Chapter 29 Ambush Part 2
Alexis
Eww! Kaloka lang talaga kapag naririnig ko ang mga bwesit na goons na lagi akong napagkakamalang lover ni Lolo.
Just wtf? Walanghiya kayo. At itong may hawak sa akin ang pangit! Ang laki pa ng tiyan. Hihimatayin na naman ba ako nito? Never! Fighting Alexis.
Pero sa totoo lang kinakabahan ako. Naaawa ako kay Debbie na walang tigil sa pag-iyak at nanginginig sa takot.
Kapit ka lang diyan Besh! Tiningnan ko siya sa mata at sana naman ay ma gets niya.
"Don't hurt her!" Sigaw ni Lolo pero malapit na kami sa kanila.
"Ang sweet mo naman Night. Parang kailan lang ay grabe ang iyong iyak sa pagpanaw ni Amanda. Hindi talaga ako makapaniwala na pinalitan mo lang siya ng gano'n nalang."Nakangisi pa ang pangit.
At biglang may kumislap sa mga mata ni Lolo. Parang maiiyak siya. Is Amanda my Grandmother? Kawawa naman si Lolo if she is really dead. At ang pangit na butete ay nakangisi lang eh. "Shut up! It's because of your evil son!"Sigaw ni Lolo.
At nagpadami pa talaga ng binhi! May demonyong anak din. Gigil ako sa buteteng 'to!
"Hahaha, Surrender or I will kill your lover?" Nakangising tanong ng pangit na malaki ang tiyan!
Nabingi na ako sa word na lover! Umuusok na ang ilong ko sa galit pati mata ko ata ay lalabas na sa sobrang laki!
"Hoy, pangit na may bulate! Hindi ko lover ang Lolo ko, kanina ka pa eh." Naiinis kong sabi sa kanya.
At nanlaki ba naman ang mga mata nito! Mas lalo lang pumangit at ngayon ko lang napansin na may bigote pala siya. Pangit to the ultimate level!
"Ano'ng sinabi mo?" Gulat na tanong niya.
"Bingi lang? Kailangan ulitin!" Tinuloy ko na talaga ang pagiging maldita kahit alam kong may baril na nakatutok sa aking ulo.
Bahala na eh, mamatay na kung mamatay. Naiinis ako!
"Tapang mo ha! Bala gusto mo?" At itinutok niya ang kanyang baril sa aking sintido.
At aaminin ko masakit kasi nilagyan niya ng konting pwersa. At feel ko ay hihimatayin na naman ako pero nakita kong sumigaw si Debbie sa takot para sa akin.
Si Lolo ay galit at si Zac ay hindi ko alam kung ano ang iniisip sa nakakunot niyang noo.
"Don't you dare!" Biglang sumigaw si Zac. And this time kita ko na ang expression ng mukha niya. Galit na galit siya.
"Oh, May love triangle ba dito hahahha." Tumawa ang pangit na demonyo!
"Shut up! Asawa ko kaya 'yan!" Nakasimangot kong sagot kahit pa feel ko may bukol na ako dahil sa baril niya.
"You should put your gun down Henry or I will shot your head!" Singit ng isang pamilyar na boses.
Ay wow. Ang astig ni Mommy! Nasa tapat sila ni Daddy na may kasamang mga men in black. Ewan ko kung sila ay bodyguards or gangster?
"Queen?" Nagulat na tanong ni pangit.
Pero si Mommy tinawag niyang Queen? Bakit? Ewan ko! gulong-gulo na ang isipan ko.
"Let's see kung sino ang unang ulo ang mawawasak!" Sigaw nito at itinutok muli ang baril sa aking ulo.
Bwesit na butete! Balak pa dagdagan ang bukol ko ah.
"I will count 1 to 3 Henry and you know me. I will surely shoot your f*ck'in brain!" Seryosong sabi ni Mommy.
Si Mommy ba 'yan? Bakit ang cold at maldita niya? At ngayon ko lang din napansin ang outfit niya. Ang astig at sexy ng overall leather attire niya. Pero pansin ko si Daddy ay tahimik lang! Nawala ang Tiger look nito at napalitan ng pag-aalala. He really loves Mommy. And I want that kind of Love. But sad to say wala na si Bebe Rond ko huhu.
Dama kong nanginig ang mga kamay ni butete at pinagpawisan ng madami ang kanyang mukha. Takot siya kay Mommy?
"1 2-" Hindi naituloy ni Mommy ang pagbibilang dahil itinapon ni butete ang kanyang baril at itinulak ako.
"Sandali! Ito na binitawan ko na siya." At nadapa lang naman ako sa kalsada.
Bwesit! Dahan-dahan akong tumayo at nilapitan sina Debbie.
"Hoy, butete! Paano naman ang kaibigan ko! Pakawalan mo siya. Sigaw ko pero hindi siya nakinig at kumaripas ng takbo. Aba! Parang nakakita lang ng multo? Iniwan talaga ako in the middle.
Pero ang kanyang mga goons ay tinutukan ako ng baril! At pinagbabaril ng mga men in black ni Mommy ang mga goons at kami ni Debbie ay na trapped sa gitna!
Putukan kaliwa't kanan pero himala at buhay pa kami?
"Huwag kang matakot baby Jenn. Mommy is here." At pinagbabaril ni Mommy ang mga goons.
Napalingon ako kina Zac. They are doing the same. Protecting us! At parang maiiyak ako sa nakikita ko. Ang daming patay!
Nilapitan ko si Debbie at niyakap. Parang na trauma ata siya.
"Besh kapit lang ah! Kaya natin 'to." Niyakap ko siya para protektahan. Iyak lang ang isinagot ni Debbie sa akin. Ang dating maingay ay biglang tumahimik. Sana okay lang si Besh. Kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako okay.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Kita ko sa mukha ni Hector ang galit at pangamba. He really love my best friend. Masaya na ako d'un. Sana nga lang wala siyang asawa. Mas maganda sana. Pero this is life at sana makaligtas kami ng buhay.
Ikinasa niya ang kanyang baril at sumigaw. And he looks cool!
"Men, kill them all!" At nagsitakbuhan na ang lahat ng mga bodyguards ni Zac. Pero sa tingin ko ay parang ang boss nila ay si Hector?
"Hang on little princess! We will save you." Si Lolo na sige sa pagbabaril sa mga nakaharang na goons.
Bakit kaya ayaw nila sumuko eh tumakas na si butete?
Parang hindi ko na kakayanin ang aking nakikita at nasasaksihan. Bawat madaanan nila Mommy at Daddy ay patay ganu'n din sina Zac at Hector at mas lalo naman si Lolo. Malapit ng maubos ang mga goons at malapit na din bumaliktad ang aking sikmura! Si Debbie ay hindi na talaga nagmulat ng kanyang mga mata. Nakayakap lang sa akin ng mahigpit.
Si Zac ay medyo nahihirapan na dahil sa kanyang tama sa paa. Pero tuloy parin siya papunta sa amin.
Until the last goons standing is dead. It's a victory! Ligtas na kami pero mawawalan na naman yata ako ng ulirat nito.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Zac.
Okay ba ako? Syempre hindi. Naguguluhan ako kung bakit biglang naging action movie ang buhay ko!
"Okay lang ako Zac pero parang nagdidilim ang paningin ko." At kahit anong pigil ng aking beauty na huwag himatayin ay bumigay parin ako huhu.
Ang bigat ng ulo ko ng ako ay magising. Walang tao sa paligid. And as usual ay nasa ospital ulit ako.
Hala si Debbie! Okay lang kaya siya? Hindi ko na kinaya eh at hinimatay na. Jusko ano kaya hitsura ko kanina!
Si Zac! Bakit wala siya rito?
Agad akong bumangon pero napaupo rin ulit ng mahilo.
Bumukas ang pintuan at pumasok si Lolo.
"Hello little princess. Buti naman at gising ka na. Timing ang tinolang manok ko hehe." Si Lolo na parang wala lang nangyari.
Medyo malungkot ako para sa kanya if totoong patay na ang Lola ko.
"Thanks Lolo. Si Debbie okay lang ba?" Kinakabahan kong tanong.
"Okay lang at andu'n pinapakain ni Hector. Kumain ka na rin Little princess." Nilapag na ni Lolo ang mabangong amoy ng tinolang manok.
"Mamaya na Lolo hihintayin ko si Zac at sabay na kaming kakain." Sagot ko.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
At biglang nabitawan ni Lolo ang kanyang hawak na kutsara.
Malungkot ang mukha nito.
"Okay ka lang po ba?" Nagtataka kong tanong.
At tuluyan na itong naiyak.
"Okay lang ako pero si Zac ang hindi." Sagot ni Lolo habang nagpahid ng kanyang mga luha.
Agad akong kinabahan.
"Bakit Lolo? Ano'ng nangyari kay Zac?" Kinakabahan kong tanong.
"He's comatose muntik ng tumama ang bala sa kanyang puso." Paliwanag ni Lolo.
Bala? Eh patay na ang lahat na mga goons bago ako himatayin!
"Paano nangyari ito? I mean Bakit?" Pati tanong ko ay magulo rin eh.
"May nabuhay na isa at babarilin ka. Huli na namin napansin, pero si Zac ay iniharang ang kanyang sarili at sinalo ang bala na dapat ay para sa'yo. You're Mom killed that bastard! pero si Zac ay nag aagaw buhay na. Agad siyang dinala ni Hector dito sa ospital and thanks God he was save pero comatose naman. And we don't know kung kailan siya magigising. I'm sorry little princess." Mahabang paliwanag ni Lolo.
Parang nagbabasa lang ako sa aking narinig kay Lolo. Naging teleserye na ang kwento ng buhay ko!
Parang kailan lang ay wala ako ibang ginawa kundi ang mag party all night then sa isang iglap lang ganito na?
Mabilis pa sa alas-kwatro akong lumabas at hinanap kung nasaan si Zac.
Hindi ko pinansin ang pag tawag ni Lolo.
Wala pa akong tsinelas at naka paa lang. I don't care! Gusto kong makita si Zac.
Nakasalubong ko si Hector sa corridor.
"Nasaan si Zac?" Naiiyak kong tanong.
"There!" Turo niya sa isang kwarto.
Agad akong pumasok at nandoon nga si Zac. Nakahiga na Parang lantang gulay na walang buhay.
Agad ko siyang nilapitan at niyakap.
"Hoy Zac! Bakit nandiyan ka? Ang daya naman eh. Hinimatay lang ako nagpabaril ka na." Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Gusto kong umiyak!
At naglupasay ako sa pag-iyak habang yakap ang walang malay na si Zac.