Chapter k a b a n a t a 32
Farris' POV
Agad akong bumalik sa event hall at hinanap ang kakambal ko. Natagpuan ko si Jarris na nakasandal sa pader kaya agad ko siyang pinuntahan. "Nakita ka niya!" sigaw ko sa kaniya at agad ko siyang kinuwelyo.
Inalis niya ang kamay ko at tinulak niya pa ako nang malakas.
"Ni sino? Ni Jenissa?"
Umiling ako at muli ko siyang kinuwelyo. Sa pagkakataong ito ay inangat ko pa lalo ang kaniyang kuwelyo upang hindi siya makahinga.
"Jenissa is dead! Matagal na siyang wala kaya ay huwag mo na siyang pakialaman pa, Jarris!"
Puwersa siyang pumiglas kaya naman ay nagkabaliktad na kami ng posisyon. Siya na itong kumuwelyo sa akin. Mas mataas siya kumpara sa akin kaya ay madali lang para sa kaniya ang angatin ako mula sa lupa.
"Don't you ever dare to act like you are superior over me, Farris. Hindi kita hahayaan na magiging masaya kaya tandaan mo, lahat ng mga taong malapit sa iyo ay mawawala! Including Jackie!" sabi niya bago siya humalakhak na parang demonyo.
Umiling ako. Inalala ko ang kalagayan ni Aki. Puro na lang sakit sa damdamin ang dinulot ko sa kaniya nitong mga nakaraang araw. Buntis pa siya at maselan ang kaniyang pag-dadalang tao.
"Huwag na huwag mong gagalawin si Aki, Jarris! You better get lost of our lives and live abroad," gigil kong utos sa kaniya.
Binitawan niya ako at agad siyang tumalikod sa akin. Nakita ko paano umangat ang mga balikat niya habang panay tawa siya.
Muli siyang tumingin sa akin. Ngumisi siya na para bang si Satanas.
"Kaya nga gusto ko na rin siyang dispetsahin, Farris. Ikaw kasi itong mahal niya at mahal mo na rin siya! Ni hindi ka nga nagpasalamat sa akin kasi sinabihan kita na ligawan mo siya. Sasabihin ko kaya sa kaniya na hindi ikaw ang naka-una sa pagbiyak sa kaniya at ako iyon?"
Lumapit siya sa akin at tinulak niya pa ako sa pader gamit ang bisig niya. Tinulak ko rin siya dahil halos magupi na ang dibdib ko sa diin at lakas nang pagtulak niya sa akin. Napapaubo na ako dahil sa ginawa niya.
"Walang magmamahal sa iyo, Jarris. You d-don't exist in the real world where love is. Tandaan mo na hindi ka kilala ng mga tao. Ako lang ang may alam na may Jarris Bennett pala," sabi ko. Umatras siya kaya naman ay nakawala na ako sa kaniyang ginawang pagdiin sa akin. Napaluhod ako sa paanan niya dahil nawalan ako ng lakas matapos niya akong idiin sa pader. Hingal na hingal akong tumingin sa kaniya.
"I can exist in a world where you think you are the king, Farris. Isang kalabit ko lang ay mabubura ka na sa mundong ito at ako naman ang maghahari!" nakangisi niyang saad. Lumunok ako at hinigpit ko ang paghawak sa lupa nang makita paano itutok ni Jarris ang baril niya sa aking noo.
"Tarantado ka, Jarris. Huwag na huwag mong ipuputok ang baril na 'yan!" utos ko sa kaniya.
Halos maangat ako sa aking kinaluluhuran dahil sa reaksiyon ng katawan ko kasabay nang pagkalabit ni Jarris sa dila ng kaniyang baril.
Paisa-isa akong nagpakawala ng hangin mula sa aking bibig. Natuyo rin ang lalamunan ko dahil sa kaniyang ginawa.
Tumawa siya dahil sa aking reaksiyon. Puwersa kong inalis ang mga luha ko na dulot ng kaba ko kanina.
"Ang tanda-tanda mo na pero takot na takot ka pa rin. Nasaan kaya ang angas ng kapatid ko noong ginagahasa niya si Jenissa at sinasaktan niya ito," pailing-iling niyang sabi.
Tumitig ako sa kaniya nang matalim. Naninigas ang mga panga ko dahil sa kaniyang sinabi.
Tumayo ako at tinulak ko siya.
"Ginawa ko iyon dahil iyon ang sabi mo! Sinasaktan ko si Jenissa dahil iyon ang inuutos mo!"
Tumawa pa siya nang tumawa habang nakikita akong gigil na gigil at puno ng galit.
"I had fun while you are raping her, Farris. I played with my birdie while you are tearing Jenissa's bullshit hole!"
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Lumipad sa ere ang kamao ko at agad itong tumama sa mukha niya.
"Hayop ka, Jarris! Hayop ka! Ginawa mo lang kaming laruan mo! Tarantado ka!"
Dinilaan niya ang gilid ng labi niya.
"Sayang nga dahil wala nang cameras sa bahay mo. Miss na miss ko na rin ang butas ni Jackie," sabi niya.
Susuntukin ko sana siyang muli pero nasalo niya ang kamay ko. Piniga niya ito kaya naman ay napangiwi ako sa sakit.
"Gagawin ko kung ano ang gusto ko, Farris. And to tell you this, Albana is not real. Siya ang asawa mong si Jenissa!"
Bumagsak ako sa lupa dahil sa sinabi niya. Yumuko si Jarris at agad niyang pinatong ang kamay niya sa balikat ko.
"She is back to make you pay for what you did. Abangan mo lang ang pagbabalik niya. Alam mo, nasasabik na rin akong makita kayo ni Jackie na maghihirap. Wala na akong gana kay Jackie, Farris. Mag-sama kayo sa impyernong naka-abang sa inyo," sabi niya sa akin.
Nanatili lang ako sa aking posisyon habang si Jarris naman ay umalis na at iniwan akong mag-isa.
Halos nakailang lunok ako bago pa namasa ang aking lalamunan. Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa sinabi ni Jarris.
Tinulungan ng taong iyon si Jenissa kaya ay buhay pa siya ngayon. I have to make my company safe against Jenissa. Hindi niya puwedeng kunin sa akin ang lahat nang mayroon ako.
Tinatagan ko ang loob ko upang makauwi ako sa bahay.
Pag-dating ko ay nakita ko si Aki na umiinom ng alak. Inagaw ko sa kaniya ang kupita at nilapag ito sa mesa.
Habang kaya kong itago sa kaniya ang lahat ay hindi ako magpapahalata na may nalalaman ako tungkol kay Jenissa. Hindi niya ito maaaring malaman ngayon. She is pregnant and I care about my son. "Farris," aniya.
Pumulupot ang mga bisig niya sa aking katawan. Mahigpit niya akong niyakap. Gumanti rin ako nang yakap at hinalikan ko pa ang tuktok ng ulo niya.
"Akala ko ay i-iwan mo ako para sa babaeng 'yon," iyak niya.
Umiling ako nang umiling habang hinahagod ang kaniyang likod.
"Hindi, Aki. Hinding-hindi ko gagawin ang bagay na iyon! Mahal kita. Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang," sabi ko sa kaniya.
Humiwalay siya sa akin at luhaang tumitig sa mga mata ko. Naawa ako sa kalagayan niya. Mabigat sa pakiramdam na makita sa ganitong sitwasyon si Aki. Nahihirapan siya dahil sa mga nangyayari sa paligid niya. "Hindi mo mahal si Albana? Ako lang ang mahal mo?" iyak ni Aki.
Tumango ako at muli siyang niyakap.
"Hindi, Aki. Wala akong ibang mahal kung hindi ikaw lang." Huminga ako nang malim. "Bukas na bukas ay tatanggalin natin ang litrato namin ni Jenissa. Magpapaportrait shoot tayo at litrato naman natin ang ilalagay natin diyan. Mag-simula tayong muli, Aki. Lalabanan natin ang kahit na sino na magkasama tayo," sabi ko sa kaniya.
Tama na itong kabulastugan na ito. Kakalimutan ko na si Jenissa at ang dapat kong gawin ay protektahan ang mga pag-aari ko laban sa kaniya. Mayaman na siya ngayon at alam ko na marami na siyang tauhan. Gagawin ko ang lahat para maprotektahan ko ang pamilya ko.
Sinamahan ko sa kuwarto si Aki at tinabihan ko siya hanggang makatulog siya.
Bumangon ako at tumungo ako sa veranda ng bahay.
Kinuha ko ang aking smartphone at agad na tinawagan ang isa sa mga bodyguard ni Daddy.
Kung buhay si Jenissa ay tiyak akong may kinalaman siya sa pagkamatay ni Daddy.
"Hello, Sir. Magandang gabi po," bati nito sa akin.
Tumikhim ako.
"May balita na ba ang mga pulis tungkol sa kaso ni Daddy?" tanong ko sa kaniya.
Narinig ko paano siya bumuntong-hininga.
"Iyong dalawang suspek niyo, Sir, negative. Pinaobserbahan ng mga pulis si Mister Morris at ang ama ng dati niyong asawa pero hindi talaga tugma ang mga naiwang bakas na binasehan ng kapulisan, Sir. Hindi na rin nahagilap ng mga pulis ang ama ni Jenissa. Ang sabi nila ay nagpakamatay raw ito," kuwento niya. "Isa lang ang nakapagtataka, Sir. Maraming bakas ng takong ang golf site. Positibo po na bakas ng takong ang mga iyon. Malakas ang kutob ng mga pulis na hindi suicide ang ikinamatay ng Daddy niyo at hindi lalaki ang pumatay kay Sir Henry kun'di babae po."
Napakapit ako nang mahigpit sa rehas na harang sa veranda. Hindi ako nagkamali sa hinala ko. Imposible talagang magpapakamatay si Daddy. Tumiim-bagang ako habang nakatitig ako sa malayo.
Sinisiguro ko na magbabayad ang pumatay sa Daddy ko. Wala na akong ibang maisip pa na pumatay kay Daddy kun'di si Jenissa lang.
Umangat ang kabilang dulo ng mga labi ko nang maisip ko si Albana. Nawala ang awa at pagmamahal ko kay Jenissa nang malaman ko ang totoo niyang pagkatao. Tuluyan na ring naalis sa isipan ko at sa puso ko ang konsensiya na palaging bumabalakid sa akin.
Now, I am certain. Bumalik siya upang maghiganti sa mga taong umalipusta sa kaniya.
"Isa lang ang kilala kong may galit kay Daddy at iyon ay si Albana Armano," sabi ko. "Search anything in the site that will match with her. Matibay na ebidensiya lang ang kailangan natin para mahuli ang tunay na pumatay kay Daddy," saad ko. "I will help the policemen find the culprit," sabi niya.
Binaba ko ang smartphone ko matapos kong patayin ang tawag.
"Nagsisi na ako at humingi nang tawad sa Diyos, Jenissa. Hindi na ako confused sa nararamdaman ko sa'yo. Yes, I loved you. I missed you. But you killed my Daddy. And that is enough to curse you to death!" Albana's POV
Matapos kong kausapin si Rev ay nakapagdesisyon na ako. Sa isang espesyal na event ako magpapakita at magpapakilala sa mga tao.
Nandito ako ngayon sa tabi ng pool at umiinom mag-isa. Nakababad ang aking mga binti sa tubig habang ang katawan ko naman ay malayang hinahalikan ng malamig na gabi. "Albana," tawag sa akin.
Lumingon ako sabay ngiti. Tumayo ako at tinungo ang upuan saan nakalagay ang bathrobe ko. Sinuot ko ito at agad akong lumapit kay Abuela at dinampi ang pisngi ko sa kaniyang pisngi.
Tumungo kami sa magkaharap na silya at agad na kaming umupo paharap sa isa't isa. Nabasa ko na may lungkot na ginuhit ang kaniyang mga mata.
"Abuela, bakit malungkot ka?"
Hinila ko ang aking silya at tinabi ito sa kaniya. Ngayon ay magkatabi na kami.
"Abuela, do not drink that. Bawal iyan sa iyo," awat ko sa kaniya nang inabot niya ang kupita at binuhusan ito ng alak.
Tumingin siya sa akin at tinaas niya ang kupita. Ano ba itong nangyayari kay Abuela? Trip niya yata'ng maglasing.
"Don't stop me, Albana," sabi niya.
Hinayaan ko na lang siya at pinagmasdan ko paano niya tinungga ang kupita.
"Ano ang problema ng beautiful Abuela ko?" sinandal ko ang ulo ko sa kaniyang balikat.
Matapos kong tanungin ang bagay na iyon ay tumahimik si Abuela.
"Nasabi ni Carli sa akin ang plano mo, Albana. Ilang araw na lang ay hindi na kita apo. Ilang araw na lang ay babalik ka na sa pagiging Jenissa mo. Siguro ay panahon na para ituloy ko ang plano kong pagkitil sa buhay ko," sabi niya. Tumayo ako at bigla ko siyang pinaharap sa akin. Ngumiti siya pero patuloy siya sa pag-luha.
"Hindi ako mawawala sa iyo, Abuela. Maging si Albana o si Jenissa man ako ay mananatili ako bilang apo mo. Apo mo ako, Abuela. Tandaan mo iyan kaya ay huwag mong gagawin ang sinabi mo."
Yumakap ako sa kaniya. Gumanti rin siya nang yakap.
"Ikaw na ang pamilya ko, Albana. Hindi ko lang lubos maisip na gigising ako na wala ka na sa tabi ko. Natatakot akong mag-isa. Patanda na ako nang patanda, Mihija. Palungkot na rin nang palungkot ang buhay ko," malungkot na wika ni Abuela.
Ngumiti ako at marahan kong tinuyo ang pisngi niya na nabasa nang luha.
"Hindi ka mag-iisa. Hindi lang ako ang pamilya mo, Abuela. Nandiyan si Carli, si Daddy, ako at ang magiging mga anak namin ni Rev. Kaya ay huwag na huwag mong ipaparinig sa akin ang hindi magagandang salita na sinabi mo. Pamilya tayo, Abuela."
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Ngumiti si Abuela at agad niya akong niyakap.
Nauna rin siyang pumasok sa bahay habang ako naman ay bumalik ako sa pool. Lumangoy ako nang lumangoy hanggang sa mapagod ako.
Umahon ako. Naramdaman ko paano dumausdos pababa ang tubig mula sa ulo ko hanggang sa mga paa ko.
Tuluyan na akong nag-banlaw. Tumingin ako sa orasan at nakita na medyo maaga pa naman.
Tumungo ako sa unit ni Maitha at Shiva matapos akong bumihis.
Naratnan ko ang dalawa na nag-uusap.
"My Lady," sabi ni Maitha.
Yumuko silang dalawa nang makatayo na sila upang batiin ako.
"Sinabi ni Carli sa amin ang plano mo, My Lady," anang Shiva.
Tumango ako at umupo ako sa tapat nila.
"Ihanda niyo ang mga sarili niyo. Kayo ang magiging matibay na ebidensiya laban kay Farris at Jackie," sabi ko sa kanila. "Matagal na kaming handa, My Lady."
"Gigil na gigil ako kay Jackie. Ilang beses na naming gustong sabihin sa iyo ang totoo pero pinagbabantaan niya kami." Tumingin ako kay Shiva.
"Iyong pinag-usapan niyo ako sa canteen. Don't tell me "
"Binayaran niya kami ni Maitha, My Lady," pag-amin ni Shiva.
Tumikhim si Maitha kaya naman ay napatitig ako sa kaniya.
"Naaawa na kami sa iyo noon, My Lady. Alam ko kung paano maging battered wife kasi ay iyon din ang naranasan ko sa kamay ni Jeric na aking unang asawa," sabi ni Maitha. Ngumiti ako.
"Salamat sa inyo dahil tinutulungan niyo ako ngayon. Sana pagpasensiyahan niyo ako sa aking ginawa noon. Patawarin niyo rin ako kung pinagsalitaan ko kayo nang masama," wika ko.
Umiling silang dalawa.
"Kasalanan din namin iyon, My Lady."
"Kami nga dapat ang magpasalamat sa iyo dahil sa ginagawa mong pagtulong sa amin. Kulang pa ang mga ginagawa namin para lang iparating sa iyo na lubos kaming nagpapasalamat, My Lady," nakangiting wika ni Shiva. Bumalik kami sa pag-uusap tungkol sa plano.
Mauuna ang kaarawan ni Jackie bago ang eleksiyon.
"Kailangan nating makausap ang mga taong mag-hahandle ng event, My Lady," sabi ni Shiva.
"Ang gagawin mo lang ay ihanda ang sarili mo. Kapag nasa kalagitnaan na sa pag-speech niya si Jackie ay roon ka na papasok," sabi naman ni Maitha.
Tumatango na lang ako sa mga sinasabi nila. Iniisip ko ang mararamdaman ni Jackielou kapag susulpot ako sa kaniyang kaarawan at sasabihin ko kung sino talaga ako.
"Aagawin mo ang atensiyon ng madla, My Lady. Ang gown na isusuot mo ay hinanda na rin ni Carli. Kaya mo ito, My Lady! Kapag may dahas na pinakita ang mga tauhan ni Farris ay huwag kang mabahala kasi ay nakahanda naman ang mga tauhan natin." Tumango ako.
"Panahon na para ipakilala ko ang sarili ko bilang si Jenissa, ang babaeng sinubukang patayin ni Jackielou. Yayanigin ko si Jackielou sa gitna ng pinaka-espesyal na araw sa tanang-buhay niya," wika ko.