My Stranger Legal Wife

Chapter CHAPTER 20: Suspicion



"I recieved the sample of invitation yesterday. Bakit nabago ang venue ng event? " Sumandal si Zeke sa labas ng kanyang kotse. Nakatapat sa kanyang tainga ang cellphone na hawak ng kanyang kanang kamay at ang isang kamay naman nito

ay nakapamulsa.

["Hindi po kasi available ang hotel na gusto niyo, sir. Kaya po naghanap kami ng iba."]

"Kaya bang i-accomodate ng hotel ang mga activities?"

["Yes sir. Actually po, mas malawak at mas maganda ang mga facilities ng Cerie.]

"Okay. Make sure that everything in the event will be fine."

["Yes, sir."]

"At ginawa mo ba ang pinakaimportanteng bilin ko, Art?"

["Yes sir. Every thing is already settled."]

"Okay, good! Very good, Art."

["Oo nga pala sir, may problema sa Melendrez Corp."]

"What it is?"

["Nadiskubre po ang nawawalang pondo. Marami na pong investor ang gustong mag pull out ng share nila, sir. Kung magtutuloy po ito, malulugi po sila. Anong gagawin natin, sir?"

"Send to me the further details. Aaralin ko muna then after that I will tell you my decision."

["Yes sir."]

Maya-maya lang ay nakita ni Zeke ang paglabas ni Alora sa kanilang mansion.

"I have to end this call now. Update me about Melendrez Corp and the coming event."

["Sige po sir."]

Hindi inalis ni Zeke ang tingin sa asawa habang papalapit ito. Nakasuot si Alora ng kulay maroon na jumpsuit na may maiksing manggas. May disenyo iyon na pinagbuhol na tela sa bandang beywang. Tinernuhan niya iyon ng kulay puting heels.

Sumilay ang matamis niyang ngiti. Nang lumantad ang pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin ay lalong lumabas ang kanyang ganda. Tinanggay din ng mahinang hangin ang hibla ng buhok nito.

Lalong humanga si Zeke sa ganda nito, animo ay isa siyang diyosa sa modernong panahon.

"Okay ba 'tong suot ko? Parang hindi bagay sa'kin." Pinasadahan nito ng tingin ang sarili. Nabanaag rin ang pag-aalala sa mukha nito.

Masuyong humawak ang mga kamay ni Zeke sa magkabilang pisngi ng kanyang misis.

Nagtama ang kanilang mga mata.

Bumuka ang bibig ni Alora upang muling magsalita ngunit tinikom iyon ng bibig ni Zeke nang gawaran siya nito ng maalab na halik. Nang maghiwalay ang kanilang labi ay napansin ni Zeke ang pamumula ng pisngi ng kanyang misis.

Iginala ni Alora ang kanyang paningin. Maya-maya lang ay hinampas niya si Zeke sa braso nito.

"Ano ka ba! Nakita tayo ni Mang Mado."

Natawa na lang si Zeke. Pulang-pula na kasi ang pisngi nito.

"Mang Mado won't mind." Pinilit nitong pinigil ang tawa at saka pinagbuksan ng pinto ng passenger's seat ang kanyang misis. "Kahit na! Nakakahiya pa rin." Ngumuso ito na parang bata.

"Masanay ka na, wife. Ganito talaga ako."

"Mahilig sa PDA?"

"Hindi." Mahina itong natawa. "Ganito ako, sweet kind of person."

Napanguso na lamang si Alora. Hindi naman iyon nakaligtas sa paningin ni Zeke. Yumukod at kinintalan ng mabilis na halik ang kanyang misis.

"Don't worry, hindi nakita ni Mang Kanor." Nakatawang turan ni Zeke bago marahang isara ang pinto.

Manaka-naka ang naging pag-uusap ng dalawa habang nasa biyahe sila. Nang makarating sila sa destinasyon nila ay kaagad pinagbuksan ni Zeke ng pinto si Alora.

"Let's go?" Inilahad nito ang kanyang palad na kaagad namang tinanggap ni Alora.

Magkahawak kamay silang pumasok sa restaurant. Matamis rin ang ngitian nilang dalawa.

Sinalubong sila ng isang crew at masigla silang binati.

"Reservation for Zeke Fuentares."

"This way, sir."

Kaagad namang sumunod ang dalawa. Ilang hakbang na lang ang mesang naka-reserve para sa kanila nang mapunta ang tingin ni Alora sa isang mesa mula sa kinaroroonan nila. Mula roon ay may isang batang lalake na nakaupo habang may hawak na iPod. Sa harap nito ay nakahain ang iba't-ibang pagkain.

"Neil?" Kaagad namang napunta ang tingin ng bata kay Alora.

"Tita Alora!"

Kaagad niyang nilapitan ang bata. Kaagad din naman siyang sinundan ni Zeke kahit wala siyang ideya kung sino ang batang linapitan ng kanyang asawa.

"Anong ginagawa mo rito?" Iginala nito ang paningin niya. "At saka sinong kasama mo?"

"I am waiting for my Daddy. He is having a business meeting there." Itinuro nito ang isang mesa. Naroon nga si Franc Belmonte at may kausap na limang lalaki na pawang nakasuot ng business suit.

Napansin ni Alora na napunta ang tingin ng bata sa kanyang likod. Nang sundan ng tingin ni Alora ay nakita niya din Zeke na matamang nakatingin sa bata.

"Oo nga pala, siya si Tito Zeke mo. He is my husband."

Doon na bumalik ang tingin ni Neil kay Alora.

"Just like my mommy and daddy?"

"Yes." Tumango pa si Alora.

"Do you have a baby too?" Nagningning ang mga mata nito.

"Wala eh." Nakangiting turan ni Alora.

"Soon. We'll have babies soon."

Kaagad namang napunta ang tingin ng bata kay Zeke.

"Why babies? My mommy and daddy only have one. Because they want to give all their love to me."

"Because I want a big family with your Tita Alora."

"So you will also build many many house too? One for you, one for Tita Alora and each of your kids."

"No. We will stay in one house."

"Why? Are you poor?"

Mahina namang natawa si Alora sa sinabi ng bata.

"No. I just want to be with them every day because I love them very much."

"My mommy and Daddy have different house. Does it mean they don't love each other." Sumilay ang lungkot sa mga mata nito.

Kaagad namang humawak si Alora kamay ng bata.

"Listen Neil. Ang mommy at daddy mo kasi may inaayos kaya gano'n ang sitwasyon nila."

Mataman lang na nakatingin ang bata sa kanya.

"But I know that they both love you. And ofcourse, they love each other. Kaya ka nabuo kasi love nila ang isa't-isa."

"Really?"

"Oo naman."

"Hey kiddo, do you want to join us?" Pang-iiba ni Zeke sa usapan.

Sandali naman siyang tinitigan ng bata bago nagsalita.

"Sure."

"Want do you want? I'll order it for you. My treat."

"I already have my food here. I'll just bring it there."

Nang bumaba ang bata sa upuan nito ay nagpakarga ito kay Alora.

Tinulungan na rin sila ng waitress na ilagay sa mesa nila ang pagkain ng bata. Pero mukhang hindi pa nakuntento si Zeke dahil umorder pa ito ng ilang pagkain.

Naging madaldal ang bata habang magkasalo silang kumakain kaya naman naging masaya ang tanghaliang iyon sa kanilang tatlo.

Manaka-naka naman ay sinusubuan ni Alora ang bata. Napapangiti na lamang si Zeke habang pinapanood niya ito. Nakikita na niyang magiging mabuting ina si Alora balang araw. "Tita Alora, let's wait for my Daddy and then let's go the mall again."

"We can still go there while your Dad is on meeting." Si Zeke na ang sumagot sa bata.

"Sure. But I should tell my Daddy first. I should get the card from him so I can buy toys."

"There is no problem if you want to buy toys, kiddo. Leave it to me."

"Are you rich, mister?"

"Yes, I am."

"Can you afford to buy me a big car?"

"Yes."

"Wow!" Nanlaki ang mata nito ay hindi itinago ang pagkamangha. "Come on, Tita! Let's go now!"

"Mamaya, okay? Kumain ka muna. Konti pa lang nakain mo."

Agad namang kinuha ng bata ang isang pares ng kutsara at tinidor. Natawa na lamang sina Alora at Zeke habang pinapanood itong subo ng subo.

"Dahan-dahan ang subo." Nakangiting hinagod ni Alora ang likod ng bata.

"Mukhang busy pa ang Daddy mo. Padala na lang ako ng message sa kanya para ipagpaalam ka."

Inilabas ni Alora ang cellphone niya at nagtipa ng mensahe para kay Franc.

"I'm done eating. Come on! Let's go, Tita Alora."

Nakangiting kumuha ng tissue si Alora at marahang pinunas ang labi ng bata.

Agad namang sumenyas si Zeke sa waiter para sa bill nila.

Akmang kakargahin na ni Alora si Neil nang lumapit si Zeke.

"Ako na, wife."

Agad namang napatingin si Alora kay Neil.

Maya-maya lang ay nagpakarga na ang bata kay Zeke. Bago sila lumabas ng restaurant ay tumingin muna si Alora sa gawi ng kinaroroonan ni Franc. Hindi naman siya nabigo dahil lumingon si Franc. Sumenyas na lamang si Alora na isasama nila ang bata na tinugon naman ni Franc ng tango.

Sa malapit na mall lamang sila nagtungo. Karga-karga ni Zeke ang bata habang tulak-tulak ni Alora ang cart.

Tuwang-tuwa naman ang bata habang namimili sila ng laruan nito.

"Salamat, Zeke. Pinasaya mo ang bata."

Ngumiti naman si Zeke

Nang magsawa ang bata sa kapipili ay pumila na sila sa counter para mabayaran ang binili nila.

"Thank you so much, mister."

"You're welcome, kiddo." Ginulo ni Zeke ang buhok ng bata at ginawaran rin niya ito ng matamis na ngiti.

Maya-maya lamang ay nag-vibrate ang cellphone ni Alora. Agad niya iyong inilabas sa kanyang pouch at tinignan iyon. "Nandito na raw si Franc."

Ilang sandali lang ay lumapit sa kanila ang isang lalaking kasing tangkad ni Zeke. Moreno ang balat nito. Matipuno ang kanyang pangangatawan. Hugis almond ang mata nito, matangos ang ilong at tama lang ang kipot ng kanyang labi. "Daddy!" Nagtatalon ang bata ng makita ito. "Look daddy. This handsome man here, bought toys for me."

"You can call me Tito Zeke, kiddo."

"Franc Belmonte." Naglalahad ng kamay si Franc at agad namang tinanggap iyon ni Zeke.

"Zeke Xevier Fuentares, Alora's husband."

Sandaling lumingon si Franc kay Alora at binigyan ito ng tipid na ngiti.

"Salamat at pasensya na sa anak ko, Mister Fuentares."

"No problem."

"Gusto ko sanang bumawi sa inyo kaso may importante pa akong aasikasuhin."

"Ayos lang 'yon, Franc. Konting bagay lang naman ang ginawa namin."

"But I'm still very thankful. Babawi ako some other time."

Nang magpaalam ang mag-ama upang umalis ay umakbay na si Zeke sa kanyang misis.

"Tayo naman ngayon, wife. Let's spend our time together."

Sa isip ni Zeke ay nabuo ang isang pangarap. Ang pangarap na magkaroon ng masayang pamilya kasama si Alora Andrada-Fuentares.

Naglibot-libot ang dalawa sa loob ng mall. Nasa gitna sila ng pamimili nang mag-ring ang cellphone ni Alora. Hinugot niya iyon at tinignan. Hindi rin naiwasan ni Zeke ang mapatingin roon. Kumabog ang kanyang dibdib sa nakita.

Kenneth calling...

Hindi inalis ni Zeke ang tingin sa kanyang asawa.

Kumilos ang daliri ni Alora. Pinindot nito ang decline botton.

Nang lumingon sa kanya si Alora ay pinilit ngumiti ni Zeke.

"Sino 'yong tumawag?"

"Wala 'yon. Wrong dial lang siguro."

Gumuhit ang pait sa dibdib ni Zeke.

"Bakit kailangan mong maglihim, wife?" Naisaisip niya.

Umugong sa isip niya ang tinig ni Richelle Ravina. "Pero ang sabi sa'kin ni Ken, never silang nag-break." "Pero ang sabi sa'kin ni Ken, never silang nag-break." "Pero ang sabi sa'kin ni Ken, never silang nag-break."

"Nagsasabi ako ng totoo. Kahit kailan, hindi natapos ang relasyon nila."

"Nagsasabi ako ng totoo. Kahit kailan, hindi natapos ang relasyon nila."

"Okay ka lang ba, Zeke?" Animo ay bumalik sa reyalidad si Zeke dahil sa malamyos na tinig ni Alora. Tumango si Zeke at pinilit ngumiti. Tila naman hindi nakahalata si Alora dahil nagpatuloy na ito sa paglalakad. Ngunit sa puso at isip ni Zeke ay kumintal ang pagdududa. Ginugulo siya ng sari-saring isipin.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.