Chapter 64 A friend's betrayal
Alexis
Nagising ako na napapalibutan ng mga pangit na goons!
Nagpalinga-linga ako sa buong paligid pero hindi ko makita si Zac!
Nasaan kaya siya? Sana okay lang si Zac dahil hindi ko mapigilan ang mag-alala. Baka nasa mga kamay na siya ni Joanna ngayon? I will surely kill her if it will happen!
"Oh, Gising na pala si Sleeping Beauty haha. Hinahanap mo ba si Lover boy? Hindi mo siya makikita dito. Dinala na siya sa kung saan! Hahaha!" Tawa ni Joanna.
Magpinsan nga ang Demonyita at Impakta! At buti naman wala sa kanyang mga kamay si Zac. Mas okay na siguro ang dalhin si Zac ng mga pangit na goons kaysa pagsamantalahan ng higad na Impakta! "Pwe, I'm not asking Impaktang Higad!" Naiinis kong sagot.
Lumapit siya sa akin at sinampal ako. Namumuro na talaga ang babaeng ito eh! Kanina pa sampal ng sampal sa maganda kong mukha!
Makawala lang ako dito, patay ka sa akin Higad!
Ikaw ata ang mamamatay Alexis.
Huwag kanang sumingit brain. We are not going to die! Kaya mag-isip kana ng paraan diyan!
"Mamamatay kana nga, feeling ka pa! I'm not your uto-uto friend anymore. Maghintay ka lang sa isa pang pasabog besh. You will surely love it!" Kinikilig na sigaw nito.
Eh, kung ang mukha kaya niya ang pasabugin ko? Inis na talaga ako sa kanya!
"Baka ang fake mong boobs ang sumabog besh dahil sa sobrang sikip haha!" Nakatawa kong sagot.
Sinampal niya ulit ako at hinayaan ko nalang siya. Basta nainis ang bruha! Ma kunsumisyon man lang siya eh, pabor na sa akin 'yon.
"How dare you! They are real!" Sumisigaw niyang sagot at inayos ang kanyang nagusot na damit at may paliyad pose pa showing her two tall mountains proudly. Buti sana kung tunay eh!
"Oops! Don't shout besh baka pumutok din ang retoke mong ilong!" Nang-iinis kong sagot.
Totoo naman! Lahat ata ng parte ng katawan niya ay man-made! Walang ginawa si Joanna kung hindi magparetoke. Hindi naman ganyan ang hitsura niya before. Ewan ko ba kung bakit naging kaibigan ko ang traydor na Higad! "Huh, tumawa ka lang Alexis. Tingnan ko lang kung makatawa ka pa later. Ano, masakit ba ang mawala si Bebe Rond mo? Bwahaha!" Nakatawa niyang tanong.
And I know na siya ang may kagagawan ng lahat! Pero it's okay. I don't love him anymore. Masyado siyang weak to give up on me. At duwag pa!
Si Zac ay matapang at kaya akong ipagtanggol.
Zac, where are you? Bakit na miss ko ata siya kaagad?
"Hindi masakit besh bwahaha! Eh, ikaw kumusta naman ang matanda mong fiance? Buti at buhay ka pa! If I'm not forgotten. Bugbog sarado ka before dahil sa kakatihan mo!"Resbak ang Lola ninyo.
"Tsk, And that's why I loathed you so much! And here's my revenge bitch. You will die today!" Sigaw niya.
"Careful, huwag masyadong sumigaw besh. Yong ilong mo oh! tabingi na haha." Wala na akong pakialam. Kung mamatay, eh di go!
"And look who's here Alexis, your best friend and her husband!" Sigaw ni Joanna at napalingon ako sa may pintuan.
And it's Hector and Debbie. Ligtas na kami!
"Besh, Thank you. Patahimikin niyo na ang higad na ito! Nasaan si Zac nailigtas niyo na?" Masaya kong tanong. Pero nilagpasan lang ako nila Hector at Debbie na hindi man lang ako tiningnan! What is happening in here?
Si Debbie ba yan? Bakit ang cold at tigas ng mukha!
"Debbie, Bakit ka pala andito? Buntis ka Besh baka kung mapaano ang baby." Concern kong sambit.
It's a Mafia War in here! Bakit dinala ni Hector dito si Debbie?
"Save your strength Bitch haha. Can't you see the reality? We are allied! The Mafia in Spain and Butterfly Gang had joined forces to smashed the Blue Dragon bwahaha!" Ang malakas na pagtawa ni Joanna. What?!
Napatingin ako kay Debbie. Baka joke lang ang lahat ng ito!
Si Hector ay walang imik at tahimik lang na nasa tabi niya.
Si Debbie ay ayaw man lang ako tingnan!
"Shut up your mouth Joanna. We are waiting for your uncle to capture the Queen of Blue Dragon." Sambit ni Debbie.
Capture the Queen? My Mommy?
Bakit naging ganito? Is this real?
My Best friend betrayed me!
"Besh, totoo ba ito? You betrayed me?" Seryoso kong tanong.
"Don't asked the obvious Alexis." Sa wakas at tumingin na sa akin si Debbie with her cold eyes staring at me!
Nasaan na ang best friend kong si Debbie na mababasag ang eardrum mo sobrang ingay nito?
Nasaan na ang kaibigan kong handa akong ipagtanggol?
Bakit ang sakit naman yata!
"Besh, Bakit? Bakit!" Sigaw ko.
"There's no use in shouting Alexis. I stand with my husband. And you're nothing to me!" Sampal yon sa akin.
How could she do this?
Hindi ko napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Hinayaan ko lang ito. Kahit pilitin ko mang magalit kay Debbie ay ayaw naman ng puso ko!
Bakit kaya?
Hayaan na natin, Alexis. That's life! She's your friend who betrayed you in the end.
Tama ka brain. Pagod na ako sa patayan na ito. Pero kung mamatay man ako, Sana makita ko si Zac ulit!
Kinakausap ko na naman ang aking sarili. Mas lalo ata akong naloka dahil sa mga pangyayari.
"Ay wow, reunion ba ito ng mag best friends?" Dumating ang Demonyitang si Annalise.
Kompleto na ang gang ng mga demonyo!
"Tsk, Ang Demonyita at Impaktang Higad." Naiinis kong sambit.
"Hahaha, Look who's here Alexis. Napasakamay ko rin ang The Blue Dragon Squad! We are just only waiting for your Mom and Dad to join the Squad. Don't worry sabay kayong lahat mamamatay sa pangit na Castle ninyo! Bwahaha." Tawa ng Demonyita.
Kulang nalang sungay para magmukha na talagang Demonyita! Nasaan kaya si Rond? Nandito kaya siya?
Wala naman akong paki. Sana lang 'yong pamilya niya ay safe.
Ralax lang naman si Lily at ibang myembro ng Blue Dragon Squad.
Pero nakakalungkot at nahuli sila.
"I'll make sure na mamamatay ka rin Demonyita kaya huwag kang masyadong magsaya!" Galit kong sigaw.
At sinampal ako ni Joanna. At hindi na ako nakatiis binigyan ko ng aking Kung Fu kick! Lumipad si Joanna at nahimatay. Matulog ka muna diyan higad!
"Itali ang babaeng yan! Make sure to tie her hands and feet!" Galit na sigaw ni Annalise.
Tinawanan ko lang siya.
"Ano, gusto mo isunod kita?" Galit kong tanong.
"Kating-kati na akong patayin ka Bitch! But I want you to suffer, papatayin muna namin ang Mommy at Daddy mo at lahat ng kapamilya mo and last but not the least si Zac! Nakakulong pa siya at kukunin for the finale. Kaya mamaya kana magwala girl!" Nang-uuyam na sambit ni Annalise na tinubuan na ng sungay sa aking paningin.
Hindi ako makagalaw dahil mahigpit ang pagkatapos sa mga kamay at paa ko. Mas lalong humihigpit kung gagalaw ako! Napatingin ako sa direksiyon ni Debbie pero parang wala lang siyang nakikita! Hindi man lang ako pinansin. Ang bilis naman niya magbago at maging demonyo?
Sa mortal pa talaga naming kaaway eh.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Pero hindi panahon ng pag-iyak ngayon. Patigasan ng damdamin!
Saan kaya nila ikinulong si Zac?
Hindi ako mapakali at kinakabahan para sa kanya.
"Is everyone complete?" Tanong ng isang baritonong tinig na dumagundong sa buong paligid.
Bigla akong napalingon at nakita ko ang isang matandang lalaki na may bigote. At sino naman ito?
Ewan ko brain, huwag mo akong kausapin ngayon!
"Uncle, you're finally here! Everything is ready ikaw nalang ang hinihintay namin." Ang masayang bati ni Annalise na nakipagbeso pa dito.
Sumunod naman si Joanna.
Ang O. A tingnan! At ang pangit ng King of Butterfly Gang. Parang bagay ata maging Joker eh!
Naka shades pa ng itim kahit hindi naman mainit.
Ang gwapo ni Adrian pero ang pangit nang tatay! "Alexis!" Sigaw ni Mommy.
Hindi ako makagalaw kaya nakaupo lang ako dito.
Nakalimutan ko ata na may dagger pa ako sa ilalim ng bra! Yeah may bulsa ang bra ko sa ilalim at nandito ang dagger. Pero hindi ko naman magagamit!
"Mommy!" Ganting sigaw ko.
"What did you do to her Juanito?" Galit na tanong ni Mommy.
Juanito? Bagay nga sa pagmumukha niya!
Ang pangit ng pangalan!
Panahon pa ni kupong-kupong.
"Greta, Kanina ka pa maingay. Relax! Wala pa naman akong ginagawa. Hintayin muna natin ang tatay mong palos, ang liksi at ayaw magpahuli! Nasaan nga pala ang asawa mong ipinalit sa akin? Iniwanan ka at tumakas! hahaha." Tawa nito habang nakahawak sa kanyang bigote.
Ito na ata si Satanas na may bigote! Kulang nalang sungay!
Pero, Ano daw? Si Daddy ang ipinalit sa kanya?
Ang gwapo kaya ni Daddy!
Ambisyoso kang bigote ka!
At si Daddy, iniwanan si Mommy?
Makalbo nalang ang bigote mo. Hindi iiwan ni Daddy si Mommy.
"Shut up your mouth!"Sigaw ni Mommy.
Agad na lumapit si...
Samantha?
Cousin of Hector at biglang sinampal si Mommy!
Noon paman hindi na maganda ang kutob ko sa babaeng ito.
Isang anghel na asal bruha!
"How dare you touch my face." Ang mahinang sambit ni Mommy.
Pero kakaiba ang kanyang aura!
Patay ka ngayon bruha!
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"That serves you right! Respect our Butterfly King. Tsk!" Nakangiting sagot ni Samanta.
Pero napawi ang kanyang ngiti ng dumugo ang kanyang ilong sa isang suntok lang ni Mommy.
That's my Mom!
"I respect no one." Ang sagot ni Mommy in a cold way.
At feeling mo ay na freeze at na frozen ang buo mong katawan habang nakatingin sa kanya!
"You're still a brat Greta! Annalise itali ang Queen and we will wait for her notorious Father! Be careful. Handle her with care!" Pahabol na utos pa nito.
Ano si Mommy? Babasagin na baso!
May pa handle with care pa si bigoteng pangit. Kinilabutan ako sa taong ito! Buti nalang at hindi nagmana sa kanya si Adrian.
And speaking of him, buti naman at hindi nagpakita dito. Dahil panggulo lang yon palagi.
Pero aaminin ko na iniligtas niya ang aking buhay. Tumatanaw naman ako ng utang na loob!
"Hoy Bigote! Ang creepy at nakakapangilabot ka. Stop flirting with my Mom!" Sigaw ko at napatingin siya sa akin.
"And this is your daughter Greta?" Nakangisi niyang tanong pero hindi sumagot si Mommy.
"Yeah, And I will kill you bigote! Make sure na mapapatay mo talaga ako!" Seryoso kong sagot.
"Fierce and also a brat! Mana sa'yo Greta! Lagyan ng tape ang bibig niyan!" Nakangiting utos nito.
At agad nilagyan ni Joanna ng masking tape ang aking bibig.
Bushet!
"Dad, Nahuli na namin si Mr. Night. And Zac is coming too from the prison." Biglang sumulpot si Adrian na hawak si Lolo na nakaposas!
Hindi ata umubra kay Lolo ang tali! Paano kaya kalagin ang bwesit na taling ito.
"Everyone is here! Paano ba 'yan Greta my loves. Is this goodbye?" Nakangisi niyang tanong.
At nasuka naman ako sa My Loves niya.
Eww!
"This is the beginning Juanito." Mommy answered with a mysterious smile.
Kakaiba ang ngiti ni Mommy!
Biglang pumasok si Rond na bitbit si Zac.
Gusto kong tumakbo papalapit sa kanya at yakapin siya.
Miss na miss ko na siya!
"Men, Ready na ba ang mga explosives? Let's fire it up!" Sigaw ni Bigote.
Talagang susunugin nila kami ng buhay!
Pero bago pa makakilos ang mga pangit niyang goons agad na nagsilabasan ang mga tauhan ni Hector at ibang myembro ng Blue Dragon. Pointing there gun towards the Butterfly Gang!
Si Zac ay inilabas ang kanyang armalite at itinutok kay bigote!
Ang nga baril ni Debbie at Hector ay nakatutok kina Annalise at Joanna.
What a sudden surprise!
Napatingin ako kay besh at gusto ko ng maiyak.
Sabi ko na nga eh, kaya hindi ko magawang magalit sa kanya.
She's still my best friend for life!
"You're a traitor Hector!" Sigaw ni bigote.
Ano ka ngayon?