Chapter 19: Kabanata 18
Kabanata 18:
Now that I know
Clarity
"Baby..."
Napalingon ako sa pintuan ng opisina ko ng bumukas iyon. Tumambad sa akin ang masayang mukha ni Kier habang may dalang bungkos ng bulaklak.
Itong lalaking ito, immortal? How come? Kung tititigan ang mukha niya ay para siyang anghel na bumaba sa langit, pero anong nangyari?
Inilapag niya ang bulaklak sa table ko at kinuha niya ang swivel chair malapit sa akin. Nakatingin siya sa akin habang nakatingin naman ako sa PC ng computer. Nakakailang ang mga titig niya sa totoo lang.
"Hey, what's wrong? Why are you ignoring me?"
Nilingon ko si Kier pero binalik ko rin kaagad ang tingin ko sa PC. Hindi ko siya kayang titigan lalo na't alam kong hindi ko siya kauri. He's not a human.
"Clarity, look at me. Do we have a problem?"
"Do we have a problem, Kier?"
Binalik ko ang tanong sa kanya. Isa lang ang problema ko. Yun ay ang pagsisinungaling niya sa akin! Hindi ko kayang makipag-usap sa kanya dahil natatakot ako. Natatakot ako sa kanya. "Do we?"
Iniling ko nalang ang ulo ko at binalik ang tingin sa harap ng computer. Hangga't maaari gusto ko nang makaalis sa kwartong ito.
Akmang tatayo ako nang pigilan niya ako gamit ang kamay niya, " L-let me go Ethan!"
"Call me Kier... Please."
Pilit kong binabawi ang kamay ko pero sadyang malakas talaga siya. Hindi ko alam kung ano ang pumapasok sa isip niya.
"Ethan, let me go!"
"W-why? Did I do something wrong"
"Just let me go!"
"Tell me, what's your problem?"
Tinigilan ko na ang pagpumiglas sa kanya dahil sinasayang ko lang ang enerhiya ko doon. Hindi ko alam kung ano ang hindi niya maintindihan sa salitang 'let me go'? "I don't have problems... I'm just s-scared..."
"Scared of what?"
Binaling ko ang atensiyon ko sa ibang bagay. Hangga't maari ay ayaw kong sabihin na natatakot ako sa kanya. Paano nalang kapag nagalit siya? Papatayin niya ba ako? "Not now, Kier... please. "
Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko. Titigan ko lang ang mga mata niya nawawala na ang takot ko. What did you do to me, Kier?
"Clarity... please tell me what's our problem. Hindi ko kayang makitang galit ka sa akin. Did I do something wrong? Kung meron man, i'm sorry. I'm really really sorry." "Kier, i'm going to ask you. One question and one answer."
"Go on."
"Kier, may dapat ba akong malaman?"
Katahimikan. 'Yan ang bumabalot sa aming dalawa ng mga sandaling iyon. Nakikiramdam kung sino ang unang magsasalita.
"What do you want to know, Clarity?"
"Marami akong gustong malaman, Kier. Just be honest with me please? Katulad ba kita? T-tao ka ba?"
Kahit natatakot ako ngayon sa kanya, pinili ko pa ring hawakan ang kamay niya. Tinitigan ko siya sa mga mata niya pero hindi niya makuhang titigan ako pabalik, "L-look at me please. Tell me, you're not a wolf right? You don't kill people, do you? You're very kind Kier, saksi ang mga tao noon kung paano mo ako tinulungan sa lahat ng bagay. Please... This is just my illusion, right? T-tell me..." Bumagsak na ang mga luhang kanina pa nagbabadyang lumabas sa mga mata ko. Tinignan ko si Kier at nakita kong may tumulong luha sa mga mata niya. Akmang pupunasan ko ang luha niya ng bigla niya akong tinulak.
"No. That's all true, Clarity. I kill people. I don't have mercy. Once they bumped on me, hindi na ako magdadalawang-isip na patayin sila. That's how Ethan Kier's life goes on. C-can you trust me?"
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya pero patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko sa mga mata ko. Hindi ko maatim na tignan ang mga mata niya. Nagagalit ako sa kanya!
"No Kier! Bakit mo ako niyayayang magpakasal sa'yo?! Gagawin mo ba akong pain?! Hindi mo naman talaga ako mahal diba?! It was all a... lie. You don't love me Kier, you just find me attractive. Because of what!? My characteristic---" "No. I love you Clarity because it's you. Kinamumuhian mo ba ako dahil sa nalaman mo? Are you afraid of me?"
Hindi na ako nag-atubili pang sagutin siya, "Y-yes. I'm afraid of you. What if you kill me, right now? Why of all the people, ako pa ang napili mong pakasalan?! May kailangan ka ba sa akin?!"
"Because you're the one Clarity. Ikaw ang nakatakda para sa akin. We both know that we're confuse as hell. Let's talk tomorrow."
"Kier--- wait!"
Lumingon muna sa akin si Kier at ngumiti. Yung mga ngiting hindi umabot sa mga mata niya. Not a genuine. Tumalikod na siya sa akin at ang mas ikanagulat ko ay ang pag-iibang anyo niya.
Wolf.
*
Sa mga nagdaan na araw ay hindi nagpaparamdam sa akin si Kier. Mas mabuti na 'yon dahil ayaw kong makita ang mukha niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang ibang katangian ni Kier.
Grey wolf. Akala ko sa TV ko lang makikita iyon pero nakita ko na ang totoong pagkatao ni Kier. Ang paghaba ng mga kuko niya at kung paano niya sirain ang bintana ng opisina ko ng walang kahirap-hirap.
Si Sarfie? Alam niya rin kayang hindi normal si Kier?
Now that I know that he's wolf, I should avoid him with all I can. No more Kier, no more Alpha.