My Old Billionaire Husband

Chapter 66 Bigote is my real Father?



Alexis

Si Bigote nga at nakangisi pa ito!

"Good memory! Ang tapang mo talaga, manang-mana sa Mama." Nakatawang sagot ni Bigote.

Eww! Tinawag pa niyang Mama si Mommy!

"Thank you Uncle, for saving me. Ako na ang bahala sa babaeng ito! I will kill her with no mercy!" Galit na sigaw ni Joanna. Mabibitay na ba ako nito?

Naku po!

As if hindi ako lalaban at papatayin lang nila ng ganu'n nalang.

The hell of you higad!

"That's a brilliant idea! Ikaw na bahala sa fierce lady na ito at hahanapin ko pa ang Lion niyang ina." Ipinasa ako ni bigote kay Joanna.

At agad akong umatake at tinusok ang kanyang mata.

Ouch! Sana sa ilong nalang pala para nabali ito.

Next time nalang!

Pinalipad ko si Joanna gamit ang aking Kung Fu kick at ayon, tulog!

Buti nalang at may baril ito at naagaw ko.

At gulat si Bigote ng bigla kong itutok ang baril sa kanyang bigote mismo!

Ngayon ay matatanggal na talaga for real ang bigote mo!

Kalbuhin ko yan lahat.

"Careful baka mapatay mo ako!" Ang sigaw nito.

"Bakit, gusto mo rin naman akong patayin. Patawa ka talaga bigote!" Kinasa ko na ang aking baril.

I will kill him para matapos na ang nakaka bwesit na gyeramg ito!

"Sandali! I will give you 1 Billion Dollars. Malaki na 'yon pang shopping mo!" Nakangising alok ni Bigote.

Ano ako mukhang pera? Ang yaman ko kaya!

Joker talaga itong si bigote.

"Tigilan mo nga ako, mayaman kami kaya kong mag shopping kahit ilang araw at magkano. Magdasal kana bigote dahil kakalbuhin kita!" At tuluyan ko ng kinalabit ang gatilyo pero hindi ito pumutok! Lagot na!

Sinuntok ako ni bigote sa sikmura at tumba ang inyong Lola!

Sakit ng pwet ko.

Babangon na Sana ako ng tutukan nito ng baril ang aking ulo.

Medyo masakit pa ang aking sikmura at hindi ako makadepensa.

Lakas ng suntok niya!

"Paano ba 'yan. It's time to say goodbye!" Nakangising sambit nito at nakarinig ako ng putok.

Akala ko ay sa aking ulo na tumama pero ang baril pala ni bigote ang natamaan ng bala! Nahulog ito kasabay ang malakas na sigaw ni Mommy.

"Damn you bastard, papatayin mo pa ang sarili mong anak!" Ang galit na sigaw ni Mommy.

Pero, Ano daw?

Sinong anak ang kanyang tinutukoy?

Ako ba?

Nagkatinginan kami ni Bigote.

"What?!" At sabay pa kaming nagtanong in chorus.

"Enough, Tigilan mo na ito Juanito. Ang dami ng buhay na nalagas dahil sa walang kwenta mong paghihiganti!" Sigaw ulit ni Mommy.

Pero ako ay blangko!

Totoo ba ang sinasabi ni Mommy?

Bigote is my real Father?

Bakit ang pangit niya?

Masama talaga magbiro ang tadhana!

"You're only joking Greta. Enough of that. Ikaw ang tumigil sa kasinungalingan mo! You can't fool me again." Napa ingles na si Bigote at agad akong hinila. Sinakal pa talaga ako!

Bwesit, hindi ako makahinga!

"I will kill the both of you, tama na ang isang beses mo akong niloko at pinaglaruan!" Sigaw ni Bigote.

Parang sincere naman sa kanyang sinasabi. Pero hindi na ako makahinga! Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakasakal sa leeg ko!

Gusto ko pang mabuhay!

At makapiling si Zac.

Kinapa ko ang nag-iisang shuriken na natira sa aking bulsa.

Hindi ako makakapayag na mamatay sa kamay ni bigote!

Nang mahawakan ko na ang shurikens ay sinugatan ko ang kanyang kamay na may hawak ng aking leeg.

At nakawala ako.

Ngayon ay makakatikim ka ng Kung Fu Kick ko bigote!

Lumipad siya pero hindi hinimatay.

Ang tibay bwesit!

Pero nabasag ko naman ang pangit niyang shades.

And OMG, hindi pangit si Bigote!

Gwapo siya!

Bahala na at wala akong pakialam.

Chance ko na ito na patayin siya habang hindi pa nakakabangon!

Mabilis pa sa alas-kwatro akong lumapit sa kanya para gilitan ng shuriken ang kanyang leeg pero pinaputukan ito ni Mommy at nalaglag!

"Bakit Mommy? Let's kill him para matapos na ang gulong ito! Gusto ko ng bumalik ng Pilipinas at mamuhay ng normal!" Ang naiinis kong sigaw. Kating-kati na ang aking mga kamay na patayin si Bigote! Panira si Mommy.

Daddy ko ba siyang talaga?

Kahit na, I will not accept him! Never!

Isa lang ang tatay ko at si Daddy yon hindi 'yang walang puso na si Bigote!

"Enough! I'm tired. Pagod na ako! You can't kill him. He is your real father!" Ang galit na sigaw ni Mommy.

Kita sa kanyang mukha ang labis na pagka stress at kunsumisyon!

Pero hindi ko matanggap na siya ang aking tunay na ama!

Iba ka talaga tadhana kung magbiro eh.

Wasak lahat!

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"You are really telling the truth!" Ang nahintakutang sigaw ni Bigote.

"You know that I hate lying and I hate a liar like you!" Sagot ni Mommy.

Medyo na curious ako. Kung bakit nagkaganito?

Ang gulo ng buhay ko!

"At kailan ako nagsinungaling sa'yo Greta?" Ang galit na tanong ni Bigote.

Mukhang kailangan ko ng popcorn ah!

Mahabang usapan ito pero ayaw ko parin tanggapin. Si Daddy parin ang tatay ko!

"The day that you cheated on me!" Ang seryosong sagot ni Mommy.

Hindi naman nakapagtataka. Cheater ang mukha ni Bigote!

"What are you talking about? I didn't cheated on you!" Depensa nito sa kanyang sarili.

Pa good boy image pa ay manloloko lang pala!

Panis na yang palusot mo Bigote.

"Huh, Nakalimutan mo na ata Juanito. Na pinasok mo ang kwarto ng pinsan ko!" Ang galit na sigaw ni Mommy. "Ano? Ikaw itong biglang nagtanan at sumama sa iba. At sa pangit pa!" Naiinis na sagot ni Bigote.

"Hoy, hindi pangit ang Daddy ko! Ikaw kaya ang pangit!" Galit na singit ko.

Mahal ko si Daddy, kahit pa napakahigpit nito noon sa akin. Siya lang ang nag-iisang Daddy ko!

"Ang kulit mo rin ano, sabi ng ako ang ama mo! Anong pangit, ang ganda mo at mana ka sa akin!" Sigaw nito. Muntik na akong masuka sa pinagsasabi niya!

"Yucks! Huwag kang feeler bigote. You will never be my father. Si Daddy lang ang tatay ko!" Naiinis kong sagot. Hindi umimik si Bigote na tila nag-iisip.

"Kung hindi ako nagkakamali, Ang kasama ng pinsan mo at that time ay si Oscar na asawa niya! Bakit ako nasali sa scandal nila?" Nagtatakang tanong nito.

"It's all in the past by the way, Bakit pa natin babalikan. Until now, ay ayaw mo parin aminin! Nandoon ang mga saplot ninyo ni Claire at nakakalat sa buong sala pati ang jacket mo ay hindi ako magkakamali because I bought it for you!" Mahabang paliwanag ni Mommy.

Pero teka, Mahal pa ni Mommy si Bigote?

Kung ganu'n kawawa naman si Daddy!

Sana mali lang ang hinala ko.

"Aha! Ang jacket pala ang salarin! Nang dahil sa kanya ay nagkahiwalay tayo. Pero bakit nilihim mo sa akin na may anak tayo?" Ang mapanghusgang tanong nito.

"Para ano pa, eh masaya kana sa pinsan ko! At nakilala ko si Manolo." Sagot ni Mommy.

"Tsk! Hindi mo man lang inalam kung ano ang nangyari sa akin. Hindi nga ako killala ng pinsan mo! Nakita mo lang ang jacket ako na kaagad? Hiniram lang ni Oscar sa akin 'yon! Kung alam ko lang ay hindi ko na ipinahiram sa kanya." Umiiling na sambit ni Bigote.

Ang haba ng usapan nila. Wala man lang akong popcorn!

"That's all in the past. Hindi tayo para sa isa't-isa Juanito. Let's end this useless war. Nobody cheated, we are only a victim of fate." Ang mahinang sambit ni Mommy.

Ingles yon ah! At napakahinhin pa ni Mommy kung magsalita. Mapagbiro nga naman ang tadhana!

Nang biglang darating si Daddy at Zac.

"Don't try to move Butterfly King. Or else you will die!" Ang matapang na sambit ni Zac.

Ang baril ni Daddy ay nakatutok din kay Bigote.

Pero kaming tatlo ay walang gana. Napagod na!

"Put your guns down Manolo. I'm sorry but I used my last card." Ang sambit ni Mommy.

"Alam na ni Alexis?" Ang tanong ni Daddy.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Yes, they both know. And please Juanito, let's end this war!" Pakiusap ni Mommy.

Nakayuko lang si Bigote at nag-iisip ng malalim. Maya-maya ay napatayo ito.

"Okay, But this fierce lady should accept me as her Father!" Nakangiti nitong sagot habang nakatingin sa akin.

"What?" Ang di-makapaniwalang tanong ni Zac.

Tumango lang ako sa kanya at napatingin kay Daddy.

Ano ba! Turn between two Father ata ang peg ko nito!

Ayaw kong saktan ang damdamin ni Daddy pero gusto ko naman na matapos ang gulong ito!

"Don't hesitate Alexis. I'am still your father no matter what!" Ang seryosong sambit ni Daddy.

"Okay Bigote, I will accept you as my Father. Can we end this war now?" Tanong ko.

"Tsk! I want your sincerity my daughter. Call me Dad instead of Bigote! Papaahit ko mamaya itong bigote ko." Ang nakatawa niyang sagot.

Parang good vibes na ang buong paligid. Sana wala ng gulo pa na darating!

"Sure, My mustache Dad hahaha." Biro ko sa kanya.

At in fairness ako lang ang natawa!

"Okay, Dad. Welcome to my life!" Masaya kong sambit.

"Abort the mission! Listen, abort the mission and go back to our hideout!" Ang sigaw ni Bigote este Dad sa kanyang ear buds.

"Blue Dragon Squad, The Butterfly Gang has surrendered. Let them leave alive! Again, The Butterfly Gang has surrendered, Let them leave alive!" Ang sambit din ni Mommy. Ayan okay na ang lahat pero hindi pa pala!

Biglang nagising si Joanna at dinampot ang baril ni Dad.

Itinutok sa akin at kinalabit ang gatilyo!

In a slow motion ay kitang-kita ko ang papalapit na bala!

Ito ang sinasabi nila na kapag ganyan daw ay mamamatay kana!

Napatingin ako kay Zac na puno ng pagmamahal.

Napangiti nalang ako, at least mukha ni Zac ang makikita ko bago ako mamatay.

Pero walang tumama na bala!

Napatingin ako sa taong yumakap sa akin.

"Dad!" Ang gulat kong sigaw.

"Uncle!" Ang nahintakutang sigaw din ni Joanna.

Agad siyang hinawakan ni Zac at binawi ang baril na nasa kanyang kamay. Tuliro din ito habang nakatingin kay Dad.

"Call the ambulance, Now!" Ang sigaw ni Mommy sa kanyang ear bud.

Maraming dugo ang nahawakan ko dahil napayakap ako kay Dad para bigyan siya ng suporta.

"Dad, lumaban ka! Huwag ka munang mamamatay!" Ang umiiyak kong sigaw

"Tsk! Masamang Bigote ata ito. Don't worry my daughter!" Ang nakangiti niyang sagot.

Nagawa pa talagang magbiro eh!

Sumigaw ako ng malakas ng tuluyan na niyang ipikit ang kanyang mga mata.

"Dad!!!" Sigaw ko na halos mapaos na ang aking lalamunan.

Mamamatay ba si Dad?

Ngayon lang kami nagkita!

Bakit!


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.