Melancholic Wife

Chapter k a b a n a t a 12



Farris' POV

Kinaumagahan ay tumungo kami sa hospital. Masama ang pakiramdam ni Aki kaya naman ay sinamahan ko siyang magpatingin.

"Mister Bennett, congratulations! Your wife is a month pregnant!" masayang sabi ni Doctora Robles.

Doon lamang ako napalagay. Akala ko ay may ibang sakit si Aki.

Tumingin ako kay Aki. Laking gulat ko dahil hindi si Aki ang nakita kong katabi ko. Hindi si Aki ang nakahawak sa kamay ko. Si Jenissa ang nakangiti pabalik sa akin.

Puwersa akong umiling. Mabuti na lamang at bumalik ako sa katinuan. Napansin ni Aki ang aking ekspresiyon kaya'y marahan akong huminga ng malalim. "Are you alright? Hindi ka ba masaya?"

Kinabig ko ang katawan niya at niyakap ko siya. Hinalikan ko rin ang kaniyang pisngi kaya naman ay napangiti siya. Muli akong huminga ng malalim.

"I'm good, Baby. Masayang-masaya ako! Finally, I'm a father now! Thankyou," masaya kong sabi.

Tumingin ako kay Doctora Robles na nakatitig sa amin. Panay ngiti lamang siya.

"Doc, thankyou so much! Kailangan na naming umalis at may pupuntahan pa po kami," paalam ko kay Doctora. Nag-shake hands kami. Sumunod naman na tumayo si Aki at nilahad niya ang kamay niya kay Doctora. Napaalalay ako kay Aki nang halos matumba siya.

"Baby?"

"I-I am alright," aniya. "S-Salamat, Doctora," sabi pa niya nang magkahawak na ang mga kamay nila ni Doctora.

"It's my pleasure," nakangiting saad ng doktora. "Mag-iingat ka lang. Maselan ang iyong pagbubuntis. Iwasan mo ang pagpupuyat at mga bagay na makakadulot sa iyo ng stress. Kung puwede ay palagi ka lang sa bahay," imporma ni Doctora. "Salamat, Doc," tugon na lamang ni Aki.

Madali kaming lumabas sa ospital. Ngayon ay bumibiyahe na kami ni Aki papunta sa lugar na isang taon ko na ring hindi napuntahan.

"Ang suwerte naman natin, Farris. Mahal na mahal talaga tayo ng Diyos! Hindi niya talaga isinawalang-bahala ang mga panalangin ko na sana maging mga magulang na tayo. And look, here it is! Buntis ako! May anak na tayo! This child will soonly call us, 'mama and papa."" masayang sabi ni Aki habang marahan niyang minamasahe ang kabilang kamay ko.

Nakangiti akong sumulyap sa kaniya. "Pinatawad na kaya tayo ng Diyos sa ginawa natin kay Jenissa?" tanong ko sa kaniya.

Binitawan niya ang aking kamay. Dinig na dinig ko ang paghinga niya ng malalim.

"Wala naman tayong kasalanan. Hindi naman kasalanan ang ginawa nating iyon, Farris. Iyon ang tama at dapat nating gawin," sabi ni Aki. "Tinuwid lang natin kung ano ang baluktot. You know what, I am never sorry for her,” dagdag pa niya bago siya umirap.

Kinabig ko ang katawan niya. Ngayon ay nakayakap na siya sa akin. Dadaan pa kami sa flower shop para bumili ng mumurahing bulaklak na ialay sa lugar na iyon.

"Tinanggal lang natin ang sagabal sa buhay natin. Iyon ang nararapat at nakabubuti para sa atin. Hindi kasalanan na kunin ang tinik sa lalamunan, Farris," turan pa ni Aki.

I made a sigh. Hinalikan ko ang kaniyang ulo.

"Hindi ba, ang sabi ni doktora ay huwag kang magpakastress?"

"Kasalanan mo, Farris. You opened up about that. Isa pa, hindi ako stress. Ayaw kong magpakastress! Inalis ko na nga sa isipan ko ang kamukha ni Jenissa na nakita ko noong nakaraan dahil ayaw kong mapasama ang bata sa sinapupunan ko," sabi niya.

Pumarada na kami sa tapat ng flowershop. Lumabas ako sa kotse at iniwan ko sa loob si Aki.

"Huwag kang tumagal doon, Farris. Hindi ko gusto na nakikipag-usap ka ng matagalan sa ibang tao."

"Oo na, Aki. Ikaw talaga!" Lumapit ako sa kaniya at hinalikan ang noo niya.

Ngumiti siya nang lumapat ang labi ko sa kaniyang noo.

"J-Jenissa?" bigla niyang sabi.

"Aki! Sino ba ang hinahanap mo?" tanong ko.

"W-Wala! P-Parang nakita ko kasi sa side mirror ang babaeng iyon!" Nakita ko paano niya kinalma ang sarili niya. "Guni-guni ko lang iyon. At baka gusto niya lang bigyan ng bulaklak para matahimik na siya!" sabi niya.

Tumango ako. Muli ko siyang hinalikan.

"Umalis ka na lang kasi. Bumalik ka agad ha!?" sabi niya.

Sinang-ayunan ko ang turan niya.

Pumasok ako sa flower shop. Umikot ang tingin ko sa mga bulaklak na nakapalibot sa akin. Sari-saring kulay ang mga bulaklak na naririto at napakasakit sa mga mata! "Fuck! Jenissa?"

Mabilis akong lumakad papunta sa kinatatayuan ng taong nakita ko. Siya iyon! Leche!

Hinanap ko siya ng hinanap pero wala akong nakita.

"H-Holyshit."

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ang hinahanap ko. Nakatalikod siya sa akin habang hawak ang bulaklak na kasing puti ng damit na suot niya.

Diyos ko! Bakit buhay pa siya? Nakita ko paano siya namatay. Hindi kaya ay siya iyong nakita ni Aki noong nakaraan?

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang papalapit ako ng papalapit sa kinatatayuan niya. She's not moving. Tanging ang ilang hibla lamang ng buhok niya ang gumagalaw kapag hinahanginan. Kahit ang bestida niya ay hindi rin kayang galawin ng hangin.

Inangat ko ang aking kanang kamay. "J-Jen!?"

"Hi, Sir! Anything I can help?"

Gulat na gulat akong lumingon sa babaeng nagtanong sa akin. Ang kamay ko ay nanatili pa rin sa balikat ng inakala kong si Jenissa. Isa lang pala itong mannequin.

"N-Nothing. I-I am just amused o-on this," ani kong tinutukoy ang mannequin na hawak ko.

Lumapit ang babae sa mannequin at bigla niya itong inikot sa akin.

"Fuck!" pasigaw kong sabi at agad kong kinuha ang aking kamay.

Nang maiharap kasi ng babae sa akin ang mannequin ay biglang mukha ni Jenissa ang nakita ko. Nakakatakot ang ngiti niya at mga titig niya sa akin.

Hingal na hingal ako dahil sa nangyari. Akala ko talaga ay si Jenissa ang nakita ko. Isang mannequin lang pala.

"B-Bakit, Sir? May problema po?"

"N-Nothing," nauutal kong sabi. "Nagulat l-lang ako sa m-mannequin niyo," I said honestly.

Ngumiti ang babae at parang proud na proud pa siya sa mukha ng mannequin ng shop nila.

"Ang ganda niya ano? Para siyang totoo! She signifies a happy wife. Iyong hawak naman niyang kulay puting tulips ay nagsisimbolo ng pyuridad at sinsiro niyang pagkatao. She was called, 'A beautiful wife."" kuwento ng babae.

Hindi maalis sa isip ko ang mukha ng mannequin na ito kanina. It really looks like Jenissa. Pero nang lumaon ay hindi naman niya kamukha at malayong-malayo ito sa mukha ng walang-kuwentang babae na iyon.

"I don't care about your thing. Bigyan mo ako ng bulaklak para sa patay!" sabi ko.

"Namatayan pala kayo, Sir? Condolences po!"

Lumunok ako at blangko ko siyang tiningnan.

"Aso ko. She died more than a year ago," sabi ko.

Tumalima ang babae at agad na niligaw ang mata niya sa buong shop.

"You must be very sad when your dog was gone, Sir. Ako nga, namatayan din ako ng alagang aso. I am very sad and broken. Hays..." Inabot niya ang isang kumpol ng bulaklak na kulay lila. "This one is a big help to send away broken and lost souls. Naniniwala ako na nawawala ang kaluluwa ng aso mo, Sir. Mahirap kasi kapag naging tahanan mo na ang amo mo, you will end up lost in that case," sabi niya.

Yes. She's a dog. More than that. Nakakasawang marinig ang hagulgol niya gabi-gabi. Nakakaumay na makita siya sa isang sulok na panay sa pag-iyak. I don't care about her soul. Caring about that is bullshit! Gusto ko lang lubayan niya kami. "Palagi niyo bang napapanaginipan ang aso niyo, Sir?"

Her questions are stupid but I always ended up opening my mouth to answer her.

"Palagi. Umay na nga. Palagi na akong binabangungot dahil sa kaniya. Even I'm still awake, palagi siyang nagpapakita sa akin. It's very disturbing. Yeah, she's haunting me. And I don't like it anymore," tugon ko.

"Baka gusto niyo rin siyang alayan ng soul necklace, Sir?" Pinakita niya sa akin ang isang kuwintas na yari sa mga kumikinang na bato subalit ito'y kulay itim. "It will also help you escape from nightmares. Malakas din itong pangontra para sa mga kaluluwang sinusundan ka," sabi niya.

May kung ano'ng umudyok sa akin upang tumango sa mga sabi ng babae. Hiling ko na rin ang katahimikan namin ni Aki at ng magiging anak namin. I will invest on whatever things that may help us escape from that woman's ghost. Multo lang siya. Tao ako. I have all the ways to stop her on roaming around us, around my family.

"Whatever that you think might help us," sabi ko.

Ngumiti lang ang babae at nilagay niya na sa supot ang kuwintas.

"W-What's with that yellow paper?" Nakita ko kasi na maraming mga kustomer ang may hawak ng papel na iyon.

Inabot ng babae ang isang piraso at binuklad niya ito sa tapat ng aking mukha.

"It will help you clean your conscience, Sir. If you felt guilty for the dead, then buy this."

Tumindig and balahibo sa aking batok na para bang dinaanan ng malamig na simoy ng hangin na may dalang lagim.

"Ang mga panaboy konsensiya na mga katagang nakasaad sa sagradong papel na ito ay sinulat mismo ng isang espiritista na nagmula pa sa bansang Japan. Ano, Sir? Gusto mo bang malinis ang konsensiya mo dahil may guilt kang naramdaman towards your dog?"

Tumango ako. "G-Give me 20 papers," sabi ko. "Candles na lang din at lighter!"

"Malala yatang konsensiya ang gusto mong umalis sa isipan mo, Sir?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Katiting na lang. Katiting na katiting na lang," I said.

Tumango siya at binigay sa akin ang mga pinambili ko. Binayaran ko ng sobra sa presyo ang babae. Nagpasalamat siya pero hindi ko na siya pinansin.

Nang makatalikod ako at sinimulan kong humakbang ay bigla na lamang may pumigil sa akin.

Lumingon ako. Muli na naman akong kinilabutan sa nakita ko. An old woman with a black long dress with a purple lips is holding me on my wrist.

"Yes?" sampok-kilay kong tanong sa kaniya.

Yumuko siya at pinulot ang isang papel na kulay dilaw. Nahulog yata ang isa sa mga sacred papers na binili ko. "T-Thankyou," ani ko nang binigay niya sa akin ang papel.

Tumalikod ako agad at aalis na sana pero pinigilan niya ulit ako. Ngayon ay sa dulo na siya ng sleeve ko nakahawak. Kung wala lang talagang tao ay sinaktan ko na ang matandang ito. Para kasi siyang baliw na bigla na lang sumulpot.

"Bakit ba, Lola?" Pilit kong pinapakalma ang tono ko kahit na ang totoo ay kanina pa ako naiinis sa matanda.

Tumitig siya sa mga mata ko. Damn it! Her stares creeped me out. Gusto kong tumakbo pero ang bigat ng mga paa ko. Hindi rin ako makabalikwas kahit na gustuhin ko pa.

"You can never escape from the fact that you did wrong. Kahit ilang pahina pa ng papel na ito ang susunugin mo ay hindi ka niya patutulugin. Hindi ka niya tatantanan. Susundin at susundin ka niya. Humanda ka sa kaniyang paniningil. Humanda ka at tatadtarin niya ang puso mo sa takot. Gagantihan ka niya. Babalik siya at papatayin ka sa sindak," sabi niya habang suot ang nakakatakot na ngiti. "F-Fuck off, Barbaric!" sabi ko at agad siyang iniwan.

Mabilis akong lumabas sa shop at tinungo ang kotse. Kumatok ako sa bintana. Ilang beses pa akong kumatok bago ako pinagbuksan ni Aki.

"What took you so long to open the door?" inis kong tanong.

"Nakita mo naman siguro na nag-eearphones ako! Don't you?" Umirap siya.

Umiling ako ng umiling upang mawala sa isip ko ang sinabi ng matandang babae na iyon.

How did she knew it? There's no name being mentioned but her words creeped me out more than her aura.

"Bakit ka ba nagkakaganiyan, Farris?" Napansin ni Aki na balisa ako.

"N-Nothing--- K-Kailangan na nating umalis," nagmamadali kong sabi.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

Pinaandar ko ang makina subalit nanatili akong nakasulyap sa salamin ng kotse ko kung saan naroroon ang repleksiyon ng matandang babae na pumigil sa akin kanina. Nakangiti pa rin siya sa akin. Nangungusap ang mga mata niya na para bang sinasabi sa akin na totoo ang mga sabi niya kanina.

Ang kaniyang matulis na titig ang dahilan bakit ako nagkakaganito.

"Ano ba, Farris? Magdahan-dahan ka nga!"

Hindi ko pinakinggan ang mga sinabi ni Aki. Gusto kong makalayo sa matandang iyon. She's crazy!

"W-We can't stay here for so long, Aki. Kailangan na nating umalis at itaboy ang kaluluwa ni Jenissa!" sabi ko kay Aki. "T-That old woman outside the flower shop was creeping me out about Jenissa! S-Sabi niya'y papatayin ako ni Jenissa sa sindak!"

"What? Wala naman akong nakikitang matandamg babae sa labas ng flower shop, Farris," sabi ni Aki.

Tumayo ang balahibo dahil sa kilabot sa sinabi ni Aki pero mas kinilabutan ako nang makita ko na walang matandang babae sa labas ng flower shop.

"Fuck this! I-I saw her! She was creepy and-FUCK!"

"Argh!" daing ni Aki.

Hingal na hingal ako dahil sa nangyari. Wala sa sarili akong lumabas sa kotse at agad na hinanap kung sino ang nasagasaan namin.

Napabuga ako ng hangin nang makita ang itim na pusa sa tapat ng sasakyan ko.

"Damn! I thought, I killed someone!"

Sinipa ko ang pusa. Kumalat sa semento ang dugo ng pusa. Muli akong pumasok sa kotse at inabot ang tissue sa backseat.

"Okay ka lang ba?" tanong ko kay Aki.

Tumango siya.

"Ikaw ang hindi okay, Farris. Kanina ka pa nagkaganiyan. Bakit pa ba kasi tayo bumili ng bulaklak para sa kaniya? Ano ba ang gagawin niya diyan? Kakainin?" natatawang sabi ni Aki. "Shut up, Aki. Magmadali na lang tayo para matapos na ang lahat ng ito," sabi ko habang pinupunasan ang sapatos kong may dugo pa ng pusa.

"Matagal ng tapos ang lahat. Isang taon at higit na nga ang lumipas," bara ni Aki sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin. Maingat akong nagmaneho hanggang sa marating namin ang masukal na gubat kung saan namin iniwan si Jenissa noon.

Ilang oras ang byahe namin. Dahil sa masukal ang gubat ay ang dilim na ng paligid kahit na alas sinco pa lamang ng hapon.

"Ang artistic mo naman, Jen. Tingnan mo nga ang ginawa mo sa kinamatayan mong lupa, ginawa mo pang munting bundok na pinaikutan ng damo!" natatawang sabi ni Aki.

Kinuha ni Aki ang bulaklak mula sa supot na dala ko at hinagis niya ito sa namumundok na mga damo.

"Yan! Hahahahaha! Amuyin mo ang bulaklak na iyan, Jen! Pang patay iyan! Nababagay sa iyo! I wonder if you ever received a flower when you were alive! I'm sure you had not!" Naka-crossed arms si Aki at nakataas pa ang kabilang kilay niya. Kinuha niya ang lighter mula sa kaniyang bulsa. Hinugot niya na rin ang dalawang kandila at tinirik niya ito sa paanan ng puntod. Yumuko siya at agad niyang sinindi ang mga kandila.

"Tulad ng pinangako ko sa'yo, Jenissa, pinagsindi na kita ng kandila. Dalawang kandila ang sinindi ko para sa'yo, sabi kasi nila, two is better that one! Hindi na kita pinagdasal pa, baka kasi mabingi ang Diyos kapag paulit-ulit kong hilingin na sana mamatay ka pa ng ilang ulit!"

Tumayo siya at lumapit siya sa akin. Kinuha niya ang kuwintas at mga papel. Sinindi niya ang lahat ng dilaw na papel.

"Imposibleng susundin pa kami ng multo mo. Tama na ha! Nakailan ka na!" May inis sa boses ni Aki.

Nakatitig lang ako sa mga kandilang nakatirik na unti-unting kinakain ng apoy.

"I'm sending you away now, Jenissa! Huwag mo na kaming guluhin ng pamilya ko!" sabi ko at inakbay si Aki.

"Lubayan mo na kami dahil masaya na kami! Huwag kang selfish, Jen! Ibalato mo na sa amin ni Farris ang gusto namin!" anang Aki. "Hayaan mo kaming maging masaya dahil iyon ang deserved namin! Solohin mo ang maging malungkot dahil iyan naman ang nararapat sa isang mang-aagaw na katulad mo!" sambit ni Aki.

Lumunok ako. Kasabay ng pagkurap ko ay ang paghihip ng masamang hangin na nagdulot nang pagkamatay ng mga kandila.

"Tangina mo, Jen! Patay ka na nga, pumapalag ka pa! Leche!" sabi ni Aki.

"Let us go, Jenissa. Rest in peace!" sabi ko bago namin tinalikuran ang parte ng lupa kung saan siya nakahimlay noon. Napakapit si Aki sa akin ng mahigpit nang bigla na lamang kumulog at kumidlat.

Jenissa's soul is mad.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.