Chapter CHAPTER 21
Isla's POV
"Ano? Nasaan na?" tanong ni Tita mula sa kabilang linya.
"Tita..." ulit-ulit ko nang pinaliliwanag sa mga ito na wala nga akong pera ngunit kung makaasta sila'y para bang may pinatago sa akin.
"Alalahanin mo na utang na loob mo sa amin kung bakit ka nakakapag-aral ngayon, Gaga," aniya kaya napapikit na lang ako. Alam ko naman na utang na loob ko sa kanilang inalagaan nila ako simula nang iwan ako ni Mama at Papa mula elem ngunit ako na ang nagpalaki sa sarili simula nang tumapak sa juniro high school.
I'm struggling myself. Paano ko sila matutulungan sa lagay na 'yo? Napabuntonghininga na lang ako.
"Susubukan kong gawan ng paraan, Tita," sambit ko na lang kaya mas nagalit pa siya.
"Huwag mo lang bastang subukan. Gawin mo. Hihintayin ko 'yan sa linggo." Napakagat na lang ako sa aking mga labi dahil paano ako makakahagilap ng pera nang ganoon kadali.
Marami silang utang na kailangang bayaran kaya ako nang ako ang kinukulit ng mga ito. Mukhang sinisingil na sila.
Napikit na lang ako nang pinatayan niya na ako ng tawag. Pinilit ko na lang ang sariling magbasa at gawin ang ilang requirements sa school kahit na sasabog na ang utak ko sa kaiisip. Napatingin naman ako sa papasok na si Alon.
"Bakit mukha kang pinagbagsakan ng langit at lupa?" natatawa niyang tanong sa akin.
"Mahirap ba 'yan?" tanong niya pa na nilapitan ako. Umiling lang naman ako at tipid na ngumiti.
"Bili tayong pagkain, gusto mo?" Pansin niya kasi ang pagiging matamlay ko.
"Ayos lang. Diet," ani ko kaya pinitik niya ang noo ko.
"Anong diet? Ang payat-payat mo na nga!" Napatawa na lang ako roon.
Para kaming tangang naglalampungan habang hinahagis ko sa mukha niya ang unan na nasa gilid.
Nang mapagod ay napasandal na lang sa isa't isa.
"Lagi kang stress nitong mga nakaraang araw. Alam mo naman na pupuwede kang magsabi ng problema sa akin, 'di ba?" tanong niya na hinarap pa ako. Ngumiti naman ako sa kaniya bago tumango.
"I know..." But I won't. Alon already has a lot of things to think about. Maski sa ilang kapitbahay ay tumutulong ito. Ayaw ko nang dagdagan ang problema niya.
Kinabukasan, sinubukan ko lang talaga ang maghanap ng solusiyon. Sinubukan kong bumali kay Aling Linda at sa fastfood ngunit hindi 'yon sapat sa hinihingi sa akin ni Tita. Kahit paano'y gusto ko rin talaga silang tulungan. Kahit paano'y para sa akin pamilya ko ang mga ito, kahit hindi naman nila ako tinuring bilang isa.
"Wala ka bang kahit anong racket na maibibigay sa akin, Francisco?" tanong ko.
"Need na need mo ba talaga ng pera? Para saan ba? Wala na rin akong alam, Beh," aniya na mukhang na-guilty pa dahil hindi nakatulong sa akin.
"Ayos lang."
"Ask Alon, daming racket niyang jowa mo," aniya sa akin. Tumango lang ako. Inanyayahan naman na kasi ako ni Alon sa ilang racket niya ngunit hindi ko pa rin nabubuo ang perang ipadadala kay Tita. "Hello?"
"Hello po, Tita..."
"Ano? Nasaan na?"
"Wala pa, Tita. Sampung libo lang po..." Agad naman niya akong namura dahil doon.
Napaawang naman ang labi ko nang makarinig nang tilian mula sa bahay nila.
"Carlito!" malakas na sigaw ni Tita nang marinig pa muli ang putok ng baril mula roon. Hagulgol na ni Tita ang naririnig.
Tuluyan nang namatay ang tawag matapos 'yon. Tulala lang ako habang nakatingin sa kawalan.
Hindi ko na rin namamalayan ang sariling naglalakad patungo sa aparador kung saan nakatago ang pera ni Alon. Namalayan ko na lang ang sariling kinukuha ang ipon nito.
Nagmamadali ko ring dinala ang ilang gamit ko.
"Isla, saan ka pupunta?" tanong nila nang makita ang bag na dala ko. Hindi naman ako sumagot dahil hanggang ngayon, naririnig pa rin ang echo ng baril.
Wala ako sa sariling nagbyahe patungo sa probinsiya.
Gabi na nang makarating doon, agad kong hinanap sina Tita.
"Ikaw ba 'yan, Isla?" tanong ng ilang kapitbahay roon.
"Nasaan po sina Tita?"
"Nasa hospital ang pinsan mo matapos barilin ni Mang Jose." Si Manong Jose ang laging pinag-uutangan ng mga tao rito sa amin. Mayaman 'yon kaya lang laging nakasigaw at laging umaastang para bang kaya niya ang lahat ng tao. Sabagay, nagagawa niya ring bayaran ang mga ito para lang patahimikin.
Nagmamadali naman akong nagtungo sa hospital para puntahan sina Tita. Agad ko naman siyang nakitang tulala sa isang tabi.
"Tita..." tawag ko rito. Kita ko ang galit mula sa mga mata niya nang makita ako. Isang malutong na sampal ang ibinigay niya sa akin.
"Kung nagbigay ka lang sana ng pera, edi sana hindi nangyari sa pinsan mo ito!" galit niyang sigaw sa akin. Sinubukan niya pa akong sabunutan. Tinanggap ko naman 'yon. Nakokonsensiya rin ako sa kung ano mang nangyari ngayon. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib habang tinatanggap ang masasakit na salitang galing sa kaniya.
"Hinintay mo pa talagang may mangyaring masama riyan sa pinsan mo bago ka kumilos!" Para akong nagbalik sa mga panahong sinasaktan ako nito kapag may nagagawang mali. Hindi ko sinalag ang bawat sabunot, kurot at sampal na tumama sa akin. Muntik ko nang makalimutan...
Kinuha niya ang perang nasa bag ko. Wala siyang tinira kahit singko.
"Oh? Ano pang ginagawa mo rito?" tanong niya sa akin kaya napayuko na lang ako.
"Wala ka nang matitirhan sa bahay. Mabuti pa't bumalik ka na lang sa kung saan ka galing. Hindi ko naman hiningi ang presensiya mong gaga ka. Pera ang kailangan ko! Pera!"
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Sana'y idinagdag mo na lang ang pinamasahe mo rito!" galit niya pang saad.
Kahit na tinataboy na ako nito'y hindi ko naman magawang umalis. Bukod sa kahit paano'y nag-aalala ako sa pinsan ko, nag-aalala rin ako sa kalagayan niya. Mukha siyang walang pahinga sa itsura. Ilang araw pa siyang nakatulala lang doon habang pinagmamasdan si Boboy.
"Tita, umuwi ka na muna. Ako na muna ang magbabantay kay Boboy," seryoso kong saad.
"Huwag na! Umalis ka na!" aniya na iritado sa presensiya ko.
"Nag-aaral ka, 'di ba?" Umirap pa ito.
Kahit paano'y nagkaroon naman na nang malay si Boboy.
"Umuwi ka na. Hindi ka na namin kailangan pa rito," seryoso niyang sambit.
Ilang taboy pa ang ginawa niya sa akin ngunit nanatili lang ako sa labas ng kwarto ni Bobot. Tulala lang ako sa isang tabi nang mapatingin sa cellphone ko. Maraming text at tawag galing kay Alon.
Hindi ko naman na namalayan ang pagtulo ng luha dahil sa ginawa. Ninakawan ko siya. Wala akong tinira maski isang libo para sa kaniya. Napapikit na lang ako dahil wala na akong mukhang ihaharap pa rito. Mister:
Nasaan ka?
Mister:
Sagutin mo naman ang tawag ko.
Mister:
Balik ka na...
Mister:
Miss na kita, Miss.