Chapter 17 My Lukaret Grandpa Lolo
Alexis
Nakarating kami ng Mansion na walang imikan. Ako ay napapagitnaan ng malaking nag-uumpugang bato. Parang ayaw kong tumanda ah. Pero adult na naman ako eh, 24 years old na. Ewan ano ba. Sana lang maging okay kung ano man ang problema between them.
Si Mommy ay palaisipan din sa akin. Ang galit sa puso niya! Hindi ko alam kung saan nanggaling.
Nakapasok na kami sa loob ng Mansion at si Zac andu'n naghihintay sa amin.
"Mr. Zac Rogen Walker! Long time no see." Lukaret na Lolo! Bigla nalang sumigaw. Nagulat ako d'un ah.
Agad itong lumapit kay Zac at nakipag beso pa. Tinanggap naman siya ni Zac ng nakangiti.
"Welcome Mr. Night." Sagot ni Zac.
Mr. Night? Hindi naman yan ang apelyedo ni Mommy eh. Buencamino ang surname ni Mommy bago siya e kasal kay Daddy.
What is happening in here? May sikreto ba sila? Ewan ko sa kanila.
Nagpaalam ako na magpapahinga muna sa kwarto. Napagod ang isip ko sa revenge at sa na discover kong lukaret na Lolo.
"Little princess..." Tawag sa akin ni Lolo. At ako ay napahinto.
"Can I hug you?" Malambing na tanong nito.
Jusko, para naman tayong bata nito.
Pero hinayaan ko nalang siya.
"Sure." Ang tanging nasagot ko while looking at Mommy's angry expression.
Grandpa Lolo hug me with tears in his eyes. Bakit ang drama nila? Hindi ako maka relate!
Because I don't know what's going on.
"You grow up well, beautiful and healthy." Masayang sabi nito. At ako ay ngumiti lang sa kanya. "You go and rest." Pagtataboy nito sa akin.
Pero bago ako tuluyang nakalayo. Narinig ko pa ang sabi ni Lolo.
"Thank you Zac, for saving my family." Madamdaming sabi ni Lolo kay Zac.
"No worries, it's my pleasure to help a friend." Nakangiting sagot ni Zac.
Saving my family? Hindi ko parin maintindihan eh.
Nakatulog ako na hindi nakakain ng hapunan. At ito gutom na gutom ako ngayon.
Pagdating ko sa kusina si Grandpa Lolo ay nagluluto?
Pakanta kanta pa ito habang tinitikman ang sabaw.
And in fairness ang bango!
"Ano po 'yang niluluto mo?" Excited kong tanong.
"Oh, you're awake! It's my chicken tinola with my secret recipe!" Masayang sagot nito.
Medyo na curious naman ako sa secret recipe na ito ah. Naglalaway na ako at nagrarambulan na ang mga alaga ko sa tiyan.
"Luto na po ba? Pahingi, gutom na ako." Lambing ko. Kahit galit si Mommy kay Lolo pero magaan ang loob ko sa kanya.
"Sure, it's really for you little princess." At pinaghain niya na ako.
Excited kong tinikman. At ang sarap!
"Wow, ang sarap nito." Agad na akong kumain. Wala ng hiya-hiya pa.
At dumating si Zac.
"Mr. Walker. Sit down and join us. Tikman mo ang luto ko." Paanyaya ni Lolo.
Umupo naman si Zac at nasarapan.
"You're cooking is superb." Papuri nito at kumain na rin.
It's my chance to say it. Balak kasi namin mag shopping galore ngayon.
"Zac, mag shopping sana kami nila Debbie today. Okay lang ba?" Paalam ko.
Need ko kasi ang approval niya while Daddy and Mommy is still living in here. Masyadong horror ang mga bodyguards ni Daddy. Mas gusto ko pa ang kay Zac.
"Okay, no problem." Sagot nito.
Himala! At pumayag agad si pangit!
"Seryoso? Payag ka mag shopping kami?" Excited kong tanong.
"Yes." Maikling sagot ni Zac.
"Shopping? Can I come with you little princess?" Masayang tanong ni Grandpa Lolo.
Parang bagets lang eh. Pero Parang wala atang proper clothes si Grandpa kahapon pa.
Isasama ko nalang siya.
"Okay po, para mabilhan kita ng mga new clothes. Saan ka ba galing Grandpa at ang dungis mo kahapon pa?" Inosente kong tanong.
Pero nagkatinginan lang sina Zac at Grandpa. Ano ba ang trip ng mga ito. Feel ko talaga may secret sila eh.
"Nakuha mo pang epahamak ang anak ko!" Biglang dumating sina Mommy at Daddy.
At tila nabaliktad ang mundo. Si Daddy na tigre ay naging maamong bulldog. Si Mommy ma ngayon ang palaging galit at naging tigress.
At ewan masyadong magulo!
"Mag shopping lang kami Mommy." Sagot ko.
"I think I will go with them? Will that make you calm?" Singit ni Zac.
Sasama rin siya? Anong klaseng shopping ito! Dalawa ang aking chaperon hayyy.
At the Mall
*********
"Wow? ang ganda dito little princess." Sabi ni Grandpa Lolo.
Para naman bata si Lolo. Mall lang kaya ito.
Sina Debbie at Lara ay nasa MC Donald. Doon ang meeting place namin. I'm sure magugulat ang mga ito na may Lolo na ako at kasama ko pa si Zac. Naka casual attire lang kaya ito. Binatang binata ang porma ng pangit natin today hehe. Pero tahimik lang. Parang wala ka lang kasama. Buti naman at maingay si Lolo.
"Alexis!" Tawag ni Debbie. Pero ng makita nito si Zac ay napatakip ito ng kanyang mga kamay.
"OMG! Hello Zac." Bati niya kay Zac at kumaway pa.
Ayan, tulo laway na naman si Debbie!
"Hoy besh, kunin mo na ang panyo mo at pahiran ang iyong laway." Saway ko dito.
"Hello, Family shopping ata ito ah. Lolo ba siya ni Zac?" Masayang tanong ni Lara.
Natawa nalang akong makita ang reaction ng mukha ni Zac.
"He's my grandpa." Pakilala ko.
"Hello, beautiful ladies." Nakangiting bati ni Grandpa.
"Ay, bet ko si Lolo! Halika po mag order na tayo sa loob." At hinila na ni Debbie si Lolo papunta sa loob at sumunod si Lara.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Naiwan kami ni Zac.
"Okay ka lang ba Zac? Baka ma bored ka eh. Puro kami lukaret lahat dito." Sabi ko.
"No, okay lang ako. Mag shopping kayo mamaya hangga't mapagod kayo." Nakatawang sagot nito.
At grabe sa energy si Lolo! Hindi napagod. Bagets na bagets lang kung makipag jam sa amin. Halos lahat ata ng section dito sa mall ay napasok na namin.
Nang magpunta kami sa Toy section, ang daming pinabili ni Lolo. Maglalaro daw siya. Like, seriously?
Pero hinayaan lang naman ni Zac at ibinigay ang mga gusto ni Lolo.
Nag-iisip lang ako kung paano sila naging magkaibigan dalawa.
Parang ako ang napagod para kay Lolo. Inabot na kami ng gabi ang hype parin niya!
Kumain muna kami bago umuwi. Sina Debbie at Lara ay masayang masaya dahil nakalibre ng shopping.
May pakanta-kanta pa si Lolo habang papasok kami ng sasakyan.
Pero bago kami tuluyang makaalis biglang may mga armadong kalalakihan ang nagsulputan. Sa bilis ng pangyayari ay hindi ko nakita kung kailan sila nagbarilan! Bodyguards ni Zac versus sa mga pangit na goons!
Ano ang nangyayari? Bakit naging action movie dito? Parang hindi ko kayang pagmasdan ang nangyayari sa labas!
Sana okay lang ang mga bodyguards ni Zac.
"They will never set me free!" Galit na sigaw ni Lolo na nanlilisik ang mga mata.
Don't tell me magiging bampira si Lolo? At vampire diaries ang peg namin nito?
Ano na ang naiisip ko! Pero kinakabahan ako ng sobra.
"Zac, do you have a gun in here?" Tanong ni Lolo.
Ano ang gagawin niya?
"Yes, Hector give him a gun." Utos ni Zac sa kanyang bodyguard na nasa front seat.
"Make it two." Request ni Lolo. Aba! May balak ba si Lolo na maging James Bond? Jusko po.
Agad na lumabas si Lolo ng mabigyan ito ng baril!
"Lolo, Where are you going? Nag-aalala kong tanong.
"Don't worry little princess. Grandpa will kill them all." Seryosong sagot nito.
Ano ba talaga ang nangyayari? Parang paulit-ulit lang ang tanong mo brain!
"Come here." Niyakap ako ni Zac. At nagtago ako sa kanyang kili-kili. May dala na siyang baril?
Magkaka-trauma ata ako sa biglaang pangyayaring ito!
Si Lolo ay napakagaling bumaril! Pang action star ang datingan pero ako ay nanginginig na sa takot.
Bakit, ayaw maubos ng mga goons? Ang dami parin nila! Bigla nalang magsusulputan. Ewan kung saan nanggaling.
Nang biglang bumukas ang pinto ng kotse kung saan kami nakaupo ni Zac.
Pangit na mga goons! May bigote pa.
"Close your eyes." Bulong ni Zac. At pinaputukan ang mga ito. Hayun patay!
Ano ba itong nasasaksihan ko ngayon?
End of the world na ba? Huhu.
Bumaba ang bodyguard ni Zac na nasa front seat at isinirado ang pintuan namin. Hindi na siya pumasok pa at alertong nakabantay sa labas.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! At nag ring pa talaga ang aking cellphone sa gitna ng kaguluhang ito.
Si Bebe ang tumatawag!
Agad kong sinagot.
"Hello Bebe, hindi ka man lang nag text or tumawag ngayong araw ha." Pagtatampo ni Rond.
But as of now I don't have time for that!
"Bebe, tawagan kita ulit ha. May emergency dito eh. Napapalibutan kami ng mga armadong pangit na mga goons." Naiiyak kong balita sa kanya.
"What? Where are you? Magdadala ako ng police diyan!" Sigaw ni Rond.
"Mabuti pa. Bakit hindi ko naisip yan! Humingi ka ng tulong sa mga police Bebe. Nasa-" Naputol ang aking sasabihin ng agawin ni Zac ang aking cellphone. "Bakit? Ayaw mo bang ma rescue tayo Zac?" Naiinis kong tanong.
"I already called a back up. Don't call the police." Kalmadong sagot nito.
Ewan, Bakit hindi pwedeng humingi ng tulong sa mga police? Gusto na ata nitong mamatay! Ako, Ayoko pa. Kawawa sina Mommy at Daddy pati na si Bebe. Naubusan na ata ng bala si Lolo! Hinahabol na siya ng mga goons.
"Dito ka lang. Huwag kang lalabas!" At iniwan na ako ni Zac para tulungan si Lolo.
Mamamatay na ba kami dito? Nasaan na ba 'yang back up na sinasabi ni Zac!
Nang biglang bumukas ang pintuan at ang pangit na goons hinablot ng pagkalakas ang aking buhok!
"Halika dito!" Nakangising sabi nito.
"Bitiwan mo ang buhok ko!" Sigaw ko. Kakagatin ko sana ang kanyang kabilang kamay. Pero Ew! Ang dumi ng kuko. Hinayaan ko nalang siyang hablutin ang aking buhok. Baka kalbo na ako pagkatapos nito.
Yong feeling na gusto mong umiyak pero wala namang luha na lumalabas. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa takot.
My knees will about to give up. Takot na takot ako!
Mas lalo akong nawalan ng lakas ng tutukan ako ng baril sa ulo ng pangit na goons.
"Night! Surrender or I will kill your lover!" Sigaw nito.
Jusko Lord! Praning na itong lalaking 'to? Napagkamalan pa akong lover ni Lolo. Kadiri ka monster! Pero hindi ako makapagsalita kahit pinilit ko pa. Baka na trauma na ako ng tuluyan! "Little princess!" Sigaw ni Lolo ng makita akong hawak ng pangit na goons.
Kita ko ang takot at pag-aalala sa kanyang mga mata.
"Alexis." Mahinang tawag sa akin ni Zac. Hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya. Basta isa lang ang alam ko. Nag-aalala rin siya para sa akin.
Ito na nga ata ang aking katapusan! Hindi ko na ata kaya. Kasi naman ang baho ng kili-kili ng goons na ito!
Agad na nagsidatingan ang mga back up ni Zac. Ang dami nila!
At last maililigtas na rin kami.
Parang mawawalan na ako ng ulirat. Hindi ko alam kung dahil ba sa Amit ng kili-kili ni monster goons or sa takot!
Basta nakita ko nalang na patakbo si Lolo sa kinatatayuan namin. Agad niyang sinuntok ang goons at nabitawan na ako nito at last. Pero para akong papel na inanod ng tubig. Wala akong lakas! Hihimatayin na ata ako nito. Natumba ako pero agad naman ako nasalo ni Zac. Nasa ganoon kaming ayos habang pinagmamasdan ko sina Lolo at goons na nag-aagawan ng baril!
Malabo na ang mga mata ko. Nang biglang pumutok ito at ako ay tuluyan ng nawalan ng malay.
"Lolo..."Mahinang tawag ko kay Lolo.
"Alexis! Don't worry I'm here." Niyakap ako ni Zac ng mahigpit pero wala na talaga akong lakas pa na natitira at tuluyan ng nagdilim ang aking paningin.