Flaws and All

Chapter 49-I do



Now he's standing at the other side of the aisle waiting for the love of his life. Nakikita nya kung paano muntik tuktukan ni Prim ang nobya, marahil dahil sa pagiging slow nito sa mga nangyayari.

"Hindi nya pa yata gets na kasal "to" natatawang sabi nya sa sarili. Its their wedding day already! Kahit pa sya ang nagplano ay tila hindi makapaniwalang ikakasal na sya ngayon. Matagal din nyang inayos at pinagplanuhan ang bawat detalye, mula pagkain, invitations, mga damit at ang pagtago ng date ng kasal kay Madox.

"You did well, mahal ko" he tried to hold his tears back after hearing those words from her. All the stressful planning were worth it.

"To the woman whose eyes touched my soul, wear this ring as a symbol of my never ending love, faithfulness and that I will always be yours. I will always respect, cherish and pray for you. I do believe that everything has led me to you, and you are my purpose for living. I promise to bring the best of you because you bring the best in me. I will always protect you, our twins, our little angel and our future babies."

"And If I will be given hundred more lifetimes, I'd still find you and choose to love you. Madox, I surrender my self to you, only you. I pledge to love you as you are, because you love me as I am. I will stand by your side in every good and bad times that may come in our way. I will love every unlovable moments with you, and I will love you until my last breath. Mahal na mahal kita Meadow Xochitl. Sobra."

Inangat nya ang kanyang kamay para punasan ang luhang pumatak sa mata ni Zarette, kuminang ang singsing na suot nya nang masinagan ito ng araw. They both smiled nang matapos ang wedding vow ni Zarette na pinupunasan rin ang luha nya.

"To the man who I want to share my life with, wear this ring as a symbol of my complete surrender to you. You own not just my heart, but you own all of me. Thank you for doing your best to keep me, to love me. I have no right words to describe the love I have for you, but I promise to love you with all that I am, all that I can. I love you Zacchaeus Everette. Thank you for this wonderful and unexpected wedding, I could not ask for more mahal, I love you and your unpredictable and never ending ways of showing your love for me." she made a long pause because of the tears flowing from her eyes. Kinuha nya sa bulsa ang kanyang panyo at pinunasan ang mata ng mapapangasawa. Humalakhak pa ito sabay sabing "Baby blow" para sa sipon ng nito. But she spat his hand which made him laugh harder.

"I am looking forward to more years full of love, laughters and silliness with you. May God bless and strengthen our love forever. Kapit lang mahal, sayo lang ako habangbuhay"

"Because Zarette and Madox have desired each other in marriage, have given themselves to each other by the promises they have exchanged, and have witnessed this before God and our gathering, affirming their acceptance of the responsibilities of such a union, and have pledged their love and faith to each other, sealing their vows in the giving and receiving of rings, I do proclaim that they are husband and wife in the sight of God and man. Let all people here and everywhere recognize and respect this holy union, now and forever. Those that God has joined together, let no man put asunder."

Wala pa man ay naririnig na ang kantyaw at pito mula sa mga kaibigan nila. Rinig na rinig din ang pagsigaw nila ng "kiss" kaya nagtatawanan lamang sila. Naramdaman nya ang panlalamig sa kamay ni Zarette na napalitan rin ng init lalo na ng marinig ang katagang hudyat na sila ay mag asawa na.

"Zarette, you may now kiss your bride" nakangiting sabi ng Pari. Zarette bit his lips suppressing his wide grin. Kinusot nya muna ang mata nya at humalik sa kamay ng asawa bago inalis ang belo na nakatakip sa mukha nito.

"I love you." humigit ito ng malalim na hininga bago inangkin ang labi ng asawa.

"Punta pa ba tayo sa reception? Wag na" nasa likod ko si Zarette at sini-zipper ang dress ko. Nakapagpalit na ako para sa reception ng kasal. hinihintay na rin siguro kami doon.

"Zarette ano ka ba?" Sita ko sa kanya, hinarap nya ako st pinagdikit ang nga noo namin habang nakapikit ang mata. I grinned and caressed his cheek. "Misis ko"

"Hmm?" Ngumisi sya at mabilis ba humalik sa akin labi.

"Misis na nga talaga kita" he rubbed the tip of his nose with mine saka humalik ulit, mas passionate, yung tila hinehele ako sa langit.

"Za, mamaya na. Baka gutom na sila sa baba, yung kambal hindi ko pa nahahawakan"

"Alright, mamaya" he winked.

"Here comes food airplane" tiningala naman ni Kiel ang kutsarang hawak ko saka binuka ang bibig para magpasubo. Si Zarette at Nyx naman ay naglalaro din.

Patapos na ang program pero hindi pa rin mawala sa isip ko na kasal na ako. Pinagmasdan ko ang singsing sa daliri ko at sa daliri ni Zarette at palihim na kinilig.

Humigpit ang hawak nya sa akin saka ako nilingon at nginitian. Kung natutunaw lang ang puso baka tunaw na ang puso ko ngayon. He look so dapper with his all white suit. Kumagat sya sa pang ibabang labi nya at kumindat sa akin. Shet, ang gwapo!

"May gamit ka ba sa Vegas?" He asked, sinilip nya ang kanyang closet at tila nag iisip. "Yup, madami pa akong damit doon." sagot ko.

"Sa Vegas tayo mag ha-honeymoon for a week" my jaw dropped literally. Napatalon ako sa excitement habang nakakapit sa kanyang leeg, he chuckled and nuzzled his nose with mine.

"Are you excited love?" mabilis akong tumango at nagnakaw ng halik sa labi nya, he grinned and in a snap ay nasa pagitan nya na ako at ng closet nya.

"Misis ko, mahal na mahal kita" inayos nya ang pagkakapit ko sa leeg nya saka ako pinangko papuntang kama namin. Napamura nalang sya ng marealize na katabi namin ang mga bata sa kwarto.

"Hindi 'to pwede misis ko" aniya saka bumulong ulit ng mura. Hinila nya ako palabas ng kwarto at dahan dahang sinara ang pinto, para kaming mga teenager na may kalokohang gagawin at sinisigurado naming hindi kami mahuhuli. Pumasok kami sa entertainment room at nilock nya iyon ng mabuti.

"Hindi pwedeng hindi mag honeymoon sa unang gabi ng pagiging mag asawa ang bagong kasal" he grinned playfully. I closed my eyes and let him take me, hindi ko na namalayang nasa couch na kami, both naked and he's on top of me.

Las Vegas.

Kung dati'y pumupunta ako sa Las Vegas para makalimot ngayon ay andito ako kasama ng lalaking pilit kong kinakalimutan noon. We are now hapilly married. I am thankful that Las Vegas somehow calmed the storm in me, and it will be one of my favorite place on earth.

Yumakap si Zarette sa akin habang tinatanaw ko ang tanawin sa ibaba. Sa Skyloft kami mamamalagi sa loob ng apat na araw. Kahit pa tutol ako dahil mahal sa hotel na ito ay wala na akong nagawa, this is a gift from Mommy Penelope and Daddy Zero.

"Pagod ka sa byahe?" humalik sya sa leeg ko at umakyat ito sa aking tenga. Marahan akong tumango at sumabay sa pagse-sway nya ng aming mga katawan. "Seventeen hours in a plane? sobrang nakakapagod"

"So hindi muna today, love?" humarap ako sa kanya at yumakap sa kanyang leeg. He planted a soft kiss in my forehead before burying his face on my neck.

"I'm so in love with you, Madox." he whispered. "Do you want to sleep first? Dinner date tayo mamayang gabi" inikot nya ako at swinay ulit. Napatawa ako habang sumusunod sa pagsasayaw nya sa akin.

"Okay, pero bihis lang ako"

"Dito ka na mag bihis" pilyo nyang sabi.

"Zarette!" Suway ko sa kanya.

"What? Nakita ko na yan, nahawakan, nahalikan at higit sa lahat, akin yan." natawa nalang sya nang marahan ko syang kinurot sa tagiliran. "Hal, nakita ko na yan eh. Behave lang ako dito habang nagbibihis ka, promise!" itinaas nya pa ang kanang kamay nya.

Napairap ako habang inaabot ang zipper ng dress ko sa aking likod. Agad naman syang pumunta sa likod ko at sya na mismo ang nag unzip nito.

Dumampi ang mainit nyang labi sa exposed kong balat na agad naghatid ng init sa buong katawan ko. Iniharap nya ako sa kanya at agad akong nakaramdam ng pagkahiya.

"Don't be shy my love, I've seen all of you and you're damn beautiful. Inside and out" iniyakap nya ang kamay ko sa bewang ko at pinaulanan ng halik ang leeg ko.

"Magbihis ka na misis bago pa ako makaisa." Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nya bago sya tumalikod at pumuntang banyo.

"Sumakit tyan?" bulong ko sa sarili habang nagbibihis. Malamig ang klima ngayon, kung hindi ako nagkakamali ay nasa fifteen degrees ang temperatura.

Papikit na ako nang lumabas si Zarette mula sa banyo, half naked and dripping wet from shower.

Napapikit ako nang alisin nya ang twalya na tumatakip sa ibabang parte ng katawan nya. Humalakhak lamang sya at binato pa sa akin ang twalya. "Zarette!" Saway ko sa kanya.

"Nakita mo na ito eh, takip takip pa mahal kahit sumisilip naman." mas lumakas ang halakhak nya habang ako ay namumula na sa hiya. Aba itong isang to! "Ang pervert mo talaga kahit kailan!"

"Madox, mag asawa na tayo don't be shy my love" patuloy na pang aasar nya sa akin. Nagtalukbong ako ng kumot dahil sa hiya habang sya ay humahalakhak pa rin habang nagbibihis. Yumugyog ang kama dahil sa pagsampa nya, marahan nyang inalis ang nakatalukbong na kumot sa akin at agad na bumungad ang maganda nyang ngiti.

Inihipan ko ang buhok na tumatakip sa mukha ko na agad nya namang inayos. Pinisil nya ang pisngi ko bago hinalikan ang noo ko.

"Thank you for being here with me, hal" humiga sya sa tabi ko at pinagsalikop ang mga daliri namin.

"Ako dapat yung mag thank you, kasi hindi mo ako binitawan kahit kailan" I felt my eyes watered, umunan ako sa dibdib nya at yumakap naman sya pabalik sa akin.

"Paano ko gagawin yun? Di ako makatayo dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo, talikuran ka pa kaya? Saka sure bet naman na akin ka, gagawin ko lahat para sayo, and hard work does pay off" he smiled triumphantly. "Hindi ka nagkagusto sa iba kahit kailan?" Usisa ko. Naramdaman ko ang pag iling nya bilang sagot.

"Wala. Naaattract lang ako, nagagandahan pero hanggang dun lang. My heart is only for you, hal."

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Talaga lang ha? Ang dami kong nabalitaan na madaming nagkakagusto sayo"

"Gusto nila ako" he put a strong emphasis sa "nila" I rolled my eyes and pinched his nose.

Buntong hinga nya ang bumasag sa katahimikan naming dalawa. Humigpit ang yakap nya sa akin, maging ang mga binti nya ay nakayakap sa pangibabang bahagi ng katawan ko. "Miss na miss kita" mahina syang tumawa pagkatapos nyang sabihin iyon. Miss na miss ko rin sya kahit pa araw araw naman kaming magkasama.

"Kahit anong mangyari 'wag mo na ulit akong bibitawan ha?" Napansin kong may nagbabadyang papatak na luha mula sa mata nya, he smiled faintly amd wiped off those tears. "Baka hindi ko na kayanin"

"You've already given me so much reason to hold on Zarette, bakit kita papakasalan kung bibitawan lang din naman kita diba? Wala nang bitawan to"

He kissed my head and hugged me tightly. Pumikit na ako dahil ramdam ko na ang pagkapagod ng mata ko.

"Sleepwell hal" he whispered.

"What a beauty" bulalas nya nang makarating kami sa Grand Canyon, ito ang paborito kong pasyalan sa Vegas kaya dito ko sya dinala.

"Dapat pala dito ako nagpropose sayo" hinapit nya ako sa bewang at humalik sa ulo ko.

"Okay lang yun, maganda din naman doon sa beach kung saan mo ako inalok ng kasal"

"Hal, gusto mo bang ikasal ulit?" Inikot nya ako at hinarap sa kanya, his hands are resting on my waist.

"Kakakasal lang natin three days ago" ngumuso sya saka tumingin sa aking mata.

"Every girl deserves a church wedding." my heart fluttered even more when he smiled.

"Mag ipon muna tayo para dyan, okay ba yon?" he smiled and didn't say a word. Inikot nya nalang ako at sinandal ang ulo sa aking balikat.

Its our third day here in Vegas, dinalaw na rin namin ang ilang relatives ko dito. Gustong gusto nila si Zarette, in fact ang pinsan kong naglilihi ay tila pinaglilihian ang aking asawa.

Magkahawak kamay kami habang tumitingin ako ng mga make up na pwede kong ipasalubong sa aking marias, habang sya sumusunod lang sa akin at nakikiupo sa high chairs kapag nag tatry ako ng mga testers. "Wala kang pasalubong kila Kiko?"

"Sapatos daw. Tingin nalang tayo mamaya"

"Sige, upo ka lang dyan may tignan lang ako ha?" Paalam ko sa kanya, pupunta ako sa kabilang shelf dahil may nakita akong mga lip products doon.

Paalis na ako nang hilain nya ang kamay ko, napasandal ako sa dibdib nya at agad naramdaman ang mahigpit nyang pagyakap.

"I love you, my wife" humalik pa sya sa noo ko saka kumindat.

"Ikaw talaga, hintayin mo ako dito ha? Sa kabila lang ako. I love you more Zarette, my husband"

"Hello, do you have wipes?" tanong ko sa saleslady pinakita ko sa kanya ang swatches sa kamay ko saka ang mga napili kong lip products.

"I'll take all of these" ngumiti naman sya at inabutan ako ng wet wipes.

"I saw a handsome guy sitting near the mirror" napalingon ako sa kinauupuan ni Zarette dahil nakaupo sya sa harap ng salamin, mag isa lamang sya doon at tila naglalaro sa kanyang cellphone. "Hindi naman siguro sya" bulong ko sa sarili ko. Pero nang makuha ko na sa saleslady ang bibilhin ko ay nakita ko ang tatlong babae na nagpapapansin sa asawa ko.

Seryoso lang sya sa harap ng mga ito habang nakahalukipkip.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"One group picture will do. Please mister" sabi nang tila lider ng grupo. Nakapigtails silang tatlo at revealing top and short skirts.

Sumandal muna ako sa katapat na salamin at pinanuod kung anong gagawin nila para makapagpapicture sa asawa ko.

"I'm married" nag igting ang panga nya na hudyat na medyo inis na sya.

"But your wife isn't here. Besides its only a group picture, unless you want more" Aba! Kakapal! Ganda kayo?

"Actually my wife is watching us. If you want to get killed then continue pissing her off"

Lumingon silang apat sa akin. Tinaas ko ang isa kong kilay para kunwari masungit kahit pa gusto kong humagalpak sa tawa.

"Excuse me ladies" aniya saka lumapit sa akin. Hinapit nya ako sa bewang at hinalikan bigla sa labi.

Hindi ko napigilan ang sarili kong humalik pabalik. Kumapit ako sa balikat nya dahil ramdam ko na ang panghihina ng aking tuhod. "Hinayaan mo talaga akong mapaligiran ng mga iyon" aniya nang pakawalan ang labi ko.

"I know you can handle them" kumapit ako sa braso nya at nilagpasan namin ang mga babae.

Dumiretso na kami sa cashier para magbayad. Palabas na kami nang itulak ako ng lider ng mga babae kanina. Itutulak pa sana ako ng isa nang hilain ako ni Zarette. "Stop playing around kids, stop acting like adults when you all look like twelve" buti na lang at napigilan ko ang pagtawa, he lowkey insulted those girls!

"Grabe ka!" tuluyan ko ng pinakawalan ang kanina ko pang pigil na tawa. Umakbay lang sya sa akin habang bitbit ang pinamili naming dalawa.

Busy kami sa panunuod nang bigla kong kapain ang bulsa ko para hanapin ang aking cellphone. Naalala ko lang, siguro dahil namimiss ko ang mga bata.

Kunot noo kong tinignan ang aking screen, may sampong missed calls galing kay mommy at daddy, lima kay Prim, pito kay Aveline at sandamakmak na text galing kay Bree. "Tumatawag sila Mommy." agad namang kinuha ni Zarette ang cellphone nya na nasa table na iniwan nya kanina bago kami umalis para mag mall.

"Sila mommy din" aniya sabay pakita na may tawag rin sa kanya.

Inisa isa ko ang text ng buong barkada pati na rin sila Mommy at Daddy.

Wala akong ibang naiintindihan kundi Nawawala, Nyx at Kiel, si Amaryllis. Pakiramdam ko ay sobrang bobo ko dahil walang naiintindihan ang utak ko sa aking nababasa o sadyang di ko kayang intindihin ang mga text na iyon. Napamura ako nang mapagtanto at mapagtagpi tagpi ang mga text nila.

"Nawawala sila Kiel! Si Amaryllis" kabado at naiiyak kong sabi kay Zarette, he already knew it dahil nasilip kong tumatawag sya sa kakambal.

Nanginginig ang kamay ko habang pinipindot ang call button para tawagan si Mommy. Dalawang rings lang ay sumagot ito agad.

"Anak umuwi na kayo, kinuha ni Amaryllis ang mga bata!" bungad nya, nag init ang gilid ng mata ko at tila nabingi ang tenga ko sa mga salitang sinasabi ni mommy. "Kailangan na nating umuwi" walang ekspresyong sabi ni Zarette. Hindi ko gusto ang nangyayari at ang pagiging kalmado ni Zarette. Alam kong nagpaplano na sya. "Sorry hal" sa wakas ay nag salita na sya pagkatapos ng halos dalawang oras naming pageempake, tapos na sya magpabook at bukas din ay uuwi na kami. "Sorry kasi naging gago ako, sorry kasi kung hindi ko pinaasa at kinausap pang muli si Amaryllis noon wala sigurong ganito"

Pinunasan ko ang luha ko at sumandal sa braso nya.

"Hindi. Sorry kasi hindi kita ipinaglaban noon, di sana tapos na ang gulo at namumuhay na tayo ng tahimik ngayon. Sorry kasi hindi kita pinakinggan, hinayaan kitang mag isa sa laban." "Pangako ko laban na natin 'tong dalawa at tatapusin na natin 'to. Babawiin natin ang mga bata"

Ako man ay nasurpresa sa pagiging kalmado ko, siguro dahil kampante ako na matatapos na ang gulong ito at malalagpasan namin ito. Kahit pa deep inside me gusto ko nng magpakahisterikal, but that won't help us.

Mababawi namin ang mga bata at sana mabulok sa kulungan ang babaeng iyon. Hindi ko ito papalagpasin pa, sisiguraduhin kong pagsisisihan nya lahat ng ginawa nya sa pamilya ko, lalo na sa buhay ni Zarette.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.