Chapter CHAPTER 2
Isla's POV
Tandang-tanda ko pa rin ang itsura nito habang pinagmamasdan ko siya. Paisaw-isaw lang si gago.
Natatawa pa siyang lumingon sa gawi ko dahil sa tumatawag ngunit agad na nawala ang ngisi niyang 'yon nang napagmasdan ako.
Kumaway pa siya sa akin kaya naman agad akong tumakbo sa gawi niya at hinabol ito ngunit mukhang pagtakbo talaga ang hobby ng hayop dahil para lang siyang naglalaro sa sobrang bilis. Hanggang dito sa palengke ay nagkahabulan kami. Kumakaway lang siya na tila sanay na sanay na ito.
"Magnanakaw! Magnanakaw!" malakas kong sigaw ngunit walang pumapansin sa akin.
"Nasaan na 'yon?" bulong ko nang natakasan na niya ako nang tuluyan. Sa huli'y nabaliwala lang ang pagtakbo ko.
Napakamot pa ako sa ulo. Napasimangot na lang na bumalik sa isawan. Naging matagal din dahil medyo malayo ang natakbo namin ng pesteng snatcher.
"Grabe ka naman, Miss." Nilingon ako ng isang lalaki.
"Hanggang dito ba naman ay sinusundan mo si Alon."
Pinagsasabi nitong isang 'to? Hindi ko naman siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad patungo sa sinisingil ko ng uling kanina.
"Aba't inuna mo pa talaga ang landi, ha?" tanong sa akin nitong tindera.
"Huwag kang mag-alala sinabi ko na agad kay Linda na iniwan mo ang trabaho para lang habulin si Alon." Alon? 'Yon ba ang pangalan ng lalaking 'yon?
"Malandi ka. Para lang sa anak ko 'yon." Anong pakialam ko roon? Kahit pag-untugin ko pa silang dalawa.
"Ma?" Napalingon naman ako sa isang batang babae na medyo kaedad ko lang din. Ayos na ayos ito. Plakadong-plakado ang suot.
"Nasaan na si Alon? Akala ko ba'y tuwing sabado ay nandito 'yon?" tanong niya sa ina. Tuwing sabado? Laging nandito ang snatcher na 'yon? Lagot siya sa akin ngayon. Ha-hunting-in ko 'yon hanggang sa maibalik niya ang pera ko. "Tanong mo riyan sa babaeng 'yan. Hinabol niya kaya umalis," sabi nitong tindera na isang linya lang ang kilay.
Bakit parang kasalanan ko? Hindi ba nila alam na magnanakaw 'yon?
"Hindi ko naman po hinabol dahil may gusto ako o ano. Magnanakaw ho 'yon."
"Kasi ninakaw ang puso mo? Nako, ilang beses na namin 'yan narinig," sabi niya pa na inirapan ako. Nginiwian naman ako nitong batang babae.
"O siya, akin na po ang bayad niyo sa uling," paniningil ko rito. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay.
"Aba't hindi ba ang sabi ko'y next week na lang ako magbabayad kay Linda?"
"Hindi nga raw po puwede." Napapakamot na sa ulong saad ko.
"Aba't kung ganiyan lang din naman pala, hindi na ako oorder ng uling niyo!" Pucha, ako naman ang sisitahin ni Drakula nito. Naririnig ko na agad ang ratatatat mula sa kaniya.
"Kung gusto mo'y kunin mo pabalik 'yang uling niyo at hindi na ako oorder!" Napakamot naman ako sa ulo.
"Bayaran niyo po 'yan next week," sabi ko na lang dahil paniguradong kapag binalik ko ito sa shop ay mas magwawala si Aling Linda.
Inihanda ko na ang sarili sa sermon ni Aling Linda.
"Aba't hindi ba ang sabi ko sa 'yo'y kunin mo ang mga bayad nila?" tanong niya sa akin na naiinis.
"Saka bakit ba ang tagal-tagal mo ha?"
"Ano? Bakit hindi ka sumasagot?" tanong niya na pinanggigigilan na ako.
"Aling Linda naman kapag sumagot ho ako ang sasabihin niyo sagot ako nang sagot."
"Aba't sumasagot ka pa ha?!" Kita niyo na?
"Saka sana ibinalik mo rito sa shop ang uling kung ayaw naman palang bayaran! Masiyadong mapagmataas! Akala mo naman siya lang ang customer ko!" inis na sambit nitong si Aling Linda. Napakamot naman ako sa ulo dahil kahit na anong gawin ko naman ay manggigil lang ito.
"Bawas 'yon sa sweldo mo! Ikaw ang maningil do'n!" sinasabi ko na nga ba't akin nanaman nito ibabalik ang mga 'yon.
"Pero, Aling Linda--" Hindi pa ako natatapos sa sasabihin ko ng magsalita na naman ito.
"Aba't kung gusto mo'y umalis ka na lang dito!"
"Hindi naman po sa ganoon," sabi ko na lang at napaiwas ng tingin. Palibhasa ay alam na alam niyang mayroon akong pangangailangan.
Pagod na pagod tuloy ako nang makauwi. Parang na-drain ang utak ko dahil sa kanila.
"Grabe! Sarap talagang busalan ng bibig niyang amo mo," sabi ni Alice nang mabisita sa apartment para magbigay ng pagkain.
"Alam mo naman na 'yon. Laging may regla," natatawa ko na lang na saad habang lumalamon.
"Anong balak mong gawin? Paniguradong hindi ka na naman makakabayad dito sa apartment mo," sabi niya sa akin at napailing.
"Titira sa inyo," sabi ko at ngumisi pa sa kaniya ngunit pitik sa noo lang ang natanggap ko.
"Boba, alam mo naman kung gaano kagigil sa 'yo si Mama."
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Napakalaki ng galit sa akin ng Mama niya dahil sa Nanay ko. Pinag-agawan kasi nila ang Tatay ko noon at si Nanay ang nagwagi. Ni wala na nga ang mga magulang ko pero kada makikita ako nito ay naalala niya.
"Kada aalis nga ako sa bahay kailangan ko pang magpalusot na may project para lang mapuntahan ka," sabi niya at napasimangot pa. Napatawa naman ako nang mahina. Hindi ko naman din kasi inaasahan na magiging kaibigan ko itong si Alice.
"Boba, dapat mas lalo mong iniinis 'yang Mama mo. Sabihin mo agad na nandito ka," natatawang saad ko. Ni hindi kaya ako makatapak sa bahay nina Alice dahil sa inis ni Tita sa akin.
"Boba, gusto mong nakalbo ako?" Nagtawanan na lang kami dahil nakakatakot kaya ang Mama nito. Kung nakakatakot si Aling Linda, doble ang kasungitan ng Mama ni Alice.
"By the way, siguraduhin mo lang na ha-hunting-in mo para sa pera 'yang Alon na 'yan at hindi dahil diyan sa mukha, ha?"
"Boba, kahit gaano pa 'yon kagwapo, 'yong cellphone ko pa rin ang nasa utak ko. Sayang ang tatlong libo," sabi ko at napairap pa. Magsasalita na sana siya nang makarinig ako ng katok mula sa labas.
Nanlaki naman ang mata ko nang marinig ang katok ng landlady ko mula sa labas. Agad kong nilagay ang daliri sa bibig para patahimikin si Alice. Agad naman niyang tinikom ang bibig.
Ang mahihinang katok ng landlady ko ay mas lalo pang lumalakas. Napakagat naman ako sa aking labi. No'ng nakaraan kasing magbabayad na sana ako, malas naman na may bayarin na naman sa school.
"Aba't alam kong nandiyan ka, Isla! 'Yong bayad mo! Mapipilitan akong palayasin ka kung hindi ka pa rin makakabayad sa buwan na 'to!" malakas nitong sigaw mula sa labas at sa huling pagkakataon ay malakas nitong kinalabog ang pinto. Umalis na rin naman siya pagkatapos. Parehas kaming nakahinga ng maluwag ni Alice.
"Pati ako kinakabahan dito sa apartment mo parang bawal huminga ang pucha." Naghagikhikan kaming dalawa.
"Hindi ka ba bibisita sa probinsiya niyo?" Agad akong umiling dahil tinakwil na nila ako roon. Gusto lang kasi nila ako sa bukid na lang magtrabaho. Ang mga Tita ko sana ang mag-aalaga sa akin pagkawala nina Mama at Papa. Doon na lang sana ako katulad ng mga anak nila ngunit mas mataas doon ang pangarap ko, pangarap namin ni Mama.
Pangarap kong maging reporter kaya talaga namang hindi lang pagsusunog ng kilay ang ginagawa ko kung hindi buong buhok sa katawan.
"Ano? Uuwi na ako. Baka hanapin na ako ng Nanay ko at ikaw na naman ang sisihin sa pagiging bulakbol ko." Napatawa naman ako roon, sanay na sanay na ako sa ina nito.
"Dahan-dahan ka lang sa pag-alis, baka makasalubong mo ang landlady ko," sabi ko nang natatawa. Napatango naman siya sa akin.
Pagkaalis niya ay hindi ko mapigilang mapatingin sa mga stock ko ng pagkain. Mabuti na lang talaga ay dinalhan ako nitong si Alice. Swerte ko lang talaga at naging kaibigan ko ito.
Dahil hindi pa naman ako inaantok ay naglinis muna ako ng apartment dahil ngayon lang ako may free time para gawin ito.
Nang matapos ako sa pag-aayos ng gamit ay sinimulan ko nang gawin ang ilang report ko. Mabuti na lang ay may pa-wifi ang landlady ko. Hindi ko na kakailanganin pang magpa-load o ano.
Alice: Hoy, langya ka! Halos manginig ako sa takot sa apartment mo. Kinausap ako ng landlady mo!
Me: ASHSHSHAHAGSHAA. Boba, ang sabi ko sa 'yo'y mag-ingat ka.
For weeks, talaga ngang tinotoo ko ang pagha-hunting sa snatcher na 'yon. Need ko nang pambayad sa apartment ko. Isa pa kailangan ko rin ng phone para sa school. Ang hirap pa naman lalo na't madalas na sa social media sila mag- announce. Minsan tuloy nahuhuli ako.
"Ano? Ikaw na naman ang maghahatid ng mga uling, Isla? Nandiyan naman si Nonong?" tanong ni Aling Linda nang nilalagay ko na ang mga uling sa side car.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Ako na pong bahala, Aling Linda. Madali lang naman po ito," sabi ko na lang. Pinagtaasan niya lang ako ng kilay ngunit wala namang nagawa kung hindi mapakibit ng balikat. Nagsimula naman na akong mag-deliver ng mga uling. Madali lang naman 'yon pero nang sa isawan na ako ay sinalubong agad ako nitong ale na isang line lang ang kilay. "Oh? Nandidito ka na naman! Napaghahalataan ka na."
"Magbayad po muna kayo," hindi ko mapigilang sambitin dahil 'yon ang pera ko na pang-allowance. Nakasimangot niya namang binigay 'yon. "Ano? Hindi mo ba ako bibigyan ng uling?"
"Last week po itong bayad niyo, wala pa po ang ngayon."
"Aba't napakayabang mo naman! Anong ibubuga mo?!" malakas nitong sigaw na gigil na gigil na agad sa akin. Aba't wala pa nga akong ginagawa. "Grabe naman, Aling Weng. Magbayad po kasi muna kayo." Napatingin naman ako nang makita kung sino ang nasa likod ko. Ang hinayupak na snatcher.
"Pucha," bulong niya nang makita ako. Hindi pa ako nakakabawi ay nakatakbo na agad ito. Agad akong tumakbo patungo sa kaniya.
"Pucha!" malakas kong sigaw. Nagtungo ito ngayon sa isang eskinita. Napangisi ako nang makitang wala na siyang paglulusutan.
"Hoy! Putangina mo, Mr. Snatcher!" malakas kong sigaw sa kaniya nang magtatakangka pa sana siyang aakyat. Agad ko siyang hinila kaya naman na-out balance siya at ako naman ang nadaganan nito. "Pucha!" inis kong sambit at tinulak siya. Ang bigat kaya nito.
"Ibalik mo na ang gamit ko!"
"Paano ko ibabalik? Naibenta ko na." Napatawa pa ito nang mahina at napahawak sa batok. Ang kapal talaga ng mukha nitong tumawa pa sa ganitong sitwasiyon.
"Bayaran mo ako!" inis kong sambit at naglahad pa ng kamay sa kaniya.
"Paano kita babayaran? Wala nga rin akong pera," sabi niya at napangisi pa sa akin.
"Ginagago mo ba ako?!"
"Wala nga akong maibabayad, nagastos ko na," Lalapitan ko na sana ulit ito ngunit agad niya akong naitulak nang mahina palayo sa kaniya. Tatakbo na sana ulit ito nang sumigaw ako. "Aray!" Kahit na sobrang hina lang naman talaga ng pagkalatulak nito. Hindi ko rin alam kung bakit ako sumisigaw ngayon kahit na alam ko naman na hindi ako nito tutulungan. Agad akong nagulat nang dinaluhan ako nito. Napatingin ako sa mukha nitong mukhang nag-aalala.
"Ano? Anong masakit? Hala? Mahina lang 'yon, ah?" natataranta niyang tanong at napakamot pa sa kaniyang ulo.
"Sorry!" malakas niyang sigaw at tumakbo na naman paalis.
Gustong-gusto ko ng tuktukan ang sarili dahil napatulala na naman ako rito. Naririnig ko na agad ang pagbubunganga sa akin ni Alice.