My Stranger Legal Wife

Chapter CHAPTER 10: Realization



Zeke's Point of View

Napatitig ako sa repleksyon ko sa salamin. Dumaloy mula sa hubad kong katawan ang mga butil ng tubig.

I tried reminiscing everything. Dumaloy sa isip ko ang mukha niya nakangiti habang kausap ang waitress. Sariwa pa sa alaala ko kung gaano kasimple ang suot niyang blouse at skirt noon. Bumalik din sa alaala ko ang sandaling binigyan niya ako ng blangkong expression at ang pagpasok niya sa taxi na parang hindi niya ako kilala.

"I am not your wife."

Napapikit ako ng mariin.

Sinabi nga niya noon na hindi siya ang asawa ko. Ilang beses din niyang sinabi iyon. That's maybe the reason why she usually says 'your wife' or 'asawa mo' because she is really referring to other person.

Naalala ko rin ang pagtatanong niya noon sa katulong kung nasaan ang comfort room. That's it! Hindi niya alam iyon dahil hindi naman talaga siya ang asawa ko. Napasabunot ako sa sarili ko.

Argh! How stupid! Hindi ko man lang na-realize iyon.

Napabuga ako ng hangin. Dapat noon pa ako naghinala. Nagbago siya mula sa pananamit, food preference at ugali. Dapat doon palang alam ko na agad na hindi siya ang asawa ko.

Pero bakit siya nandito? At bakit gusto niya ng divorce? What's the her intention? Is it my money?

Hinablot ko ang tuwalya at nagpunas ng katawan. Nagtapis ako matapos iyon. Kailangan ko nang kumilos. Kailangan kong malaman ang totoo. Walang mangyayari kung uubusin ko ang oras ko sa pag-iisip ng kung anu-ano. Mahigit isang oras na rin kasi ako rito sa loob. Hindi kasi mawala-wala ang init ng katawan na epekto ng bitin na sandali na aming pinagsaluhan. At dumagdag pang mainit din ang ulo ko dahil sa ideyang niloko at pinaikot niya lang ako. Para tuloy gusto kong magpakalunod sa tubig at baka sakaling agusin nito ang damdaming maaaring makasira sa aking katinuan.

Humakbang ako palabas ng banyo. Sandaling napako ako sa kinatatayuan ko nang makitang nakahiga parin siya sa kama ko. Nakayakap siya sa unan. Obviously, she's still naked, nakakalat parin kasi ang mga damit niya sa sahig. Nakita kong umilaw at nag-vibrate ang cellphone niyang nakapatong sa bedside table. Hinintay ko siyang kunin niya iyon ngunit lumipas ang ilang sandali ay hindi naman siya kumilos. Nanatili siya sa ganoong posisyon. I went near her only to find out that her eyes were closed. I could still traced the tears in her cheeks. Gaano ba siya katagal umiyak? At bakit siya umiyak? Sobra ko ba siyang natakot kanina?

Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi dapat ako mabahala sa pag-iyak niya.

I picked up her phone. Maybe this can answer any of my questions in mind. Maybe this could give idea about the truth. Muli ko pa siyang binalingan bago ko i-swipe ang screen nito para mabuksan. Good thing, walang password ang phone. I opened the newly recieved message. The message came from a number saved as Ken.

From: Ken

Huwag ka na magpapakita sa'kin. We're really done. Kahit ano pang sabihin mo o kahit sino pang iharap mo sa'kin, hindi na mababago ang desisyon kong makipaghiwalay sa'yo.

I continue reading. The next message was a reply from her.

Yes I won't chase you anymore because I'm setting you free now. I don't deserve you anymore. I'm making it official, were done. Good bye, Ken.

From: Ken

Finally. Thanks for setting me free.

Another message just sent from him.

From: Ken

Ofcourse, I don't deserve a slut like you. You whore! How dare you to fool me! For five years, you never let me touch you then I just found out you're married. How pathetic! Napailing na lang ako.

Sinubukan ko pang mag-back read pero usual conversation at nakakasukang palitang ng i love you ang nabasa ko.

Ang iba naman na nasa inbox ay mga ordinaryong mensahe lang ng kumustahan.

I checked everything in her phone. Lahat ng messages binuksan ko pero wala akong napala. I also opened her e-mail at social media account but it just showed up that she has the same face and same maiden name as my wife. Sa call log naman, halos si Ken lang ang katawagan niya at mangilan-ngilan na tawag mula sa isang numero na naka-save bilang Leina.

Kumilos ang kamay ko para ibalik ang cellphone niya kung saan ko kinuha pero bago pa iyon dumapo roon, natagpuan ko na ang sarili kong bumabalik sa inbox. At namalayan ko nalang ang pagpindot ko sa delete botton ng huling mensahe galing kay Ken.

Lalo tuloy akong na-frustrate! Hindi ko alam kung bakit umusbong ang galit ko sa mensaheng iyon. Nakakahibang! Mukhang matutuluyan na akong masiraan ng utak.

Nang dumapo ang tingin ko sa babaeng nakahiga at mahimbing ang tulog sa aking kama ay naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Umusbong sa kaibuturan ko ang kagustuhan kong haplusin ang pisngi niya. Katulad ng gabi-gabi kong ginagawa.

Ngunit bago pa ako mawala sa sarili, pinilit kong ihakbang ang mga paa ko. Minadali ko ang hakbang patungo sa walk in closet upang magbihis. I really need to know the truth.

At sinimulan ko nga iyon sa kwarto niya. Call it invasion of privacy but I really wanna find the truth. Hinalungkat ko ang gamit niya. Madali ko namang nahanap ang ID niya. I found out that she's using my wife's maiden name. Kompleto rin ang documents tulad ng birth certificate, clearances, school records and employement records. Lahat ng iyon nakapangalan sa isang Alora Leigh Andrada. Mukhang plinano niyang mabuti ang panlolokong ginawa niya. Pero ang malaking katanungan, bakit kamukha niya ang asawa ko? Bakit ginagamit niya ang identity ng asawa ko? At nasaan ang totoo kong asawa?

Argh! Nakakabaliw! This must be an identity theft.

A crumpled paper caught my attention. I picked it up and examined. Lalo akong napakunot-noo nang mapag-alaman ko kung ano iyon. It is our marriage certificate.

Muli pa akong naghalungkat. Wala akong pinalampas sa lahat ng gamit niya. Subalit sa huli ay nabigo lamang ako. Wala akong mahanap na pwedeng magdiin sa kanya.

Napatingin ako sa orasan. Pasado alas dyes pa lamang ng gabi. I immediately grab my phone and dialed Artheo's mobile number. Siguradong gising pa siya ngayon. Hindi naman ako nabigo dahil agad naman niyang sinagot ang tawag ko. ["Yes, sir?"]

"Art, something happened. I found out that my wife is an impostor." Lumabas ako ng guest room. Wala rin naman akong mapapala rito.

["What do you want me to do, sir?"]

"I want you to hire a private investigator. She is claiming that she is Alora Leigh. I want to know the thruth as soon as posible." Nagpatuloy ako sa paghakbang.

["I will work on it immediately, sir. Sa ngayon po dapat po kayong mag-ingat. We don't know her intention."]

"Thank you. No worries. Nasa teritoryo ko siya. She can't harm me that easy." Tumigil ako nang matapat ako sa kwarto ko. Eksakto ring nakita ko si Manang Linda na naglalakad at may hawak itong tray ng pagkain.

"I have to end now this call, Art. Call me for the update."

["Yes, sir."] Agad kong tinapos ang tawag at binulsa ang phone ko.

Sakto naman nang makalapit ito sa'kin. Matamis ang kanyang ngiti.

"Para saan po yan, manang?"

"Para po sana kay ma'am, sir. Hindi pa kasi siya kumakain kanina. Sabi kasi nasa pool area siya pero wala naman siya doon."

"She's already sleeping, manang."

Ilang sandali akong tinitigan ni Manang Linda bago siya nagsalita.

"Sir, huwag mo sanang masamahin, pero kayo bang dalawa ni ma'am ay may problema? Ilang araw na siyang hindi kumakain dito. Lagi rin siyang umaalis. At pansin ko ring laging namumugto ang mga mata niya." Napabuntong-hininga ako. Parang ikalawang ina ko na rin si Manang Linda. Noon pa man din, siya na ang nagbibigay ng payo sa tuwing nagkakaproblema kami ng asawa ko.

"We have a big problem, manang. And she might also leave this house soon."

"Aba eh, bakit naman? Tuluyan na ba kayong maghihiwalay? Sayang naman, sir. Nagugustuhan na siya ng lahat dito." Bumalatay ang lungkot sa mukha niya.

Sandali akong humawak sa balikat niya. Sayang nga dahil lahat ng pinakita niya ay maaaring parte lamang ng pagpapanggap niya.

"Sige na po, manang. Pumasok ka na po sa loob. Wake her up so she can eat her dinner."

Ako na rin ang lumapit sa pintuan at pumihit ng doorknob. Iniawang ko pa ang pintuan para makapasok siya. Nang makapasok ito sa loob ay muli ko itong isinara ng bahagya. Hinayaan kong nakaawang iyon ng kaunti. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko ginagawa ito. Basta ang alam ko, kung pwede lang sana ako ang magbigay ng pagkain sa kanya.

Why do I feel something like this? Galit ako sa kanya. Galit nga ba ako o pinipilit ko lang paniwalain ang sarili kong may galit ako sa kanya? Malinaw na niloko niya ako. Pero parang pakiramdam ko ay inosente siya sa lahat ng nangyayari? Nagpapabulag ba ako dahil kamukha siya ng asawa ko?

Maya-maya pa ay narinig ko ang pagtawag ni Manang Linda sa kanya. Animo ay parang ginigising siya nito.

"Manang," narinig kong usal niya. Namamaos ang boses nito.

"Aba eh, ano bang nangyari sa'yo ma'am?" Rinig ko ang pagkabahala sa boses ni Manang Linda.

Wala naman akong narinig na sagot mula sa kanya. Ang tanging narinig ko lang ay ang pag-iyak nito. Nang sumilip ako sa awang ng pinto ay nakita kong nakayakap ito kay manang Linda. At sa sandaling masilayan ko iyon, unti-unti kong naramdaman ang pamimigat ng aking dibdib. Napasandal ako sa dingding.

Hindi na ito tama! Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko para sa taong linoloko lamang ako.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.