FORGET ME NOT

Chapter 2 – In the past.



Thirty months earlier....

She's gonna be late for work. Hope was literally sprinting to the bus stop that would bring her to Myca's Place where she works as one of the housekeeping staff.

At kung 'di naman palarin, wala pang bus pagdating niya. Wala rin siyang kasamang naghihintay. Iyon na lang ang bright side. Ibig sabihin kapag dumating ang bus, walang katulakan. Although bihirang mangyari iyon sa maliit na bayan nila sa San Gabriel, hindi kasi sila over populated. Sa katunayan, kaunti lang sila that they knew each other personally. Dumadami lang ang tao roon kapag dumaragsa ang mga turista.

Their town was known for clean and beautiful beaches. Pero dalawa lang ang resort na nagca-cater sa mga tourists nila. Isang malaking resort na pinapatakbo ng mismong mayor nila at isang katamtaman lang na pagmamay-ari nila Myca. It's not a huge resort but Myca's Place takes pride in their exceptional service. Bukod pa roon, narereserve ang buong resort. Gaya ngayon, meron silang kliyente na isang buong pamilya. They paid for the whole place for three days. Kaya hindi siya pwedeng ma-late.

She was humming a song nang maubo siya sa naamoy na usok ng sigarilyo. Sa lahat naman ng pinaka-ayaw niya ay ang amoy ng sigarilyo. Sa katunayan ay hindi niya maintindihan kung bakit may nalululong sa bisyo na iyon. Una sa lahat, mabaho iyon. Pangalawa, nakakasama sa kalusugan.

Hope was determined na sawayin ang taong kasama niya na naninigarilyo. Okay na kanina eh na wala siyang kasama. Tapos darating itong nagpapa-usok.

'Air pollution,' reklamo niya sa isip.

But when she turned around, she almost got tongue tied. She saw the most handsome man she have ever seen in San Gabriel. Matangkad ito at may magandang tindig. Dayo. Iyon agad ang unang pumasok sa isip niya. Sigurado siya, never pa niyang nakita ang lalaki sa lugar nila.

Nakatingin ito sa malayo habang panay ang hithit ng sigarilyo nito. He looked bothered and problematic. Tantiya niya ay nasa mid-20s ito. But he looked too burdened.

Tumikhim muna siya bago ito nilapitan... Dalawa lang sila roon kaya hindi naman ito mapapahiya kung sakali. Matangkad ito kaya effort ang pagsubok niyang hulihin ang tingin nito.

"Did you know that smoking is the leading preventable cause of cancer?"

Hindi ito kumibo. Hindi rin siya pinansin man lang. Pero siya iyong best example ng taong hindi mabilis maggive-up.

"Cigarette smoke damages the heart and blood cells. Marami kang sakit na maaaring makuha sa paninigarilyo. It will damage your lungs," she continued

This time, he looked at her.

"Are you a doctor?" He asked, habang mataman siyang tinitigan sa mata, for a while she thought she got lost in his eyes. Medyo kulay asul na abuhin ang mga iyon and they're really beautiful. Hope realized na mukha itong may foreign blood. "No," sagot niya.

Akala niya ititigil nito ang paninigarilyo. But instead, he slowly smirked.

"Then shut the f*ck up!" Aroganteng humithit ito sa sigarilyo nito at ibinuga mismo sa kanya ang usok bago naglakad palayo

"Bastos!" Gigil niyang sambit na kandaubo sa ginawa ng lalaki. "Those are facts that even non doctors knew!" Sigaw niya. "Napakayabang," dugtong niyang na-bad trip lang.

Mabuti rin at dumating na ang bus. Mukhang 'di naman ito sasakay. Okay iyon para 'di niya ito makasama sa loob ng sasakyan.

*****

"HOPE, we ran out of veggies. Hindi pala papasok si Cindy, hindi man lang nagpasabi," ani Myca pagkadating na pagkadating niya. Ang aga-aga pa stress na stress na ang itsura nito. "Kelangan natin iyon para sa lunch ng mga guests!" "Asaan ang listahan?" Inilahad niya ang palad. Kabisado na niya ang kaibigan. Gusto nitong makisuyo sa kanya. Ayaw lang magsabi nang diretso.

"Thanks, Hope! You're a lifesaver!" Her friend grinned.

"Okay, okay." Kinuha niya ang listahan sa kaibigan at umalis ulit.

College graduate si Hope. BS HRM. Pero hindi niya gustong lumuwas ng Maynila para doon magtrabaho. Masaya na siya sa simpleng buhay na mayro'n siya sa San Gabriel. Besides, Myca happily employed her in her family's business. Bagamat nasa housekeeping, okay lang iyon sa dalaga. Tamang-tama iyon para sa mga katulad niyang nag-uumpisa pa lang naman.

****

"ALING ESME, one stop shop, oh." Matamis siyang ngumiti sa matandang suki sa palengke at iniabot dito ang listahan ng mga kailangan sa resort.

"Oh, bakit ikaw ang namimili?" Nagtatakang tanong ni Aling Esme.

"Wala po si Cindy, eh," sagot niyang nakipili ng mga gulay.

"Teka, wag 'yan. May padating akong bagong supply ng patatas. Malapit na 'yon."

"Ay sige po. Hintayin ko na. Makikisilong, Aling Esme," wika niya nang magsimulang umulan.

"Bakit ba biglang umulan? Tirik na tirik ang araw kanina, ah?"

"Alam ninyo naman po ang panahon ngayon, pabago-bago." Kinuha niya sa bag ang cellphone niya nang tumunog iyon.

"Oh, ito na pala ang mga bagong gulay." She heard Aling Esme said pero busy na siya sa cellphone niya.

Sinagot niya ang tawag ni Myca. Nagpahabol lang ito ng mga ilang gulay na hindi naisali sa listahan.

"Copy, boss... 'Andito na ako. Yes. Sakto lang ang tawag mo. Okay. Bye!" She was about to check on her items nang paglingon niya ay bumunggo siya sa dibdib ng kung sino. "Ay!"

"Ikaw na naman?!" Panabay nilang bulalas ng lalaking bumuga sa kanya kanina ng usok ng sigarilyo nito.

"Sinusundan mo ba ako?" Nakangising sabi nito.

"Excuse me?" 'Di niya napigilang sambit. "Namamalengke ako. Ikaw? Baka ikaw ang sumusunod sa akin?"

"Nagtatrabaho ako rito." Hindi napapalis ang aroganteng ngisi sa mga labi nito. "Isa pa," sinuyod siya nito ng tingin. "Hindi ka maganda para sundan kita!"

"Aba't!" Asar niyang sambit, anong hindi maganda? Alam niyang maganda siya. Hindi pansinin, oo. Pero maraming nagsasabi na maganda siya. "At ano namang akala mo? Ikinagwapo mo 'yang towel mo sa ulo?" Ganti niya. Meron kasi itong nakataling good morning towel sa ulo nito. That typical ayos of guys na nagkakargador sa palengke with matching tshirt na naka-rolled up ang sleeves hanggang sa balikat, showing off their batak at pawisang muscles. "Tsk," ngisi lang nito.

"Ah Hope, siya 'yong nagbagsak nitong patatas," singit ni Aling Esme. "Ano nga ulit pangalan mo, hijo?"

"K---" he seemed lost at first bago nakabawi. Sinong makakalimot sa sariling pangalan? Pupusta siya, may tama sa ulo 'tong mayabang na 'to. "Rain," sagot nitong umalis na kahit umuulan at wala itong payong. Habang si Hope naman ay nanggagalaiti pa rin sa inis.

"Sino po ba 'yong Rain na 'yon? Bago po ba siya rito?"

"Oo... Noong isang araw dumating 'yan doon kina Paeng. May hinahanap na kamag-anak. Kaso mga hindi naman taga rito. Naligaw yata, eh hindi na makabalik sa kanila dahil sakto lang daw ang dalang pera. Kaya nakiusap na mabigyan ng trabaho. Doon din siya kina Paeng pansamantala nakatira," paliwanag ni Aling Esme. Tumango-tango siya. So, dayo nga.

"Baka po masamang tao 'yon. Sinasamantala niya kabaitan ng mga taga San Gabriel," komento pa niya.

"Naku, hindi naman siguro. Gwapong bata, eh ano, Hope?" Nanunuksong saad ng kausap niya. "Wag mong itatanggi. 'Yong mga kadalagahan dito sa palengke eh pawang mga kilig na kilig dyan, kay Rain."

"Aanhin naman po ang kagwapuhan kung masama naman ang ugali?" Ingos niya, hindi niya makakalimutan ang ginawa nito sa kanya kanina. Tanda iyon ng kagaspangan ng ugali. Sinong matino ang gagawa noon? "Magkano po lahat?" Tukoy niya sa pinamili para matapos na ang usapan tungkol sa mayabang na lalaki.

"One thousand seven hundred forty-five. Kaya mo ba 'to?"

Planning your weekend reading? Ensure you're on 00005s.org for uninterrupted enjoyment. The next chapter is just a click away, exclusively available on our site. Happy reading!

"Opo naman. 'Andyan lang sa labasan si Manong Fred. Ipinagdrive niya ako." Iniabot niya ang halagang sinabi nito at binuhat ang pinamili. Mabigat nga.

"Teka. Papahatid kita. Bakit naman kasi 'di mo muna pinapasok si Fred," anitong luminga-linga sa paligid. "Rain!" Tawag nito at awtomatiko niyang sinundan ng tingin ang tinawag nito.

Eek. Si Rain nga na nakikipaglandian sa mga tindera ng isda!

"Naku, Aling Esme!" Protesta niyang biglang nabuhat ang lahat ng dalahin niya. Tumila naman na ang ulan so kaya na niya. "Kaya ko na po ito," aniya sabay sibat. Kung ang mayabang na 'yon lang din ang tutulong sa kanya, 'wag na lang, noh! Malakas naman daw siyang bata sabi ng ate niya eh.

"Akin'a," walang anu-ano'y may umagaw sa mabigat niyang dala.

"Hindi ko hinihingi tulong mo!" Asik niya kay Rain na hindi man lang nag-effort itago ang disgusto sa pagtulong sa kanya. Sambakol ang mukha nito.

"Grabe ka naman ho, ikaw na nga 'tong tinutulungan, ikaw pa ho ang suplada," binigyan na naman siya nito ng pang-asar nitong ngiti.

"So, utang na loob ko sa 'yo, gano'n?" Wala naman na siyang nagawa kundi sundan ito.

"Malamang!"

"Hindi riyan!" Sigaw niya rito nang sa ibang direksyon ang tunguhin nito. "Dito tayo."

Stressed na pinasunod niya ito sa kanya. Mabuti na lang at nakita sila ni Manong Fred. Sinalubong na sila nito.

"Hindi mo naman sinabi Hope na marami ka palang bibilhin," sabi nitong kinuha ang mga dala dala niya at ni Rain.

"Kaya ko naman po kasing bitbitin," sagot niyang napatingin sa bubulong-bulong na si Rain "Problema mo? Bakit di ka pa umaalis?"

"Walang thank you?" Kunot noo nitong tanong, pero pati pala pagkunot ng noo nito, mukha pa ring mayabang.

"Oh, eh 'di thank you!" Insincere niyang banat. She wasn't rude like that. Hindi niya lang maintindihan kung bakit na-i-stress siya rito kay Rain at nagiging bastos siya. "Okay na?"

"May isa pa," ngumisi ulit ito. "'Wag mo akong sisigawan dahil hindi kita asawa!" With that said, tumalikod na ito. "Di ko kailangan ang thank you mo! Plastik!" Pahabol nito habang naglalakad palayo. Gigil na pinigilan niya ang sariling 'wag nang gumanti ng salita.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.