Chapter k a b a n a t a 23
Albana's POV
Nakasandal ako ngayon sa front seat ng sasakyan ko. Ano na kaya ang nangyari sa loob? "Naku, Carli!"
Nagmadali akong gumalaw upang pagbuksan ng pintuan si Carli dahil nakita ko na nagmamadali siya at halos hindi na maipinta ang kaniyang mukha. Lecheng Farris na iyon. Ano na naman kaya ang kahayupang ginawa niya? "What happened?" tanong ko.
Hingal na hingal siya habang inaayos ang kaniyang buhok. Ang gulo ng buhok niya at pati ang kaniyang suot na damit ay puno na ng gusot.
Napailing na lang ako. Binigyan ko ng tubig si Carli bago ako nagmaneho papalayo sa bahay ni Farris. Nang matiyak na hindi sumusunod si Farris ay hininto ko sa tabi ang sasakyan.
Kalmado kong nilingon si Carli na nananatili pa ring nasa tensiyon. Nanginginig ang mga kamay niya at may mga luha sa kaniyang mga mata.
"Carli, come with your senses! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!" sabi ko. "Ano ang nangyari? Nakita ba ni Farris ang mukha mo?"
"H-Hindi. Madali akong nakalabas kaya hindi niya ako nakita. Hinabol niya ako pero nakayuko ako at hindi na lumingon oa, My Lady!"
Pumikit siya at humilamos ng walang tubig. Balisa siya at alam ko na may ginawa sa kaniya si Farris. Leche talaga ang lalaking iyon. Kahit kailan ay puro kamanyakan ang pinaiiral. Puwes gagamitin ko ito upang mas mapasunod siya. "Ginalaw ka ba ni Farris?" tanong ko sa kaniya.
Umiling siya. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Tumingin siya sa akin at paunting umismid. Nagpakawala siya ng napakalalim na buntung-hininga.
"Ano?"
"My Lady, pasensiya na po! Palpak ang trabaho ko. Natakot kasi ako kaya ako agad na tumakbo para umalis sa bahay ng dati mong asawa," sumbong ni Carli. "He is so maniac!" "Ginalaw ka ba ni Farris?"
Umiling siya. "Hinalikan niya lang ako at niromansa niya ang leeg ko. Nainis ako dahil ang usapan natin ay hindi niya ako gagalawin. Pero sandali pa lang akong nakarating sa bahay niya ay agad niya akong kinabig papalapit sa kaniya," sumbong pa ni Carli.
"Tiniis ko ang unang attempt niya kaya naman ay lumiwaliw ako pero sinundan niya ako! Wala talagang sinasanto ang Farris na 'yon! Hayuk na hayuk! Hindi naman siya gifted!"
Wala talagang pagkakataon na hindi tumataas ang dugo ko kapag nalalaman ko ang mga kahayupan ni Farris. I can't imagine that he is cheating behind Aki. Hindi ba mahal niya ang babaeng 'yon? He even let that woman kill me before para lang sila na ang magsasama sa iisang bubong! Nasa dugo na talaga ng mga Bennett ang pagiging hayuk sa kepyas. Amoy pa lang ng babae ay para na silang maulol.
"Ano pa ang ginawa niya sa iyo?" Lumunok ako nang marinig ko ang tanong na iyon na sinabi ng aking bibig. Wala sa intensiyon kong usisain pa ang mga ginawa nila ni Carli sa loob ng bahay na iyon.
"Wala na po! Pero in fairness, My Lady, na-wet ako dahil sa hotness niya ha! Kaya pala matinik ang dati mong asawa pagdating sa mga babae dahil ang sarap niya naman talagang rumomansa. Dumagdag pa ang amoy niyang parang palaging nakaligo ng Black Water perfume!"
Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakikinig kay Carli. Paputukan ko kaya ng baril ang bunganga ng babaeng ito para tumahimik na siya?
"I don't care about that! Gusto mo naman pala e! Bakit hindi niyo tinuloy?" naiinis kong tanong.
Parang baliw na nakatitig sa akin si Carli. Isang mapanuksong ngiti ang kaniyang inalay sa akin. Kulang na lang talaga ay kilitiin niya ako para lang tuksuhin niya ako.
"Yieh! Nagseselos ang My Lady namin! Mahal niya si Farris kasi nagseselos siya! Umamin ka na kasi," aniya. "Mahal mo pa siya ano?"
Sinamaan ko siya ng titig. Sa lahat ng katulong sa bahay ay siya lang ang nagustuhan ko. Mapagkakatiwalaan kasi at pareho kaming battered wife. Ang kaibahan lang namin ay ginusto niyang maikasal sa dating asawa niyang iyon habang ako naman ay ginawang pagbayad utang lamang.
She is as beautiful as me. Pareho rin kami ng tangkad at pangangatawan. Kaya nga bigla kong naisip na siya ang ihaharap ko kay Farris sa gabing ito kaya kahit makita ni Farris ang mukha niya ay walang magiging problema. "Tumahimik ka nga. Iba ang mahal sa minahal, Carli! Alam mo, sana hindi na lang kita sinali sa ginagawa kong ito! Tinutukso mo ako sa lalaking iyon? Hibang!"
Napasandal ako at humalukipkip. Tumingin ako sa labas ng bintana ng kotse. Naiiritira ako kapag bumabalik sa isipan ko ang sinabi ni Carli na hinalikan siya ni Farris at niromansa pa siya nito. I hate the fact that Farris did it to her. "Umamin ka na kasi na mahal mo si Farris hanggang ngayon," sabi pa niya ulit.
"Tatahimik ka o sasabihan ko si Abuela na ibalik ka sa France at hindi na hahayaang makabalik dito?" I gave her an option.
Umiling siya ng umiling. Galing kasi siya sa France. Halos limang buwan na siyang nandoon. Wala kasing mapagkakatiwalaan sa mansion sa France kaya pinilit siya ni Abuela na manatili doon pansamantala.
"Ayaw mo kasing sagutin ang tanong ko, My Lady," aniya.
Lumingon ako sa kaniya sabay ngiti na puno ng kapekean.
"Oo, mahal ko si Farris. Pero noon iyon, Carli. Kaya nga sinabi ko sa iyo na iba ang mahal sa minahal. Kaya kung may nararamdaman ako ngayon sa lalaking iyon ay hindi na ito pagmamahal kun'di poot. Remember why I was here, para singilin sila ni Aki!"
Sumiryuso ako ng titig kay Carli kaya naging seryuso rin siya. Kahit na mabunganga siya ay alam niya kung kailan niya ako matutukso at alam niya rin kung naiinis ako o hindi.
Si Carli kasi ang nag-aalaga sa akin noong hindi pa ako magaling. Ilang buwan din akong nakatihaya lamang sa kama. Palagi siyang nagbibiro kaya ay nagustuhan ko ang ugali niya. Pero hindi iyon rason para pagkatiwalaan ko siya agad ng lubusan. Kahit na kumportable ako sa kaniya noon ay hindi ko siya binigyan ng tiwala. Hanggang sa nalaman ko ang buong kuwento niya. Doon ko siya sinimulang mas kinilala. Mabait siyang tao at totoo siya. I always carry the guilt in me because I did track all her records even though she has no bad intentions and unpleasant actions toward me.
"My Lady, magugulat ka sa sasabihin ko sa iyo," sabi niya.
"At ano naman iyon?"
"Sasabihin ko sanang hindi gaano ka-laki ang sawa ni Farris pero alam ko naman na alam mo na iyon," natatawa niyang sabi.
Sa pagkakataong ito ay namula ako.
"Sumeryuso ka nga. Ibalik kita roon at ipakuan sa kaniya e," ani ko.
"Biro lang! Kahit na ginagago ako ng asawa ko ay mahal ko iyon ano. Napilitan lang naman akong gawin ito para sa iyo," sabi niya.
Heto na naman si Carli. Ako ang sinasabihang mahal pa si Farris kahit siya naman pala itong hindi pa naka-move on sa asawa niyang bulok ang utak.
"Kinuwento niya kanina na may isang tao raw na tumuro sa kaniya kung ano ang depinisyon ng pagmamahal. Iyong pagmamahal raw na tinuro at naramdaman niya mula sa taong iyon ay hindi niya naramdaman kay Aki," kuwento ni Carli. "Tapos?"
Bigla akong napatawa at atat na malaman kung sino ang tinutukoy ni Farris. May alam pala si Farris sa pagmamahal? Akala ko kasi ay pawang pang-aabuso lang at pagkakayat ang alam niyang gawin. Ang pangit naman sa tainga kung nagmula kay Farris Bennett ang salitang iyon. Kung sabagay, he can define anything with his own definition. Magaling lang din naman siya sa salita pero hindi sa gawa.
Natatawa talaga ako sa pagmamahal niya kay Aki. Mahal niya pero niloloko niya. Funny!
"Akala ko ikaw, hindi pala. Iyong Daddy niya pala tinutukoy niya," sabi ni Carli.
Sa simula pa lang ay wala na akong inasahan doon. Alam ko na hindi niya ako kayang mahalin. Nawala iyong munting pag-asa na mayroon ako sa pag-aakala na mahal niya na ako at nagbago siya noong nalaman ko na pinadroga niya ako. Napapahid ako sa aking pisngi nang maramdaman ang mainit na butil ng luha na gumulong dito. Dahil sa ginawa niyang iyon ay mas naramdaman ko na wala talaga akong silbi. Pinaramdam niya sa akin na isa akong uto-uto. "Matagal na akong tumigil sa paghangad na mahalin ako ni Farris, Carli. Niloko niya ako at ginawa niya akong uto-uto. Ito lang ang tatandaan nila, hindi ako magpapapigil kahit na si Satanas ang pipigil sa akin sa gagawin kong paghihiganti. Simula pa lang ito pero nauuto ko na siya."
Nakakatawa lang isipin dahil ang ginawa niya sa akin noon ay ginagawa ko na sa kaniya ngayon. Parang gusto ko tuloy siyang tanungin kung ano ang pakiramdam ng inuuto-ulo lang.
"Hindi mo ba talaga kayang patawarin si Farris? Pakiramdam ko kasi ay may matindi siyang rason kaya niya ginawa iyon sa iyo, My Lady," sabi ni Carli.
Saglit na naagaw nang mga sabi ni Carli ang aking atensiyon.
"Kahit na ano pa ang rason niya ay wala na akong pakialam doon, Carli," sabi ko.
Dinistract ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagpapaandar ng makina ng sasakyan. Nang handa na ito ay agad akong nagmaneho.
"Napakalungkot niya kanina, My Lady," patuloy na wika ni Carli.
Kunwari akong hindi interesado pero lihim akong nakikinig.
"Given na iyong kalibugan ni Farris pero ang lungkot sa boses niya kanina ay hindi niya ito kayang ikubli. Alam mo naman na we cannot filter the sadness we are feeling because our eyes will make it obvious, hindi ba? Nakita ko sa mga mata niya ang lungkot habang nakatitig siya sa inyong litrato. Kaya ko rin nasabi ang bagay na ito dahil kahit na isang taon na ang lumipas ay parang walang planong alisin ng dati mong asawa ang litrato niyo kung saan ito nakapaskil." Diretsong pasok sa tainga ko ang mga sinabi ni Carli. Patuloy lang ako sa pagmamaneho marahil may kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko at ayaw ko iyong ipahalata kay Carli. Itatanggi ko ang kirot na iyon kahit na sa aking sarili. Kung ganoon ay hindi pa rin inaalis ni Farris ang litrato namin noong kasal namin?
"Tiyak din ako na malinis iyon, My Lady. Makintab pa sa diamond ang litrato niyo na kapag tinatamaan ng ilaw ay kumikinang."
Umiling ako at umarte na hindi ako naapektuhan sa sinabi ni Carli. Wala naman kasing dapat na ikaapekto. Matatalo ako kapag magpapadala ako sa simpleng bagay na iyon.
"Kahit na lumuhod pa siya sa tapat ng litratong iyon at sambahin niya ito ay hindi magbabago ang tingin ko sa kaniya, Carli. Kilala ko si Farris. Manang-mana iyan sa ama niyang demonyo," sabi ko. "Masyado ka lang talagang emosyonal pagdating sa mga simpleng bagay, Carli. Alam mo na matatalo ka palagi kapag nagpapadala ka sa emosyon mo. Traydor ang puso, Carli. Minsan na akong tinraydor nito kaya sinisiguro ko na hindi na iyon mangyayari ulit. Dapat palaging lamang ang utak kay sa puso," diin kong sabi.
I swallowed to clear my throat. Bigla na lang kasi akong nabubulunan at halos kapusin ng hininga habang pinakikinggan si Carli kanina.
Kung ano man ang rason ni Farris sa ginagawa niyang iyon ay wala na akong interes pa roon. Poot ang nararamdaman ko sa kaniya. Kung humihingi siya ng tawad sa harapan ng litrato na iyon ay wala na akong pakialam pa. Sinimulan nila akong lunurin sa impiyerno at kung kaya silang patawarin ng litrato na iyon ay patawarin niya sila. Pero ako? Hindi ko sila patatawarin! Wala na akong maibigay na awa at tawad sa kanila ni Aki.
Hindi na muling nagsalita si Carli. Hinatid ko siya sa bahay bago ako tumungo sa condo ni Maitha at Shiva.
Pagkarating ko sa loob ay umiinom ng alak ang dalawa. Bigla silang tumayo at yumuko para batiin ako.
"Don't bother. Ipagpatuloy niyo lang kung ano ang ginagawa ninyo."
"Ano ang sadya mo, My Lady? Kukunin mo na ba ang perang nakuha namin mula kay Farris?" tanong ni Maitha.
Sa halip na tumugon ay kumuha ako ng kupita at tinagayan ko ang sarili ko. Tinaas ko sa ere ang kupitang hawak ko. Tinaas na rin ng dalawa ang mga kupita nila at marahan naming binunggo ang mga ito sa isa't isa.
Ang sarap naman sa pandinig ng kalansing ng pagkabunggo ng mga kupita. Binibigyan ako nito ng hudyat na na mayroon akong masaganang ani ng paghihiganti.
"To the fall of the Bennetts!" sabi ko sabay halakhak.
"To the fall of the Bennetts!" pag-sang-ayon ng dalawa at nakihalakhak na rin.
Umupo akong muli at tinikman ang alak. Napapikit na lang ako dahil sa tamis nito. Ang tamis ng alak kapag may natamo kang tagumpay.
"I heard that Farris is so down and he almost loss his sanity! Ipagpatuloy niyo lang ang pag-ubos ng pera niya. You made me proud of you tonight!" nakangiti kong sabi sa dalawa.
"Ipapasok na lang namin sa account mo ang-"
Tumanggi ako sa sinabi ni Shiva.
"Huwag na, Shiva, dahil sapat na sa akin ang nalamang halos mabaliw na si Farris. Sa inyo na ang baryang iyan. Hindi ko kailangan ng pera. Ang kailangan ko lang ay makita si Farris at Aki na gumagapang sa hirap," seyuso kong sabi. Bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat. At hindi rin mawala ang kasiyahang naramdaman nila.
"Gagawin namin ang lahat para sa iyo, My Lady!" sabay nilang wika.
Matapos akong uminom kasama si Maitha at Shiva ay umuwi na ako sa mansion.
Masaya akong naglalakad sa malapad na sala.
"Albana," anang Abuela mula sa likuran ko.
Akala ko ay tulog na ang lahat ng tao pero nagkamali ako. Gising na gising pala si Abuela. Lumapit ako sa kaniya at agad siyang niyakap ng mahigpit.
"Namiss ko ang amoy ng Abuela ko," sabi ko.
Halos mapabahing siya. "Where have you been, Mihija? Bakit amoy alak ka? Naparami kaya ng inom, Albana!?" tanong niya sa akin nang mahiwalay kami sa isa't isa.
"I just had a drink with Maitha and Shiva, Abuela. I just celebrated Farris' entrance to the hell I am preparing for h-him," nakangiti ako pero bumubulwak ang mga luha mula sa aking mga mata.
"What have you done?"
"Doing what I must do, Abuela. Pinaparanas sa kaniya ang salitang paghihirap. Bubugbugin ko siya sa paraang hindi niya magugustuhan. Kukunin ko ang lahat ng mayroon siya. Uubusin ko ang yaman niya hanggang sa wala nang matira sa kaniya at magiging dukha na lamang siya. Gagapang siya sa hirap at hihingi ng dispensa sa lahat ng ginawa niya sa akin. Pero kapag dumating ang panahon na iyon ay tatawa na lang ako at hindi sila bibigyan ng pagkakataon na sumaya ulit. I am the jail that Farris could never escape from."
Iniwan ko si Abuela sa kaniyang kinatatayuan. Para akong balerina na sumasayaw sa gitna ng sala. Ito nga ang gusto ko. Ganitong pakiramdam ang nais ko. Ang saya-saya ko! Lumulundag sa tuwa ang puso ko!
"Mawawala sa kaniya ang lahat. Lahat-lahat!" sabi ko habang umiikot.
Hindi lamang yaman niya ang kukunin ko sa kaniya kun'di ang asawa niya at kung may magiging supling sila. Papatayin ko si Aki na triple pa sa paraang ng pagdurusa sa naranasan ko sa kaniyang mga kamay. Tatawanan ko siya kapag hihingi siya ng tawad. Hahalakhak ako habang hirap na hirap na siya sa paghahabol ng kaniyang hininga.
I am just starting the revenge they deserve. Huhukayin ko sa kanilang mga lalamunan ang paghingi nila ng tawad at pagmamakaawa. Gagawin ko iyon kahit na ang katumbas noon ay ang pagtalikod ng buong mundo sa akin.