang mga mata.
Hindi ko siya sinagot. Hindi pa nga namin napag-uusapan ang sitwasyon namin, gusto na agad niyang umuwi. Aaan siya uuwi? Sa condo unit kung saan ko siya pinasundo? O baka naman sa lalaki niya? Siguro sa mag-ama niya. Kahit siguro kasal kami, talo pa rin ako kasi may anak sila.
"You're already at home." Malamig kong turan kaso 'di siya sumagot.
Pilit kong ikinubli ang nasaktan kong puso at pride. Inaasahan kong aalma siya. Inaasahan kong ipagpipilitan niya ang gusto niya. Gano'n naman siya, ipipilit at ipipilit niya ang gusto niya.
Tinitigan ko siya. This is my chance since her eyes were closed.
Napakaganda pa rin niya. Simpleng-simple siya ngayon. Napaka-natural at walang kahit anong make-up. Para siyang anghel. Hindi siya mukhang maldita at maarte ngayon.
I sighed.
Ngayong nagkita na kami ulit, ano na ang mangyayari? Tuluyan na ba kaming maghihiwalay?
"Wife," tawag ko sa kanya pero wala man lang siyang reaksyon. Ni hindi man lang siya gumalaw. Nanatili siyang nakapikit.
Ito ba ang paraan niya para iwasan ako? Gano'n ba niya ka-ayaw na kausapin ako?
"Wife," muli kong tawag sa kanya pero ni hindi siya natinag.
Napakurap ako. Realization hit me. Tulog na ba siya?
Kumilos ang kamay ko para haplusin ang pisngi niya. Pero agad ding natigil sa ere ang kamay ko nang marinig ko ang mahina niyang paghilik.
Napailing na lamang ako. Hindi ko rin naiwasan ang mapangiti.
What happened to her? Nasaan na ang Alora Leigh na maselan sa katawan, ang babaeng hindi niya hahayaang makatulog ang sarili na hindi nakakapag-shower at nakakapaglagay ng kung anu-ano sa katawan; women's stuff like lotions, facial cream and so much more.
Anong nangyari sa aking pinakamamahal na asawa?
Alora's Point of View
Naalimpungatan ako dahil sa pagtawag at magaang pagtapik. Nang magmulat ako ng mata ay bumungad sa'kin ang kisame. I roomed around my eyes. Spacious room with minimal furnitures is observed. Kulay cream ang pintura ng dingding. The floor to ceiling glass wall is covered with a gray curtain.
Napabalikwas ako ng bangon.
"Where am I?" Bulalas ko.
"Nandito po kayo sa kwarto niyo ma'am. Nagbilin po si sir na gisingin kayo para makapagpalit ng damit." Awtomatiko akong napabaling sa pinagmulan ng tinig. Bumungad sa akin ang isa sa katulong na sumaubong sa akin kanina. May hawak itong paper bag na hula ko ay may lamang damit.
"No need. I have to go home now." Tumayo ako at mabilis na naglakad papunta sa pintuan pero bago pa man ako makalapit ay bumukas na ito.
Bumungad sa'kin si Zeke. Nakasuot na ito ng dark blue T-shirt na tinernuhan niya pajama na kakulay din ng damit niya.
Nanatili siyang nakatayo sa pintuan kaya hindi tuloy ako makalabas.
"I'm going home," puno ng kumpiyansang turan ko.
Kumunot naman ang kanyang noo.
"At this hour? Hindi mo ba pwedeng ipagpabukas na lang? Ganyan mo ba ako iniiwasan kaya kahit alas-dose na, you still want to go home?" Halata ang iritasyon sa boses niya. Napalunok ako.
Kung ipagpipilitan kong umuwi, may masasakyan pa kaya ako sa ganitong oras? Nakakahiya naman kung magpapahatid ako sa sumundo sa'kin kanina.
I sighed. Mukhang wala na akong choice kundi magpalipas ng gabi rito.
"Fine! But I want a separate room from you!" saad ko at tsaka ko na siya tinalikuran.
Bumalik ako sa kinatatayuan ng katulong at kinuha mula sa kanya ang hawak niyang paper bag.
"Saan po dito ang comfort room, manang?" I asked while sweetly smiling at her.
Napaawang naman ang labi ng katulong. Kitang-kita ang pagtataka sa mukha nito bago siya magsalita.
"D-doon po, Ma'am." Alanganin niyang itinuro ang isa sa mga pintuan sa loob ng kwarto.
"Seriously? You're asking that? You lived here for three years, so you must know where it is!" Sabat ni Zeke. Hindi parin nawala ang iritasyon sa boses niya.
Tila naman nanuyo ang lalamunan ko sa narinig.
'Naku, patay ka ngayon Alora Leigh. Ang tanga mo!' ugong ng aking isipan.
"I can't believe you're asking such kind of question, Lei."
I tried to compose myself.
Hindi ako pwedeng mabuko.
"Malay ko ba kung nagpa-renovate ka."
Lihim na lamang akong nagdasal na sana ay bumenta ang palusot ko.
"Look around. Halata naman siguro na walang nagbago. Renovate, huh? Where did you get that idea?"
I held my chin up.
"Malay ko nga kung may nagbago. Ilang taon din naman kasi ang lumipas noh."
Since iyon ang nasabi ko, kaya paninindigan ko na lang. Bahala na!
"Oh! Whatever!" umiiling niyang saad.
Tila naman nakahinga ako ng maluwag.
Thanks naman at mukhang nalusutan ko ang katangahan kong iyon.
"Yeah. Whatever!" saad ko at saka walang kalingon-lingon akong pumasok sa pintong itinuro ng katulong.
Wish ko lang ay matapos na ang pagpapanggap ko bilang asawa ni Zeke Xavier Fuentares.