My Old Billionaire Husband

Chapter 32 I'am the next Mafia Queen?



Alexis

Medyo nawindang ako sa mga narinig mula kina Lolo at Mommy. Si Daddy ay tahimik lang at naninibago talaga ako! Biglang naglaho ang mala tigre kong Daddy ah. Pero ano?

I'am the next Mafia Queen? Mas bagay ata ang Lukaret na Queen.

Jusko ano'ng nangyari? Ito na ba ang parusa sa mga kasalanan ko? Ang tamad magtrabaho, laging nasa party at kung anu-ano pa na kalokohan that I did before.

Pero parang astig pakinggan. Ayoko parin! Hindi ko kaya ang patayan at putukan. But in fairness may lahi pala akong Italian hehe. Oh, di ba ang ganda ng lola ninyo!

"We are the most powerful and famous Mafia Group not just in Italy pero sa buong Mafia World!" Nag-umpisa na si Lolo.

Ang tagal naman ng popcorn ko! Nagpaluto ako talaga kaagad para lang dito sa storytelling ni Lolo.

"Sandali Lolo! Kukunin ko muna ang popcorn ko hehe." Sabi kong napakamot ng aking ulo.

Natawa nalang siya sa pagka loka-loka ko. Kumaripas ako ng takbo papunta sa kusina. Nakaluto na sila ng kalahati. Kinuha ko na ito at binudburan ng napakaraming cheese powder. Isang mineral bottle, kompleto na! "Kain po kayo?" Tanong ko sa kanila at sabay lang naman silang umiling. Napaka seryoso naman nila!

Bahala kayo diyan. Kakain ako ng popcorn haha.

"Go on Lolo. I'm listening." Inglesera na tayo nito. Half-blooded foreigner eh hehe. Napailing nalang si Lolo.

"We are a royal-blooded Mafias. And we make our own Law. Our ancestors are all ruthless and cruel." Parang inaalala lang ni Lolo ang nakaraan. With feelings pa magsalita pero may lungkot sa kanyang mga mata. But wait... Royal-blooded Mafias? Hindi pa nga ako naka recover sa pagiging next Mafia Queen ko! Parang exciting na 'to. Lamon lang ako ng lamon. Popcorn pa more. Malapit ng maubos! Takaw ko. "The number one rule is... You are not allowed to fall in love outside the Mafia World." Napabuntong-hininga si Lolo.

Pero medyo malabo at hindi ko naintindihan.

"Hindi ko po maintindihan. Bawal magmahal?" Naguguluhan kong tanong.

"Yes, hindi ka pwedeng magmahal sa hindi isang Mafia. And your Mom violated the number one law." Sagot ni Lolo.

Bigla tuloy ako napatingin kay Daddy. Eh, mukhang Mafia naman siya. Ang tigre pa nga kung magalit.

"I'm not like you who force my Mom to become a Mafia! You're a Devil." Mahinang sabi ni Mommy.

"I love her so much Greta. But I accepted my mistakes at labis kong pinagsisihan ang lahat ng mga ginawa ko noon." Malungkot na sagot ni Lolo.

"May tanong po ako Lolo." Nagdadalawang isip kong sabi. Medyo natatakot akong magtanong at baka magalit sila. Pero gusto kong malaman. "Go ahead Little princess." Masayang sagot ni Lolo.

"Is it true... That my Lola is already dead? Nakayuko kong tanong.

Sana hindi magalit si Lolo.

"Y-yes." Naiiyak niyang sagot.

Or let's say napaiyak si Lolo ng hindi niya namamalayan.

"Huh! Huli na ang lahat. Nalungkot ka pa na ikaw ang dahilan ng pagkamatay ni Mommy." Naiiyak na sagot ni Mommy.

I understand Mommy's side. Nanay niya 'yon at namatay lang ng dahil sa Mafia thingy.

Pero medyo kinakabahan ako ah! What if they will force me to become a Mafia? Jusko hindi ako bagay maging Queen! Isang pitik lang sa noo ko dedbol na huhu.

"It's my fault little princess that your grandma is not here with us anymore. But don't worry, I will not force you to become one of us. But I'm afraid, kapag nalaman ng ating angkan na may anak si Greta. They will chase you!" May halong takot sa boses ni Lolo.

Chase me? Maghahabulan kami niyan! Pero nakakatakot kaya 'yon. Si Lolo nga pilit nilang pinapabalik para lang e kulong? How cruel!

"I will never let it happen! Subukan lang nila."Singit ni Mommy na naging deadly bigla ang expression ng mukha.

Kapag ganyan si Mommy. Hindi ko na siya kilala! Parang sinapian lang. Nakakakilabot.

"Thanks mommy. Ayoko ng ganyang buhay. Mas ayos na ako na kinasal kay Zac kaysa maging isang Mafia Queen." Sinsero kung sabi.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Titiisin ko nalang forever ang kasungitan ni Zac at ang amnesia nito.

"Your Mom fell in Love with a business man. Pero hindi Mafia ang Daddy mo, kaya bawal silang dalawa." Paliwanag ni Lolo.

Parang, you and me against the world pala ang love story nila Mommy at Daddy. Astig!

"But she Fight for her love and step down being the Queen. May natuwa at may hindi. They didn't allowed her to be free. And she escape, at dito siya nagpunta sa Pilipinas. And we never knew na may anak na si Greta. Sana lang hindi malaman ng ating angkan. They honored the law and won't allowed anyone to be an heir if you are not a royal-blooded Mafia. Kaya nagka watak-watak ang ating angkan. At sinakop tayo ng ibang Grupo ang Notorious Butterfly Gang!" Napahaba ang paliwanag ni Lolo.

Pero feel ko hindi pa tapos ang kwentuhan. Butterfly Gang? May paroparo G pala sa kanila hehe.

"And they are the one who killed your grandma." Malungkot na saad niya.

Medyo may something na kumurot sa puso ko. Hindi ko alam kung nasaktan lang ba ako o parang galit ang nadarama ko?

Feeling ko uminit ang buong katawan ko at sasabog ang mata ko sa talim ng titig nito. What the F? Ano ang nangyayari sa akin?

"Little princess, you are a true Blooded Mafia. Hindi mo maaalis ang ganyang pakiramdam. Kitang-kita sa aura mo na anytime ay sasabog ka na sa galit. Learn to control it. Just like your Mom." Mahinahon na sabi ni Lolo.

Hala! ganito ba talaga? Paano ko e control ito? Parang gusto kong magwala! OMG kaloka na Mafia Blood.

"Breath in, Breath out Alexis. Think of something or someone na nagpapasaya sayo." Utos ni Mommy. Something, Someone? Si Rond? No! Galit pa ako sa kanya.

Ice cream? Yeah masaya ako pag kumakain ng ice cream sa Favorite Place na kasama si Zac!

Si Zac? Ang masungit na mukha niya.

At nawala ang init na aking nararamdaman!

"That's it baby, you're doing good!" Masayang sabi ni Mommy.

Oo nga no? Okay na ako! Pero bakit si Zac? Kaloka!

"Stop that bullshit talking of yours! Gusto mo talaga gawing demonyo ang anak ko."Galit na sigaw ni Mommy.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Wait, Mommy. I'm okay and I want to listen more. May tanong ako kay Lolo. Bakit ka naman po nila ikinulong?" Tanong ko.

"Huh, because he's the Devil King! Can't you see it?" Naiinis na singit ni Mommy.

Hinayaan ko nalang siya dahil Minsan lang siya maging maingay.

"I'm a devil indeed little princess. At alam yon ng Lalaban. Kaya they sedate me and imprisoned me. Dahil mauubos sila 'pag hinayaan nila akong makawala. They also wanted to tame the Mafia Queen. Paamuin ang Mommy mo at epasa ang korona bilang pagka leader. Until now ay hindi pa sila official at ayaw sila sundin ng ating mga angkan. Ang iba ay tumakas at lumayo. Aanhin nila ang walang kwentang mga paroparo." Mahabang paliwanag ni Lolo.

At ubos na ang popcorn ko! Buti nalang may maid na naghatid ng bagong luto at mainit pa.

"May mga ritwal pa pala na magaganap niyan Lolo. Nasaan ba ang korona?" Tanong ko. Tumawa si Lolo. Bakit?

"Little princess. I'am not talking the literal crown. It's just an example. Ang seal ng Blue Dragon Group ang hanap nila. Hindi ko alam kung saan itinago ni Greta." Nakatawang paliwanag ni Lolo.

"At hindi ko sasabihin. Isasama ko sa hukay ko!"Singit ni Mommy.

"And you are making the situation worse Greta. Alam mong hindi titigil ang Butterfly Gang hangga't hindi ito napasakamay nila. Look at us now! Wala na tayong mapagtataguan. I just pray na hindi nila malaman na may anak ka. Mas lalong magkakagulo." Napahawak si Lolo sa kanyang ulo.

"Pahinga na po kayo Lolo. Next time na tayo mag storytelling ulit." Sabi ko sa kanya.

Mukhang stress na stress na sila ni Mommy eh. I know that this is not a joke at all! Ang tahimik naming mundo ay biglang gumulo. Napalibutan na kami Bigla ng mga Mafias na sa tv ko lang nakikita at nababasa sa mga libro. "Okay little princess, matulog ka na." Sabi ni Lolo.

Nagpaalam ako sa kanilang tatlo. At umakyat na papunta sa aking kwarto.

Bigla nalang akong nagulat ng may nagsalita sa aking likuran.

"Can we talk Alexis?" Tanong nito.

Si Daddy lang pala! Kaloka nagulat ako.

"Nakakagulat ka naman Daddy! Okay, saan tayo mag-uusap?" Nagtanong na rin ako hehe.

"Let's talk inside your room." At nauna na itong pumasok sa aking kwarto.

Seryoso ang mukha ni Daddy. Hindi pa pala tapos ang kwentuhan. Kailangan ulit ng popcorn!


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.