Melancholic Wife

Chapter k a b a n a t a 36



Albana's POV

Ilang araw na akong balisa dahil sa nalaman kong kalagayan ni Rev. Gayunpaman ay hindi ko pinahahalata sa kaniya na nalaman ko na ang tungkol sa sakit niya. Sa halip na ipakita sa kaniya na balisa ako ay pinagsilbihan ko na lang siya nang maayos at pinaramdam ko sa kaniya na inaalagaan ko siya.

"Wow, Sweety! Ang bango naman!" aniya at agad akong niyakap.

Hinalikan niya ang leeg ko habang nakayakap ang mga kamay niya sa aking baiwang. Abala ako sa pagluluto habang siya naman ay abalang-abala sa ginagawa niyang pagyakap sa akin. Para tuloy kaming sumasayaw at ang kulo ng Bulalo ang aming musika.

Hindi ko napigilan ang luha ko na pumatak. Alam ko na isang araw ay magigising ako na alaala na lang ang mga ginagawa ni Rev sa akin ngayon.

Humiwalay siya sa akin at agad niya akong pinaharap sa kaniya.

"Umiiyak ka ba, Sweety?" tanong niya sa akin.

Umiling ako at pumeke ng tawa. Ngumiti ako patingin sa kaniya. Inaral ko ang bawat detalye ng kaniyang mukha mula sa kaniyang mga mata, ilong at hugis ng kaniyang mga labi.

Kung puwede lang na kadenahan ko siya para hindi na siya mawala sa akin ay ginawa ko iyon. Kung puwede rin na hatiin namin ang tagal ng pamumuhay ko sa mundo ay ginawa ko na iyon para man lang ay mas humaba pa ang pagsasama namin.

"Bakit ka lumuluha?" tanong niya sa akin.

"Naku! Sa usok ito. Kanina pa nga ito nagsimula noong nag-slice ako ng sibuyas. Alam mo naman ang sibuyas palaging nang-aaway," ani ko.

Bumalik ako sa aking puwesto kanina. Hinarap ko na ang kaldero na bumubuga ng usok at sinusungaw ang amoy ng aking niluluto.

"Palagi ka na lang nag-luluto ng masasarap, Sweety. Tataba ako nito," sabi niya.

"Dumoon ka na nga muna, Rev. Huwag mo akong purihin sa pagluluto ko at baka umalat ito," biro ko sa kaniya.

Tumawa siya at muli niyang hinalikan ang leeg ko.

"Ang alat nga," aniya nang nalasahan niya ang aking pawis.

Tuluyan kong pinahid ang mga mata ko. Tumingin ako sa kaniya at inangat ang kamay ko na may hawak na sandok.

"Rev, huwag mo akong pinagt-tripan, please. Baka mapalo kita nitong sandok," ani ko.

Umatras siya at parang bata na umalis. Huminga na lang ako nang malalim. I will spend the rest of time serving him while he is with me. Nang naluto ang aking masarap na bulalo ay kumain kami agad. Nakailang kanin na siya pero wala yata siyang kabusugan.

Tumigil siya sa kaniyang pag-subo.

"Why? Do I look gross?"

"Hindi ah. Actually, ang guwapo mo pa rin kahit ang dungis mong kumain," sabi ko.

Ngumisi siya. Tumikhim pa siya dahil sa pagpuri ko sa kaniya.

"Masarap kasi ang Bulalo mo. Mamaya tahong mo naman kakainin ko," nakangisi niyang sabi.

Namula ako dahil sa sinabi niya. Uminit pa nang sobra ang mukha ko nang kumuha siya ng karne at dinilaan niya ito sa hindi natuloy na hiwa. "Stop that, Rev! Pati ba naman sa harap ng pagkain?" naiinis kong sabi.

"Mamimiss ko kasi ang tahong mo," bigla niyang sabi.

Nawala ang inis ko. Ang mga ngiti ni Rev ay naglaho rin.

"Saan ka ba pupunta?" Kunwari ay hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya.

"Sa opisina! Lalo na kapag magiging congressman na ako. Edi mas madalang na lang tayong magsasama," sabi niya.

Tumango lang ako.

Matapos kaming kumain ay agad rin siyang naligo at nag-paalam na dahil pupunta siya sa opisina.

Tinawagan ko rin si Carli matapos akong maligo. Sinabihan ko siya na gagawin ko na unang hakbang para maging impyerno na ang buhay ni Farris.

"Paano ang mga papeles na magpapatunay na binenta na nila sa iyo ang kanilang parte sa kompanya?"

"Magkita tayo sa labas ng BGC at dalhin mo ang mga papeles na iyan. Paalis na rin ako ngayon," sabi ko at agad na pumasok sa aking kotse.

Kinabit ko ang aking seatbelt at pinaandar ko na ang makina ng sasakyan.

"Sige, My Lady, dadaanan ko na lang muna sa Armano Corp. Nilagay ko kasi iyon sa desk sa opisina mo," sabi niya.

"Sige, Carli. Mag-iingat ka. Ingatan mo rin ang mga papeles na iyon dahil iyon ang isasampal ko kay Farris para malaman niya na hindi ako nagbibiro," sabi ko kay Carli.

Nag-focus ako sa pagmamaneho nang matapos ang aming pag-uusap ni Carli.

Hindi puwedeng sumaya ang mga katulad ni Farris at Aki. Wala akong ginawa sa kanila pero nilagay nila ako sa sitwasyong daig pa ang impyerno. Puwes ngayon ay matitikman nila kung paano ako gaganti sa mga taong umagrabyado sa akin. Dahil walang trapikong nangyari sa daan ay agad akong nakarating sa BGC. Nakita ko si Carli na nakasandal sa kotseng dala niya habang may hawak siyang puting envelope. "Pumasok tayo sa kotse mo," utos ko sa kaniya.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Pumasok na rin siya at sa kabila siya dumaan.

"Sino ang bumantay kay Abuela sa hospital?" tanong ko.

"Pinabantay ko sa nurse. Nagpumilit ang Daddy mo na siya na lang daw ang babantay kay Abuela pero pinigilan ko siya," sabi niya.

Binigay niya sa akin ang envelope. Kinuha ko ito at sinilip ko ang loob nito. Kompleto ang mga kasulatan na magpapatunay na ako na ang may pinakamalaling parte sa BGC.

Lalabas na sana ako pero tumunog ang smartphone ko. Kinuha ko ito at nakatanggap ako ng mensahe mula sa BGC. Napangiti ako dahil sa tamang tiyempo ng mga plano ko. "Bakit?" tanong ni Carli sa akin nang ngumiti ako patingin sa kaniya.

"May board meeting ang BGC ngayon, Carli. Ang hindi alam ni Farris ay ako na lang at siya ang maghaharap. Kahit si Lukas ay iniwan na siya sa ere."

"Kampi talaga sa iyo ang panahon, My Lady," sabi ni Carli.

"I have to go and meet Farris," paalam ko kay Carli.

Matapos akong magpaalam ay agad akong tumungo sa loob ng building.

Kahit na simple lang ang suot ko ay nakatitig pa rin sa akin ang mga tao. Tanging puting coat na may butones na umabot sa aking tuhod ang suot ko ngayon na pinaresan ko lang ng itim na heels. Ang aking labi naman ay kinoloretehan ko ng pula.

Diretso ako sa pagpasok sa elevator.

"Saang floor po kayo, Ma'am?"

"Sa palapag ng Conference Room," sagot ko sa attendant.

Tumango lang siya at agad niyang pinindot ang ang button papunta sa palapag. Ilang saglit lang ay narating na namin ang palapag. Lumabas ako nang bumukas ang elevator.

Nagmadali akong pumuta sa Conference Room. I swiped my card so the door opens.

Nakatitig sa akin si Farris. Nasa tabi niya ang kaniyang sekretarya. Sumenyas siya sa sekretarya niya na umalis kaya ay sumunod na ang babae.

Nakangiti ako habang lumalakad ako papunta sa kaniya. Nilahad ko ang aking kamay pero tinitigan niya lang ito.

"Hindi mo man lang ba ako babatiin, Farris?" tanong ko sa kaniya.

Naisip ko na tawagin siya sa kaniyang pangalan para isipin niya na wala na akong interes sa kaniya.

Tumayo siya at inangat niya ang kaniyang kamay. Akma niyang aabutin ang kamay ko pero agad ko na itong binawi.

"I don't like it when people make me wait. Kung tutuusin ay ako ang dapat mandiri sa kamay mo. You are dirty," sabi ko sa kaniya.

"Marami akong problema, Jenissa. Huwag ka ngang dumagdag," aniya.

Tumawa ako dahil sa sinabi niya. Ngayon ay nararamdaman na niya ang mga kurot ng aking paghihiganti.

"Hindi ko naman dinadagdagan ang problema mo, Farris. Nandito nga ako para tapusin na ang isa sa mga problema mo," sabi ko sa kaniya.

Nakita ko paano bumago ang ekspresyon ng kaniyang mukha.

"What do you mean?" tanong niya sa akin.

Kinuha ko ang envelope at nilapag ko ito sa lamesa.

Nanginginig niyang inabot ang envelope. Nilabas niya ang mga papeles na laman nito. Nanlaki ang kaniyang mga mata. Naawang ang kaniyang bibig dahil sa gulat. Pinilit niyang isinara ang kaniyang bibig sa pamamagitan ng mariing pagkagat sa kaniyang ibabang labi. Sinubukan niyang pigilan ang emosyon niya pero hindi niya ito magawa.

Nakita ko paano bumagsak sa ibabaw ng envelope ang kaniyang masaganang mga luha.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Hindi ko maalis-alis ang aking ngiti na dulot ng aking tagumpay.

"Shall we start the board meeting, Farris?" tanong ko sa kaniya.

Inangat niya ang titig niya sa akin. Patuloy lang ang pag-uunahan ng mga luha niya habang abala ang mga kamay niya sa pagpunit ng mga papeles na hawak niya. The frustration in his eyes cannot be denied.

"How dare you!?"

Mariin niya akong sinakal. Habang sinasakal niya ako ay tawa lang ako nang tawa. Hindi na ako naapektuhan ng kahit na anong panggigigil na ipapakita ni Farris sa akin. Tinulak ko siya nang malakas kaya ay napabitaw siya sa akin. Sinampal ko siya ng dalawang beses dahil sa inis ko.

"How dare you steal my company, Jenissa!" mariin niyang sabi.

Sinusumpa ako ng mga titig niya. Lumapit ako sa kaniya at muli ko siyang sinampal. Hindi ako magsasawang sampalin si Farris.

"Wala kang karapatang tawagin akong magnanakaw, Farris! Kung may magnanakaw man dito ay ikaw iyon at hindi ako!" sigaw ko sa kaniya. "Ninakaw mo ang kalayaan ko noon!" "Ninakaw mo ang kompanyang pagmamay-ari ko, Jenissa!" sigaw niya.

Nahimasmasan siya at natigilan nang muli ko siyang sinampal nang ilang beses.

"Wala akong ninanakaw sa iyo, Farris. Itong kompanyang ito ay akin na! Binili ko ito sa mga taong gusto kang iwan dahil niloloko mo lang sila," sabi ko sa kaniya.

"Hindi ito totoo! You are just making fake documents to startle me, Jenissa." aniya.

I don't care about whatever he might say.

"Mag-meeting na tayo? Pag-usapan natin kung paano mo aalisin ang mga gamit mo sa opisina ng CEO. Baka bukas kasi o makalawa ay pangalan ko na ang nakatatak sa ibabaw ng lamesa at mga gamit ko na ang ilalagay ko sa opisna. Ano, simulan na natin?"

Umiling siya nang umiling. Muli siyang lumapit sa akin at tinulak ako sa pader. Ngayon ay nakakulong ako sa pagitan niya at ng pader. Pulang-pula ang kaniyang mukha.

Pumiglas ako at sinubukan ko siyang itulak pero nasawi lang ako.

His face lowered and he suddenly kissed my lips. Tinikom ko ang aking mga labi upang hindi niya ako mahalikan pero sadyang napakalakas niya ngayon. “L-Let me go, Farris,” sabi ko sa kaniya.

Hindi siya nakinig. Mas diniin niya ako sa pader. Inabot niya pa ang mga kamay ko at hinawakan niya ito nang mahigpit.

Sisigaw na sana ako pero sinakop ng kaniyang bibig ang mga labi ko. Marahas niya akong hinalikan habang ang kamay niya ay dumako sa aking dibdib.

"P-Pakawalan mo ako," muli kong sabi.

Tumama ang mga mata namin sa isa't isa. Ngumisi siya na parang demonyo kaya ay trineple ko ang aking lakas. Ganoon pa man ang pagsisikap ko na maitulak siya ay nauwi lamang ako sa kasawian.

Halos maubos na ang aking lakas kaya ay hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya.

Matapos ang isang minuto ay napangiti ako dahil sa naisip kong paraan para makawala ako mula sa mga halik ni Farris. Kinagat ko ang kaniyang labi kaya ay napaatras siya.

Hingal na hingal siya dahil sa kaniyang ginawang pagtangkang galawin ako.

"Hindi ba ito ang gusto mo? Iyong makuha ako kay Aki? Why are you refusing right now? Gusto mo kaming sirain hindi ba?"

Umiling ako habang humahakbang ako papunta sa kaniya.

"Marami akong paraan para sirain ang relasyon niyo, Farris. Stop thinking that having sex with you is the only option to destroy your relationship with Jackie. Isa pa, hindi ko kayang sikmurain na makipagtalik sa isang lalaking kasing dumi mo," sabi ko sa kaniya.

"Masaya ka ba sa ginagawa mo, Jenissa?"

Mas pinaliyab pa ng tanong niya ang apoy sa puso ko.

"Hindi lang ako masaya, Farris. Masayang-masaya ako habang nakikita kitang nag-hihirap! Masayang-masaya ako habang nakikita kitang unti-unting bumababa sa lupa," sagot ko sa kaniya. "Napakasama mong babae, Jenissa!"

"Kayo ang dahilan kung bakit ako napuno ng galit at mapusok sa paghihiganti, Farris. Kinuha niyo ang lahat sa akin noon. Ngayon ay ibabalik ko sa inyo kung ano ang pinaranas niyo sa akin," sabi ko.

"You went through our way, Jenissa. Hindi mo kami masisisi ni Aki kung inalis ka namin sa daanan namin. Sagabal ka sa aming relasyon," sabi niya.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Kaya pala ay sabik na sabik kayong patayin ako noon? Kaya pala hinayaan mo akong mamatay sa kamay ni Jackielou, Farris? Maaaring hindi ikaw ang kumalabit sa dila ng baril noong gabing iyon pero wala kang ginawa. Sinabihan mo pa siyang tapusin na a-ako."

Hindi ko magawang pigilin ang aking emosyon nang muli kong naalala ang gabing halos wakasin nila ang buhay ko.

"Gusto kitang tulungan na matapos na ang paghihirap mo!" sabi niya.

Natawa ako bigla dahil sa sinabi niya.

"Kailan naging tulong iyong pagsabi mo kay Jackie na tapusin na lang ako?"

Tumalikod siya saglit sa akin pero agad rin siyang humarap. Nanatili lang akong nakatitig sa mukha ni Farris habang ang galit na ekspresyon niya ay nauwi sa pagsisisi.

"D-Damn, Jenissa! Tinulungan kita! Bumalik ako para tulungan ka! I carried you and I attempt to bring you out of that forest!" sabi niya.

Halos matumba ako pero mabuti na lang dahil nakahawak ako sa isang bangko.

"W-What!?" gulat na gulat kong tanong sa kaniya. "Y-You... w-what!?"

Tumango siya. Tumitig siya sa aking mga mata. I can read the truthfulness of his words in his eyes.

"Pinabalik ko si Aki sa bahay to get two cars para maisagawa ang plano na ang ipapaalam sa publiko ay sumabog ang sasakyang minamaneho mo noong gabing iyon. I heard you asked for help that's why I returned," kuwento niya. Hindi ko kayang paniwalaan ang mga sinasabi ni Farris. Kung pagkain ang mga ito ay hindi ko ito kayang lunukin.

"Natagalan si Aki kaya sinabi ko sa sarili ko na kahit sa kalsada lang ay dapat kitang madala doon. Hindi ko na nga magawang tanggalin ang pagkakatali mo sa bangko. Napuno ako ng dugo mo at putik dahil nga'y umuulan pa noon," sabi niya.

"S-Si Rev ang nakakita sa akin," kontra ko sa kaniya.

"Bahala ka na kung ano ang paniniwalaan mo, Jen. Sinasabi ko sa iyo ang totoo. If you don't want to believe me then don't believe me."

"Hindi mo kayang gawin iyon, Farris! Mamamatay tao kayo-"

"Hindi ko magagawa ang sinabi mo, Jenissa! Ilang beses kitang sinaktan. O-Oo, inaamin ko iyon na sinasaktan kita at binababoy kita pero hindi ko inisip na patayin ka! Maaaring sinasabi ko kay Aki na dapat ay mawala ka para kami na ang magsasama pero gusto ko lang din siyang pasakayin para maprotektahan ka kahit papaano," sabi niya.

"Sinungaling ka, F-Farris! Hindi ko naramdaman na pinoprotektahan m-mo ako noon!"

"Dahil ayaw ko rin na makita ni Jarris na pinoprotektahan kita! Gusto ka niyang patayin! Lahat ng taong mahalaga sa akin ay gusto niyang patayin! I tortured you because Jarris wants me to do that! God knows, hindi ko gagawin ang bagay na iyon kung hindi niya ako iniipit at tinatakot," kuwento ni Farris.

Nalito ako dahil sa sinabi niya. Ako rin ay nagulat nang binanggit niya ang pangalang ngayon ko lang narinig.

"S-Sino si Jarris?" tanong ko.

"He is my twin brother-"

"W-What!? May kakambal ka?"

Tumango siya at suminghot.

"Ayaw niya akong maging mabait sa iyo. Siya rin ang totoong may gusto kay Aki pero dahil hindi siya makalabas ay ako ang inipit niya para ligawan si Aki. Tao lang ako kaya ay nahulog ako kay Aki pero it doesn't mean na hindi kita minahal." My eyes narrowed when I heard him saying those words.

"Minahal mo ako?"

"Oo! Minahal kita pero hindi ko lang maamin-amin sa iyo dahil masyadong komplikado ang lahat. Jarris never let me live at peace, J-Jen. Gusto niya akong pahirapan hanggang sa mawala ako sa mundo para palitan niya ako," sabi niya. Bigla siyang ngumiti."Mabuti na rin siguro na ikaw ang kumuha nitong BGC kay sa mapunta ito sa kakambal kong iyon."

Iniwas niya ang tingin niya sa akin.

"Hindi magiging sapat ang mga sinabi mo para tumigil ako sa paghihiganti laban sa iyo at kay Jackie, Farris."

Tumalikod ako at humakbang ako papalayo sa kaniya.

"Jen," tawag niya sa akin.

Lumingon ako.

"Kung hindi ka naniniwala na sinubukan kitang iligtas noong gabing iyon ay mabuti pa na tanungin mo ang taong tumulong sa iyo para mabuhay kang muli," sabi niya.

Si Abuela ang taong tinutukoy ni Farris. Tama! Si Abuela nga ang makakatulong sa akin para makompirma kung nagsasabi ng totoo si Farris.

Bakit ganito? Akala ko si Farris lang ang magugulat pero nagkamali ako. Parang mas nagulat ako dahil sa mga nalaman ko.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.