Chapter k a b a n a t a 2
Jenissa's POV Ang sakit ng katawan ko. Sumusungaw pa ang init sa aking mukha. Kahit ganoon pa man ay nandito pa rin ako sa silid-aralan ng mga musmos na batang ito.
Gusto kong magtrabaho sa opisina pero hindi ako pinayagan ni Farris na gawin ang bagay na iyon. Nais niya lang na manatili ako sa sulok na ito at mag volunteer na lamang. Kung sabagay ay hindi ko rin naman problema ang pera, sa katunayan nga ay madalas akong bumibili ng mga kailanganin sa paaralan para sa mga bata rito. Natutuhan ko na lang din tanggapin ang katotohanan na hanggang dito na lang talaga ako. Napamahal na rin ako sa mga bata kahit papaano. "Jen, kumain na tayo?" Lumingon ako kay Jack at akmang ngingiti pero binawi ko agad ito dahil sa hapdi ng pisngi ko. Hindi ako makangiti ng maayos dahil nauunat ang aking balat. Maging ang panay na pagsasalita ay hindi ko rin magawa. "I-Ikaw na lang, Jack. Busog pa naman ako," matamlay kong sabi.
Sinubukan kong ikubli ang sakit na nararamdaman ko pero talagang magaling kumilatis si Jack. Umupo siya sa aking tapat at hinawakan niya ang aking pisngi.
"Jen! Ano na naman ito? Sinaktan ka na naman ni Farris!?" nag-aalala niyang tanong.
"K-Kasalanan ko kasi nabitawan ko ang kawali sa stove. S-Siguro nagulat siya. O hindi naman kaya ay ayaw niya ng makarinig ng ingay," dahilan ko.
Lumapit pa siya sa akin at huminga siya ng malalim.
"You don't deserve this anymore. Parang iyon lang? Hindi na tama ang mga pinag-gagawa ni Farris sa iyo, Jen!" aniya habang may kung ano siyang kinuha mula sa kaniyang bag.
Nakita ko sa mga mata ni Jackielou ang awa. Sabagay, kahit ako nga ay awang-awa na ako sa sarili ko. Ang hirap kasi kapag binayaran ka na. Gagawin nila sa iyo ang kahit na ano'ng gusto nila. I'm worthless now.
Tumingin ako sa mga bagay na nilabas ni Jack. May wipes siyang nilabas at isang maliit na platic bottle na kinapalooban ng ointment para sa paso.
"A-Ah."
"Masakit ba? Pasensiya ka na ha? Gigil na gigil ako sa asawa mong iyon! Hindi ka na nga tinuring asawa, tapos sinasaktan ka pa na parang kung sino lang!"
"Oo, Jack. Masakit. Masakit na masakit. Walang humpay ang sakit na n-nararamdaman ko." Kusang bumulwak ang malulusog na mga luha mula sa aking mga mata.
Niyakap ako ni Jackielou matapos niyang nilagyan ng ointment ang aking balat na napaso.
"Jen, handa akong tulungan ka. Umalis ka na lang sa puder ng walang-hiyang lalaki na iyon! You don't deserve this treatment," anang Jack.
Dumistansiya ako sa kaniya. Tumayo ako at tumungo ako sa bintana. Inalis ko ang bakas ng mga luhang pumaibaba sa aking pisngi. Sumunod si Jack sa akin. Umakbay siya sa akin at marahan niyang hinahaplos ang balikat ko.
"Hindi puwede, Jack. Binayad ako ng Daddy ko dahil sa malaking pagkakautang niya sa Daddy ni Farris. Bilang kapalit ng pagkabura ng utang ni Daddy ay ang pagsilbi ko kay Farris," I explained.
"See! Ang usapan pagsisilbihan mo siya. Pero bakit ka niya sinasaktan? Kahit man lang irespeto ka niya bilang tao. Pero hindi niya man lang kayang gawin iyon! Napakawakang puso ni Farris, Jen!"
Nakatingin ako sa mga batang naglalaro sa labas. Ang saya-saya nila. Tanda ko pa noong bata pa ako. Palagi lang akong masaya kapiling si Mommy. Sana maibalik ko ang mga panahong iyon. O kahit na magising na lang ako at matanto na lahat ng nangyayari sa akin ay bangungot lang.
"Hayaan mo na! Kaya ko naman! Ang tatag ko kaya!" sabi ko at tumungo muli sa aking table.
Kinuha ko ang bag ko at tumango ako patingin kay Jack na awang-awa sa sitwasyon ko.
"Halika na! Hindi ba niyaya mo akong kumain? Tara na! Doon tayo sa cafeteria kumain," anyaya ko sa kaniya.
Bumuntung-hininga na lamang siya at agad siyang sumunod sa akin.
lang makarating kami sa cafeteria ay agad kaming tumungo sa isang bakanteng lamesa. Malaki ang day-care center na ito. Marami ring mga bata rito. Dito rin nag-aaral ang anak ng mga mayayamang bachelor at negosyante sa lugar namin. "Tingnan mo si Ma'am Bennett," bulong ng isang titser sa kasama niya. Kung hindi ako nagkamali ay si Ma'am Devilla ito at si Ma'am Nievez ang binulungan niya.
"Bakit, Ma'am Devilla?"
"Bulungan dito sa paaralan ay battered wife daw siya. Palagi na lang daw may bagong pasa kapag pumapasok sa klase."
"Baka kasi hindi mahal ng asawa niya," anang Ma'am Nievez.
Napakagat-labi lang ako nang marinig iyon. Totoo naman talaga ang sinabi niya. Hindi naman talaga ako mahal ni Farris. Isang walang kuwentang tao ang tingin niya sa akin. Palagi niya akong binubugbog at sinasaktan. Hindi ko rin naramdaman na mahal niya ako o kahit na nirerespeto man lang. She was right. Kahit masakit man sa pandinig ay tatanggapin ko ito.
"Sino rin ba kasi ang lalaking gaganahan sa kaniya? Look at her, she's too old than her age. Laspag na laspag."
Tumayo si Jackielou at hinarap ang dalawang nagtsitsismisan.
"Hoy! Kayong dalawang mga mukhang palaka na natapon sa abuhan at nalublob ang mga labi sa sili, puwede bang tigilan niyo ang kaibigan ko?" aniya.
"Hayaan mo na sila," awat ko sa kaniya.
Hinila ko pa siya paupo pero hindi siya nag pa-awat.
"Don't stop me, Jen. Kung ikaw kaya mong lunukin ang mga masasakit na salitang pinagsasabi nila sa iyo p'wes ako, hindi." Binalik niya ang kaniyang atensiyon sa dalawa. "Hindi niyo alam kung ano ang pinagdadaanan ng kaibigan ko. Pangalan niya lang ang alam niyo at hindi ang buong pagkatao at kuwento niya! Kung ano man ang naririnig niyong bulung-bulungan ay manahimik na lang sana kayo! Sa halip na magtsismisan ay mabuti pang ipaayos niyo ulit ang mga kilay niyong pinatattoo niyo lang sa kanto!"
"Tara na nga! Makaalis na rito! May sawsawera e!"
Nagmadaling umalis ang dalawa. Hahabulin pa sana sila ni Jack pero pinigilan ko siya. Mabuti na lang dahil napigilan ko siya sa pagkakataong ito. Baka mapaalis ako bilang volunteer kapag nalaman ng head na sa akin nagsimula ang gulo. "Hinayaan mo na lang sana sila," wika ko nang maka-upo na siya.
"Hindi ko hahayaan ang kahit na sinong pagsalitaan ka ng masama kapag narinig ko, Jen. Kapatid na ang turin ko sa iyo at ayaw kong ginaganoon ka ng mga tao. Alam mo pasalamat lang talaga iyang si Farris dahil hindi ko naaktuhan ang mga ginagawa niya sa'yo. Baka kapag nahuli ko siyang sinasaktan ka niya ay makikipagtuos talaga ako sa kaniya," sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
"H'wag mo nga akong pinaiiyak lalo, Jack! Mas humahapdi ang balat ko e," ani ko.
Tumawa lang siya at agad na lumapit sa akin para bigyan ako ng yakap.
Matapos kaming kumain ay agad kaming bumalik sa aming kani-kaniyang classroom.
Halos hindi ko mapansin ang ikot ng kamay ng orasan. Hapon na. Taliwas sa nais ko ang nangyari.
Gusto ko kasing humaba pa ang araw. Kapag nandito ako sa paaralan ay pakiramdam ko malayo ako sa asawa ko. Kahit papaano ay nakakahinga ako ng maayos.
Matamlay kong inayos ang aking mga gamit ay pinasok na ang mga ito sa bag ko.
"Teacher, will you go home na?"
Lumapit ako sa batang lalaking nagtanong. Umupo ako sa tapat niya.
"Why, Shon? It's already 5PM. Bakit wala pa ang sundo mo?" Imbes na sagutin ay tanong ang aking winika.
"Daddy will be late. Sabi niya kanina na kung puwede ay manatili ka lang daw sa tabi ko hanggang sunduin niya ako," sabi nito.
Hindi ko pa nakikilala sa personal ang Daddy ni Shon. Bihira ko rin kasing maabutan dahil masyadong maaga kapag sinusundo niya ang bata.
"Jen, shall we go home?"
Lumingon ako kay Jack na nasa pintuan. Handa na siya para umuwi.
Tumitig ako kay Shon at nakita ko paano niya sinabi ang salitang 'please' sa walang tunog na paraan.
"Mauna ka na lang," ani ko.
"Jen, hapon na masyado. Sasapit na ang gabi. Wala ka ng masasakyan pauwi sa atin. I'm pretty sure na magagalit ang asawa mo kapag hindi ka uuwi o kapag magagabihan ka," aniya. Napa-isip ako dahil sa winika ni Jackielou. She's right. Mag-aalburuto na naman iyong si Farris kapag late akong uuwi. Kaso, hindi ko rin maiwan-iwan si Shon mag-isa.
Wala na ring ibang tao. Hindi ko rin siya puwedeng ibilin sa guard dahil busy ito kapag ganitong oras na.
Bahala na. Responsibilidad kong siguruhin na ligtas ang mga estudyante ko. Kung sabagay ay sanay na akong mabugbog. Bahala na si Farris kung ano ang gagawin niya sa akin. "O-Okay lang. Hahanap ako ng paraan," ani ko.
"Ikaw bahala. Mauuna na ako," pagpapaalam niya.
Lumapit ako sa kaibigan ko at yumakap kami sa isa't isa.
"Sure ka?"
"Oo nga. Okay lang ako rito. Matanda na ako. Magtetext na lang ako kapag nasa bahay na ako," sabi ko.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Basta, Jenissa, mag-ingat ka!"
Tumango ako at kumuway kay Jackielou bago ko binalikan ang bata. Umupo ako muli sa tapat niya at pinagmasdan ko ang mukha niya. "Why teacher?"
Nakita niya pala na nakatitig ako sa kaniya.
"Wala. Siguro kung nagka-baby lang ako ay ka-edad mo siya," ani ko.
Ngumiti lang ang bata. Ang guwapong bata ni Shon.
It's already 6PM. Wala pa ang Daddy ni Shon.
Hindi ko rin maiwasan isipin kung ano kaya ang magiging hitsura ng anak ko. Magiging kamukha ko kaya siya? O magiging kamukha siya ng demonyo niyang tatay?
I heard knocks from the door. Sumulyap ako at nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.
Isang matangkad at mukhang diyos lang naman ang bumungad sa aking mga mata. Ang ganda ng kaniyang mga mata na kulay bughaw, umiigting ang mga panga niya at mukhang mabait pa. Puwersa akong umiling nang matauhan ako at nakita na kanina pa pala nakatayo sa gilid namin ang lalaking kararating pa lang. Siya yata ang Daddy ni Shon.
"Ma'am Jen, right?" Nilahad niya ang kaniyang kamay kaya naman ay tumayo ako bago tinanggap ang kamay niya at nakipag-shakehands ako sa kaniya. "Y-Yes," ani ko.
Ngumiti siya. No wonder why Shon is handsome. Ang guwapo pala ng Daddy niya.
"I'm Shon's Daddy. Revron Morris," aniya.
Ngumiti ako.
"Ano, Kiddo? Let's go?" tanong niya kay Shon na abala sa paglalaro.
"Let's-" Tumingin sa akin ang bata. "Wait, Daddy!"
Tumigil sa paghakbang ang Daddy niya.
"Yes, Shon? What's the matter?" kunut-noo niyang tanong sa bata.
"I heard from Teacher Jack that Teacher Jen doesn't have someone to fetch her. I think, we have to payback her goodness."
Tumango si Mister Morris at tumingin siya sa akin. Tumango siyang muli. Alam ko naman kung ano ang kahulugan ng tangong iyon pero bigla akong kinabahan, hindi ko alam bakit.
Dasa biyahe na kami. May kalayuan ang bahay mula sa day-care center. Tulog na si Shon. Namayani ang katahimikan sa loob ng kotse ni Mister Morris.
"Finally, we met. Mag-iisang taon na sa center ang anak ko pero ngayon lang talaga tayo nagkita," sabi niya at tumingin siya sa akin.
Okay na sana iyong tahimik lang kami. Bigla pa siyang nagsalita at binasag ang katahimikan.
Masyadong bago sa akin ang bagay na ito. Kinabahan ako dahil sa sinabi niya, alam ko naman na ayaw niya lang siguro na maramdaman kong wala siyang pakialam sa akin. "Ah... Oo nga po, Mister Morris," tanging nasabi ko lang.
Kaya siguro ako nagkakaganito dahil ngayon lang akong may nakausap na ibang tao bukod kay Farris, Jack at head ng center. Bihira rin kasi akong lumabas at bumili. At ang mga bata naman ay mas gusto na manood na lang sa screen kay sa makinig sa akin, kaya bihira lang din akong magklase.
"Ang tipid mo naman magsalita. Ayaw mo ba akong kausap?" bigla niyang tanong.
"N-No, Mister Morris. Hindi naman po sa ganoon. It's just I only speak when it's needed," sabi ko.
"Oh, I see. Iba ka sa mga babaeng nakilala at nakasasalamuha ko, Miss Bennett-"
"Misis po."
"Oh, I'm sorry for that. Akala ko kasi dalaga ka pa. Well, you look so young to be address as Mrs." Uminit ang buong mukha ko dahil sa sinabi ni Mister Morris.
"T-That's not true." Nahiya tuloy akong tumingin sa kaniya.
Kung kanina ay nakaiilang ang katahimikan. Ngayon ay mas nailang ako sa mga pinagsasabi ng lalaking ito.
Kung may araw pa at talagang malinaw ang mata niya ay makikita niya kung gaano ako kalaspag tulad ng sinasabi ng mga tsismosa sa center. Baka may sakit rin siya sa mata kaya hindi malinaw ang pag-aninag niya sa akin. "Nandito na tayo sa bahay niyo, Teacher Jen," imporma niya.
"Ah, oo nga. S-Salamat sa paghatid, Mister Morris," sabi ko.
Dahil sa kaba ay hindi ko na alam paano buksan ang pintuan ng kotse niya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang nawala ang espasyo ng mga katawan namin sa isa't isa.
At saka lang ako nakahinga ng maayos nang nabuksan na niya ang pintuan at nakabalik na siya sa kaniyang posisyon. Agad akong lumabas.
"Salamat ulit, Mister Morris," ani ko.
"Isang pasasalamat mo pa ay hindi ka na makasasakay pa sa kotse ko, Teacher Jen," biro niya sabay tawa.
Nakitawa na lang din ako kahit ilang na ilang na ako.
"I'm just kidding, Teacher Jen. Salamat rin dahil hinintay mo pa talaga ako. Thankyou for making my son safe," aniya. "And, stop calling me Mister Morris. Rev na lang. Masyadong formal kapag Mister Morris," aniya. "S-Sige, Rev. Kailangan ko ng pumasok, naghihitay na ang asawa ko," pagpapaalam ko sa kaniya.
Tumango siya at tumikhin kaya'y napatitig ako sa kaniyang mga mata. Shit! Pakiramdam ko ay nasa bingit ako ng kamatayan nang kumindat siya. What's this foreign feeling?
"Sure thing. Until next time, Jen," anang baritonong boses niya.
Napalunok na lang ako at napahawak sa aking kaliwang dibdib. Para kasi itong sasabog dahil sa kaba.
Nagmadali akong pumasok sa aming compound. Tinungo ko agad ang bahay namin.
Marahan kong tinulak ang main door.
"J-Jesus!" sigaw ko at napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat.
Kakapasok ko pa lang at siya ring pagbasag ni Farris ng isang vase sa tapat ko.
"Ano na naman ba, Farris?"
Lumapit siya sa akin at piniga niya ang aking braso.
"Farris, masakit! A-Ano ba?"
"You came home late! Natuto ka na rin pa lang lumandi?" aniya.
Malakas akong pumiglas at tinulak ko siya. Nakakapagod na ang ganito. Aalis ka ng bahay na binubugbog. Tapos babalik ka at bugbog ang sasalubong sa'yo.
"Na-late ako dahil may ginawa pa ako sa center. Sinamahan ko ang esdyante kong-"
"Liar!" sigaw ni Farris. "Nakita kitang hinatid ng lalaki! Stop pushing your lies, Jenissa! Ano ang ginawa niyo? Naghalikan ba kayo? Nagkantutan ba kayo? Masarap ba siya-"
Isang malutong na sampal mula sa aking kamay ang tumama sa pisngi ni Farris na naging dahilan ng katahimikan niya.
"Huwag mo akong itulad sa'yo, Farris! Hindi ako ikaw sa pamamahay na ito ay makikipagtalik ka sa kahit na sinong babae na makikita mo! Hindi ako ganoon kababa, Farris! Kaya please lang, huwag na huwag mo akong itulad sa kababuyan mo!" Gigil na gigil ko siyang tinuro. "Kung ikaw, hindi mo magawang respetuhin ang pagsasama natin. Puwes ako, nirerespeto ko ito! Nirerespeto ko ito kahit kinamumuhian kita!" sigaw ko habang pumapatak ang mga luha ko.
Hindi kumibo si Farris. Malamang ay nagulat siya sa aking nagawa. Ngayon ko lang siya nasampal. Kahit na palagi niya akong sinasaktan ay hindi ako pumapatol. Pero ang baba na ng tingin niya sa akin. Masyado niya ng
"Tandaan mo, Farris, hindi ako nagloloko tulad mo. Hindi ko kayang gawin iyon dahil alam ko kung ano ang pakiramdam ng niloloko," ani ko bago ko siya iniwan mag-isa.
Mabilis akong tumakbo paakyat sa hagdanan. Tinungo ko ang aming silid at dito ko na tinodo ang pag-iyak.
Mas masakit pala kapag pagkatao mo ang hinusgahan. Iying pinagbintangan ka sa bagay na hindi mo naman ginawa. Ang sakit lang. Ang sakit-sakit.