My Old Billionaire Husband

Chapter 34 Debbie is getting Married



Alexis

Nahiya ako d'un ah! Gaga na Debbie. Si Zac ay hindi ko mabasa ang expression ng mukha.

Agad akong tumayo at hinila si Debbie papalabas.

"Zac, pahangin muna kami sa labas ah." Paalam ko sa kanya.

"Go ahead." Matipid na sagot niya.

Pero bumitaw si Debbie sa aking pagkakahawak.

"Sandali muna Besh." At agad itong lumapit kay Hector.

And kiss his lips! SPG ka Debbie.

Si Zac parang wala lang. Kaya tumingin nalang din ako sa ibang direksiyon.

"Labas muna kami sandali Babe." Malambing na paalam ni Debbie pagkatapos niyang lamutakin este halikan si Hector.

"Take care." At malambing na hinawakan ni Hector ang kanyang mukha.

"Ehem! Sa labas lang po tayo pupunta hindi sa Canada haha. Let's go!" Hinila ko na si Debbie. Habang malagkit parin ang titig nilang dalawa sa isa't-isa. Jusko, Sana all nalang. Pero masaya ako at natagpuan na rin ni Besh ang soulmate niya.

Ako kaya? It's not Rond for sure. Doon na siya sa Demonyita niyang fiancee!

Ewan ko ba. Sobrang galit ang nadarama ko kapag naalala ko ang ginawa niya sa akin!

"Akala ko ba may pag-uusapan tayo? Bakit tulala ang isa diyan?" Nakapameywang na tanong ni Debbie na siyang pumukaw sa aking gunita.

"Ay, sorry may naalala lang ako." Sagot ko.

"I know and it's Rond. Forget him, maging masaya ka with Zac."Seryosong sabi ni Debbie.

Parang gusto kong matawa. Magkaibigan lang kami ni Zac at parang little sister lang ang turing niya sa akin. Paano kami magkakagusto sa isa't-isa?

"Parang malabo mangyari yan besh! Forget about me. Ano na balita? Akala ko eh maghihiwalay kayo ni Hector. Naka ready na ang mga drinks sa bahay at tawagan natin si Lara. Ano nangyari at nag-iba ang ihip ng hangin?" Excited kong tanong.

Aba! May takip-takip pa sa kanyang bibig while smiling ang bruha. Kinilig agad pagkarinig sa pangalan ni Hector.

"Maganda ang nangyari Besh!" Ayan na, sumigaw na ang lukaret kong best friend. Basagan na ng ear drum!

"Sobrang kilig lang 'te. Hinaan mo kaya yang boses mo." Saway ko sa kanya. Dahil napalingon ang mga tao sa paligid. Nasa rooftop garden kami ng hospital. At napakaganda ng view. "Bahala sila. Ang saya ko!" Sumigaw na naman ito.

Hala bahala siya sumigaw ahha.

"Kita nga, ang laki kaya ng tawa mo. Pa suspense pa besh. Spill it out!" At sumigaw na rin ako hehe. Bahala kayo diyan people haha.

Debbie showed me her ring finger. At kumikinang ito sa dilim. Ang laki ng diamond! Mukhang mahal ah. Kaya pala ang saya ng gage.

"OMG, you're getting married! For real?" Tanong ko na may halong sigaw. Na excited ako para sa best friend ko.

"Yes! For real. At wala ng atrasan to!" Patay ang ear drum ng mga nasa malapit haha. Nakatingin sila sa amin.

Pasensiya na, na excite ang mga lukaret!

"Luhh! Wait... Di'ba may anak at asawa siya?" Malungkot kong tanong.

Baka live in lang siguro?

"Wala! Single na single." Sumigaw na naman ang bruha.

"Wow, buti naman. I'm happy for you Besh." At niyakap ko siya.

"Ay, huwag mo akong paiyakin. Loka ka! Masaya ako." Naiiyak na sabi niya.

Pero bigla akong kinabahan ng maalala ang sinabi ni Zac. Hector is a Mafia King from Spain! Bwesit na mga Mafia yan ah. Palaging nakasunod sa amin. "Wait besh, Okay lang sa'yo na isang Mafia King si Hector?" Seryoso kong tanong.

Natigilan naman si Debbie sa pagtawa at naging seryoso.

"Actually may pangamba sa puso ko. Ang dami kayang babaeng umaaligid sa isang Mafia!" Nakairap na sagot niya.

Jusko naman. Yan lang ang kinakatakutan niya?

Napabuntong-hininga ako ng maalala na galing ako sa pamilya ng mga Mafia. Royal blood pa!

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Debbie.

"Mommy is a Mafia Queen from Italy." Malungkot kong sagot.

Napanganga si Debbie sa aking sinabi.

"Ay, seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Yes. Yong mga goons na pangit. Mafia sila. Pang-gulo lang. Nakapag decide na sina Mommy at Daddy. Babalik sila ng Italy para pamunuan ang Blue Dragon Group." Naiiyak kong sagot. "Coincidence naman. Puro mga Mafia sa paligid natin. Pero bakit malungkot ka?" Tanong ni Debbie.

"Hindi ko na sila makikita." Napaiyak na talaga ako!

"Tahan na. Pwede ka naman dumalaw sa Italy." Sabi niya.

"Hindi pwede eh. They hide my true identity. Dahil ako ang last heiress bilang Mafia Queen. Ayaw nila magulo ang buhay ko. That's why they will sacrifice huhu."Napayakap ako kay Debbie at umiyak sa kanyang balikat. "Okay lang yan. Wala akong ma advice besh. Dahil nakakalungkot ang maiwan." Sagot ni Debbie na naiyak na rin.

Ang sweet talaga ng best friend ko.

"Okay lang, bakit nga ba tayo umiiyak haha. Dapat may celebration later ha." Tumigil na ako sa pag-iyak at tumawa.

"Oo naman. Kapag nakalabas na si Zac dito sa hospital. Gusto kaagad magpakasal ni Hector next month besh!" Kinikilig na sigaw niya.

"Ay, grabe. Agad-agad? Well, marami naman siyang pera. Kaya go lang kayo. I will always support you." Hinawakan ko ang kanyang kamay.

At maiiyak ulit siya.

"Hindi ako makapaniwala! Pero ito na, this is happening. I finally found someone, my soulmate." Tila nangangarap na sabi ni Debbie habang nakatingin sa mga ulap. With matching teary-eyed pa. Best Actress na! Nakitingin na rin ako sa mga ulap.

Buti pa si Besh ay makakasal sa taong Mahal niya. Ako ay malas huhu. Naging teary-eyed na rin ako.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Ang drama natin, balik na tayo Besh." Si Debbie.

Nagpaalam na sina Debbie at Hector. At naiwan kami ni Zac. Dito na ako matutulog dahil walang magbabantay sa kanya.

Nakahiga na ako sa couch ng tawagin niya ako.

"Hey, Baby. Bakit diyan ka natutulog?" Tanong ni Zac.

Alangan saan pa ba?

"Bakit? Matulog kana diyan." Inaantok kong sagot.

Napagod ako sa ka dramahan ng buhay ko. Gusto ko na magpahinga at matulog.

"Come in here."Tawag niya ulit.

"Zac naman eh! I'm sleepy." Reklamo ko.

"Just come in here. Sandali lang." Mahina niyang sabi.

Dahan-dahan akong bumangon at lumapit sa kanya.

"Bakit? May kailangan ka ba?" Inaantok kong tanong.

Hindi siya sumagot at hinila niya ako pahiga.

"You should sleep beside me because you are my wife." Sabi niya.

"Ano ba ang nangyari sayo? Ay, tinatanong ko pa! May amnesia ka nga pala." Napailing nalang ako.

"You're always funny." Nakatawang sagot niya.

"Matutulog na ako. Inaantok na talaga ako Zac." Mahina kong sagot.

I'm exhausted and tired. Gusto ko ng mag beauty rest.

"Then sleep." Maikli niyang sagot at tumahimik na.

Gusto ko talaga sa kili-kili ni Zac. Ewan ko kung bakit! Bahala siya.

Lumapit ako sa may kili-kili niya at mahimbing na natulog. Ito lang talaga ang comfort zone ko pagdating kay Zac hehe.

Tulo laway pa ako nang makarinig ng maingay sa paligid.

Ang ingay naman!

Pagbuka ng aking mga mata ay mukha agad ni Zac ang bumungad sa akin! Parang unfair naman ata. Bakit siya ang gwapo? Ako ang pangit! "Good morning." Bati niyang nakangiti.

Ano ba! Jusko bakit ganito ang nadarama ko?

"Good morning." Bati ng isang boses sa aking likuran.

It sounds familiar ah. Parang boses ni Mom. Agad akong napalingon. And they are here!

Mom and Dad of Zac.

"Mom, Dad?" Nagulat kong tanong at agad na bumangon.

"Surprise! But what happened to you Zac? Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Mom.

"Yes, Why are you here?" Tanong ni Zac.

"Our business has been settled in Japan. I found a trusted person. Gusto nang mag bakasyon ng Mommy mo dito at excited."Singit ng Daddy niya.

"Ano na Alexis buntis ka na ba? Masayang tanong ni Mom.

At ako ay halos matumba sa kinatatayuan ko! Si Zac ay nakatawa lang. Bwesit na pangit! Excited na talaga si Mom magka-apo huhu. Buti nalang at may amnesia pa si Zac. Save pa ang virginity ko hehe. "Mom, may nangyari po kasi at naaksidente si Zac and may amnesia siya." Paliwanag ko.

Napatingin si Mom kay Zac na nagtataka.

"Seriously? Parang wala namang amnesia si Zac?" Nagtatakang tanong nito.

Huh? Ewan ko sayo Mom.

"Yon po ang sabi ng Doctor pero temporary lang naman." Paliwanag ko ulit.

Lumapit si Mom kay Zac.

"Zac? What's the meaning of this?" Seryosong tanong ni Mom.

Bakit galit siya?

"Mom, kalma lang po. Baka may jetlag pa kayo. Hindi pa magaling si Zac eh." Parang mabait na maybahay lang. Pinagtatanggol ang kanyang asawa.

Huwag kang feeling Alexis. Little Sister ka lang para kay Zac bwahaha!

Shut up brain...

"Huh! Answer me Zac. You know what I mean." Seryoso parin siya!

Appear nalang tayo Mom sa pagka moody at lukaret natin. Bakit nagalit siyang bigla? Ang saya pa niya kanina lang.

"Let's go Home, umuwi na muna tayo sa bahay." Singit ni Dad at hinila na si Mom.

"No, Zac!" Sumigaw ito.

Ay! Nagulat ako sa boses ni Mom.

Si Zac ay tahimik lang while Mom is parang tigre na handa siyang lapain.

What is happening?

"Let's go. Hayaan na muna natin sila." Hinila ulit siya ni Dad at ako ay nakatingin lang sa kanila.

Wala akong maintindihan eh, Bakit biglang nagalit si Mom?

Ay ewan ko!

Si Zac ay nakangiti lang sa akin.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.