My Old Billionaire Husband

Chapter 12 Zac's Surprise Valentine's Party



Alexis

I'm so bored! Hindi ako makalabas. They are guarding me 24/7 at mas lalo lang nadagdagan ang mga bodyguards sa loob at labas.

O. A na talaga si Dad! Nag text pa naman si Rond na may date kami.

Kagigil talaga!

Wala naman magawa si Zac.

Hindi naman niya pwedeng kontrahin ang tigre kong Daddy.

It's Valentine's Day and I'm excited to date with my Bebe Rond.

Very din excited ako kung ano ang surprise gift niya para sa akin.

Nag text na ako na baka hindi ako makakapunta pero wala namang reply. Nasaan kaya si Bebe Rond?

Malungkot ako ngayon. Ano ba namang buhay ito.

Nang biglang may kumatok.

Tamad ako magbukas ng pinto. Ayokong tumayo.

Bahala kayo diyan!

"Girl! Bingi-bingihan lang ba tayo diyan?" Sigaw ni Debbie habang kumakatok.

"Buksan mo na Alexis at mag chika na tayo, balitaan mo kami tungkol sa honeymoon mo." sigaw ni Lara. Isa pang lukaret.

"Girl nilalamok na kami dito sa labas!" Pa O. A na sigaw ni Joanna.

Aba! Kompleto ang tatlo. Anong meron at napasugod talaga ang mga lukaret dito?

Binuksan ko ang pinto at agad silang pumasok.

May dala silang box?

"Ano yan? Hindi naman yan cake?"Tanong ko.

Kasi sobrang laki ng box at dalawa pa!

Si Joanna naman ay may dalang make up kit.

Anong plano ng mga ito?

"Surprise ito girl. I'm sure malalaglag na iyang panty mo for real!" Nakangising sabi ni Debbie at binuksan ang box.

At ang laman nito ay isang emerald gown.

Ang ganda!

Pero para saan naman yan?

"May party ba?" Nagtataka kong tanong.

"Yes!!" At sabay pa ang tatlong sumagot.

I can smell something fishy!

"Saan? Hindi naman ako pwedeng lumabas. Ako ba ay pinagloloko ninyo?" Tanong ko.

"Surprise nga girl eh. And look at this!" Binuksan ni Lara ang box na dala niya at isang napakagandang emerald sandal na bagay sa emerald dress ko ang naroon.

"Teka, para sa akin ba yan?" Nagtataka kong tanong.

"Yes girl, kaya sit down and relax and leave it all to us while I do your make up." Nakangiting sabi ni Joanna.

Si Joanna ay magaling sa make up but I'm already beautiful na.

Kaya konti nalang ang e retouch niya sa maganda kong mukha hehe.

Buhatin ang sariling bangko. I

Baka masyadong mabigat ang bangko mo girl sa sobrang yabang mo.

Shut up brain!

Napabuntong-hininga nalang ako at napatingin sa aking cellphone. Hindi parin nag tetext si Bebe Rond.

Hinayaan ko nalang sila na ayusan ako.

At parang magic lang ng makita ko sa salamin ang aking mukha. Alam kong maganda na ako talaga pero mas grabe ang pag glow up ko sa make over ng mga lukaret na ito. Ang ganda ko lang!

Bet na bet ko pa ang backless emerald dress ba may slit pa sa gilid na nagpalutang sa maputi kong legs.

Pero saan nga kami pupunta?

Ayaw naman magsalita ng mga ito!

Pa suspense ang mga Marites.

"Wala bang aamin sa inyo? May special occasion ba o ano? May pa surprise pa kayong nalalaman ah." Nagdududa kong tanong.

Makipag eyes to eyes talaga ako sa tatlo pero ayaw talaga. Naka glue na ata ang mga bibig nito.

"Konting hintay nalang besh, malalaman mo rin hehe." Si Debbie na nakangisi lang.

"Habang ikaw ay naghihintay babalikan ka namin girl. Magbibihis din kami." Si Lara.

"Iiwan ninyo ako dito?" Nagtataka kong tanong.

"Babalik kami, nasa kabilang kwarto ang mga outfit namin. Let's go girls!" At iniwan na nga nila ako!

Tumayo ako at balak habulin sila pero naka lock ang pinto!

Anong kalokohan ba ang iniisip ng tatlo?

Bakit pumayag si Daddy?

Number one kontrabida kaya 'yon.

Biglang nag ring ang cellphone ko.

Si Bebe! Agad ko itong sinagot.

"Bebe, nabasa mo ba ang text ko?" Malungkot kong tanong.

"Yeah, hindi ba talaga pwede? Kahit saglit lang." Pagmamakaawa nito.

Na touch naman ako at nasaktan. Ang dami ng tiniis ni Bebe Rond para sa akin, pero inutil lang ako at hindi makaganti ng kabutihan para sa kanya. Paano nga ba? E bantay sarado tayo at nakialam pa talaga si Daddy.

Okay na sana kami ni Zac eh.

"I'm sorry Bebe. Hindi talaga eh. Gustuhin ko man pumunta diyan. Hindi talaga ako makalabas dito." Halos maiyak kong sabi.

Napabuntong-hininga si Rond.

"Dahil ito sa matandang Zac na 'yon!" Sigaw nito.

Kung minsan naman ay hindi ko maintindihan si Bebe. Bakit niya palaging sinisisi si Zac?

Eh, si Daddy ang kontrabida this time.

"Bebe, walang kinalaman si Zac dito eh. Si Daddy! Ang kontrabida sa buhay natin ngayon." Paliwanag ko.

Pero biglang nagalit si Rond!

"Don't defend that old bastard! Bakit ba ang bait mo 'na sa kanya ngayon? Nagdududang tanong nito.

Anong nangyayari? He is doubting my feelings to him? Medyo nasaktan ako du'n ah.

"Bebe, nagsasabi lang ako ng totoo. Wala naman tutol si Zac sa relationship natin si Daddy ang ayaw. Bakit wala kang tiwala sa feelings ko?" Umiiyak kong tanong. Naku! parang si Mom na tayo nito ah, sa pagka emotional.

"Please don't cry, I'm sorry Bebe. Basta I will text the restaurant and it's address. Maghihintay pa din ako." May finality na sa boses ni Bebe.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Pero paano ba ako makakapunta sa kanya?

Hayy, napabuntong-hininga nalang ako..

Nang biglang may kumatok sa pintuan.

Gage din ang kumakatok ha. Ni lock nila ako dito tapos ngayon kakatok? Bahala ka diyan. Iba din ang trip nitong mga 'to.

Hindi ko pinansin ang mga katok at sa wakas ay binuksan na rin ang pintuan.

And guess who it is? Buti sana si Bebe Rond eh, ang masungit kong Daddy pala!

Naka formal attire pa. Saan kaya ito rarampa.

Hmmp! Galit pa din ako kay Daddy.

"What took you so long to open the door?" Tanong nito.

Ah ingles ka pa Daddy.

"You lock the door. So, you open it." Nakairap kong sagot.

Napailing nalang ito.

"Let's go down, I will escort you."

At ibinigay na nito ang kanyang mga braso.

Ayaw ko sana tanggapin pero baka maging tigre ito.

At lumabas na kami ng kwarto. At na shock ako sa aking nakita!

Ang daming flowers from here, upstairs to downstairs.

Red flowers lahat.

At favorite ko ang red roses.

Dahan-dahan kaming bumaba ni Daddy. In fairness pang rampa ang stairs na ito ni Zac. Mala-palasyo pa ang lawak.

Ang mga lukaret kong friends ay nasa baba naghihintay lang at ang ganda na ng mga outfit nila.

May ibang mga tao na hindi ko kilala but I'm sure they are Zac's employee.

At buti nalang walang media at mga cameramen.

Pero girl, bet ko rin may mga paparazzi no! para ma expose ang ating beauty hehe.

Malapit na kaming makababa ni Dad at hinahanap ng mga mata ko kung nasaan si Zac pangit.

When finally we are downstairs. Biglang nag dim ang light. At there he is. Ang gray eyes na si pangit. Napakagwapo lang niya sa sa suot na tuxedo. Bawat hakbang ni Zac palapit sa akin ay sinusandan siya ng ilaw. At himala! Wala siyang maskara today kaya kita ang kanyang ka gwapuhan.

At ang mga lukaret kong friends ay tulo laway habang pinagmamasdan si Zac. Pero ako wa epek! Mas gwapo parin si Bebe ko.

Naku nakakahiya itong mga friends ko ah! Si Lara halos mapasukan na ng langaw sa laki ng buka ng bibig.

Si Debbie ay pa simpleng nagpahid ng kanyang laway sa gilid. Yucks!

8At si Joanna ewan kung ano ang trip nito.

Parang na manyak lang while biting her lips habang nakatitig kay Zac na halos hubaran niya na.

Kung wala lang si Daddy sa gilid ko ay sinigawan ko na ang mga lukaret na 'to.

Nakalapit na si Zac sa akin.

"Happy Valentine's Baby, flowers for you." Nakangiti niyang bati.

Tinaggap ko ang bouquet of red roses. Napakabango at fresh pa nito.

"Thank you." Nakangiti kong sagot.

"May I have this dance to the beautiful girl in the world?" Nakayuko pa si Zac tanda ng pag galang.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

At ang tatlong lukaret ay halos himatayin na sa kilig. Habang ako ay hindi kinikilig.

Naalala si Bebe na naghihintay sa akin.

"Sure." Matipid kong sagot at dinala na ako ni Zac sa gitna at kami ay nagsayaw habang may live band na kumakanta ng "Valentine."

And romantic lang ng ambiance. Wondering kung anong nakain ni Zac at may pa ganito pa talaga.

"Zac, Ano ba ang nakain mo ha? At may pa party ka pa ng bongga?" Mahina kong tanong.

"Baby, I wanted to show your father that we are in love. Para makalimutan na niya ang tungkol sa inyo ni Rond. But I don't know if this will be effective let's see." Paliwanag naman nito. Medyo na touch ako sa ginawa niya. Gusto ko tuloy gawing friend si Zac!

"Zac pwede ba kita maging friend?" Mabait kong tanong. At tumawa lang ito ng mahina.

"You're funny. I'am your husband baby but I'm sorry to tell you this, that you cannot be my lover." Seryosong sabi nito.

Okay na sana eh! Nag feeling pa si Pangit!

"Are you kidding me? Okay na sana Zac eh. Feeling gwapo mo lang. I told you, I love my Bebe. Gusto ko lang ng pure friendship. Kung anu-ano naman nag iniisip mo." Nakasimangot kong sagot. Gigil mo talaga ako Zac! Tumawa na naman ito. Si boy tawa lang ang trip tonight.

"That's good that we both are not interested with each other. That's why I choose you baby." Nakatawang sabi nito.

Hindi daw ako gusto. Kung makatawag ng baby wagas?

"Teka nga, Bakit ba baby ang tawag mo sa akin?" Nagdududa kong tanong. Feeling din ako girl bwahaha.

"You're like a little sister to me. Kaya ganyan ang tawag ko sayo." Yon naman pala eh.

Malinaw na ang lahat, mabuti naman.

"Yon naman pala. So, Zac. Friends na tayo ha, for real na yan?" Nakangiti kong tanong. Tumawa lang si Zac.

"Sure, basta the contract needs to be followed." Paalala nito.

Yon lang pala eh!

Easy hehe.

At huminto na ang sweet music sa wakas na wala kaming ginawa ni Zac kundi ang mag-kwentuhan na akala naman nila ay ang sweet namin sa isa't-isa.

Inaya ako ni Zac sa front table at biglang nagsitakbuhan ang mga lukaret kong friends! Kumuha lang si Zac ng wine para mag-inuman kami to celebrate our friendship. At umatake agad ang mga malalanding bubuyog haha. "Alexis bakit hindi mo sinabi na ang gwapo ni Zac!" Tili ni Debbie na halos maihi na sa pagkakilig.

Kibit balikat lang ang isinagot ko. Bigla ko kasing na miss si Rond.

"At super hot! Ano Alexis nakuha na ba ni Zac ang matamis mong bulaklak?" Malisyosang tanong ni Lara.

"Bulaklak ka diyan! Magtigil nga kayo. Puro green minded eh.

"Excuse me ladies, want some drinks?" Nakangiting tanong ni Zac.

At ang mga lukaret kong friends ay nagsitilian lang na parang naipit na ipis ang mga boses.

Nakakatawang pagmasdan. Enjoy lang kayo diyan eh. Pero ako malungkot deep inside.

Kawawa naman si Rond. Nagpa reserve pa sa isang mamahaling restaurant at I'm sure he is waiting for me.

Pero ano ang magagawa ko?

I need to be friendly with Zac para kahit papaano ay payagan parin kami magkita ni Bebe...

At nakipag inoman na nga kay Zac ang mga lukaret kong friends.

Napailing nalang ako.

Pero naging horror lang nang bigla kong makita si Daddy sa tapat na seryosong nakatingin sa akin.

And tigre talaga eh. Agad akong lumapit kina Zac at naki-join na rin.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.