Chapter 6 Face Reveal
Alexis
Muntik na akong himatayin mga mare! I never thought that Zac will pull his mask and reveal his face.
At mga 'te hindi lang laway ko ang tumulo pati panty ko ay nalaglag na without me knowing hehe.
Pero Joke lang yon! Masyado lang akong exaggerated because of shock.
My knight in shining armor and the gray eyes man is my Old Billionaire Husband! Shocking diba?
"It's you!" Syempre pa cute tayo. Yan lang kunyari ang masasabi ko.
Feeling cute lang hehe.
"Yes, it's me." Sabay tayo at inilapag ang wine glass. At lumakad papalapit sa akin.
Don't tell me! Naku, kahit gwapo ka ay wala parin akong gusto sa'yo.
"Hello baby, I'am Zac Rogen Walker nice to meet you." At inilahad niya ang kanyang kamay sa akin. Nagpa cute pa ng mata.
Akala ko kung ano na, magpapakilala lang pala.
Tumayo ako at tinanggap ang kanyang kamay. "Hi, I'm Alexis Jenn Buenavista. And I'am NOT your baby." Nginitian ko siya at sana naman klaro sa kanyang pandinig ang salitang NOT.
Tumawa lang ang loko. In fairness napakagwapo niya. Kung nandito lang sina Debbie at Lara naku nabasag na ang ear drums namin sa lakas tumili ng dalawa.
"What's funny? So, Ano? Hindi na talaga ako pwede lumabas?" Nagbabakasali lang na makalusot. Naghihintay Kasi si Rond sa akin. Sumunod pa dito sa reception.
"I'm sorry baby, but it's a no! We have to be careful and bukas maaga ang flight natin sa Japan." Paliwanag nito.
Bad trip naman."Paano 'yan? Hindi alam ni Rond na lilipad ako ng Japan." Nag-aalala kung tanong.
Bumalik na si Zac sa pagkakaupo at patuloy lang sa pag inom ng wine.
"You can text or call him." Maikling sagot nito.
Naku! Ayan naman ang bugnutin nitong mukha.
"Mag-iimapake pa ako, wala akong damit para sa honeymoon natin." Palusot ko.
"Everything is ready, baby." Nakangiti nitong sagot sabay turo sa dalawang travelling bag na nasa gilid.
Boyscout lang ha, laging handa.
Bwesit!
Paano na si Bebe Rond.
"Saan ako matutulog?" Nakapameywang kung tanong.
"Here." Matipid nitong sagot.
Ano? He is kidding me!
"Are you crazy? Hoy! Kahit gwapo ka na ngayon, pangit ka parin! Kaya huwag mag feeling." Naiinis kong sagot.
Tumawa lang ang bwesit na pangit.
"Don't worry baby, hindi kita gagalawin. Not now but maybe..." Pabitin nitong sagot.
Aba! Manyak talaga. Hindi ako nakatiis at binato ko siya ng damit na nakita kong nakasabit.
At ayon nailagan niya, pero nasalo niya ito and it's a black negligee? What the f*uck!
"Oh, baby ito pala ang pinili nila na pantulog mo haha." At tumawa talaga ito ng malakas! Inaasar talaga ako ng pangit na' to.
"Bwesit, Sino nagbigay niyan at sasakalin ko!" Naiinis kong sagot.
"I think you're Dad. Here!" At itinapon niya pabalik sa akin ang negligee.
Kinikilabutan ako sa black negligee na ito!
Excited si Daddy magka-apo ganun. Bahala kayo! Mag enjoy muna ako sa katawan ko bilang dalaga no!
No choice ako kundi ang isuot ang sexy na negligee. Pero nakabalot ako ng kumot. Mahirap na at mabosohan tayo ng manyak na si Zac.
I'm still worried. Kanina ko pa na text si Rond pero walang reply.
Tagal naman matulog ng pangit na 'to.
At last tumayo na siya. Pero naghubad!
"Hoy! Ano naman 'yan? May pa hubad effect ka pa. Akala ko hindi pa tayo mag-aano." Ay ewan basta yan na yon.
"Baby, matutulog na ako and I always sleep naked. Pero dahil nandito ako, I will leave my boxer on." Nakatawang paliwanag nito.
Bwesit lang. "Hindi ka ba nilalamig? Naka full kaya ang aircon." Nakasimangot kong sabi.
"No baby, don't worry wala pa akong gagawin sa 'yo. Mag exercise ka muna at ng mawala 'yang mga baby fats mo." Nakatawang sagot nito. At humiga na sa kama. Magtatabi talaga kami. Napakamalas ko naman.
At baby fats? Nasaan kaya! Ang flat ng tiyan ko. Inaasar niya ako lagi.
Sana lang bangungutin ka. Hindi talaga kita gigisingin.
At tumahimik na si pangit at last! Nakatulog sa ingay ng bibig ko hehe.
Dahan-dahan akong naglakad papunta sa pintuan. Tatakas tayo mga girls! Hindi talaga nag reply sa akin si Rond. Nag-aalala na talaga ako.
Naka tiptoe pa ako habang naglalakad. At si pangit nakatalikod lang at hindi gumagalaw.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Ganyan nga matulog ka lang diyan hehe..
At sa wakas nakarating din sa pintuan ng langit. Dahan-dahan 'kong pinihit ang door knob, making sure na hindi ito mag-iingay, the moment na buksan ko na.
At maingat kong na buksan ang pinto ng walang ingay.
Walang tao sa labas! Ayos. Pero ang outfit ko ang hindi. Naka bathrobe lang ako. Wala ng time kong magbibihis pa.
Bahala na, Bebe. Rond here I come...
At nakarating ako sa lobby. At Bebe Rond is there nakaupo habang umiimom ng kape.
"Bebe!" Tawag ko sa kanya sabay kaway. Narinig naman ako ni Rond at ngumiti siya sa akin.
Pero the moment na lalapitan ko na siya biglang nagsulputan ang mga bodyguards ni Zac!
At kinaladkad nila ako pabalik sa hotel suite. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Rond.
Nakita kong may lumapit na mga bodyguards sa kanya at galit ang expression ng mukha ni Bebe.
Ano kaya ang nangyayari. Bwesit na mga bodyguards to!
Wala akong nagawa kundi ang bumalik sa hotel suite. At ang bwesit na Zac andu'n nakaupo lang at umiinom na naman.
"So, okay na? Nakita mo na si Rond." Sabi nito.
"Alam mo pala na tatakas ako bakit ba lagi mo akong ginagawang tanga!" Galit na sigaw ko.
He chuckled. "At bakit hindi ka rin makaintindi?" Tanong din nito.
Aba! Patigasan Tayo pangit huh!
"Eh sabi ko naman sa'yo nag-aalala ako kay Rond dahil hindi nag reply ayaw mo parin! Ang tigas mo lang." Naiinis kong sagot.
"Sino ang mas matigas baby." Sabay tingin sa tiyan ko!
"Manyak ka talaga! Paano na ngayon, Ano ang ginawa mo kay Rond?" Galit kong tanong.
"Nothing, pinauwi ko lang siya." Maikling sagot nito.
"Sandali lang naman kasi, kakausapin ko lang siya. Please..." Paawa effect ay subukan natin.
Pero ang pangit ang tigas talaga! Bwesit.
"Sorry baby, nagkalat ang mga reporters. And everytime the two of you met, you always kiss. Kaya bawal mo na ngayon. It's better that you go back to sleep. Maaga ang flight natin bukas." Malumanay na sabi nito. Parang anghel lang, demonyo pala. Hump! At tumalikod ako sa kanya. Naiirita ako sa pagmumukha niya.
Gwapo nga pero ang tigas naman ng puso!
Bebe Rond, I'm sorry. Text ko siya ulit pero walang reply. Nagtampo na ata sa akin ng tuluyan.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Anong magagawa ko? Gusto kong makapiling si Bebe pero itong pangit na 'to ang aking katabi.
Buhay nga naman sadyang napakalupit mo! Sarap sumigaw. At nagiging makata na ako. Bwesit ka talaga pangit!
Hindi ako dalawin ng antok. At ang wine ni Zac sa table ay nang-iimbeta para aking tikman.
Don't tell me gising pa 'to?
"Yes baby, I'm still awake." Nakapikit na sagot nito.
Ay, bwesit! Kailan kaya ito hindi mang-aasar.
"Matulog ka na. Bahala ka diyan I like to drink." At ininom ko ang bottle of wine. Straight yan at ang sarap!
"Huwag mong ubusin, matapang ang wine na 'yan."Paalala nito.
Scam! Alam kong ayaw niya lang ubusin ko ang mamahalin niyang wine. Bahala ka.
Bigla itong bumangon. Nakabalandra ang abs at matitipunong muscles nito.
Kahit maghubad ka pa pangit, wa epek sa akin hehe.
"Let's play some cards." Tumayo ito at may kinuha sa cabinet.
Mga baraha?
"Uso pa ba 'yang baraha ngayon? Akala ko sa casino naglalaro ang mga mayaman na katulad mo?" Curious kong tanong.
"Nope, I don't gamble. It's just that naaaliw lang ako sa mga bodyguards na naglalaro during their free time. At nagpaturo ako sa kanila and it's fun. Wanna play?" Anyaya nito. Hmmmm, sounds interesting. Hindi ako marunong maglaro ng cards. Paturo tayo kay pangit hehe.
"Okay, paano ba yan?" Agad akong naupo sa tabi niya.
Feeling sugarol ka girl!
Tumigil ka brain. Let's learn it hehe.
"Let's make a bet too. Ang matalo lalagyan ng ballpen sa mukha at iinom ng wine." Paliwanag niya.
Ay challenging. "Okay game! Ano ba ang lalaruin natin?" Curious kong tanong.
"Tong-it!" Sagot nito.
"Eh, hindi ako marunong. Tuturuan mo ba ako?" Pakiusap ko with puppy eyes.
"Sure, wala naman challenge kung hindi ka marunong." Excited na sagot nito.
At nag tong-it kami buong magdamag at dahil ako ay laging talo.
Napuno ng ballpen ang buo kong mukha at nalasing sa kakainom ng wine. At si Zac pangit ay walang ibang ginawa, ang tumawa magdamag.
It's unfair! Lasing na ang lola ninyo. And this is how we spend our first night together...