Chapter 31: Kabanata 30
Kabanata 30:
Wishing Balloon
Clarity
Nakangiting nakatitig sa akin si Celine kaya nginitian ko rin siya. Okay na talaga. May makakausap na rin ako sa lugar na 'to. I'm not alone. "Bes, miss mo ako no? Sorry nga pala kanina, I don't have any plans to kick you."
Binatukan ko siya dahil sa sinabi niya. May luha ring kumawala sa mga mata ko pero agad ko naman iyong pinunasan, "Shhh. Don't cry." "I miss you Celine..."
"I miss you too... and I know that you miss him too."
Niyakap ako ng mahigpit ni Celine kaya napahagulgol ako ng iyak. Yeah. I miss Kier. Ano kayang ginagawa nila ngayon ni Sarfie?
"Sarfie is not here, if you don't know. Nasa Vleryt Dynasty siya kasama ang mga ibang Brejik."
I raised my eyebrow at her. Bakit niya sinasabi sa akin ang mga bagay na 'yon? Hindi ko naman tinatanong.
"I can read mind, Clarity. All wolves can. Kaya sinabi kong wala siya dito dahil tinanong mo sarili mo kung ano ang ginagawa nila ngayon ng alpha."
I pouted my lips. Gusto kong matutunan ang bagay na 'yon. Gusto kong malaman kung ano ang tumatakbo sa mismong utak ni Kier.
"Ethan Kier Contravidle Strorch, ganda ng pangalan no?"
Ngumiti lang ako. Tumingin ako sa langit at nakita kong kulay pula iyon. Wait... P-pula?
"Celine, yung kulay ng langit... bakit pula?"
Lumingon ako kay Celine at lumapit siya sa akin, "Always remember this bes, if the sky is color blue, he's happy. If the sky is color black, he's angry. If the sky is color orange, probably he's problematic. If the sky is color yellow, he's confuse. And if the sky is color red, he's thinking."
Naguguluhan ako sa sinasabi ni Celine, "Sino ba ang tinutukoy mo?"
"Ang Alpha. Si Kier."
Kulay pula ang langit? He's thinking right now? But w-why?
"He's thinking?"
Tumango lang si Celine sa tanong ko. Anong iniisip niya ngayon? Sumasakit ba ang ulo niya sa kakaisip?
"Bes, pinapatawag ka ng Foxtrot."
Nilingon ko si Celine, "H-huh? How did you know? May cellphone ba dito?"
Umiling siya sa akin at tinuro ang ulo niya, "We're communicating using this."
Napanguso ako dahil sa sinabi niya. Gusto ko rin matutunan iyon. Nakakainggit iyon. Grabe.
YUMUKO ako sa harapan ng Foxtrot ng makarating ako sa palasyo. Katabi niya ang Sierra sa gawing kanan habang naka-upo sa mataas na upuan. "Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?"
Nabaling ang paningin ko sa kabubukas pa lamang na pinto at iniluwa noon si Kier na nagkukusot ng mata habang gulo-gulo ang buhok. "Clarity!"
"P-po?"
Yumuko ulit ako sa harap ng dalawa. Nakatingin lang ako sa paanan ko ng marinig kong magsalita si Kier, "What are you doing here, CL?" Nag-angat ako ng paningin at tinitigan ko si Kier. Ang gwapo niya. Hindi ko ikakaila iyon.
"Pinapunta ko ang Luna dito dahil gusto kong samahan ka niya sa paghahanap ng ibang Clorste."
Parang may nagpaparty sa puso ko ng marinig ko iyon mula sa Foxtrot. Ibig sabihin, makakasama ko si Kier ng matagal?
"Ohhh... I see. I'm going to change clothes first. Wait for me."
Pumasok na ulit siya sa loob ng kwarto at hindi ko napigilang mapangiti. You'll be mine again, Kier. Soon.
Ethan
Sabay kaming naglalakad ni CL papunta sa park na malapit ang kumpanya ng mga Drekys. Kanina pa siya tahimik kaya hindi ako mapalagay. "Do you have problem?"
Lumingon naman siya sa akin at dali-daling umiling. Hindi ko alam kung hindi siya komportable sa presensiya ko o sadyang ganyan lang talaga siya. Nang may mahanap akong mauupuan ay agad akong umupo doon. Nasa magkabilang dulo kaming dalawa nang upuan na parang hindi magkakilala. Bahagya akong lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya kaya nag-angat siya ng paningin sa akin, "You know, may sinabi sa akin ang ina ko kanina. She said that I lost my memory." Napasinghap naman siya doon. Bigla naman siyang tumayo at hinigit ako papunta sa bilihan ng mga lobo, "Hey, what are we doing here?"
"Shhh. Manong, pabili ng limang lobo."
Inabutan siya ng limang lobo ng nagtitinda at binayaran niya naman iyon agad. Hinigit niya ulit ako papunta sa pwesto namin kanina. Umupo siya doon at pilit akong pinaupo kahit naguguluhan ako. "Speak Kier. Ituloy mo ang sasabihin mo kanina."
Kahit naguguluhan ay tumango lang ako sa kanya, "So, yeah, she went to my room then she tell those things. First, I'm a little bit shocked pero ng ipaliwanag niya iyon sa akin ay naunawaan ko na. Ang Luna ang dapat na mapapangasawa ko pero bakit hindi ikaw?" Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata. I don't know but I have this feelings that I want to kiss her. I looked at her lips then going to her eyes. She gulped.
Iniwas ko ang tingin ko at tumitig sa kalangitan, "We have past, right? I'm not sure but I guess we have. My mother told me that there's a girl who hurt me. I wonder, who is she? Why did she hurt me? Naguguluhan ako ng malaman ko iyon. Sino siya? Nasaan siya? I want to see her. I want to find her but i'm clueless. Ano ba ang itsura niya? Maganda ba siya? Mabait? Do I love her? Gusto kong maibalik ang dati kong memorya."
Napatitig ako sa kamay ko ng hawakan niya iyon, "I'll help you. Tutulungan kitang maibalik ang memorya mo." She smiled.
Kinuha niya ang lobo sa isa niyang kamay at ibinigay iyon sa akin, "Itong lobong 'to? Ito ang magiging saksi sa pag-uusap natin. Promise me one thing, Kier, kapag naalala mo na lahat, sa akin mo unang sabihin. Please. If you say promise, let go of the balloons then close your eyes. Umpisahan mo nang balikan ang mga ala-ala mo."
"Promise."
With that, I let go of the balloons. Tumaas iyon sa ere then I start to close my eyes. Wish me luck.000000000000000