Chapter CHAPTER 3 The Painful Truth
"Babe.. how are you?" malambing na tanong nito sa kausap. Pasimple akong humugot ng aking hininga, parang biglang sumikip ang kotse para sa akin. Napakurap kurap ako at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana. "I miss you too babe.. Yes, im driving now. Of course, you too. Don't skip your meal, ok?" sabi pa nito na hindi nawawala ang pagkakangiti sa mga labi. Bahagya pa akong napasulyap dito, ang ganda ng ngiti nito, ngunit kahit minsan hindi nya naibigay sa akin.
"Take care, ok? I love you always. Bye!" At pinutol na nito ang tawag. Nanatilinpa rin akong tahimik at napalingon lang ng muli itong magtanong sa akin.
"Ok lang ba kung sa Cleaning Department ka muna ngayon, wala pang bakante sa opisina. Pero once na meron na ikaw kaagad ang ipapasok." "O- ok lang naman sa akin kahit saan, basta may trabaho ako". Sagot ko dito.
"Good. Malapit na tayo." Sabi nito. Napatingin ako sa labas at may nakitang malaking building. Ito na siguro ang kumpanya. Ang ganda at napakalaki nito.
Sinamahan lang ako saglit nito sa Recruitment Office, at pagkatapos ay umalis na. Agad akong nagsimula sa aking trabaho. Nagpalit na rin ako ng uniform para sa mga katulad kong taga linis. Naka assign ako sa buong 1st floor kasama si Tomas at si Cathy.
Mabait ang mga ito at mabilis ko lang naging kaibigan. Pareho din silang mga galing sa probinsya. Madali lang ang trabaho ko kahit na minsan ay nakakangalay. Mabuti na rin ito kesa naman nasa bahay lang ako maghapon at walang ginagawa.
Sumabay na lang din ako sa kanila pauwi, nakakahiya naman kung pupuntahan ko pa si Shai sa opisina nito. baka may makakita pa at kung ano ang isipin. Medyo madilim na rin ng makauwi ako, nauna na lang ako kumain ng hapunan, at agad na umakyat sa aking silid upang makapag pahinga.
Kinabukasan ay maaga ulit akong gumising. Sinabi ko kay Yaya na ako na ang maghahanda ng almusal namin ni Shai, at gusto ko din magbaon na lang ng tanghalian para makatipid. Abala ako sa pagluluto ng maramdaman kong may nakatingin sa akin. Lumingon ako at nakita ko si shai na nakatayo malapit sa lamesa at nakatingin lang sa akin.
"Gising ka na pala, maupo ka na at nakapagluto na ako." Wika ko dito. Nakita ko itong naghila ng upuan at agad na umupo. Nilagyan ko ito ng fried rice sa plato nito. Naglagay din ako sa isang plato ng itlog, bacon at hotdog. Nanatili lang itong nakatingin sa akin at pinagmamasdan ang bawat galaw ko.
"Hindi ka ba kakain ?" Tanong nito sa akin.
"Tapos na ako. Oo nga pala, hindi na lang ako sasabay sayo sa umaga at sa hapon. Mauuna na ako sayo. " pagpapaalam ko dito. Nakita ko itong tumango lang. " Aalis na ako, maiwan na kita dito " nagpaalam na ako dito at agad na ding lumabas ng kusina at lumabas ng bahay. Maglalakad na lang sya sa umaga hnggang sakayan ganon din sa hapon. Napabuntong hininga na lang sya sa kanilang sitwasyon. Alam naman nyang labag kay Shai ang magpakasal sa kanya pero ngayong magkasama na sila ay ramdam na ramdam nya na ibang tao sya sa buhay nito.
Tanghalian na at sabay sabay kumain sina Ruth kasama si tomas at Cathy.
"Labas naman tayo sa unang sweldo natin, kain tayo sa fastfood tapos tambay tayo sa park. Sige na" yaya ni Cathy habang kumakain sila.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Game ako dyan, ikaw ba Ruth?" tanong sa kanya ni Tomas
"Matagal pa naman yun, ilang araw pa lang tayo nagtatrabaho." Sabi nya sa mga ito "Kahit na, basta usapan na yan hah, labas tayo sa unang sweldo natin." Sabi pa ni Cathy. "Oy, Ruth, nakita mo na ba yung may ari ng kumpanya?" Tanong pa ni Cathy sa kanya "Bakit?" Balik tanong nya dito
"Yummy daw sabi nila friend, yun nga lang may jowa na daw. Hmp, sayang naman. Wala ng pag asa ang beauty ko." Kwento pa nito. "Ikaw talaga basta gwapo kilig na kilig ka. Masanay ka nang makakita ng gwapo, andito lang naman ako eh" pagbibiro naman ni tomas. Inirapan lamang ito ni Cathy at muling nagpatuloy." Infairness may itsura ka naman tomas, pero sorry ka na lang hindi kita type noh." "Oy hah, ang choosy mo. Hindi rin kita type." Biro din ni Tomas kay Cathy. Natatawa na lamang sya sa biruan ng dalawa. "Baka mabalitaan ko na lang kayo ng dalawa hah" pang aasar pa niya sa dalawang kaibigan.
"No way" sabay pang wika ng dalawa. At sabay sabay nagtawanan. Masaya siya na mayroon syang mga kaibigan na masayahin.
"Ruth, pinapasabi ni Mr Valdez na ikaw daw muna ang maglinis sa President's Office. Absent kasi ang naka assign dun, may sakit kaya habang wala sya ay doon ka muna" sabi ng isang staff ng Recruitment Office. Tumango na lamang syan bilang pag sang ayon.
"Ay wow, ang swerte mo naman friend, makakapunta ka sa taas at makikita mo ang CEO. Sana all na lang talaga" kinikilig na wika nito sa akin. Napatawa na lamang ako dito. Masayahin talaga ito at parang walang problema. Agad na syang naghanda upang maglinis sa President's Office.
Mabilos lang akong nakarating sa 10th floor kung saan matatagpuan ang opisina nito. Sakop nito ang buong palapag, napakalaki at napakaganda. Carpented ang sahig at mabango ang ibinubugang hangin galing sa aircon. Napakatahimik at hindi nya alam kung nasa loob si Shai. Nagsimula na syang maglinis sa labas. Mabilis lang syang nakatapos dahil malinis pa naman. Kumatok ako sa pinto ng opisina ngunit wala naman sumasagot kaya dahan dahan ko itong binuksan at pumasok. Namangha ako sa aking nakita. Napakaganda ng ayos nito, mayroon itong maliit na sala at sa kabilang gilid ay mayroong mahabang table na maraming upuan. Mayroon din ditong dalawang nakasaradong pinto. Maayos at malinis na ang buong lugar, kaya kaunti na lamang ang lilinisan nya dito.
Napatingin sya sa malaking table nito sa gitna FARRELL SHAI ROCHEFORT CEO. Maraming nagkalat na folders sa ibabaw nito. Agad nya itong nilinis at niligpit ngunit naagaw ng kanyang pansin ang isang picture frame sa gilid ng laptop nito. Dahan dahan nya itong hinawakan at tiningnan, picture ito ng isang babae kasama si Shai. Napakaganda ng babae at masayang masaya sila sa picture, ito siguro si Charlotte. Bagay na bagay sila. Napabuntong hininga sya at napahawak sa kanyang dibdib.