Chapter CHAPTER 26:Fire
Nagising si Alora na wala na si Zeke sa kanyang tabi. Nakaramdaman siya ng kahungkagan. Nagsisimula na rin niyang kwestunin kung totoo ba ang nangyari kagabi o isa lamang iyong panaginip. "Good morning ma'am."
Lumapit sa kanya si Jessa. May hawak itong tray na may lamang pagkain at isang baso ng gatas.
"Umalis na po si sir, ma'am. Pero ipinagluluto po niya kayo bago siya pumasok sa trabaho."
Sumilay ang ngiti sa labi ni Alora Leigh. Ngayon niya nakumpirmang hindi panaginip ang lahat ng nangyari kagabi.
"Pero kung may gusto kayo ma'am, sabihin niyo lang po."
"Pickles sana. Iyong papaya pickles."
"Meron po ma'am. Marami po kaming ginawa ni Manang Linda simula po noong una kang mag-request ma'am." Nakangiting turan ni Jessa.
"Salamat, Jessa. At saka pwede bang sa labas ako mag-agahan. Gusto kong nakikita 'yong mga halaman diyan sa labas."
"Sige po, ma'am." Masiglang saad nito.
"Thank you. Maghihilamos lang ako then lalabas na ako."
"Samahan ko na po kayo, ma'am." Kumilos ito upang ibaba ang hawak niyang tray ng pagkain.
"Hindi na. Kaya ko na."
"Sigurado po ba kayo, ma'am? Baka po kasi bigla kayong mahilo."
"Okay lang ako at parang ayos naman na ako. Hindi naman ako nahihilo. Tapos na yata ang morning sickness ko."
"Tingin ko po, hindi pa po ma'am. Nasa two months palang po kasi ang tiyan niyo eh."
"Tingin ko po good mood lang kayo kaya nakikisabay po si baby." Ngumiti na lamang si Alora bilang tugon. Sa isip niya, marahil ay totoo ang tinuran ni Jessa. Marahil ay naramdaman din ng kanyang anak ang labis na ligayang kanyang nadarama.
Naging maganda ang maghapong iyon kay Alora. Paulit-ulit binalikan ng isip niya ang nangyari kagabi lalo na ang bawat katagang binitiwan ni Zeke. Walang pagsidhan ang kanyang tuwa dahil sa wakas ay nagkaayos na silang mag-asawa. Samantala, walang kasing sakit ang dulot ng DNA result na natanggap ni Zeke Fuentares kahapon ngunit tila hindi iyon nabanaag sa kanya. Nakakangiti siya ng walang halong pagpapanggap sa harap ng lahat. Napansin iyon ni Richelle na labis niyang ipinagtaka. Gusto niya tuloy magsisi na umalis siya sa mansion ng mga Fuentares.
Labis ding siyang nagtaka nang mag-out ito sa oras na alas sais. Kung tutuusin ay masyadong maaga iyon kumpara sa mga nakaraang araw na halos sa opisina na ito tumira.
Hindi na napansin ni Zeke ang pamatmatyag ni Richelle Ravina dahil okupado siya labis na ligaya. Hindi rin niya napigilan ang pagsilay ng kanyang matamis na ngiti nang lumabas ito ng kanyang kompanya. Nang mapadaan siya sa isang flower ay tumigil siya roon at bumili ng bungkos ng bulaklak para sa kanyang misis.
Nang mag-ring ang kanyang cellphone ay lalo siyang napangiti. Mabilis din niya iyong sinagot.
"Hello, Art."
"Sir, nasa akin na po 'yong singsing. Papunta na po ako sa bahay niyo, sir."
"Okay. Magkita na lang tayo doon."
Nang matapos ang tawag ay kaagad siyang pumasok sa kanyang kotse at pinaandar iyon.
Pasipol-sipol pa siya habang nasa biyahe. Animo'y hindi nito alintana ang mabigat na daloy ng trapiko.
Nang makapasok siya sa subdivision nila lalong tumindi ang kanyang excitement. Ngunit unti-unti iyong nabura nang mapansin niya ang makapal na usok sa direksiyon ng kanyang patutunguhan. Lalong sumibol ang kanyang kaba nang makita niya ang kumpulan ng mga tao sa harap ng kanilang bahay.
Taranta siyang lumabas ng kanyang sasakyan.
Iginala niya ang paningin. Halos mabingi siya sa dagundong ng kanyang dibdib nang makompirma niya ang kanyang hinala.
Malaki na ang apoy sa unang palapag ng ng mansion. Makapal ang usok na halos lamunin na ang kabuuan ng bahay.
Kumilos ang kanyang mata. Nakaramdam siya ng pag-asa nang makita niya ang mayordomang si Linda kasama ang dalawang katulong. Mabilis na tumakbo palapit si Zeke sa kanila "Manang Linda."
"Sir Zeke."
"Where is Alora, Manang?"
"Kasama po nina Kanor, sir." Awtomatikong iginala ni Zeke ang tingin ngunit hindi niya mahanap ang mga ito.
"Nasa loob pa ba sila, manang?"
Maluha-luhang tumango ang mayordoma. Tila naman sinisilihan sa pwet si Zeke dahil sa labis na pag-aalala. Hindi rin nito maalis ang tingin sa malaking pintuan ng mansion.
"Ano po bang nangyari, manang?" Kandahaba na rin ang leeg niya. Hindi rin mapakali ang kanyang paa at kamay sa labis na pag-aalala.
"Bigla pong narinig ang alarm ng mansion, sir. Namalayan na lang namin na malaki na ang sunog."
"Nandiyan na sila." Nausal ni Zeke nang makita niyang lumabas sa pinto si Mang kanor at Jessa. Mabalis niyang sinalubong ang mga ito. Kaagad rin namang sumunod sa kanya si Linda. "Where is Alora?"
"Si ma'am Alora, Kanor?"
Halos mag kasabay pa nilang tanong.
Agad namang nabakas ang gulat sa mukha ni Kanor.
"Akala ko kasama niyong lumabas."
"Nasa maid's quarter kami noong magkasunog."
"Ibig sabihin nasa loob pa si ma'am."
Lumakas ang kabog ng dibdib ni Zeke. Wala na siyang sinayang na sandali. Kaagad itong humakbang at patakbong pumasok sa loob. Narinig pa niya ang pagtawag nina Linda sa pangalan niya ngunit pinagsawalang-bahala niya iyon. Samantala, nagising si Alora na madilim ang paligid.
"Manang?"
Pinilit siyang tumayo mula sa kama.
Napaubo siya nang sumalubong sa kanya ang makapal na usok.
"Jessa?"
Lalo siyang naubo. Naramdaman na rin niya ang paghapdi ng kanyang mata.
Naging sunod-sunod ang kanyang sumunod na ubo. Pakiramdam niya ay napuno na ng usok ang kanyang dibdib.
Iginala niya ang kanyang paningin. Mula sa dingding na gawa sa salamin ay nakita niya ang isang bulto ng tao, bulto ng lalaki.
"Zeke!" Pasigaw niyang tawag dito matapos maubo.
"Zeke, ikaw ba yan? Nandito ako!"
Maya-maya lang ay bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan niya.
"Ma'am Alora?" Agad niyang nakilala ang boses na iyon.
"Art?"
"Opo ma'am."
Kaagad na lumapit sa kanya si Art. Hinagod rin nito ang kanyang likod nang umubo siya.
"Ma'am, may sunog po. Kailangan nating magmadaling lumabas."
"Malaki na ang sunog sa baba ma'am. Kailangan nating bumaba sa fire exit ma'am." Sunod nitong turan.
Inalalayan siya ni Art palabas ng silid. Kaagad nilang pinuntahan ang fire exit. Wala namang ibang sagabal kundi ang makapal na usok. Todo alalay sa kanya si Art habang pababa sila na makipot ba hagdanang gawa sa bakal. Ilang beses pa itong nagwika ng pampalakas ng loob sa kanya.
Halos nasa kalahati pa lang sila nang mapansin sila ng nga tao. Nagsipag-ingay na rin ang mga ito.
Nang makababa sila ay patakbong lumapit sa kanila si Linda.
"Ma'am Alora, salamat po sa Diyos at makalabas kayo ng ligtas."
Ito na rin ang umalalay kay Alora patungo sa gilid ng kalsada.
"May dumating palang ambulansya. Sa loob po muna kayo para ma-check po kayo, ma'am." Agad naman siyang liningon ni Alora.
"Salamat sa pagligtas sa'kin, Art."
"Wala po iyon, ma'am."
Inalalayan siya ni Linda upang pumasok sa loob. Mayroon babae roon na nakasuot ng rescue uniform. May suot din itong facemask. "Nakauwi na ba si Zeke, manang?"
"Naku po! Oo nga pala, si sir Zeke po, nasa loob. Pinuntahan po niya kayo sa loob ma'am."
Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Alora.
"Balikan natin sa loob si Zeke, Art." Awtomatikong umangat ang kanyang pang-upo.
"Don't worry ma'am, babalikan ko siya. Mag-relax lang po kayo. Isipin niyo po ang baby niyo ma'am."
Nang senyasan siya ni Linda na iwan na sila ay humakbang na si Art palapit sa mansion. Kumuha ito ng manipis na kumot. Nilublob niya iyon sa tubig at itinalukbong iyon sa katawan niya bago mabilis na pumasok sa loob. "Huwag kang mag-alala, ma'am. Nandiyan na rin po ang mga bombero. Magtiwala po tayo sa Panginoon, makakaligtas po si sir."
"Uminom po muna kayo ng tubig, ma'am." Nag-abot ang nurse ng isang bottled water at siya na rin ang nagbukas.
"Salamat." Tinanggap iyon ni Alora. Sumimsim lamang siya ng kaunti at muling ibinalik ang tubig sa nurse.
Wala ring pagsidhan ang kaba ni Linda, hindi maalis ang tingin niya sa pintuan. Sa loob niya ay inuusal ang taimtim na panalangin. Pasulyap-sulyap ito Alora na kasalukuyang kinukunan ng blood pressure ng nurse.
"Mababa po ang BP niyo, ma'am. Hindi po ba kayo nahihilo?"
"Nahihilo ako ng kaunti. Medyo masakit ang ulo ko."
"Mahiga po muna kayo, ma'am." Inalalayan pa niya itong mahiga. Nakaramdam na rin ng pag-aalala si Linda.
"Ma'am, buntis po siya, nasa dalawang buwan na po ang tiyan niya."
"Dadalhin po natin siya sa Hospital para masuri siyang mabuti."
"Sige po. Tara na po."
Humawak si Alora sa kamay ni Linda.
"Manang, si Zeke."
"Huwag niyong aalahanin si sir, ma'am. Ang baby niyo po ang intindihin niyo, ma'am."
"Maiwan ka nalang dito, manang. Pakitingin po si Zeke para sa'kin."
"Pero paano ka po, ma'am?"
"Kaya ko na po ito. Nag-aalala ako kay Zeke. Parang hindi po ako makakampante kung wala ako dito."
"Sumunod na lang siguro kayo. Alam niyo naman po kung saan po namin ide-deretso si ma'am. Huwag po kayong mag-alala. May darating pang ambulansya mamaya." Turan ng nurse.
Hindi inalis ni Linda ang tingin sa ambulansya hanggang sa tuluyang mawala ito sa kanyang paningin.
Ilang sandali lang nagsipag-ingay na ang mga kapitbahay na nakikiusyoso. Nang lumingon siya sa bahay ay nakita niya ang pagbaba ng dalawang tao mula sa fre exit. Walang iba kundi sina Art at Zeke. Hindi napigilan ni Linda ang maluha dahil sa labis na tuwa.
"Where's Alora, manang?"
"Dinala po siya sa hospital para ma-check up, sir."
Maya-maya lang ay huminto ang isang ambulansya. Lumabas mula roon ang isang lalaking sa 5"8' ang tangkad.
"Tamang-tama. Nandito na ang isang ambulansya. Sundan na po natin si ma'am Alora sa hospital, sir."
"Ano pong ambulansya, ma'am? Isang ambulansya lang po ang pupunta rito. Ito lang po 'yon." Turan ng lalaking rescuer.
"Kung gano'n, sino 'yong nagdala kay ma'am Alora sa hospital?"
"What do you mean, Manang?"
"May ambulansya kanina dito, sir. Sinuri pa nga ng nurse si ma'am. Pero Nakaramdam ng pagkahilo si ma'am kaya po dinala na siya sa hospital."
"Impossible po. Kami lang po ang naka-assign na pumunta rito." Saad ng lalaki.
"Diyos ko po, hindi kaya---" Bago pa matapos ng Linda ang sasabihin ay nawalan na ito ng malay-tao. Magkapanabay pa siyang sinalo ni Art at ng rescuer.