Chapter CHAPTER 24
Isla's POV
"Seryoso ba 'yan, Isla? Sasama ka talagang uminom sa amin mamaya?" tanong sa akin ni Janice. Tumango lang ako.
Pakiramdam ko kailangan ko nga ng alak ngayon, kinakain ko na ang sinasabi ko.
Ganoon pala talaga kapag hanggang ngayon kumakapit ka pa rin sa mga pinagsamahan ninyo noom. I felt like he was the only one who makes me feel love like I wanted to be.
"Nahimatay ka talaga sa airport? Masama naman pala kasi ang pakiramdam mo, hindi mo pa sinabi kay Chief," sabi ni Janine sa akin. Hindi naman ako nagsalita dahil pakiramdam ko talaga ay totoo si Alon. Si Alon talaga 'yon! "Nako, Isla, iniisip mo na naman na si Alon 'yon! Ang sabi nga ni Brix, siya 'yong nagbuhat sa 'yo patungo sa van at dinala ka sa condo mo. Sa tingin mo ba kung si Alon 'yon, iiwanan ka na lang niya do'n?" tanong niya sa akin. Kahit ano sa dalawang 'yon, iniisip ko pa lang ay kumikirot na ang puso ko. Kung siya man 'yon tapos iniwan niya ako roon, baka hindi na ako? Baka wala na talaga? Parang gusto ko na lang maniwala na hindi siya 'yon pero hindi ako puwedeng magkamali. Hanggang ngayon, memoryado ko bawat sulok ng katawan niyon. Siya 'yon. Hindi ako pupuwedeng mamalikmata.
Naiinis na ako sa sarili dahil nawawala na naman ako sa wisyo dahil sa kanya.
"Hoy, tignan niyo 'to. Sa tingin ko ito si Mr. Rat," sabi ni Janice at tinuro ang mukha ng isang lalaki. 'Yon kasi ang pinakagwapo sa lahat ng pagpipilian kaya 'to ang tinuturo ni Janice. Napailing na lang ako. Marami ng candidate kung sino ba talaga si Mr. Rat ngunit wala pa rin silang mahanap na facts kung sino nga ba sa kanila.
"Ikaw, Isla? Sino sa tingin mo?" tanong nila sa akin. Wala naman akong maisip. Siguro dahil ang nasa utak ko pa rin ay si Alon. Bakit ba kasi nagpakita pa 'to sa akin? Hindi ko maintindihan kung panaginip lang ba 'yon o talagang nangyari. "Ano? Nakikinig ka ba, Isla?"vtanong nila sa akin. Nilingon ko naman sila.
"Huh? Hindi ko rin alam," sabi ko. Pinanliitan naman nila ako ng mga mata.
"Aba't walang hinuha ang ating island ngayon," natatawang saad nila. Napailing na lang ako sa mga tinuran ng mga ito at nag-iwas na ng tingin.
"Magandang tanghali!" malakas na sigaw ni Mike na kapapasok lang sa loob.
"Ayan na ho ang manliligaw mo, Isla," natatawang sambit sa akin ni Janice. Napailing na lang ako roon.
"Ikaw ang choosy mo, ha? Gwapo naman 'yang si Mike saka kayaman pa," sabi ni Janine.
Hindi kasi nila alam ang tunay nitong pag-uugali. Napailing na lang si Alice na katabi ko.
"Nakakairita talaga ang pagmumukha niyan," bulong niya sa akin. Napatawa ako nang mahina dahil sa kanya.
"Dinalhan ko kayo ng lunch, kain na kayo," sabi niya sa amin. Excited naman na lumapit sa kanya sina Janice samantalang nanatili lang kami sa pwesto ni Alice, hindi pinapansin ito.
"Isla!" masayang tawag niya sa akin ngunit nagkunwari na lang akong hindi ko siya narinig.
"Para sa future girlfriend kong si Isla," aniya pa kaya hindi ko maiwasan ang mangiwi.
"Kung magbo-boyfriend ka ulit, please lang, huwag na 'yan," natatawang saad ni Alice sa akin. Napailing naman ako, wala akong balak na patulan.
"Isla!" tawag niya ulit at nilapitan na ako. Binalingan ko lang siya ng tingin sandali ngunit agad ko ring binalik ang tingin sa aking ginagawa.
"Kain ka na muna," sabi niya nang nakangiti sa akin.
"Hindi na. Busog pa ako. Kakakain ko pa lang," sabi ko sa kanya at hindi na siya binalingan pa ng atensiyon.
"Hindi ka pa kaya kumakain, Isla," sabi naman ni Janice. Agad ko silang sinamaan ng tingin.
"Kumain ka muna, Isla. Huwag kang magkapagod sa trabaho. Paano sa future natin, workaholic ka pa rin?" tanong niya sa akin na nginitian pa ako. Ni hindi ako nag-abalang itago ang ngiwi sa kaniya. "Huwag mo akong utusan. Isa pa walang future natin dito. Magtigil ka, Mike," sabi ko at tumayo para lumayo rito.
"Kakain talaga ako," sabi ko at lumabas ng office para pumunta sa canteen.
Ayaw kong may masumbat ang gagong 'yan, lalo na lagi kong binabasted. Meron pa no'ng nakaraang buwan ng sabihan ko siyang tumigil na ang sabi ba naman sa akin ay sayang 'yong pinuhunan niya sa akin. Wow? "Isla!" tawag sa akin ni Alice at sumunod sa akin.
Dumeretso naman kami sa canteen. Mabuti nga'y hindi na ito sumunod pa.
Kumain lang kami ni Alice pagkatapos ay bumalik na rin sa office, expected ko na agad ang judgemental na mga tingin ng officemate ko. "Grabe, masiyado ka namang harsh, Isla!" sabi sa akin ni Janice.
Naging busy naman kami nang hapon dahil may aksidenteng nangyari sa crossway at kinailangan naming gumawa ng article tungkol do'n.
"Tara na!" excited na saad ni Janice nang matapos kami sa trabaho at nagyaya na silang pumunta ng bar para uminom. Napatango naman kami habang nag-aayos ng gamit.
"Walang atrasan!"vsabi niya na lumapit pa sa akin. Tumango lang ako sa kanya dahil balak ko naman talagang uminom. Nakalimot naman din ako sandali kay Alon ngunit kapag naalala ko ito para akong nawawala. Just pure emptiness. Parang kulang na kulang.
"Pass muna ako," sabi ni Alice na napakamot sa ulo.
"Kung kailan naman sasama si Isla! Sumama ka na!" sabi ni Janine sa kanya.
"Anniv namin ni Babe," sabi niya kaya napangisi ako.
"Sana all kasi, 'di ba?" natatawa nilang tanong. Lumabas naman na kami, sinalubong na agad ito ni Deo. Tatlong taon na sila, sana lahat nga naman. Hindi ko maiwasang mapangiti. Sana ganyan din kami kung hindi ko siya hiniwalayan. "Hoy, malungkot ka na naman," sabi sa akin ni Janice. Ngumiti na lang ako.
"Sasama si Isla uminom, Babe," sabi ni Alice kay Deo.
"Huwag niyo akong alalahanin, kaya ko naman ang sarili ko. Enjoy niyo na lang ang date niyo," sabi ko na nginitian sila.
"Sure ka?" tanong ni Alice. Ngumiti lang ako at kinawayan ito. Ayaw ko naman na istorbohin pa sila. Ayaw kong ma-stress sila dahil sa akin.
"Tara na!" sabi ni Janice at inaya na kaming sumakay sa kotse niya.
Nang makarating kami ng bar, bumili agad ang mga ito ng alak. Dire-diretso naman akong umupo samantalang sila'y niyaya akong pumuntang dance floor.
"Hahanap tayong jowa, Isla. Halika na," sabi nila sa akin. Agad naman akong umiling. I know I won't be able to do so.
"Dito lang ako, inom lang. Kayo na lang," sabi ko at ngumiti sa kanila.
"Kj talaga ng lola mo!" sabi nila at dumeretso na sa dance floor. Uminom lang naman ako nang uminom.
Namalayan ko na lang ang sariling nagtitipa na naman ng mensahe para sa kaniya.
Ako:
Moss ns miss na kyta. Hkndi mo bs ako namumiss???
Kahit malabo na ang paningin ko ay sinubukan ko pa ring itext 'yon sa kanya.
"Hoy, bakit ka umiiyak diyan?" Narinig kong tanong nina Janice sa akin. I don't know. Hindi ko na rin namamalayan ang luha mula sa mga mata.
"Tangina, ang tanga tanga ko, alam niyo ba 'yon? Nandoon siya niyon para tumulong sa akin pero anong ginawa ko? Tinaboy ko siya kahit na mahal na mahal ko pa rin," natatawa kong saad. "Hanggang ngayon ba naman, Isla? Akala ko ba nagmo-move on ka na diyan sa ex mo?" tanong niya sa akin. This is the reason why I hate drinking. I just ended up thinking about him. "Kung kaya ko lang, bakit hindi ko pa ginawa noon pa lang, 'di ba?"
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Kahit na wala kaming perang pareho? Ayos lang kasi at the end of the day, masusolusiyonan naming dalawa 'yon. I hate myself for being too much. Sobrang kapal talaga ng mukha ko. Deserve ko lang talagang maiwan," ani ko na nakangiti pang nakatingin sa kawalan.
Pabigat nang pabigat ang talukap ng mga mata ko. Umeepekto na rin ang alak sa akin. Namalayan ko na lang ang sariling nakatulog.
Nagising naman ako na nakaakbay na kina Janice at Janine na siyang sinasakay ako sa kotse nila. Sinesermonan ako ng mga ito.
"Ayaw ko sa apartment." Nakapikit pa ako habang nasa loob na. Alam naman na nila kung saan 'yon dahil naihatid na nila ako sa iskwater no'n. Ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit ng ulo ko pero ayaw kong umuwi kapag ganitong siya lang ang laman ng utak.
"Ayos na riyan, salamat," ani ko na ngumiti ngunit hindi nila ako pinagbigyan.
"Isla, lasing ka na naman!" sigaw nila Aling Mercy dahil pagewang-gewang na naman ako sa paglalakad habang nakaalalay sila.
"Hindi ho," sabi ko at ngumisi rito.
"Nakakalakad pa nga ho ako," sabi ko pa na umiling pa. Nagpatuloy pa sa paglalakad, nilalagpasan lahat ng bumabati sa akin.
Nahihilo pero kaya ko pa naman siguro malabo lang ang paningin, gusto ko lang matulog sandali at gusto ko ritong matulog. Nabubuksan ko pa naman ang bahay niya dahil may susi ako nito at nasa akin pa rin. Palagi pa ring nagbabalik-balik dito para tignan kung nandito na ba siya. Kung babalikan niya na ba ako. Siguro ang tanga-tanga ko pa rin dahil umaasa pa rin akong babalik siya.
"Ate Isla!" sigaw ng pamilyar na tinig nang makita ako. Lasing naman akong ngumiti dito at kumaway pa.
Pagewang-gewang lang akong nagtungo sa bahay.
"Iwanan ka na namun rito," bulong nila sa akin. Kumaway lang ako sa kanila. Sinusubukan ko namang imulat ang mga mata para buksan ang pinto. Hindi ko pa mabuksan ng bahay, ni hindi ko maisuksok ang susi ngunit agad akong napangiti nang mabuksan 'yon.
"Yon," sabi ko at napangiti. Tuloy-tuloy pa ako sa pagpasok ngunit tila doble na ang pintuan dito.
"You looked wasted, Miss." May pinto bang nagsasalita? Napatikhim na lang ako at sinubukan pang itulak ang pinto ngunit hindi ko 'yon magawa.
"Bobo naman nitong pinto na 'to. Dapat nang palitan," inis kong saad at sinipa pa 'yon. May pinto bang umaaray? Tinulak ko ulit 'yon at nagdire-diretso nang pumasok sa loob nahiga na agad ako sa binili kong mini bed dito.
Hindi ko na inalis pa ang kahit na ano sa katawan ko at sinubukang matulog ngunit agad kong naramdaman na may nag-aalis ng sapatos na suot ko. Tinignan ko naman 'yon ngunit masiyado akong nahihilo para makita ang mukha nito. Makakatulog na sana ako nang maramdamang may nag-aalis ng make up sa akin gamit ang baby wipes. Napatingin naman ako rito. Pilit kong pinalilinaw ang mata hanggang sa mapatulala sa mukha nito, kulay asul ang mga mata nito tila balak akong lunurin.
Amoy na amoy ko pa ang halimuyak nitong hindi nakakasawa. Hindi nawawala ang tingin ko sa kanya dahil pakiramdam ko kapag pumikit ay mawawala na naman ito sa paningin ko. Mas lalong nahulma ang mukha nito, mas lalong nadepina ang panga nito habang ang mapupulang labi ay ganoon pa rin maski ang asul nitong mga mata.
Ngumiti naman ako at hinawakan ang nunal nito mula sa ilalim ng mga mata.
"Miss na kita, Mister," bulong ko bago tuluyang kinuha ng antok.