Chapter a f t e r w o r d
Apat na taon na ang lumipas mula noong namalagi kami ni Abuela rito sa France. Mahirap magsimula pero nakayanan ko.
Dalawang buwan na lang ay makakalaya na si Carli. Matayog na rin ang mga kompanyang pinamunuan ni Daddy. Ang BGC ay magkatuwang na inalagaan nina Maitha at Shiva. Umaangat na rin ang sales ng BGC kahit papaano.
Ako naman ay bumalik sa pagiging volunteer-teacher sa France. Masaya ako sa ginagawa kong ito lalo na kasi ay anak ng mga kababayan ko ang tinuturuan ko.
Isang lingggo akong magpapahinga at ito ang ika-lawang araw. Ayaw ko sanang mag-leave sa pagtuturo pero ang paaralan na ang pumilit sa akin. Sabi nila, kailangan ko raw magpahinga at hanapin ang lalaking para sa akin. Tinawanan ko lang ang sabi nila.
Pumasok ako sa bahay. Wala na naman si Abuela. Palagi na lang siyang pumupunta sa bahay ng mga kaibigan niya.
Tumungo ako sa ikalawang palapag ng bahay at agad akong humiga sa kama kong napakalambot nang makapasok na ako sa aking kuwarto.
Kinuha ko ang smartphone ko at agad kong binuksan ang Instagram account ko. Halos araw-araw na lang ay inuulanan ng likes at follows ang account ko kahit na hindi naman ako active sa platform na ito.
May kung ano'ng pumasok sa kokote ko kaya ay pinindot ko ang search icon. Tinype ko ang pangalan ni Farris. Bumukas bigla ang pintuan kaya ay bigla kong denelete ang mga letrang tinype ko. "Abuela, hindi ba uso ang kumatok?"
"Bakit ba kasi gulat na gulat ka? Baka may ginagawa kang kabulastugan kaya ka nagulat?"
Umirap ako at bumuntong-hininga.
"Abuela, galing ako sa labas at naglalakad-lakad. Nagulat ako dahil bigla ka na lang pumasok sa kuwarto ng may kuwartro. Can't you knock?"
"Ang dami mo pang sinasabi. Fix yourself and you will come with me," sabi niya.
Bigla akong tumalukbong. Dinadamay niya talaga ako sa pagiging lakwatsera niya. Kung kailan pa kasi tumanda ay roon pa nahilig sa paglalakwatsa.
Hinila niya ang makapal na kumot na pinangtabon ko sa aking katawan.
"Bumangon ka na kasi, Mihija."
Kinamot ko ang ulo ko kaya ay nagmistulang bruha na ako. Umiling ako nang umiling pero nagawa niya pa rin akong napaupo.
"Saan ba kasi tayo pupunta, Abuela?" naiinis kong tanong.
"Dadalo tayo sa party ng kaibigan ko. It's her 80th birthday!"
Inisip ko na naman kung ano ang magiging role ko sa party na iyon. Malamang ay tutunganga lang ako sa tabi habang pagmasdan si Abuela na nakikipagtawanan kasama ang mga amigas niya. "Abuela, puwede ba na ihatid na lang kita tapos ay uuwi ako agad?"
"Bilisan mo na riyan, Mihija! Halos lumagpas ka na sa kalendaryo! Dapat ay makahanap ka na agad nang mapapangasawa mo!"
Napanganga ako dahil sa sinabi ni Abuela.
"Akala ko pupunta tayo roon para maki-celebrate sa birthday ng kaibigan mo? Abuela, hindi naman ako puwedeng makipag-relasyon na lang agad sa mga tao na hindi ko kilala," kontra ko kay Abuela. Umismid si Abuela.
"Whatever! Bilisan mo na riyan, Jenissa! Mag-hihintay ako sa baba!"
Umalis siya agad at hindi niya man lang hinintay na makapag-salita akong muli.
Tulad nang inaasahan ay nandito na kami sa bahay ng kaibigan ni Abuela.
"Your mihija is so beautiful, Amiga!"
"She just inherited it from me, Amiga. By the way, nasaan na ang Mihijo mo?"
Kinabahan ako sa pag-uusap ng mga matandang ito.
Tumabi sa kaibigan ni Abuela ang isang lalaki na mas matangkad sa akin. Malaking mama ito. Malapad ang mga balikat at matatawag na itong guwapo. "Cholo, Jenissa, My Amiga's beautiful Mihija."
"He is here. Jenissa, meet my Amiga's Mihijo, Cholo," sabi naman ni Abuela.
Napilitan akong tanggapin ang kamay na nakalahad sa aking tapat.
"Cholo," maiksing sabi ng lalaki.
Ngumiti ako. Hindi naman sa hindi ko siya type pero hindi ko talaga naramdaman na may epekto siya sa akin. He is just handsome and that't it.
"Jenissa," tugon ko naman.
Nakasalubong ang mga kilay akong tumingin kay Abuela nang makita ko paano sila nagtanguan ng Lola ni Cholo.
Nagtawanan lang na umalis ang magkaibigan at iniwan kami ni Cholo sa isang sulok.
Huminga ako nang malalim nang nabawi ko ang aking kamay mula sa malapad na palad ni Cholo.
"Ano pala ang ginagawa mo sa buhay?" tanong ni Cholo.
Tumingin ako kay Cholo. Dumaan ang waiter kaya ay kumuha ako ng maiinom mula sa tray nito. Kumuha rin si Cholo. Halos sabay rin kaming sumimsim ng alak mula sa mga kupitang hawak namin. "Well, hindi ako tulad ng ibang babae na interesting ang buhay. Isa lang akong volunteer sa isang paaralan dito."
"My boyfriend ka na ba?"
Halos masamid ako dahil sa kaniyang tanong.
"W-Wala pa e. Kaya nga ako dinala ni Abuela rito para raw makita ko na ang mapapangasawa ko. Kahit yata si Abuela ay gusto na akong ipa-asawa agad. Sabi pa niya ay halos malagpasan ko na raw ang mga numero sa kalendaryo," ani ko.
I don't even know if he is interested with the words I am saying here. I caught him looking on my covered breasts. Nakasuot naman ako nang turtle neck na dress at hindi exposed ang gitna ng mga suso ko pero makatitig siya ay para niya na akong hinuhubaran. This proves that kapag bastos at manyak ang lalaki ay kahit na gaano pa ka-balot ang damit ng babae ay mamanyakin at babastusin ka talaga nito.
Dahil sa inis ko ay napatikhim ako nang pagkalakas-lakas. Ang bastos niya! Ngayon pa nga lang kami nag-kita pero binabastos niya na ako. Lalo na siguro kapag ilang beses na kaming nagkasama at magkikita nito.
"Jenissa, oo, maganda nga iyang business mo," aniya na nagkukunwari ay nakikinig.
"Yes, maganda nga ang business ko!"
"Baka want mo pa akong maka-usap about something special bukod sa business mo. We can get a room." Nakangisi siya na parang aso.
Bigla kong tinuhod ang kaniyang gitnang bahagi na naging dahilan upang mapayuko siya.
"Una sa lahat, hindi business ang pinagkaka-abalahan ko sa buhay. Isa akong volunteer, Cholo. Hatalang hindi ka nakikinig dahil abala ka sa pagtitig sa pribadong katawan ko. Pangalawa at pang-huli ay hindi ako katulad ng mga babaeng nginingitian mo lang ay sasama na sa iyo and you both can get a room where to talk about something special," sabi ko.
Binangga ko siya at agad na akong lumabas sa bahay ng Lola niya. Nakakainis. Sabi ko nga na sana ay sa bahay na lang ako. Mahimbing na siguro ang tulog ko ngayon kung hindi ako sumama rito.
Lakad ako nang lakad hanggang sa makarating ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa akin. Iilang tao lang ang nandito.
Sumakit bigla ang mga mata ko nang mapansin na halos lahat ng mga tao rito ay may kapares.
Para itong lover's park dahil puro magkasintahan ang naka-upo sa mga bangko.
Umirap ako paupo sa isang bakanteng upuan. Naalala ko si Farris kaya ay muli ko na namang binuksan ang Instagram account ko.
I found his account with BFarris as his username. Ngumiti ako. May umudyok sa akin na e-tap ang profile niya.
"Farris!?" gulat na gulat kong sabi habang nakatitig ako sa screen ng smartphone ko.
Niligaw ko ang aking sulyap sa buong paligid. Nandito siya at dito mismo sa silyang kinauupuan ko siya kumuha ng litrato na 2 minutes ago niya lang inupload sa Instagram niya.
Yumuko ako at nakita ko ang isang wallet na nakabukas sa tabi ng aking kanang paa.
Inabot ko ang wallet at agad kong tinitigan ang ID sa harap ng wallet. Napangiti ako nang bahagya nang makompirma ko na nandito nga si Farris sa France.
Tumakbo ako at lumapit ako sa mga taong nakaupo sa mga silya sa park.
"Have you seen this man?"
Pinakita ko ang litrato ni Farris sa kanila. Umiling sila kaya ay lumapit ako sa iba pang mga tao sa ibang bahagi ng park.
"This man left his wallet in this park. Have you seen him?"
"Non! Non!"
Huminga ako nang malalim.
"Sana makita kita, Farris," bulong ko sa sarili ko.
Tumanaw ako sa kahit na saang bahagi ng park. Tumakbo ako sa puwesto ko kanina nang makita ko ang isang lalaki na nakasuot ng puting pantaas na pinaresan niya ng slacks at makintab na sapatos. Marahan akong pumunta sa kaniyang gawi.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Bigla akong kinabahan nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa kaniya. He is looking something and I know that I am holding that thing right now. Kusang umangat ang kamay ko nang maramdaman na may likidong gumulong sa aking magkabilang pisngi. Naluha ako dahil sa sayang naramdaman ko. "Are you looking for this?"
Humarap siya sa akin at kinuha ang wallet niya. He shook his head because he can't believe that I am standing in front of him.
"Jen? Jenissa!?" tawag niya sa akin.
Tumango at agad akong lumapit sa kaniya. Parang alam niya na agad kung ano ang susunod kong gagawin. He opened his arms widely when I am about to hug him. Isang mahigpit na pagyayakapan ang bumuklod sa aming dalawa. "Farris, ikaw nga!" sabi ko at mas hinigpitan ko pa ang pagyakap ko sa kaniya.
Saglit niya akong hiniwalay sa kaniya. Nakatingala ako sa kaniyang mukha ngayon. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Wala akong tiyak na konklusiyon sa nararamdaman ko ngayon. Masaya ako, kinikilig ako at parang gusto kong umiyak dahil muli kaming nag-kita ni Farris.
Tumagal nang halos sampong minuto ang pagyayakapan namin ni Farris. Umupo kami sa silyang naghihintay sa amin.
He is looking away while I am looking at his face. Maaliwalas ang mukha niya. Mas gumuwapo pa siya at naging macho lalo. Bigla nga akong nainis dahil may mga babaeng nakatitig sa kaniya.
"Matutunaw ako niyan. Huwag ka naman masyadong nagpapahalata na namiss mo ako nang sobra," aniya.
Hindi ko magawang kontrahin ang sinabi niya dahil iyon naman ang totoo.
"Hindi ka ba puwedeng mamiss? Bakit, Farris, may asawa ka na ba?" malungkot kong tanong. "M-May bago ka na bang iniibig ngayon? May nagpapasaya na ba sa iyo?" dagdag ko pang tanong sa kaniya.
Kasabay ng kaniyang pag-tango ay ang pagbagsak ng aking mga balikat.
Nawalan ako ng lakas dahil sa ginawang pag-tango ni Farris.
"Matagal na akong kasal, Jen. May nagpapasaya na sa akin at may asawa na ako," tugon niya.
Lumingon ako sa kabilang banda upang itago ang luhang bigla na lang gumulong mula sa aking mga mata.
"M-Masaya ako para sa iyo," mapaklang sabi ko.
Tumayo ako at tumikhim. Ang sakit naman ng puso ko. Para akong sinaksak dahil sa sinabi niya. Nawala ang inaasahan ng puso ko na kapag nagkita kaming dalawa ay makikipag-make up ako sa kaniya. Handa na sana akong buksan para sa kaniya ang puso ko.
"I-I have to go, Farris. H-Hinihintay na ako ni Cholo," sabi ko dahil gusto ko rin na maramdaman niya kahit papaano ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
Nakatatlong hakbang na ako nang maramdaman ko na may humawak sa aking kamay at tila bang pinipigilan akong gumawa ng isa pang hakbang.
"May asawa na ako at ikaw ang tinutukoy ko, Jen. Naalala mo ang mga papeles na hinatid mo sa bahay noon?"
Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Nakatingin na sa aming gawi ang mga tao sa park habang kumukuha sila ng mga litrato.
"Jen, hindi ko pinirmahan ang mga iyon. Ibig-sabihin ay asawa pa rin kita hanggang ngayon at asawa mo pa rin ako. Mag-asawa tayo, Jen. Mag-asawa tayo at never naputol ang pagiging mag-asawa natin," aniya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapagsalita dahil sa mga salitang sinabi ni Farris.
Marahan akong humarap sa kaniya. Nakita ko na basa na ang mga mata niya at nag-uunahang gumulong ang butil ng mga luha sa kaniyang pisngi.
Inabot niya ang pisngi ko.
"Hindi ko pinirmahan ang mga papeles na iyon dahil umaasa ako na magkikita tayo. Umasa ako na sa susunod na pagkikita natin ay puwede na nating ipag-patuloy ang naudlot nating pagsasama."
Yumuko na siya at mahigpit niya akong niyakap.
"Jen, maaari ko bang tuparin ang mga sumpa ko sa iyo noong kinasal tayo? Maari ko pa bang ayusin ang ating relasyon?"
Hindi ko na magawang yakapin si Farris dahil hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Gusto ko lang manatili sa kaniyang yakap at pakiramdaman paano tumitibok ang kaniyang puso. Ang bilis kasi ng tibok ng puso niya and it sounds as music to my ears.
"Jen, maaari bang mahalin mo ako ulit?"
Ngumiti ako at agad akong humiwalay sa kaniya. Nakangiti akong nakatitig sa kaniyang mga mata habang ang mga luha ko ay patuloy lang sa pag-bulwak.
"Hindi kailanman nawala ang pag-ibig ko sa iyo, Farris. Mahal kita. Mahal na mahal kita!"
Pinikit ko ang mga mata ko nang makita ko na nilapit niya ang kaniyang mukha sa akin.
Napakapit na lang ako sa kaniyang matigas na mga braso habang mapusok at puno ng pagmamahalan kaming naghalikan sa gitna ng park na ito. Saksi ang mga taong nandito kung gaano ka-tamis ang aming paghahalikan ni Farris.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Para akong nananaginip hanggang ngayon. The emptiness in my heart was filled. Si Farris rin pala ang pupuna sa mga espasyong nasa puso ko.
"Sino si Cholo?" bigla niyang tanong habang nagmamaneho.
Hindi ko maalis sa kaniyang mukha ang aking tingin.
"Apo ng kaibigan ni Abuela. Gusto nilang ipa-asawa sa akin pero hindi ako pumyag."
I saw bitterness in his expression.
"Talaga ba? Baka naman boyfriend mo iyon, Jen?"
Gusto kong matawa dahil sa sinabi niya.
"Someone is jealous," sabi ko.
Humarap na ako sa unahan. Humalukipkip ako at lihim ko siyang tinitingnan.
"Bakit hindi ka pumayag? Pangit ba?"
Umiling ako.
"Alam mo ba na ang guwapo ni Cholo? Ang ganda ng hubog ng katawan niya dahil isa siyang modelo kaya siguro alagang-alaga niya ang kaniyang sarili. He is famous," kuwento ko sa kaniya.
Namumula na ang mga tainga ni Farris. I hold my laughter inside. Gusto ko siyang paselosin para makapag-higanti ako sa ginawa niya sa akin kanina. He pranked me. Ngayon ay ako na naman ang magti-trip sa kaniya. "You like him? Mahal mo ba?"
"Hindi."
"E bakit hindi ka nga pumayag kung halos nasa kaniya naman ang lahat?"
"Dahil ikaw ang mahal ko. I waited for four years to be reunited with you, Farris," sabi ko.
Nasaksihan ko paano siya nagpipigil ng kaniyang ngiti.
"You got me there, Jen."
Inabot ng kamay niya ang ang balikat ko. Hinila niya ako papalapit sa kaniya.
I feel at home. I am home now because we found each other again... because I found Farris again.
Hindi ko sasayangin ang pagkakataong ito na binigay sa amin ng tadhana. Muli niya kaming pinagbuklod upang ipagpatuloy ang naudlot naming pag-ibig at pagsasama.
"I love you, Farris Bennett!"
"I will never love again if it is not you I am going to love, Jen."
Hininto niya sa tabi ang kotse at agad niya kaming lumabas mula sa sasakyan niya. Magkahawak kamay kaming pumunta sa harap ng kaniyang sasakyan.
Pinasandal niya ako sa kaniyang kotse at agad siyang dumikit sa akin. Inayos niya ang mga buhok kong naka-kalat sa aking pisngi at sinabit niya ito sa aking tainga. Nakatitig lang ako sa kaniyang mga mata. Nakakaakit ang kaniyang mga titig. Akala ko ay hahalikan niya na ako pero dumausdos siya hanggang sa makaluhod na siya sa aking tapat. Kinuha niya ang kaliwa kong kamay at hinalikan niya ito. Pinasuot niya sa akin ang sing-sing na binalik ko sa kaniya noon bago kami umalis ni Abuela.
"Let us be the couple we should be, Jen. Hindi na ako matatakot pa dahil wala na ang mga taong pumipigil sa akin na ipadama sa iyo na mahal na mahal kita," sabi niya. Hinila ko siya patayo.
"Mahal kita at hindi ako magsasawang mahalin ka. Mula ngayon at kahit na hanggan sa dulo pa ng walang hanggan ay hindi ako titigil na mahalin ka, Farris."
"I love you and I will love you for the rest of the decades, years, months, weeks, days, hours, minutes, seconds and milliseconds of my life, Wifey!"
Hindi pa man siya nakalapit sa akin ay sinalubong ko na ang kaniyang mga halik.
Saksi ang langit at ang buwang nasa ibabaw namin kung paano namin pinagsaluhan muli ang mainit na halik ng aming pagmamahalan.
wakas