Chapter 81 I'm pregnant!
Alexis
Hindi ko na ulit nahuli ang bruha at nag-iingat na ito!
Dumaan ang mga araw na nakasanayan ko ng kalaro si Jr.
Ang bruhang si Jessica ay parang Reyna kung umasta sa loob ng mansion.
Bumalik muna sa Japan sila Mom at Dad to manage their company.
At kami lang palagi ni Jr. ang nasa bahay.
Ang nanay niyang bruha ay nagsawa na rin kaka seduce kay Zac pero lagi namang bigo hahaha.
Buti nga sa kanya!
Pero ayaw parin mapanatag ng aking kalooban. Baka may masama na namang binabalak ang babaeng bruha!
Palagi itong umaalis at gabi na kung umuwi.
Gusto mong hulihin ay ayaw magpahuli!
I smell something fishy!
But this time ay literal na mabaho talaga!
Hala! Ang chicken tinola na favorite ko ay bakit mabaho?
"Are you okay baby?" Ang nagtatakang tanong ni Zac.
But I'm not okay!
Hindi ko makain o malunok man lang ang amoy ng tinola! Bakit?
Napaduwal ako at tumakbo sa lababo.
"Are you pregnant?" Ang excited na tanong ni Zac.
Am I pregnant?
Ewan ko!
Pero hindi pa ata dumarating ang buwanang dalaw ko!
Buntis na ba talaga ako?
Maya ko na isipin. Naduduwal na naman ako.
Ayaw ko sa baho ng tinola!
Jusko naman, favorite ko kaya ito!
No more chicken tinola na ba? Huhu.
"I don't know Zac. Pero pumunta kaya tayo sa hospital to make sure. Baka masama lang ang pakiramdam ko eh." Sagot ko. Baka kasi false alarm at umasa lang si Zac.
Ayaw ko muna e confirm baka delayed lang ang menstruation ko tapos masama ang pakiramdam. Ayaw kong umasa si Zac. "Drink this Tita." Si Jr. Na binigyan ako ng tubig.
Ang sweet ng batang ito ah. May kailangan na naman ito!
"Thank you Jr. Bakit ang sweet mo naman. What do you want?" Masaya kong tanong.
"Nothing, Your sick and I'm here for you." Ang kanyang sagot.
Niyakap ko si Jr. Napamahal na siya sa akin. Kaya lagi kung binabantayan ang kilos ni Jessica. She can never hurt him again!
"Oh, ang sweet naman. Thanks Jr. May burger and fries ka sa akin pag-uwi namin galing hospital."
"Yehey!" Tumalon pa ito sa sobrang saya.
Naiwan si Jr. sa mga maids at kami ni Zac ay papunta na sa hospital. Kinakabahan ako at hindi ko maipaliwanag.
Paano kung hindi ako buntis?
Baka umasa si Zac.
Bakit ba kasi ang sama ng pakiramdam ko!
Ang baho talaga ng tinola eh.
Andito na kami sa hospital at nasuri na rin ako ng doctor. We are patiently waiting for the result at kinakabahan parin ako!
"Congratulations, your wife is 5 weeks pregnant!" Ang sabi ng ob-gyne.
Congratulations!
5 weeks pregnant!
Ako?
Ako ba?
Oo ikaw nga Alexis!
Magiging Mommy na tayo brain?! Sigaw ko sa aking isipan. Nabaliw na talaga ako!
Pero, is this for real?
"Thank you so much for the good news Doc." Ang masayang sagot ni Zac.
Hindi maipaliwanag ang kasiyahan na nararamdaman ko.
I'm finally pregnant!
Niyakap ako ni Zac kahit andiyan pa si Doktora!
"I'm so happy baby, I'm going to be a Father! Thank you, baby!" Masayang sabi niya.
"No, thank you Zac. For everything." Naging madrama ata ako?
Ito na ba ang epekto ng pagbubuntis? Bakit ang aga ko naglihi?
"Congratulations again, Mr. and Mrs. Walker. Be sure to come back for the schedule of your check-up Alexis." Sambit ni Doktora.
"Thank you, Doc." At sabay pa kami ni Zac sumagot!
Nag stop over muna kami sa isang fast food chain to buy Jr.'s favorite burger and fries. At bigla nalang ako nag crave ng manggang hinog with bagoong!
"Baby, are you sure you wanna eat this?" Ang nakakunot-noong tanong ni Zac.
Naglalaway na nga ako sa amoy ng bagoong eh!
Syempre magtataka siya kung bakit hinog ang gusto ko na mangga!
Hindi ko rin alam basta gusto ko itong kainin.
Now na!
"Sure na sure baby. Give it to me!" Ang naglalaway kong sagot.
Agad kong kinain ang hinog na mangga with bagoong sa loob ng sasakyan.
Si Zac ay ayaw akong tingnan dahil cringe daw!
Bahala na baby, sarap na sarap ako sa kinakain ko!
Ang sarap niya!
At biruin mo ay nakaubos ako ng dalawang piraso!
Pagdating ng bahay ay agad akong sinalubong ni Jr. At masaya niyang kinain ang kanyang burger and fries.
Nagpahinga muna ako at sila na muna ang naglaro ni Zac.
Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako.
Nagising ako na nagugutom.
At may cravings ulit ako.
And I'm craving for adobong itik!
Parang naaamoy ko na ang mabangong adobo!
I'm drooling again.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Baby, Zac!" Ginising ko ang natutulog kong asawa.
Ang gwapo talaga ng baby ko! Hindi ko napigilan at nanggigil ako sa kanyang mukha.
Kinurot ko ng malakas at nagising siya hehe.
"Ouch! What are you doing baby?" Tanong niya.
Ang cute lang ng bagong gising!
Pero nagugutom ako!
"I'm hungry baby. I want to eat adobong itik!" Ang pa cute kong sagot.
Napabalikwas ng bangon si Zac.
"What? It's 12 midnight baby. And where do we find that duck?" Ang nakakunot-noo niyang tanong. Nalungkot ako bigla at umiyak.
Ano ba! Bakit ako umiiyak?
"Nagugutom ako baby eh! At ang gusto kong kainin ay adobong itik lang!" Ang umiiyak kong sagot.
Mabilis na nagbihis si Zac.
"Don't cry baby. I look for it!" Sabi niya habang pinapahiran ng luha ang aking mga mata.
Pero gabi na at baka mapahamak si Zac!
Nang dahil lang sa adobong itik ay baka madisgrasya pa siya.
"Huwag na baby, baka mapahamak ka pa. Hating-gabi na. Bakit naman kasi ako nagutom!" At umiiyak parin ako!
"Nope! Your craving is our baby's craving! I will look for a duck. Kahit saan basta para sa mga baby ko!" Ang sweet naman!
Hinila ko siya palapit sa akin at agad na hinalikan!
Lumalim ang aming halikan at napahiga kami sa kama.
I climb on top of him while we are still kissing.
Bakit parang ang horny ko ata ngayon?
Ganito ba ang magbuntis o ako lang na kahit sa pagbubuntis ay baliw!
Ay, ewan!
Basta parang gusto ko rin kainin si Zac!
Tumigil si Zac at agad na bumangon.
"Don't tempt me baby. Baka hindi na ako makabili ng adobong itik!" Ang humahangos niyang sabi.
Grabe ang halikan namin at napaka intense.
Nakakaubos ng hininga! Biglang bumalik ang cravings ko ng marinig ang adobong itik.
Natatakam na naman ako!
"Okay baby, mag-ingat ka ha. Umuwi ka kapag wala kang nakita. Sumama nalang kaya ako?" Nag-aalala kong tanong. Tumawa si Zac.
"Don't worry about me! Gotta go. You wait for me in here." Ang bilin niya.
Hinalikan muna niya ako bago umalis. Ang sweet talaga ni baby!
Nakatulog ulit ako at nanaginip na hinahabol ko ang mga itik!
Nagising ako at napatingin sa paligid. Wala pa si Zac!
Bumaba ako ng sala pero wala rin si Zac dito.
Nag-aalala na ako! Alas- dos na ng madaling araw eh.
Tatawagan ko na sana ang cellphone niya ng makarinig ng ingay sa loob ng mansion. At bukas pa ang ilaw.
At dahil na curious ako ay tumawid ako sa Mansion.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
At ang daming mga maids na hinahabol ang dalawang itik?!
Naglalaway na naman ako!
Masama na ito ah! Nagiging Aswang na ba ako?
Katakot huhu. Buhay pa ang mga itik at hindi luto ay naglalaway na ako!
Wala atang restaurant na bukas at this hour na may adobong itik!
Buhay nalang na itik ang dinala ni Zac.
Ang sweet naman.
"What is happening in here?" Ang nahintakutang tanong ni Jessica.
Ang OA ng bruha!
Hindi ko siya pinansin at nagtanong sa mga maids.
"Nasaan si Zac manang Delia?"
"Nasa garden po at nangunguha ng mga sangkap para sa lulutuin niyang adobong itik." Sagot ni Manang.
May garden pala kami ng spices katabi ng pool area. Masipag ang mga maids namin at nagtanim simula ng magmahal lahat ng bilihin.
Fresh from the garden pa ang aming gulay at spices!
"What the hell! Kailan pa nahilig si Zac sa adobong itik? Ew!" Ang OA ni bruha may patakip-takip pa sa ilong niya.
"Mind your own business! Ako ang kakain ng itik. Bakit may problema ka?" Nakapamaywang kong tanong.
"Oo may problema ako. You're messing my mansion with your dirty duck! Take them away!" Ang naiinis na sigaw nito.
Pero ano daw?
My mansion?!
Kailan pa naging kanya ang mansion namin?
"Hoy Jessica. Pwede bang gumising kana sa panaginip mo? Your mansion? What the f*ck! Bahay mo ba ito te?" Nang-iinsulto kong tanong.
"How dare you!" Sasampalin sana niya ako pero agad na itinulak ni Zac ang kanyang kamay.
He's always been my knight in shining armor. Those gray eyes na lagi akong nalulunod habang aking pinagmamasdan.
Ay, teka lang!
Naging romantic na ata ako.
"Don't you dare hurt her! Kung may mangyari sa baby namin. You will never like the punishment!" Ang galit na sigaw ni Zac.
"And one more thing, this is not your house. You're lucky enough that I let you live in here with Jr.!" Ang paalala ni Zac.
Aba, extra caring ngayon ang baby ko!
"She's pregnant?" Ang gulat na tanong ni Jessica. Lumaki pa talaga ang mga mata!
Pero wala akong balak na sagutin siya. Dahil inatake na siya ng mga itik!
Duck Attack! Hahaha
Lumipad ang mga itik papunta kay Jessica at tumakbo siya habang hinahabol ng mga itik.
"Get away from me! Damn! Take away your ducks Alexis and cook them!" Ang sigaw ni Jessica habang tumatakbo kasama ng mga itik.
Bakit ba kasi siya tumakbo?
Naging leader tuloy siya ng mga itik hahaha.
At halimuyak nang adobong itik ang maaamoy sa buong mansion.
Ang matakaw na si Alexis ay walang sawang nilantakan ang masarap na adobo.
Ang sarap ng luto ni Zac!
Gwapo na at magaling pa magluto. Wala na akong mahihiling pa!
Ang sarap talaga
eh.
Naglalaway ka ba? Kuha kalang diyan.
Joke lang 'te hehe.