Chapter 73 Contract no more!
Alexis
Shemay! Nagulat ako sa biglaang paghalik ni Zac sa akin!
Nalunod ang Lola ninyo sa mapusok niyang labi.
Pero gusto ko naman hehe.
Nakakahiya nga lang kay Father na napailing nalang ng bigla akong halikan ni Zac.
Ang saya nang mga tao at para bang ang magical ng moment na ito.
Bigla akong na mesmerize habang lumilipad ang mga bulaklak sa paligid.
Kompleto ang pamilya ko at nadagdagan pa!
Andito ang best friend ko pwera lang kay Lara. Sana masaya siya sa kanyang mountain chuchu.
Hindi ko talaga akalain na handang mamatay ni Zac for me!
Nanginig ang buo kong katawan kanina. Akala ko talaga ay epuputok na niya ang baril eh.
Buti nalang at dumating si Grandpa Lolo.
Baka na biyuda na ako ng maaga!
Hindi pa nga kami nakapag honeymoon.
Ay ano na itong iniisip ko!
Need pa namin asikasuhin ang mga bisita sa reception.
Kainan time na!
At nagutom ako sa pinag-gagawa ko.
Nasa resort lang din ang venue ng reception. Ang laki kaya ng Island na ito!
Buong Island ang ni rent ni Zac for our wedding.
At himala, napaka-clingy ni Zac ngayon!
Kanina pa ito nakayapos sa aking beywang at kulang nalang magdikit kaming dalawa at lagyan ng glue. Ang sweet sobra at nilalanggam na ako. "Best, E slice niyo na ang cake para makakain na ang lahat." Sabi ni Debbie at binigyan kami ng kutsilyo.
"Let's go, baby." At pumunta na kami ni Zac sa gitna kung nasaan ang 6 layer cake namin.
Nangangamba ako at baka matumba. Naku sayang!
Pero hindi naman kahit mahangin dito sa labas.
Maayos ang pagkagawa. Puro best and famous chefs ang kinuha ni Zac.
Nasa may gilid lang ng dagat ang reception. At dahil malapit na mag gabi ay kita ang mga nagkikislapang ilaw sa kalapit na isla.
May ilaw naman ang buong reception at naka romantic dinner theme.
Yong kulay pala ng cake ko ay black din haha. Nakiayon sa theme! And guess what!
May mga real diamond earrings and rings na nakasabit dito.
Pa souvenir namin sa mga dumalo ng aming kasal.
Ang bongga mga besh!
Sabay naming hiniwa ang cake at magkahawak kamay pa.
Mas sweet pa kami sa cake hehe.
"Ay hindi ko kinaya ang sobrang sweet ninyo! Kayo na talaga besh hahaha."Ang sigaw ni Debbie.
Lukaret talaga na babae!
Ang unang kagat ay nag share kami.
Share kami sa iisang kutsara ni Zac.
Ayieh! Kanina pa ako kinikilig.
At ang pula na ng mukha ko dahil sa pinaghalong kilig at hiya.
Ano ba haha. Umayos ka Alexis!
Shut up brain. This is my wedding, bigay muna sa akin ito.
Naloka na ako dahil sa kilig haha.
Matapos ang slicing of cake ay nakakain narin ang lahat.
Lahat ng favorite food ko ay present especially ang seafoods.
Mas gusto ni Zac ang spaghetti. At ito nga sinusubuan ko siya ng kanyang favorite while ako naman ay sinusubuan niya nang pinaghimay na crabs.
"Naku Besh hindi ko na talaga kaya ang sweet at kilig hehe." Humirit pa talaga si Debbie habang kumakain
"Open your mouth babe, say ah!" Ayan, magpapatalo ba si Hector.
"Naku babe, doble kilig na ito!" Sagot ni Debbie.
At nagtawanan nalang kaming lahat.
"What about you Greta? Want me to spoon feed you?" Ang malambing na tanong ni Dad.
Lahat kami ay natahimik. Mukhang magkaka world war 3 sa talim ng tingin ni Daddy kay Dad!
"I want you to spoon feed me Jaunito." Ang seryosong sagot ni Daddy.
Napakapit ako sa bisig ni Zac sa sobrang nerbyos.
Bakit naman Dad!
"Sure, Say ah Manolo!" At sinubuan nga ni Dad si Daddy.
At kinain naman ni Daddy ang fried chicken na sinubo ni Dad!
What is happening in here?
Napabuntunghininga ako sa sobrang kaba.
At biglang nagtawanan ang dalawa!
Just what the f*ck?!
"Dad? Daddy?" Tanong ko pero tawa parin sila ng tawa.
Napailing nalang si Mommy at pinipigilan na huwag matawa.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Naku Mommy, baka maka utot ka diyan kapag pinigilan mo.
Syempre hindi ko sinabi 'yon sa isipan ko lang ito.
"Ito ang pang malupitan naming prank hahaha." Ang nakatawang sambit ni Dad.
Talagang malupit!
"Pasensiya na Alexis na kumbinse ako sa kalokohan ni Juanito." Ang nakatawang si Daddy.
Ngayon ko lang ata nakita na tumawa si Daddy ng ganito!
Noon ay parang terror na tigre kung makahigpit sa akin. At himala dahil magakasundo na ang dalawa!
Pero maldita ang Lola ninyo noon. Tumatakas at lumalabas pa rin.
Party is my life ang peg ko.
At ang magwaldas ng pera is my forte.
Syempre, nagbago ang lahat ng ikasal ako sa pangit kong asawa hehe.
Ito lang ang pangit na makalaglag panty ang ka gwapuhan.
Pero ngayon ay wala na akong mahihiling pa.
Masaya ang lahat at masaya na rin ako.
Sana laging ganito...
"Hahahah." Ang tanging sagot ko kina Dad at Daddy.
And we are all laughing while happily eating.
Happy family ng mga lukaret hehe.
At sa wakas natapos narin ang reception! It's time to rest at ang sakit na ng paa ko sa kakatayo at kaka smile sa mga tao.
Pero syempre enjoy na enjoy ko naman ang mga yapos ni Zac.
Nasaan na kaya si Zac?
A white and black bridal car park in front of me.
At lumabas si Zac!
May pa bridal car pa kami, eh nandito lang naman sa Island ang hotel kung saan kami nag stay.
In fairness ang laki ng hotel nila dito at ang linis.
Enough to accommodate more than 1000 people.
Pero first come first serve ang rules sa Island na ito.
Kapag hindi ka nagpa book earlier. Ay wala kang room na matutulugan!
"Let's go baby." Ang sabi niya at agad akong hinila papasok sa loob ng kotse.
"Wait, Saan tayo pupunta at may pa bridal car pa tayo?" Nagtataka kong tanong.
"To our honeymoon venue." Sagot ni Zac na nagpanginig sa buo kong kalamnan.
Ano daw? Tama kaya ang narinig ko?
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Akala ko matutulog na kami dahil pagod na sa kasal at reception.
Kung kanina ay excited ako, ngayon ay kinakabahan na ako ng todo!
Naka HHWD pa naman kami ni Zac ngayon. O nagtaka ka no?
Holding Hands While Driving lang ang meaning niyan hahaha.
"You're cold. Masama ba ang pakiramdam mo?" Ang nag-aalala niyang tanong.
And I don't want to spoil the moment. Nag prepare pa naman siya ng todo for our wedding and honeymoon.
"Hindi, I'm just nervous." Ang nahihiya kong sagot habang nakayuko.
Eh totoo naman ang nerbyos ko. Grabe na ang kabang nararamdaman ko ngayon kung alam niyo lang mga besh! "Tsk! Calm down. I'm not gonna bite you but I will eat you." Ang sagot niya.
Kakainin niya ako?!
"Ano ba naman Zac, mas lalo ata akong kinabahan sa sagot mo!" Pero tinawanan lang niya ako.
At biglang nag pull over!
Dito na ba ang honeymoon venue?
"I almost forgot. Let's settle this thing before we proceed to our honeymoon." Ang sambit niya.
Ay, Excited ka lang Alexis? Wala pa kayo sa honeymoon venue!
Tumigil ka brain! Andito ka na naman ah.
"May dapat pa ba tayong e settle? If it's about my drama earlier. I'm sorry Zac!" Paumanhin ko.
"No, not that. But this!" Sagot niya at binuksan ang drawer ng kotse.
Tumambad sa aking harapan ang contract na pinirmahan namin noon!
"Ang contract?" Nabigla kong tanong.
Bakit dala niya ang contract dito?!
"We don't need this! Simula sa araw na ito, there's no more contract between the two of us." Ang kanyang sagot at pinunit ito sa aking harapan, pagkatapos ay itinapon sa labas! Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman.
Feeling ko ang saya-saya ko!
Parang napapaluha na nga ako.
"Zac..." Mahina kong bulong.
"I love you baby! And we don't need that bullshit contract." Kinilig naman ako pero siya kaya ang nagpa contract!
"I love you too..." Sagot ko at agad kong hinila ang mukha ni Zac at hinalikan.
Ako na ang nag first move mga besh!
Napasarap ang aming halikan at naramdaman ko nalang ang mga kamay ni Zac sa aking mount everest!
Sherep nemen hehe.
Pero ano ito, nag-iinit na naman ang buong katawan ko!
Dito na ba kami mag ha-honeymoon sa loob ng bridal car?!