Chapter 41-Mine Alone
Tahimik lang akong nanunuod kung paano nila i-set up ang cctv sa bahay. Si Ryan ang nagtuturo kung saan dapat ilagay ang mga ito para makakuha ng maayos na anggulo. Nakatawag na rin si Zarette sa agency para kumuha ng security guard, dadating ang mga ito bukas.
Ang mga bata ay malayang naglalaro sa tabi ko, busy si Nyx sa pag suklay sa laruan nyang doll at si Kiel naman ay naglalaro ng laruang sasakyan nya.
I ruffled Nyx's hair bago nagpakawala ng malalim na buntong hinga.
"Mga anak sorry kung madadamay kayo sa nangyayari" bulong ko sa sarili ko. Kiel stood up and handed me his toy. Umupo sya sa lap ko at humawak sa kamay ko.
"Play mommy" aniya, ngumiti naman ako at pinagulong ang laruan nyang sasakyan sa sahig. "Sainyo ako kukuha ng lakas at tapang" pagpapatuloy ko.
Pinipilit kong maging matapang at matatag pero di nawawala ang takot sa aking dibdib. I know what Amaryllis is capable of, panigurado akong gagawin nya ang lahat makuha lang si Zarette sa akin. And I won't let her win this time. Akin si Zarette, sa amin sya ng mga bata.
Kahit saan ay may kasunod kaming body guards. Kahit ngayong cake tasting namin. Plano kasi ni Zarette ay before the year ends mga December 30 ang kasal. Tentative date pa lang naman.
Buhat ko si Nyx at si Zarette naman ay si Kiel. Nagkukulitan pa ang mag-ama ko habang naglalakad kami. But I felt Zarette's hand reaching for my hand.
"Cake! Cake! Cake!" Kiel chanted while waiting for the cakes. Mint chocolate, nutella, vanilla, fruit and chocolate cakes ang inorder namin. But I know that we will surely pick the nutella or the chocolate one dahil paborito ito ng mga bata. "Kung gusto nyo naman ng hindi masyadong messy since you have kids we can always make white chocolate cakes naman." ngumiti si Tita Light, ang kapatid ni Tito Dark na kaibigan ng magulang ni Zarette.
Bata palang kami ay sa kanya na nagpapagawa sila Tita Penelope ng cake tuwing Birthday ni Zarette at Prim, Zades at Zephryne kaya sya nalang din ang kinuha namin para sa cakes sa kasal.
Our restaurant will of course sponsor our catering service.
"Oo nga po, our kids like to play while eating chocolates." sagot ko sa suhestyon nya. Mabuti na rin iyon, malikot ang kambal lalo na kapag kumakain si Kiel.
She smiled at me bago nag sulat sa kanyang notebook. "Okay then, next week pwede kayong bumalik para tikman ang gagawin kong cake para sa kasal ninyo"
She gave us a warm smile bago sinarado ang notebook nya. Bumeso ako at si Zarette bago kami nagpaalam kay Tita Light.
Nag take out kami ng cakes at cupcakes. Ang cake ay iuuwi sa bahay habang ang cupcakes ay dadalhin namin kay Baby Zeve.
Pag dating namin ay napansin ko agad ang upuan na nasa harap ng puntod ni Baby Zeve. Natandaan ko kasi na niligpit namin ang lahat ng ginamit na upuan bago umalis noong nakaraan.
"Hindi ba niligpit natin lahat?" tanong ko kay Zarette, nakakunot noo nito na tila ba nagtataka rin. Tumango sya at tila inalala ang huling bisita namin kay baby Zeve.
"Baka bumisita sila mommy o sila Prim" he reached for a chair at itinabi iyon sa upuan na hindi naayos. Tumango nalang ako dahil baka nga naiwan lang nila mommy Penelope yun. "Hello there son" bati ni Zarette saka hinaplos ang puntod ni baby Zeve. Inilagay ko naman sa harap nito ang cupcakes at ang bouquet ng bulaklak. Hinaplos ko ang lapida at dinampian iyon ng halik. Nagtagal kami doon ng thirty minutes, naglaro pa ang kambal habang kami ni Zarette ay nakaupo lang at nanunuod sa magkapatid.
Nagpalit ako agad ng damit at bumaba para kausapin si Zarette. Nasa harap sya ng kanyang laptop at may binabasang financial report, habang sila Prim naman ang lumalaro sa kambal. Pagkadating namin sa bahay ay andito na sila. "Za, pwede ba tayo mag usap?" Umupo ako sa armrest ng sofa chair na inuupuan nya at umakbay sa kanya. Isinantabi nya agad ang laptop nya at ibinalot ang isang kamay nya sa bewang ko, he pulled me at napaupo ako sa kandungan nya. "Ano yun, hal?" he kissed my head at fixed my hair.
"I don't want to sound so Paranoid but can we put a cctv on baby Zeve?" walang paligoy ligoy na sabi ko. I can't stop thinking about that chair, dahil alam kong liligpitin iyon nila mommy Penelope.
He looked at me before exhaling heavily. Tumango ito at humalik sa noo ko.
"I'll do everything that can give you a peaceful mind. But can I ask why?"
"Zarette, hindi kasi ako mapakali eh. What if Amaryllis is visiting Zeve? Paano kung binabastos nya ang puntod ng anak natin? I just want to protect our baby, kahit wala na ang baby natin"
"Okay" he breathed heavily. Napanatag ako lalo na nang senyasan nya si Ryan at sinabi ang hiling ko. Ryan agreed at agad tumawag sa department nila. Iyon ang naging business ni Ryan he sells security and surveillance equipments lalo pa at iyon ang forte nya.
Bukas na bukas ay ikakabit ang surveillance cameras sa loob at labas ng bahay kung saan nakahimlay si Baby Zeve.
I know I am being too paranoid pero iniisip ko palang na dinadalaw ni Amaryllis ang anak ko ay parang kinakabahan ako. What if bumibisita sya dun at binabastos nya si Zeve? O sinisisi nya si Zeve? O kung ano man yun. I don't like the idea of her with my babies.
Panatag na ako habang pinapanuod silang nagkakabit ng surveillance camera sa loob at labas ng bahay ni Baby Zeve.
Nilapitan ko si Ryan at pinanuod ang ginagawa nya sa gilid. "Ano yan?"
"Secret camera" sagot nya. "Para may nakatago tayong camera"
"Hindi nyo ba napapansin yung kotse na yun?" Tinuro ni Ely ang kotseng nakatigil sa gilid ng isang malaking puno. Agad akong napalingon at napatingin sa sasakyan. It seems familiar. "Diba may parking space naman? Bakit naka park yan dyan?" Naglingunan sila sa direksyon ng sasakyan.
"Zarette!" Tawag ko ng biglang maglakad si Zarette papunta sa direksyon ng sasakyan, bigla nalang itong humarurot palabas gate ng memorial park.
"Si Amaryllis yun" aniya. He reached for my hand na tila ba ang haplos at init ng kamay ko ang magpapakalma sa kanya.
Napabuntong hinga rin ako at sumandal sa kanya. Ano ba to? Binabantayan nya ang galaw namin.
"Don't worry dude, I installed secret cameras. kung nakita nya man ang mga cctv na yan, yung nasa loob hindi nya yun makikita" paliwanag ni Ryan. Tumango si Zarette at bumalik sa ginagawa. "Ito yung tatlong cctv, ito yung limang secret cameras" nakaharap kaming lahat sa monitor kung saan pwede mapanuod ang makukuhanan ng mga surveillance cameras.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Nakauwi na kami at nakapagpahinga na. Nakikinig lang kami sa lahat ng sinasabi ni Ryan dahil sya ang may alam sa mga ganyang bagay.
"Okay I'll assign a guard to monitor everything, Thanks dude!" nag fistbump sila at nagtanguan.
We were busy preparing our dinner, habang ang boys ay nagkukulitan sa gilid habang nag gi-grill ng barbecue. Napatigil ako sa ginagawa ko nang matanaw na sumeryoso ang mood ni Zarette nang lumapit sa kanya ang isang taga monitor namin.
"Za, ano yan?" Usisa ko. Hinawakan nya ang kamay ko at inakay ako papasok ng bahay. Sumunod naman sila Ryan dahil mukhang seryoso ang nangyayari.
"Sir nawala ho, nag meryenda lang ho kami wala na po syang nakukuhang video" turo ni Kuya sa tatlong camera na nilagay namin sa harap.
"Okay naman yan kanina ah? Imposibleng nalaglag yang mga yan kasi nag drill ako ng butas para ikabit" sabi ni Ryan.
"Nag iwan ba kayo ng upuan? May upuan sa harap ni Baby"
Kung hindi pa sinabi ni Bree ay hindi ko napansin. Sa Hidden Cameras ay kitang kita na may upuang nakaharap kay Baby Zeve. Natatandaan ko pang inayos namin lahat ng upuan!
Ginapangan ako agad ng kaba, imposibleng sila Mommy yan dahil alas sais na kami umuwi.
Umupo si Ryan at maraming pinindot sa computer. Nire-rewind nya pala ang mga kuha ng mga cameras.
Zarette cursed when we saw Amaryllis hit the cameras with a baseball bat.
"CCTV pa kayo ha?" aniya bago hatawin ng hawak nyang pamalo ang isang camera.
Ngumiti pa ito sa pangalawang camera habang winawasiwas ang hawak nyang pamalo.
Maging ako ay napamura nalang rin ng itapon nya ang hawak sa gilid ng puntod ng anak namin. Tangina.
Kumuha sya ng upuan at umupo sa harap ng anak ko.
"Bawal na ba kitang dalawin, bata?" saka ito humalakhak."Bakit? Am I violating you? Naiistorbo ko ba pahinga mo dyan? Hindi naman diba? Grabe naman sila mag assume, wala namang masama na nagyoyosi ako dito o nag dadrugs diba?" tunawa syang muli at may kinuha sa bulsa. Sinindihan nya ito at hinithit.
"Bakit ikaw? Tanggap ka ng ama mo? Samantalang ang anak ko, hindi? Sabagay. Hindi nya nga naman anak ang anak ko"
Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ni Amaryllis. Its confirmed! Sa kanya na mismo galing
"Bitch!" Mura ni Prim. I crossed ny arms and process it all in. Tangina. Tangina talaga.
"Yung anak ko? Nasa magulang ko na. I don't want to take care of him dahil wala naman syang kwenta! I thought I can use him to have Zarette. Pero kahit anong gawin ko hindi nya maiwan iwan ang nanay mo!" sinipa nya lapida ni Zeve, napamura ako at napapikit.
What the fuck!
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Ako naman I did everything to have your father, ako naman ang nauna sa buhay nya ah! He courted me first! I ditched him because I was so afraid that he might break my heart! Dahil na rin sa masyadong strikto ang mga magulang ko. " Nagtaas baba ang balikat nya habang marahang pinupunasan ang luha.
"But ditching him led me to depression, jealousy, hate. Lahat! Depressed, because he was there with me through my dark days. Bata pa lang ako meron na akong suicidal tendency, lumaki akong kulang sa pagmamahal, lumaki akong depressed. Zarette was the one who saved me. Sya ang nalalabasan ko ng sama ng loob araw araw."
"I was so scared and was so reckless. Pinakawalan ko ang daddy mo kahit pa gustong gusto ko syang angkinin lalo na kapag may mga umaaligid sa kanya. He is mine. Mine alone. Hanggang sa dumating ang mommy mo sa buhay nya. Yung mommy mong wala ng mas bibilog pa sa mundo sa katabaan! But he loved her, flaws and all. And that killed me. That unleashed the demon in me."
"I hate my parents for being too strict, na kesyo they know what's right for me. I hate them for the fact that I have to marry someone that I don't like, kinasal ako para sa taong alam nilang makakatulong paangatin ang papalubog naming negosyo."
My jaw dropped upon hearing the words that she said. Kasal na sya? Kinasal na sya? Nagkatinginan kaming lahat, Zarette wrapped his arm around my waist as if trying to calm me down. I badly need this because my knees are trembling real bad.
Humalakhak si Amaryllis at sinampal ang lapida ni Zeve. Napa mura akong muli at napalitan ng inis ang kaninang awa na nararamdaman ko sakanya.
"I killed my husband!" She confessed. Tila nabingi ako sa narinig. She.. killed her husband?
Tila tumigil ang mundo namin sa narinig. No one dared to blink an eye. We were so shocked!
"I killed him because I hate him. Pumayag sya sa sitwasyon ng fix marriage kahit ayaw ko. He raped me at ang nagbunga yun! Of course hindi ko yun tanggap, kasi hindi sya ang gusto kong maging tatay ng anak ko! Pinagana ko ang utak ko at gumawa ng paraan, hinaluan ko ng date rape drugs ang inumin ng daddy mo. Yung nanay mo namang tanga, sya ang uminom! Nalaglag ang anak ko, pero nabuntis din ako ulit. Hanggang sa tila kakampi ko ang pagkakataon, natamaan ng droga si Zarette."
"Pero bakit... Bakit si Madox pa rin ang hanap nya!? Pero dahil tanga talaga ang nanay mo she thought something happened between me and Zarette, tagumpay! Umalis sya ng bansa!" para syang isang baliw na pumapalakpak habang nagkukwento. Tama sya, tanga ako nong mga panahong iyon. I tried to save myself without thinking of Zarette. Sarili ko lang ang naisip ko noon.
Zarette heaved a loud sigh. Napasandal ako sa kanya at nanatiling nanunuod. I badly need the truth coming from her.
"But he never cared for me, sinasamahan nya lang ako magpa check up pero ang text nya sa mga barkada nya at sa kapatid nya laging paghahanap kay Madox. He even asked for DNA test para sa anak ko mas pursigido syang patunayan na hindi sya ang ama ng anak ko nang bumalik si Madox."
"Here you are Zarette Jr. A truth slap for me, bakit ikaw hindi kwinestyon ng ama mo kung tunay ka ba nyang anak? Tinanggap ka nya agad, kayo ng mga kapatid mo. He's so unfair. Pero tama nga naman, hindi nya naman anak si Zander eh" "Ibinigay nya agad ang apelyido nya sainyo at mahal na mahal nya kayo agad. Now, I wanted to pull Madox into the black hole that I used to live in years ago. Gusto ko syang maging depressed hanggang sa ang huling option nalang nya ay bitawan ang ama mo. Or...."
She paused to laugh. Tawa sya ng tawa kahit wala namang nakakatawa. She's a freak! A psychopath!
"I could just kill Madox. I could just stab her to death. Katulad ng ginawa ko sa mister ko. Pagkatapos..." Humalakhak na naman sya habang nagkakamot ng ulo.
"Oh my gosh, baliw na sya" sabi ni Bree.
"...gagamitin ko ang mga kambal mo. Sasabihin ko sasaktan ko sila... O papatayin. Pero isang pakiusap lang sa akin ni Zarette baka bumigay ako" tumawa ito na tila kinikilig.
Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman pero nangibabaq ang takot ko hindi para sa sarili kundi para sa mga bata. Amaryllis confirmed that she killed her husband, hindi malayong pumatay sya para lang makuha ang gusto nya. "Kasi I am that obssessed. I am that submissive to your father. My weakness is Zarette. I am weak because I love him too much" nagsimula syang umiyak.
"I feel sorry for her but she's mentally ill. She's a threat, kuya!"
"I know. I won't let her ruin this family." sinandal nya ang ulo nya sa akin. "Not anymore" he whispered.