Chapter k a b a n a t a 7
Jenissa's POV
Minulat ko ang aking mga mata sa madilim na kuwarto. Nakita ko ang kamay ng isang lalaki at isang babae na nakahawak sa matulis na kutsilyo. Nakasentro sa aking dibdib ang kutsilyo. "Huuuuwag!" Umahon ako dahil sa kaba na baka sasaksakin nila ako.
"Ano ang nangyayari sa iyo?" tanong ni Farris sa akin.
Hindi ko alam kung ano ang nagyayari sa akin. Palagi akong balisa. Masaya ako sa katotohanang mahal na ako ni Farris at hindi na n'ya ako sinasaktan. Pero pakiramdam ko mas lumawak pa ang mga hindi kanais-nais na imahe na nakikita ko sa bawat araw na lumilipas.
Ilang linggo na ako sa ganitong kalagayan. Pati ang pagiging volunteer ko ay naapektuhan na.
Pakiramdam ko ay palagi akong nauuhaw. Natatakot din ako dahil parang may gustong pumatay sa akin. Palagi akong naghihisterikal. Natatakot akong mag-isa.
"They are going to end my life, Farris!" sumbong ko sa kaniya habang nakahawak ako sa kaniyang braso.
Pati siya ay napabangon na rin. Tumayo siya kaya'y binitawan ko ang kaniyang braso. Maya't Maya'y lumiwanag ang kwarto at nakita kong pabalik na mula sa kinapaskilan ng switch ng ilaw si Farris.
"Who? May mga nakaaway ka ba sa school? Wala ka naman masyadong nakakausap. Baka masamang panaginip lang iyan, Wifeu." aniya at muling umupo sa tabi ko.
Umiling ako. Dahil sa takot ay kusang bumulwak ang mga luha mula sa mga mata ko.
"No. M-Maniwala ka sa akin, Farris. Wala akong n-nakaaway sa school. H-Hindi ko rin nakikita ang mga mukha ng mga taong gustong pumatay sa akin. B-But I'm sure about them being certain and eager to push the dagger they're holding in my flesh," nanginginig kong sabi.
Hinila niya ako papalapit sa kaniya. Huminga ako ng malalim at napayakap ako sa kaniya.
"F-Farris, natatakot ako. B-Baka b-bigla nila akong saksakin. Paano kung minamanmanan nila ako? A-Ayaw ko pa mawala, Farris. H-Hindi puwede itong mga nangyayari sa akin. Natatakot ako," sabi ko.
Hindi ko maipaliwanag bakit ako nagkakaganito. Para akong hinahabol ng kamatayan. Kaunting tunog lang ay kinatatakutan ko. Madalas akong nagpapalpitate at pakiramdam ko ay palagi akong may hinahanap.
"Calm down. Hindi mangyayari iyan. Nandito lang ako sa tabi mo. Hindi kita pababayaan," sabi niya.
Kinulong niya ako sa kaniyang mga bisig. Nakadikit ang mukha ko sa kaniyang dibdib. It felt warm. It felt like I'm safe in my home.
Mabuti na lang at kumalma na ako. Humiwalay ako sa kaniyang pagkakayakap. Lumakad ako patungo sa bintana. Nakita ko na nagsasampay ang ibang kapitbahay namin. Binaling ko ang sulyap ko sa wall clock dito sa kuwarto namin. It's already 10AM.
Bumaba ako at iniwan ko si Farris. Bitbit ko ang aking smartphone. Bigla itong tumunog kaya sinagot ko ang tawag.
"Jen! Nakaligpit ka na ba? Dadaanan kita para sa outing natin with the parents," sabi ni Jackielou.
"Shit," mahina kong sabi at napahawak pa ako sa aking noo. "Nakaligpit na ako pero kagigising ko lang," wika ko.
Dahil sa mga nangyari sa akin ay hindi ko na maalala na ngayon pala ang outing namin kasama ang parents ng mga bata.
"Tangenga ka na naman, Jen," aniya. "Imposible--What the-? Nalimutan mo? Iyan kasi ang sinasabi ko sa'yo, hindi porque at okay na kayo ni Farris ay kalilimutan mo na ang pagtatrabaho natin. Volunteer ka, Jen, kusa kang pumasok. Sana kung ayaw mo na sa ginagawa mo ay magpaalam ka na lang ng maayos," sermon niya sa akin.
"Jack, kasi ano-"
"Alam mo, Jen, hindi naman sa nakikialam ako. Pero sana isipin mo rin na walang tumulak sa iyo para magvolunteer. Ikaw mismo ang lumapit sa volunteer center."
"Sige na. Huwag ka na ngang panay sermon diyan. Hintayin mo lang ako saglit dahil kukunin ko lang ang mga bagahe ko," sabi ko sa kaniya.
Narinig ko ang tunog ng kaniyang pagtatalon-talon. Alam ko naman bakit panay sermon siya. Gusto niya lang akong makita. Nagseselos na rin iyan dahil okay na kami ni Farris at kaunti na lang ang oras ko sa kaniya. "Buwesit ka, babaita ka! Bilisan mo na r'yan! Miss na miss na kita," sabi niya.
Tama nga ang kutob ko.
"Alam mo, Jackielou, p'wede mo namang sabihin na namiss mo ako. Hindi iyong sermon ka ng sermon," sabi ko sa kaniya.
"Bilisan mo na," excited na sabi niya.
Pinatay ni Jackielou ang tawag kaya'y pinasok ko sa aking bulsa ang aking smartphone.
Sa halip na tumuloy sa baba ay naisipan ko na lang umakyat. Hindi na ako mag-aalala pa kay Farris dahil may dalawang katulong na kami sa bahay. Kaso stay out sila. Ayaw kasi ni Farris ng stay in. Hindi ko alam sa asawa ko. Sabi niya kasi dapat kami lang dalawa ang nasa bahay kapag gabi na. Hindi rin ako humindi dahil gusto ko rin ang ideya na iyon.
Pagkabalik ko sa kuwarto namin naratnan ko si Farris na nakasandal sa heading ng kama.
"Narinig ko na nag-usap kayo ng kaibigan mo," sabi niya.
May lungkot sa mga mata niya kaya naman ay lumapit ako sa kaniya. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi at hinaplos ko ito ng marahan.
Inangat niya ang titig niya sa akin. Alam niya kasi na isang linggo akong mananatili sa resort. Ako ay nag-aalangan na sumama pero kailangan kong bumawi sa mga tao na bumubuo ng Daycare Center. Lalo na sa kaibigan kong si Jackielou. Ngayon lang din kami magsasama ni Jack sa ganitong outing. Never kasi akong nakapunta sa mga lugar na tulad ng pupuntahan namin mula noong nasa puder na ako ni Farris. Buti nga ay pumayag siya na sumama ako sa outing. "Hindi ko na nga pinaalala sa iyo para huwag mo akong iwan dito," malungkot niyang wika.
I leaned on his chest. Ngayon ay nakayakap na siya sa akin. He is my sanity. Kahit na may hinaharap ako ngayon na hindi ko matukoy kung ano, isang yakap lang ni Farris ay nawawala ang takot ko. Para siyang gamot na pampakalma kapag dumarating ang panic ko.
"Sabi mo sa akin, pinapayagan mo ako," sabi ko. "You even told me to go so that I can see new and calm environment,” dagdag ko pang sabi.
"Kahit na. I told you that because I hope that I can join you. Kaso, hindi ako makakasama dahil busy ako rito. I have a very tiring schedule, Wifeu," sabi niya.
Niyakap ko ang mga braso niyang nakapuwesto sa ibaba ng aking mga dibdib.
"Thankyou," wika ko.
Pinalihis ko ang aking katawan at tumingala ako sa kaniya. Nakangiti siya.
"You are welcome, Jenissa, my Wifeu," sabi niya.
Narinig ko ang busina ng kotse ni Jack.
Humiwalay ako kay Farris at tumayo ako. Sumulyap ako sa salamin. Puwede na siguro itong suot ko. Pangtulog ko ito pero hindi naman halata. Masyado na kasing huli kapag maliligo pa ako. "I have to go."
Lumapit ako sa kaniya at agad niya akong siniil ng halik.
"Goodbye," halos sabay naming wika.
Saglit lang ang aming halikan dahil muli na namang bumusina ang kaibigan ko na hindi makapaghintay. Ewan ko talaga kay Jackielou!
Halos madapa ako sa pagmamadali ko. Nang makalabas na ako ay sinalubong na ako ng loka. Bigla niya akong niyakap kaya'y nabitawan ko ang hawakan ng mga bagahe ko.
"Why!?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko alam, Jen. Ang saya ko na nakikita kitang malapad ang ngiti. Wala ka na ring mga pasa. Gumaganda ka pa lalo. Pero pansin ko na nangingitim ang ilalim ng mga mata mo. Alam mo ikaw, para ka talagang bagong kasal e 'no? Dinaig mo pa nga ang birheng bride na tigang palagi at gusto magpabisbis ng holysperm!" tili ni Jackielou nang humiwalay na siya sa akin.
Sinamaan ko siya ng titig pero hindi ko mapigilan ang mga labi ko sa pag-ngiti. Namumula na rin ako dahil sa sinabi ni Jack.
"Para kang tanga, Jack," ani ko.
Tinaasan niya ako ng kabilang kilay. Grabe rin makatukso ang kaibigan ko.
"Ikaw naman si Denial Queen! Halata na nga masyado, tapos hindi mo pa aaminin," sabi niya.
"Bakit ko pa ba kasi sasabihin. Malamang ang galing ni Farris. Hindi ko nga alam e pero parang may mali sa akin. Palagi akong horny,” pag-amin ko.
"Ay bruha! Taray! It's really strange hearing that from my bestfriend! Pero gan'yan naman talaga kapag nagugustuhan mo na ang ginagawa ni Farris sa'yo, bibigay ka na at hahanaphanapin mo pa." Nagtawanan kami ni Jack.
"Tulungan mo na ako sa mga bagahe ko. At sa tingin ko, kailangan na talaga natin pumunta sa resort," sabi ko.
Tinulungan niya nga ako upang ipasok sa sasakyan ang mga dala ko. Nilagay na namin sa mismong backseat ng sasakyan niya ang mga gamit ko. Matapos iyon ay agad kaming pumasok.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Saang resort pala tayo?" tanong ko.
"Hindi mo ba binubuksan ang messenger mo? Chinat naman sa GC natin kung saan tayo. Sa rest house tayo ng mga Morris," she said.
Kumunot ang noo ko dahil sa narinig ko. Sana mali ang hinala ko na ang Daddy ni Shon ang nagmamay-ari ng resort.
"O, bakit nakakunot ang noo mo? Don't tell me against ka kasi malayo ang destinasyon natin. Mabuti pa nga itong Daddy ni Shon dahil may initiative na ipagamit ang resort niya. Unlike sa asawa mong-hays! Basta! Ewan ko talaga sa asawa mo. Puwede naman tayong sponsoran sa outing na ito. Pero hindi niya ginawa," sabi ni Jack.
Kasalanan ko kung bakit nang-iinit ang dugo ni Jack kay Farris. Ang dami ko kasing naikuwento sa kaniya tungkol sa mga hindi mabuting ginawa ni Farris sa akin.
Masamang tao ang unang impresiyon niya sa asawa ko. Kaya hanggang ngayon ay kinaiinisan niya pa rin si Farris. Minsan nga ay sinabihan niya akong lasunin ko ang asawa ko. Kahit na masamang tao si Farris noon at inaabuso niya ako ay hindi ko rin maisip na patayin siya. Ang gusto ko lang noon ay makalaya sa sitwasyon ko. Binigay naman niya sa akin iyon ngayon. Hindi lang 'yon ang binigay niya kun'di ang pagmamahal niya at serbisyo niya.
"Hindi ko naman sinabi sa kaniya iyon ahead of time. Nagpaalam lang ako sa kaniya 'no! Ang judgemental mo talaga pagdating sa asawa ko," ani ko. "Bigyan mo kasi ng pagkakataon ang tao. Patawarin mo na siya tulad ng ginawa ko sa kaniya. Nakita ko naman na totoo ang pagbabago niya. Halos ilang linggo na kaya kaming okay ni Farris," depensa ko sa asawa ko.
Niliko ni Jackielou ang manibela ng sasakyan niya. Iba rin makapagmaneho itong isang 'to. Dinaig pa mga racer!
"Huwag mo akong itulad sa iyo na marupok at pusong mamon! Para sa akin, mahirap na ibigay sa kaniya ang kapatawaran na sinasabi mo. Hindi ko alam paano ko ipapaliwanag sa iyo ang hinanakit ko sa kaniya. Babae ako, Jen. Dahil sa masalimoot mong karanasan sa kaniya ay bigla akong natakot makipagrelasyon sa kahit na sinong lalaki. Higit pa, kaibigan kita. Kung ako lang siguro ikaw ay mararamdaman mo gaano kahirap makita ang kaibigan mo na nahihirapan na at puro pasa araw-araw. Gusto mo siyang ipagtanggol pero wala kang magawa," nanggigigil niyang sabi.
Lumingon siya sa akin. "Alam mo, ilang beses ko na gustong ipapulis iyang asawa mo pero baka mapaano ka pa at mapaano rin ako," saad pa niya.
"Magmaneho ka na nga lang diyan," utos ko sa kaniya. "Hayaan mo, sa susunod na linggo ay sasabihan ko si Farris na gusto kitang ipakilala sa kaniya. Wala na sigurong mas-sasaya kung ang asawa ko at ikaw ay magiging okay na rin," sabi ko sa kaniya.
Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Mabuti na lang dahil may Jackielou sa buhay ko. Kung wala si Jack ay matagal na akong bumigay. Kaso hindi ko gusto na masaktan siya kapag nawala ako.
"Gusto ko magpakamatay na lang noon," sabi ko.
"I know. Kung ako nga siguro ang nasa sitwasyon mo ay matagal na akong bumigay. That was fucking hard for a young wife to encounter," sabi niya. "Bilib na bilib nga ako sa tatag mo. Pero hindi sa karupukan mo." Bumalik na naman ang gigil sa pananalita niya.
I chucked.
"Ano'ng nakakatawa roon? Sinasabi ko ang totoo. Strong ka! Bilib ako sa'yo," wika niya.
"Naging strong ako dahil ayaw ko mawalan ka ng kaibigan. Ayaw ko rin sa kabilang buhay, Jack. Baka walang ikaw roon! Ayaw ko," sinsiro kong sabi.
Dama ko paano nanlambot ang mga balikat ni Jackielou. Saglit siyang tumingin sa akin nang inayos ko ang aking pagkakaupo.
"Buti alam mo," aniya. "I want to see you building a family with a man who will love and treasure you. Kaso ang ironic ng pangarap ko bilang kaibigan mo. Parang ang tutupad kasi ng pangarap na iyon ay ang parehong lalaki na siyang pinangarap ko na mawala sa buhay mo," sarkastika niyang sabi.
"Tumigil na nga lang tayo sa pag-uusap," natatawang sabi ko sa kaniya.
"Better!"
"Bitter," ani ko.
"Better! Better na huwag mo banggitin ang pangalan ng asawa mo dahil naiintriga ako. Kumukulo ang dugo ko," sabi niya.
Tumawa lang ako at minabuting ipikit na lang ang aking mga mata.
Sa kahabaan ng biyahe namin ay nakarating na kami sa aming babakasyunan. Huminga ako ng malalim nang malanghap ko ang sariwang hangin mula sa dalampasigan.
Ang ganda-ganda rito sa probinsiya. Napayakap pa ako sa making sarili minsan dahil sa ginaw. Hapon na kasi kaya malamig ang simoy ng hangin sa dalampasigan. Si Jackielou na ang bahala sa room namin. Siya na lang daw ang mag-aayos at magliliwaliw na muna ako.
"Miss Jen?"
Lumingon ako sa lalaking tumawag sa akin. Pinasingkit ko ang mga mata ko upang matiyak na hindi ako nagkakamali sa nakita ko.
"Miss Jen! Ikaw nga!" muli niyang sabi at agad siyang lumapit sa akin.
And I was right. Daddy nga ni Shon ang tumawag at siya nga ang nagmamay-ari ng resort na ito.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "M-Mister M-Morris," nauutal kong bati sa kaniya.
Kinabahan ako nang tinabihan niya ako sa aking kinatatayuan. Ano ba itong lalaking ito? Ikalawang pagkakataon pa lang namin magkita ngayon pero makatabi siya sa akin ay parang matagal ko na siyang kaibigan. "Hindi ba sinabi ko na sa'yo na Rev na lang?"
Sinabi niya nga iyon sa akin noong gabing hinatid nila ako ni Shon sa bahay. Pero hindi ko talaga siya magang tawagin sa pangalan niya. Pakiramdam ko kasi para akong nasabingit ng kamatayan kapag binibigkas ko ang pangalan niya. "H-Hindi kasi ako kumportable na tawagin ka sa pangalan mo. Nakakahiya rin," pag-amin ko.
He chuckled. Napatingin ako sa kaniya. He was a little bit fun to be with this time. Hindi tulad noon na napakaseryuso niya. Lumalabas din ang mga dimples niya kapag nahsasalita siya kaya naman ay mas kinabahan ako. Pinagselosan siya ng asawa ko. Kaya ako natatakot ngayon kasi kapag nalaman ito ni Farris ay tiyak akong magagalit na naman 'yon.
I made a freezing sound. Tumingin siya sa akin at dumako ang titig niya sa mga balikat kong malayang hinahalikan ng hangin.
"Ito... Suutin mo," sabi niya at agad niyang pinatong sa mga balikat ko ang kaniyang makapal na jacket.
"Hindi naman kailangan. Pero salamat."
Ang bango naman ng lalaking ito.
"Look," sabi niya at tinuro ang araw na unti-unting bumababa.
Namangha ako sa nakita ko. "This is so beautiful," sabi ko.
Ang ganda pagmasdan ng araw habang kinukubli niya ang kaniyang sarili sa dulo ng dagat. Kinukulayan ng araw ang dagat kaya ako napamangha ng tuluyan.
"Oo nga. Ang ganda. Ang ganda-ganda," sabi niya pero nakatingin siya sa akin.
"I'm referring to the sunset," sabi ko sabay lingon sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata ko at bahagya akong napaatras dahil halos magkahalikan na kami. Natakot ako bigla at naalala ang asawa ko.
"I'm referring to the sunset too."
"B-Bakit ka nakatingin sa akin?" Hindi ko alam bakit ko natanong ito.
"Akala mo ikaw ang sinabihan ko ng maganda?"
Nahiya ako. Ano ba itong ginagawa ko? Bakit hinahayaan ko ang taong ito na hawakan ang mga kamay ko?
"S-Sorry," nahihiya kong sabi.
"Don't be. Kakaiba ang ganda mo, to the extent that saying you're beautiful is an understatement," sabi niya.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Nakakatakot itong ginagawa niya. Baka makita kami ng kung sino at sasabihin kay Farris na naglalandi ako kahit hindi naman. "B-Baka makita tayo ng asawa mo," sabi ko.
"Wala akong asawa. She left me after she gave birth to our son," sabi niya.
"But I have," sabi ko sa kaniya.
Sa halip na tumigil ay binaba niya pa ang kaniyang ulo. I am closing my eyes but I am conscious on what he did. Hinalikan lang naman ng malalambot niyang mga labi ang ibabaw ng mga kamay ko.
"I have to see the principal. Mauuna na ako, Jen," malapad na ngiti niyang pagpaalam sa akin. "Enjoy staying here!" pahabol pa niyang sabi.
Tumango lang ako. Nakatalikod na siya sa akin at humakbang palayo. I can't move right now. Even letting go a breathe is hard to do.
That man is stupid!