Flaws and All

Chapter 6- Thank you



"One last jump, alright now stop" pero humirit pa ako ng tatlong talon bago huminto. Nag jumping rope kami ngayon, fifty jumps sa akin at isang daan yata ang kanya nakalimutan kong bilangin. I lost 5 kilos already, sa dalawang buwan naming continous work out session ay tila hinahanap hanap na ng katawan ko ang excercise.

Pero malakas parin akong kumain. Hehe

Kinuha ko ang phone ko ng makitang umilaw ang screen nito. Si Daevon!!

Inaaya nya kasi akong mag dinner bukas kaya naman todo papawis ako ngayon. Nanghihinayang parin ako sa binigay nyang graham cake sa akin nung nakaraang linggo naiwan ko kasi sa ref ng school. Zarette went straight to the couch at doon pabagsak na umupo habang hawak hawak ang isang bote ng mineral water.

"Daevon?" tanong nya habang nakataas ang kilay, binuksan nya ang bote ng tubig at uminom.

"Yep. Dinner daw kami bukas" masigla kong sabi habang tumatalon pa at napapapalakpak sa kilig hanggang sa makarinig nalang ako ng pagbagsak ng pinto.

"San punta nun? Mr. Serious black na naman sya" napapailing kong sabi, pumasok nalang ako sa banyo nila at nakishower.

Masigla akong bumangon ng umagang iyon, I am more than energetic. May dinner date kami ni Daevon!

Wala akong mapaglagyan ng kilig, hindi ko alam paano ako gagalaw mamaya kaya naman naisipang kong humingi ng tulong kay Prim.

Sya na rin ang pipili ng damit ko at magaayos sa akin, aniya ay pupunta pa kami ng salon para makapagpaayos ng buhok at makapagpamanicure at pedicure. Napakakikay talaga ng aking kaibigan, lagi nya nalang akong nahihila sa mga ganyan, pamper time sabi nya nga.

Katatapos ko lang maligo at magpalit ng kumatok at sumilip si Manang Lelay, sabi nya ay andyan na daw ang sundo ko.

Sundo?

Yung driver ba nila Prim? Sabagay okay na rin iyon, wala si Manong ngayon eh. Balak ko pa sana mag cab pero since may sundo na, doon nalang ako. Napatigil ako sa gitna ng hagdan ng makita si Zarette hawak ang isang baso na puno ng tubig habang prenteng nakadekwatro sa aming sala.

His eyes squinted after seconds of looking at me, saka sya umiling.

Pababa na ako ulit ng tumayo sya kaya umiling muli "Go and change" diretsyo nyang sabi.

Pinasadahan ko ng tingin ang damit ko, nakashorts at long sleeved na off shoulder ako. Wala lang, I just feel so beautiful today.

"Hindi mo ba ako narinig? Gusto mo bang ako ang magbihis sayo?" Masungit nyang sabi ng makalapit sya sakin. Tumaas ang kilay ko saka ngumuso. "May mali sa suot ko?" Binabasag nya ang trip ko, ngayon na nga ako magfifeeling maganda eh!

"I don't want you to show some skin"

"At bakit aber? " tinapatan ko ang kasungitan nya, tinaasan ko din sya ng kilay.

Nanlambot ako ng ilapit nya ang mukha nya sa akin, the tip his nose is touching the tip of mine.

"Kasi ayoko. Just change. Now" tinulak nya ako paakyat, I was stunned kaya napasunod nalang ako.

Nagpantalon nalang ako at nag tank top. Pinatungan ko na rin ng cardigan.

Why is he so conservative? Kung kelan feel na feel kong maganda ako saka sya ganon. Hays.

"Okay na?" nakasimangot kong tanong sakanya pagkababa ko. Umismid lang sya at tinalikuran ako para lumabas.

"Aba't! Tss!" Angil ko sakanya kahit nakatalikod na sya.

Kita mo to! Triggered pagiging Serious Black nya, sana pala nag Uber or Grab nalang ako!

Habang nasa byahe iniisip ko kung bakit sya masungit.

A. Kulang ang tulog

B. Hindi nakakain

C. Naistorbo ang tulog

D. Dahil sa damit ko

E. Trip nya lang

F. All of the above

Nakanguso lang ako habang nakahalukipkip at nagmamasid sa daan. Habang sya ganun parin, ang isang kamay ay nasa manibela at ang isa ay nakasandal sa bintana. Pinagbuksan nya lang ako ng pinto pero hindi nya ako pinapansin. Nakakainis na ha? And at the same time nakakabother.

I grabbed him by the arm and dragged him out of their sala papuntang porch.

"Madox" he said in a low warning tone, maging ang mata nya ay nagbabanta na rin. Saka ko sya binitawan at nagpakawala ng malakas na buntong hininga.

"Anong problema mo? Kanina ka pa ah" I said unfiltered, naging close na yata talaga kami at hindi na ako masyadong natatakot sakanya.

"Hindi mo kailangan malaman" aniya at nagmartsa papasok, hinila ko sya ulit palabas. I need to know.

"Ano nga? Wala naman akong ginagawa sayo ah."

"Alam mo naman palang wala, so why bother to ask?"

"Then why are you so cold and distant? Dahil ba sa damit ko?" Nakakainis na sya ha? Nagpalit naman ako ng damit ah.

"Magkalapit lang tayo, I even fetch you from your house. Ikaw yung may problema satin dito." Sumandal sya sa pader at humalukipkip, habang ako nakatingala sakanya at naiinis. "Ano bang gusto mo? Magpalit ako ulit? Okay naman na tong damit ko!"

Yumuko sya at hinawakan ang pisngi ko, nagwala ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok. Lalo na ng titigan nya ako sa mata.

Titig na nakakapanghina.

"Gusto ko? Wag kang makipagdate kay Guzman." He smirked saka nya ako iniwan doon. Nanghihina at gulat.

Nanghihina dahil parang hinigop ng mga mata nya ang lakas ko.

Gulat dahil sa sinagot nya. Wag akong makipagdate kay Daevon?

Bakit?

Nawala sa isip ko ang nangyari kanina dahil nageenjoy na ako dito sa salon, si Prim ay nasa aking kaliwa at busy sa pagpili ng kulay na gusto nya para sa kanyang kuko. Ang napili ko ay ang kulay mauve, maganda kasi iyon sa akin at pumuputi ang aking balat.

Katatapos ko lang magpamanicure, susunod naman ay ang facial. Marami kasing gustong mangyari itong si Prim, pagkatapos ng facial ay baka raw magpagupit kami.

Mangiyak-ngiyak ako sa pricking, ganoon kasi kapag nagfi-facial.

Tila nabawasan ako ng isang kilo sa pricking. Hehe

Sumunod ay ang sa hair salon, maikli lamang ang ipinabawas ko. I want to keep my hair long, pag maikli kasi ay mas lalong tataba ang aking pisngi.

Paglabas namin ng hair salon ay nakita ko sa gilid si Zarette, nakasandal sa pader at nakahalukipkip.

Anong ginagawa nito dito?

Naalala ko na naman yung sagot nya kanina, a part of me wanted to ask why. Pero hindi ako handa sa sagot.

Baka kasi trip nya lang?

Baka kasi iniisip nyang mataba ako at di dapat nakikipagdate?

Na baka niloloko lang ako ni Daevon at pinagtritripan dahil mataba ako?

Baka kasi dahil hindi kami magkalebel ni Daevon kaya ganon?

Hindi. Hindi naman siguro ganon magisip si Zarette. Isa pa sinasabi nya namang maganda ako, at hindi naman ako ganong kataba.

Baka kasi grumpy lang sya ngayon, o wala sa mood. Sa dami ng choices ko kanina sa sasakyan ay baka all of the above nga ang tamang sagot.

"Kuya, sundo agad? Hindi pa kami kumakain" biglang kumalam ang tyan ko at nagwala ang mga alaga ko sa tyan.

"Then we'll eat." Luminga linga ako ng makita ang isang batang may hawak ng cotton candy na nakastick.

"Halla, cotton candy" bigla kong nasambit, kahit malayo ay patuloy ang pagtingin ko sa batang hawak hawak ang cotton candy nya.

"Besh lika na, lilibre tayo ni Kuya" nagpatianod nalang ako sa paghila sa akin ni Prim. Hays, cotton candy.

Doon kami sa korean barbecue stall na pagmamayari ng isa sa mga chef nila, akala ko pa man din ay mapapakain na ng ibang fastfood itong si Zarette. Nang matapos kumain ay palinga-linga parin ako para hanapin yung cotton candy stall, ni hindi na nga ako nakareact pa ng sabihin ni Prim na magbabanyo sya. Nakanguso na ako at lahat pero wala parin.

"Cotton candyyy" nakasimangot na ako habang nakanguso, di ko na rin napansin na katapat ko lang si Zarette. Napansin ko lang ng lagpasan nya ako at sumakay ng escalator. Nasan kaya yun? Sa third floor? Ground floor? Kung bakit ko pa kasi napansin yung bata eh, nagcrave tuloy ako ng sobra sobra.

Nakayuko ako habang hinihintay si Prim, nang may huminto sa harap ko. Napaangat ako ng tingin at nakita si Zarette na may hawak na tatlong stick na cottong candy. "Waaaah! Cotton candy!! Saan mo nabili? " napakagat labi pa ako ng mapatingin sa mga yon.

"Parang bata." aniya sabay abot sa akin nung dalawang stick, nanlaki ang mata ko at napatalon sakanya.

"Thank you! Thank you!" Pasasalamat ko sakanya. Tuwang tuwa talaga ako. Napasiksik pa ako sa leeg nya.

I felt him stiffened, pati ako ay napatigil din sa paghinga.

Nakayakap ako sakanya.

Nakayakap.. Sakanya

Kay Chairman... Kay Zarette.

Napaatras ako ng maramdaman ang kamay nya sa aking bewang, yumuko nalang ako para kunwari Korean na nanghihingi ng dispensa. Nakakahiya!

Pinagtitinginan pa kami ng mga tao! Ano ba yan Xochitl!

Nadala lang naman talaga ako ng excitement at pasasalamat, afterall he got me some cotton candies.

"Uy cotton candy!" napalingon ako at sa wakas ay lumabas na si Prim mula sa rest room, at mabuti nalang ay dumating sya dahil baka masiraan ako ng ulo dahil sa hiya. "O-o nga eh, bumili yung kuya mo" binuksan ko na ang balot at kumurot sa cotton candy.

My childhood favorite, walang sinabi dito ang ferrero rocher.

While she was busy easy, he's busy watching her enjoy her cotton candy.

"Tss, bata bata" napailing nalang sya at napamulsa.

"Xochitl, dyan ka na sa harap. Mas gusto ko dito sa likod para makahiga. My feet feels numb" sabi ni Prim saka pumasok sa loob ng sasakyan. Nakabukas na ang pinto ng lingunin ko iyon, habang si Mr. Serious Black naman ay paikot na sa driver's seat.

Serious black kasi nakaitim na naman sya, mula shades hanggang sapatos. Isa pa seryosong seryoso ang mukha nya ngayon. Ang gwapo! Ngayon ay napapaisip na naman ako sa sinabi bya sa akin kanina, huwag akong makipagdate kay Daevon.

Hindi nya naman nilinaw sa akin kung bakit kaya hindi ko sya susundin.

Akala nya ha.

"Good evening Sir, Maam"

"Reservation for Daevon Guzman please?" nakangiting sabi ni Daevon. Andito kami ngayon sa isang sikat na restaurant. Sinamahan kami ng staff papunta sa aming upuan, humila ako ng upuan at dahang dahang umupo.

Hindi ako mapakali dahil sa dress na suot ko, isa pa dahil sa heels ko. Kahit makapal ang takong ay feeling ko any minute babagsak ako.

Si Prim ang pumili ng mga suot ko, gusto ko sana ay maxi dress para kahit paano ay mahaba pero pinili nya ang bulaklakang above the knee. Kulot rin ang buhok ko at may kolorete sa mukha. Nakasuot rin ng medyo red na lipstick. I am not good at describing, I know. Ano ba kasing kiber ko sa make up?

"You order first" ngumiti lang ako at binasa ang nasa menu, ano bang gusto ko?

"Beef steak, well done. A piece of sans rival cake and Lemonade"

"Diet ka talaga no?" hindi ko alam kung asar ba iyon o ano pero ngumiti nalang ako, siguro ay tinutukso nya lamang ako. Hindi ko naintindihan ang inorder nya, iniisip ko lamang at inaalisa ang sinabi nya. Diet talaga ako, tama naman sya doon. Tahimik lang ako habang kumakain, this is really awkward. Nahihiya naman akong magsalita, alam nyang crush ko sya, nakakahiya. Naisip ko tuloy na baka tama si Chairman, na sana di nalang ako tumuloy. Free food lamang ang maganda sa date na ito. "Enjoying the food?" nakangiti nyang tanong, nakangiti naman akong tumango habang ngumunguya.

Alam kong nagmumukha akong tanga kakatango sakanya. My God, this is really awkward.

"Nakakaenjoy talaga pag libre, you know" makahulugan nyang sabi, napaubo ako at dali daling sumimsim sa aking juice.

Oh my God.

Mula sa restaurant hanggang pag uwi ay naging tahimik ako. Sana pala ay nag stay na lamang ako sa bahay para hindi na ganito pa. "Daan muna tayong mall, I have to buy something"

"O-okay" tipid kong sagot. Nang makapag park ay bumaba na rin kami agad at pumunta sa isang stall ng red ribbons.

Habang tumitingin kami ng cake ay napatigil ako dahil parang bibigay ang aking sandals sa aking kakagalaw.

"Girlfriend nya ba yan? Ang taba naman" napanguso ako.

"baka naman kapatid lang? Ay di sila magkamukha, baka ampon o kaya kapatid sa labas, girl" dumagdag pa sa tensyon ko ang narinig mula sa chismisan ng mga babae na pumipili rin ng cake sa shop. "Miss, I want this one" rinig kong sabi ni Daevon, habang ako ay parang mahihimatay na ako sa kaba dito dahil sa aking sandals!

Hubarin ko na kaya at bili na ako ng flats? Kaya ko pa naman siguro itong ilakad papunta sa isang shoes store.

Nang makapag bayad ay diretso ng lumabas si Daevon hindi naman ako makatakbo at dahan dahan sa paglalakad kaya hindi ko sya mahabol.

Ang haba pa man din ng mga biyas nya at malalaki ang kanyang mga hakbang.

Habang ako medyo nanginginig ang tuhod dahil any minute pwedeng maputol ang aking takong!

"Daevon! Sandali lang bibili lang muna ako ng sandal... shit" tuluyan ng bumigay ang aking takong, mabuti nalang ay di ako napasubsob. Pero andito ako sa loob ng mall, sadlak.

Nangingilid ang luha habang umaayos ng pagkaupo, lumilis rin ang aking dress kaya malamang ay may nakakita ng suot kong underwear. This is so much for being "fat".

Inabot ko ang strap ng sandals ko para hubarin, unti unti naring pumapatak ang luha ko mula sa aking mata. Rinig ko na rin ang tawa at bulungan ng iba. Daevon didn't helped me at all.

Ayoko na rin syang tignan pa. I fear that maube he's looking at me with pure disgust written all over his face.

Ngayon ay parang gusto kong sumigaw at tawaging si Zarette. Wala nga pala ako sa school, wala sya para sabihing magiging okay rin ang lahat. Wala sya para patahimikin ang halakhakan at bulungan.

Wala sya dito.

Ako lang. Magisa.

Napatingala ako ngmay bumagsak na pares ng pink na tsinelas sa harap ko, bagong bili at may price tag pa.

"Madox" napangiti ako kahit punong puno ng luha ang aking mga mata. He's here.

"Please wear it now. And let's go" agad ko syang sinunod at marahas na pinunasan ang aking luha.

Andito sya! Andito sya.

Nang makatayo ako ay sya namang paglapit nya kay Daevon. I can't even look at him, tila nawala ang pagkagusto ko sa lalaking kanina ay kadate ko lamang. Mula sa mga pasimpleng insulto at pagiwan nya sa akin sa ere dito sa akin sa mall, parang tamang hindi ko sya gustuhin.

"You have no balls, dude" sabi ni Zarette sabay ngumisi. Ngumisi lang rin si Daevon na nagpainis sa akin.

Why did he asked me on a date in the first place?

Hinigit ni Zarette ang kamay ko at hinila ako paalis doon, hindi ko na nakuha pa ang sira kong heels. Bahala na, sira na rin naman.

Pinagbuksan nya ako ng pinto saka lumapit sa akin at hinila ang seatbelt.

"Stand up when you fall, hindi yung iiyak ka lang. Okay?" aniya habang nilalagay ang seatbelt ko.

"O-opo" tensyonado parin ako, isa pa ang lapit lapit nya kaya sa akin!

I can smell his perfume and even his sweet and minty breath.

Kung dati ay relaxed ang kamay nya kapag hawak ang manibela, ngayon ay kita ko ang higpit ng hawak nya rito.

Even his left hand that is resting on his window is clenched. Galit sya. That's for sure.

"May masakit ba sayo?" nilingon ko sya at tinitigan sandali. "Wala na. Okay na." maikli kong sagot.

Paano kaya sya napunta sa mall? Siguro may binili? O di kaya naman ay may kadate sya doon? Omg, baka nasira ko ang date nya!

"Bakit ka nasa mall? May date ka ba? Halla baka nasira ko ang date mo?" bumuntong hinga lamang sya.

"Wala akong kadate. Wala akong girlfriend. Wala akong ng kung anong iniisip mo." natahimik nalang ako, hindi ko alam kung bakit ako napangiti. Hay, timang. "Okay. Di mo naman kailangan magexplain" sabi ko nalang. Lumiko na sya paloob ng aming subdivision.

"Magtext ka agad, magtetext at tatawag ako." walang emosyon nyang sabi, nakamasid lang sya sa kalsada sa harap namin.

"Okay po, Serious Black" mapangasar kong sabi. Nag Tss lang sya at inihinto ang sasakyan sa harap ng bahay.

"Serious black my ass." umirap pa ito, how cute?

"Sungit mo talaga, kinakapogi mo yan" pangasar ko sakanya.

"Madox. Stop teasing me" parang naiinis at nahihirapan nyang sabi, bumelat lang ako at binuksan ang pinto.

"Good night, Chairman" I even winked at him. "Thankyou for saving me again today, iniisip ko tuloy isa kang masungit na guardian angel" natatawa kong sabi. Sinamaan nya lang ako ng tingin bago sumandal sa pinto ng kotse nya, pwede ng pang cover ng magazine. Napaka gwapo!

Dahan dahan akong bumaba para di lumilis pataas ang aking dress.

"By the way, you look pretty tonight"

"Ha? Ano yun?" may sasakyan kasi sa tapat ng kaoitbahay ang bumusina kaya hindi ko narinig.

"Good night, Madox" aniya saka bahagyang kumaway. Ngumuso lang ako dahil di ko naintindihan yung sinabi nya.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Ang sungit talaga, pero ang gwapo. Kainis" bulong ko sa sarili ko habang paakyat sa kwarto.

Kinuha ko na ang bathrobe ko at pumasok sa banyo.

Naisip ko, ano bang nagustuhan ko kay Daevon? Kelan ko ba sya simulang nagustuhan? Bakit ko sya gusto? Hanggang sa wala akong maisagot. Basta ang alam ko nagustuhan ko sya dahil sa kakapanuod ko ng basketball game nya. Siguro ay crush lang talaga iyon, hindi na dapat pang palalimin. Isa pa, mukha namang gusto nya lang akong pagtripan.

Nadala talaga ako ng kilig. Pero kanina noong andoon na kami wala naman syang ibang ipinakita sa akin kundi panlalamig. Iniisip ko tuloy kung para saan ba ang pagkuha nya ng number at pagaya nya sakin sa date. Is it for a bet?

Nagbanlaw na ako at nagpatuyo ng katawan saka nagbihis ng pang tulog. Sinilip ko ang phone ko at may isang text mula kay Daevon at sampo mula kay Chairman. What?! Sampo galing kay Chairman?

May tatlo rin syang missed calls, isa isa kong brinowse ang mga texts nya.

From: Chairman Z

I'm home.

From: Chairman Z

Madox

Tatlong text nya ay puro "Madox" lang ang laman.

From: Chairman Z

Reply fast.

From: Chairman Z

I'm on my way to your house.

Ha???

Tumunog ang cellphone ko at nagflash sa screen ang text nya.

From: Chairman Z

I'm here downstairs.

Anong ginagawa nito dito? Alas nueve na ng gabi ah.

Sinuot ko ang fluffly slippers ko at bumaba, may baso ng malamig na tubig sa kanyang harap.

Hilig talaga nya ng tubig ano?

"Gabi na, why are you here Chairman?" pumamewang pa ako sa harap nya bago humalukipkip.

Tumayo sya kaya ngayon ay ako ang tumitingala sakanya.

"You are not replying to my texts, Madox. That's why."

Seryoso ba sya? Pumunta sya dito dahil di ako nagrereply sa mga text nya sa akin?

Bakit?

"Naligo kasi ako, kaya po di ako nakatext agad"

"Rest before you shower, lagi kong paalala saiyo yan" sya naman itong humalukipkip.

His broad muscles flexed, even his jaw clenched.

"Magpaalam ka sa susunod, nagaalala ako" tila nahihiya nyang sabi, iniwas nya rin ang tingin nya at kinagat ang pang ibabang labi.

"Miss mo ba ako?" Hindi ko napigilan ang mapanuksong tawa. "Baka isipin kong crush mo ako, Chairman. Huwag ganyan" panunukso ko. "Think whatever you want to think. And again, its Zarette. Good night" saka nya ako nilagpasan.

"Zarette! Yung pagdadrive mo ha?" paalala ko, tinaas nya lang ang isang kamay nya habang naglalakad. Iba rin talaga to, hay Chairman. Napapitlag ako sa gulay nang magsalita si Manang.

"Ang gwapong bata ano? Napakagalang pa. O sya sige, linisin ko lang itong pinaginuman nya at matutulog na rin ako."

"Sige manang, matulog kayo ng mabuti. Good night manang" paalam ko bago pumanhik pataas ng kwarto.

Kinalikot ko muna ang aking facebook hanggang sa naalala ko na may text pala si Daevon. Pinalitan ko muna sa settings ang Pangalan nya bago binasa ang mensahe.

From: Daevon Guzman

I'm really sorry. Nagkaproblema kasi sa bahay, unexpected kasi kaya hanggang sa date natin ay bothered ako at badtrip. I hope I can make it to you soon. Sorry ulit.

Nagreply nalang ako ng "It's alright' baka kasi sabihin nya ay snob ako. Isa pa ay okay lang talaga, naiintindihan ko na. And I should stop pushing my self to him.

Crush nalang talaga.

Umilaw at tumunog ang cellphone ko ng makahiga ako.

Chairman Z Calling...

"Madox" tawag nya sa akin mula sa kabilang linya, parang may nahaplos sa loob loob ko.

"Hmm?"

"Let's sleep now" napahikab ako saka ko hinagilap ang aking hotdog pillow at niyakap iyon.

"Okay, Zarette."

"Good night, Madox. Don't drop the call, okay? Just let it be." may lambing nyang sabi.

"Okay, loudspeaker ko. Ilalagay ko nalang dito sa side"

"Alright, good night Madox"

"Good Night Zarette"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.