Melancholic Wife

Chapter k a b a n a t a 5



Jenissa's POV

Marahan akong gumalaw. Gusto kong umunat subalit hindi ko magawa dahil may kung ano'ng pumipigil sa akin. Ang init ng buong paligid. Alam ko naman na naka-on ang AC pero ang init ng pakiramdam ko. "Uhm," halinghing ko sabay bukas ng aking mga mata. Marahan lang ang pag-bukas ko ng aking mga mata.

I am in full shock when I got all my senses functioned again.

"W-What? F-Farris," hindi ko makapaniwalang bigkas.

Bakit siya nakayakap sa akin? Ang higpit ng kaniyang pagyakap na para bang natatakot siya kung ano ang mangyari sa akin.

Matutuwa ba ako?

Ngayon ay nakangiti ako pero patuloy na dumaloy ang mga luha mula sa aking mga mata. Tinawid ng butil ng mga luhang pagulung-gulong ang aking pisngi.

Limang taon na ang lumipas. Panay iyak ako dahil sa hindi kaasam-asam na trato ni Farris sa akin. Puno na ng pasa ang aking katawan sa loob ng mga taong lumipas. Yumakap ako ng mahigpit sa kaniya habang dinadama ang init ng katawan niya.

"Bullshit!" galit niyang sabi.

Lumuwag ang mga kamay kong nakayakap sa katawan niya. Paisa-isa na lang din ang isinagawa kong pag-hinga dahil baka lasing lang siya kaya n'ya ako yakap-yakap ngayon.

"Fuck, Wifeu? Bakit ka umiiyak? Ano ang nangyari? Did I hurt you?" Tama ba ang mga narinig ko? Tinawag niya akong 'wife'?

Lumunok ako at nanatiling naka-sulyap lang sa kaniya. Ano ang nangyari sa kaniya? Nauntog kaya siya at natauhan sa mga ginagawa niya sa akin? This is mindblowing! Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito.

"Ano ang s-sabi mo? A-Ano ang tawag mo sa akin?" tanong ko sa kaniya.

Umahon siya at hinila niya rin ako para makaahon ako. Nakatitig kami sa isa't isa. Kanina pa niya pinupunasan ang mga luha ko gamit ang kaniyang mga hinlalaki. Nothing happened. Napapalitan pa rin ang mga luhang inalis niya. Panibago. Panibagong luha na hindi na dulot ng mga suntok at sampal niya. Ang mga luhang ito ay luha ng pagiging masaya ko ngayon. Ang saya-saya ng puso ko. Lumulundag ito sa saya.

"Stop crying, Wifeu. I don't want to see you with tears again. I'm so sorry for all the things I did to you. Sana Hindi pa huli ang lahat para sa atin. Sana bigyan mo ako ng tsansa para makabawi sa lahat ng kasalanan ko sa iyo. I'm sorry, Jenissa. I'm sorry," sabi niya.

Habang pinakikinggan ko siya ay mas lumusog ang mga luhang pinapakawalan ng mga mata ko. Naluha na rin siya kaya naman ay kusa kong inabot ang mga kamay niyang nasa pisngi ko. Hinaplos-haplos ko ang kaniyang mga kamay. Nakatitig ako sa kaniya.

"This is what I'm waiting for, Farris. G-Gusto ko lang marinig mula sa iyo na nagsisisi ka na. G-Gusto ko lang marinig sa iyo na humihingi ka ng kapatawaran. A-At G-Gusto ko lang marinig mula sa iyo ang tawagin mo akong 'asawa' mo." Hindi ko na sinayang ang pagkakataon. Lumapit ako sa kaniya at niyakap ko siya agad.

"Come on, stop the drama," aniya.

Dumistansiya ako sa kaniya ng kaunti at tumingala ako sa kaniyang mukha. Ang hirap paniwalaan. Parang gusto kong sampalin ako ng ilang beses upang matiyak na hindi panaginip ang lahat ng ito. Sana huwag tumunog ang alarm clock ko kung panaginip nga ito.

"Bakit ganiyan ka makatitig sa akin? Are you doubting me?"

Kumawala siya sa mga yakap ko at tumayo siya. Pumunta siya sa bintana at binuksan niya ito. The rays of the sun brushed his skin. Nasilawan ako nang tumitig ako sa labas.

Tumayo ako at sumunod ako sa kaniya. Sa isang iglap ay nawala ang poot ko sa kaniya. Alam kong imposible pero ito kasi ang nangyayari. Malumanay na siyang nakikipag-usap sa akin.

Huminto ako sa bandang likuran niya. Isang hakbang pa ang isinagawa ko. Nang makadikit na ako sa kaniya ay tinali ko ang mga kamay ko sa kaniyang baiwang.

Dinantay ko ang pisngi ko sa kaniyang braso. Tumingin ako sa labas at nakita ang mga ibon na nagsiliparan. Ang mga ulap ay sinasayaw ng hangin. Natiyak kong hindi panaginip ang lahat nang lumingon siya sa akin. "Farris," bulong ko.

Ako na ngayon ang nasa unahan at siya'y nasa aking likuran. Yakap-yakap niya ako habang ang kaniyang baba ay nakadikit sa aking balikat.

"Sana noon ko pa ito ginawa, Jenissa. Sana noon pa ako humingi ng tawad at nagsisi. I realized that I can't live without you, Jenissa. Inaamin ko na sinaktan kita kagabi pero that was because I'm afraid that you might leave me. H-Hindi ko na kaya na wala ka, h-hindi ko kayang mabuhay na hindi ka nakikita, Jenissa, at lalong hindi ko kayang makita ka na kasama ang ibang lalaki. G-Gusto ko akin ka lang," aniya.

Dahil sa mga sinabi niya ay gumaan ang pakiramdam ko. Ito na siguro ang simula ng masaya naming pag-sasama.

"Inaamin ko na ang hirap paniwalaan nitong nangyari, Farris. Kaya ako nagkakaganito dahil akala ko ay hindi mo na makikita ang halaga ko. Oo, kinamumuhian kita pero parang bigla na lang nawala ang poot ko sa'yo. Natatakot ako, Farris. Baka pantasya ko lang ito at aasa lang ako," ani ko.

Kinurot niya ang pisngi ko kaya naman ay napahawak ako sa aking pisngi.

"You're crazy, Wifeu! 'Yan! Kinurot na kita! Hindi ka nanaginip. Hindi ito pantasya. Fairytale doesn't exist. Tigilan mo na iyan at bumaba na tayo para kumain," sabi niya.

Kumawala ako sa kaniya upang tumakbo papunta sana sa kusina. Naalala ko na hindi pala ako nakapag-luto. "F-Farris," nauutal kong sambit.

Hinila niya ako. Nahawakan niya ang kamay ko. He pulled me to his way. Our bodies are now closed to each other.

"Why? Bigla ka naman nautal diyan. May problema ka ba, Wifeu?" tanong niya sa akin.

Hindi ko alam paano ko sasabihin sa kaniya na dahil sa masarap kong tulog ay hindi ako nakapaghain. Napalunok na lang din ako nang bigla akong kinabahan at may kung ano akong hinahanap. Tumungo ako saglit sa refrigerator sa tabi ng pintuan at binuksan ko ito. Uminom ako ng uminom pero hindi mapawi ang uhaw na nararamdaman ko. Humalungkat pa ako sa fridge pero wala na akong nahagilap na tubig. Nalimutan ko kasing refillan ang fridge sa kuwarto namin. Huminga na lang ako ng malalim at tumingin ako kay Farris.

"Why? Is there any problem?" tanong niya muli sa akin.

Humakbang ko papunta sa kaniya. Marahan Kong hinawakan ang kaniyang braso.

"F-Farris, kasi--ano-aaaah," parang bata kong sabi.

Natakot ako baka kapag nalaman niya na wala pa akong nasaing at naihanda sa baba ay magagalit siya. Ayaw ko na siyang magalit sa akin. Nagugustuhan ko na ang pagtrato niya sa akin. Gusto ko palagi niya akong nilalambing. "Wifeu? What's wrong?"

Hinila niya ako papalapit sa kaniya.

"Kasi- w-wala pa-"

"Aha!" Nagulat ako sa malakas niyang boses. "I got it! Natatakot ka kasi wala kang naihandang pagkain ano? Am I right? Of course I am!" natatawa niya pang saad.

Tumigil ako sa aking paghihisterikal nang marinig iyon sa kaniya.

"H-Hindi ka galit? H-Hindi mo ako bubugbugin dahil wala akong nasaing? Hindi mo ako susuntukin o hindi naman kaya ay tatapunan ng kung anu-ano dahil n-nalimutan kong mag-saing?"

Umiling siya. Niyakap niya akong muli. Ngayon ay nakasandal ang pisngi ko sa matikas na dibdib ni Farris. Kahit na may suot siyang damit ay nararamdaman ko pa rin ang init ng kaniyang dibdib. Mas binaon ko pa ang aking pisngi sa kaniyang katawan. I liked it. Naging panatag ako dahil sa temperatura ng kaniyang katawan.

"Why would I? Masyadong malamya ang dahilan na tinutukoy mo, Wifeu. At dapat na nating tuldukan ang sigalot sa ating pagsasama. Let's start the beggining we should already do before."

Yumuko siya upang mahalikan ang aking noo. Nang lumapat ang kaniyang mga labi sa aking balat ay napapikit ako dahil ang sarap sa pakiramdam ng halik niya. I was told that a man's kiss on a woman's forehead means respect. "Farris, bumaba na tayo nang sa ganoon ay makapag-handa na ako ng makakain natin," sabi ko at humiwalay na ako sa kaniya.

He made a sigh. Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan kaya naman ay lihim akong napangiti. Ito pala ang pakiramdam na inaalagaan ka? This thing is foreign to me. Ang sarap at saya pala ng inaalagaan ka ano?

Pagkababa namin ay nagulat ako sa nakita ko. Ang dating magulo at boring namin na sala ay kulay dilaw na ang tema. Pati sa kusina ay dilaw rin ang naging tema.

"Why? Ayaw mo ba sa kulay? I thought you would like this," dismayado niyang bulong sabay pout ng kaniyang mga labi. "Nagmadali pa naman akong ipaayos iyan. Halos tatlong oras nga lang ang ginawang pag-aayos para maging makulay ang bahay natin."

Huminga ako ng malalim. Inabot ko ang kaniyang pisngi at marahan ko 'tong pinisil.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"I don't just like this, Farris. I love this!" masaya kong sabi.

Kung kanina ay nakasimangot siya, ngayon naman ay malapad na siyang nakangiti.

Dumiretso ako sa dining table. Namangha ako sa nakita ko. Puno ng pagkain ang aming dining table. Sa gitna nito ay samu't saring mga prutas ang nakahilera. "Umupo ka na. Kumain na tayo kasi pupunta pa ako sa opisina. I have to take care of something," sabi niya.

Hinila niya ang bangko at pinaupo niya ako. Bigla akong nalungkot nang sinabi niya na pupunta siya sa opisina.

Parang kahapon lang ay nagagalak ako at nakahihinga ng maayos sa t'wing aalis na siya patungong trabaho niya. Pero iba na ngayon. Pakiramdam ko ay mamimiss ko siya ng todo. Kinuha niya ang plato sa tapat ko at nilagyan niya ito ng kanin at mga ulam. Sinalukan niya na rin ng juice ang baso sa tabi ng plato ko.

"Thankyou," wika ko.

Umupo na siya at nilagyan niya ng makakain ang kaniyang plato. Sinunod niyang buhusan ng juice ang kaniyang baso.

Nakailang subo na siya pero natigil siya sa ginagawa nang nahagilap niya akong malungkot ang mukha.

"Jenissa, bakit ayaw mong galawin ang pagkain mo? What's with that long face, Wifeu?" tanong niya sa akin.

Umiling ako at tipid na ngumiti.

"May nasabi ba akong mali?" tanong pa niya.

"Bigla lang akong nalungkot dahil sinabi mo na aalis ka at magtatrabaho. I'm gonna miss you," sabi ko.

Lumapad ang kaniyang mga ngiti. His fingers crawled and finally found mine. Maigi niya itong pinisil ng hindi kalakasan kaya ay tumitig ako sa kaniya.

"Babalik naman ako mamayang gabi. Pagkatapos kong ayusin ang dapat na ayusin sa opisina ay babalik ako agad. I miss you already too!"

"Make sure you will do that," sabi ko sa kaniya.

Tumango siya. Nilagyan niya ng kanin at ulam ang kaniyang kutsara at sinubuan niya ako.

"Masarap ba? I cooked this," aniya.

Tumango ako. Masarap ang luto ni Farris. Actually, ngayon ko lang nalaman na nagluluto pala siya.

"Ang sarap-sarap, Farris," sabi ko naman na medyo may ilang na naramdaman.

Nanibago lang ako sa ganitong mga bagay. He became too sweet and caring. Nagsisisi ako dahil hinusgahan ko siya at kinamuhian.

Matapos kaming kumain ay naligo na siya. Mabilis siyang natapos kaya agad-agad siyang umakyat para bumihis.

Hinintay ko siya sa sala. Nadako ang tingin ko sa kaniya nang humakbang siya pababa ng hagdanan. Napangiti na lang ako at napalunok. Ngayon ko lang nakita ang kaniyang aninag at kakisigan. My husband is so handsome. "Why you're blushing, Wifeu?" tanong niya nang tumigil siya sa tapat ko.

Ito ba 'yong pakiramdam ng kinikilig? Para kasing may mga paru-paru sa aking tiyan.

"Wala. Farris, mag-ingat ka ha," sabi ko sa kaniya at tumayo ako.

He made a smile. "Salamat. Ngayon ko lang narinig ito mula sa'yo. Mag-ingat ka rin dito," aniya. "By the way, take this medicine,” dagdag niya at inabot sa akin ang isang malinaw na bote na may lamang mga tableta na kulay lutong-pula.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "Para saan ito?"

"Para sa mga pasa mo. May vitamin content din iyan para maging malusog ka. I have to go. I love you," aniya bago niya kinabig ang aking ulo at hinalikan ako sa aking mga labi. Malumanay lang ang aming halikan. Napakapit ako sa kaniyang balikat dahil sa masuyo at mainit-init niyang dila na malikot sa loob ng aking bibig.

Humiwalay ako sa kaniya at hinabol ang aking hininga. Kinabahan kasi ako dahil nakahawak siya sa puwet ko habang naghahalikan kami.

"Y-You have to go, Farris. Bumalik ka agad ha?" sabi ko.

Ngumiti siya at muli niya akong hinalikan.

He waved when he was in the middle of the door frame. Tumango ako at kumaway na rin sa kaniya.

The feeling is lovely. Sana palagi na lang ganito. Sana palagi na lang akong mahalin at alagaan ni Farris. Kahit puno ako ng pagdurusa sa kaniyang mga kamay sa loob ng limang taon ay handa ko siyang bigyan ng pagkakataon, sa totoo nga'y pinatawad ko na yata siya. Ang gaan na ng pakiramdam ko sa kaniya.

Umupo ako habang nasa kamay ko pa ang bote na binigay ni Farris. Nakangiti akong nakatanaw rito.

Naalala kong tawagan si Jackielou. Inabot ko ang aking smartphone at dinial ang numero niya. Mabuti naman at agad niya itong sinagot.

"Nasaan ka, Jenissa? Alam mo ba na ginawa na naman akong substitute mo? Binugbog ka na naman ba ng magaling mong asawa kaya hindi ka pumasok?" bulyaw niya mula sa kabilang linya.

Huminga ako ng malalim habang hindi mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi.

"Hindi. Binugbog niya ako sa pagmamahal niya," ani ko.

"Nagpapatawa ka ba? Bakit parang ang saya-saya mo ngayon? Masokista ka na ba, Jen?"

Nilaro-laro ng kaliwang kamay ko ang bote kung saan nakapaloob ang gamot na binigay ni Farris.

"I'm telling the truth! Jackielou, nagbago na ang asawa ko! Humingi siya ng tawad at sinabi niya na mag-simula kami kung saan dapat kami nag-simula noon pa. Sabi niya rin na lalagyan na namin ng tuldok ang sigalot sa pagsasama namin." Huminga ng malalim si Jackielou. Alam ko naman na hindi siya makapaniwala sa nangyari at sa mga pinagsasabi ko sa kaniya ngayon.

"Jen, naman, ano iyon? Nauntog ba ang asawa mo kaya bigla na lang siyang natauhan na dapat pala ay hindi ka kinawawa at inalagaan ka na niya dapat, noon pa?" anang Jackielou.

"Hindi ko rin alam, Jackielou. Ang alam ko lang ay damang-dama ko ang pag-aalaga niya sa akin," kuwento ko sa kaniya. "Nag-bago na ang asawa ko. Kahit na mahirap ito paniwalaan ay susugal ako. Tataya ako, Jack," sabi ko. "Hindi naman sa kontrabida ako sa nangyayari sa'yo, Jen. Napakaimposible lang kasi. Alam ko naman na lahat ay nagbabago. Kaso, sa estado niyo ni Farris... imposibleng-imposible, Jen," sabi niya. "All of a sudden?" "Excited pa naman akong magkuwento sa iyo. Akala ko matutuwa ka sa sasabihin ko."

Nadismaya ako dahil sa mga turan ni Jackielou. Hindi naman porque't ganoon ang asawa ko ay hindi na siya magbabago.

"Jen, masaya ako para sa iyo. Like, masayang-masaya ako kasi, finally, makapagpahinga ka na sa pagiging battered wife mo if totoong nagbago na nga si Farris. Ang akin lang naman bilang kaibigan mo ay hindi ka lang sana magsisisi sa ginawa mong pagpatawad at pagbigay ng tsansa sa kaniya," sabi ni Jack. "Ayaw ko na sa bandang huli ay iiyak ka at sasabihin mo sa akin na umasa ka sa wala, na niloloko ka pala ng asawa mo," pagpapatuloy niya. "Naiintindihan kita, Jack. Hayaan mo, kapag nangyari ang bagay na sinasabi mo ay hindi kita idadamay."

"Ay 'sus! Huwag ka ngang feeling d'yan. Sige na nga! Suportado na kita! Mag-usap tayo sa susunod ha. Tatapusin ko lang ang trabaho ko," paalam niya.

Hindi na ako nagsalita pa. Binaba ko na lang ang smartphone ko matapos ang aming kumbersasyon.

Huminga ako ng napakalalim. Tumitig ako sa bote sa kamay ko. Lumunok ako at hinalikan ko ito.

"Bahala na, Farris. Basta naniniwala ako na nagbago ka na."

Ngumiti ako at tumingala ako sa langit. Ang ganda naman talaga ng twist ng kuwento namin ni Farris. Mahirap paniwalaan pero nangyari na. Nasasabik akong bumuo ng mga alaala kasama si Farris.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.