Flaws and All

Chapter 4-Goodnight



"I texted Prim, she would follow us after her practice. Let's go" aniya saka hinila ang kamay, para bang sumipa bigla ang puso ko. "Saan?" I asked.

"Home" mas lalong naghurumentado ang pagpintig ng puso ko ng dumampi ang mainit nyang kamay sa kamay ko, it's unexplainable.

Yung para bang alam mong ligtas ka, payapa. Habang naglalakad ay hindi ko maialis ang tingin ko sa aming mga kamay.

My hand fits his hand perfectly.

Ay teka, bakit ba ako nagiisip ng ganito? Bakit ko ba nararamdaman ito? Dahil ba crush ko sya?

Oh well, tama naman iyon. I should not be assuming things.

"Chairman, wala po akong damit. Saka yung gym bag ko nasa bahay pa❞ sambit ko habang papuntankami sa parking lot kung asan nakapark ang sasakyan nya.

"Dadaanan. And drop the Chairman, it's just the two of us here. No need for that" tumango lamang ako.

I blushed when he opened the door for me.

"A-ako ko na... Zarette" baka maheart attack ako sa sobrang lapit nya, ikakabit nya sana ang seatbelt ko.

He smells heavenly, tamang bango lamang pero iyong nakakaadik na bango.

Namayani ang katahimikan habang nagmamaneho sya, ako nagmamasid lang. Ang cool ng kotse nya, kasing cool nya. It's a matte black corvette. It suited his personality.

Nakasandal ang isang kamay nya sa pinto at hawak ang labi nya habang ang isang kamay ay nasa manibela.

Madaldal akong tao pero sa mga ganitong sitwasyon ay parang gusto ko lang tumahimik. Ayaw kasi ni Chairman ng madaldal o maingay.

Hanggang sa nakarating na kami sa bahay, bumaba na ako saka tumakbo sa loob.

Alam kong ayaw ni Chairman sa mabagal kaya binilisan ko nalang. Mabuti nalang kagabi ay prinipare ko na ang aking gym bag kaya pagkatapos kong magpalit ng shoes ay kinuha ko nalang sa gilid ang aking bag at bumaba. "Why are you running?" Naabutan ko sya sa sala at prenteng nakaupo, nasa harap nya ang isang baso ng tubig.

Mahilig sya sa tubig, hindi ko pa sya nakikitang uminom ng soda o juice.

"Ah, kasi baka ayaw mong naghihintay?"

"Who told you that? I am willing to wait, but since you're here already then let's go❞ tumayo na sya at inabot ang hawak kong bag

"Akin na, ako na Zarette"

"I can so I will" hindi ko mabilang kung ilang beses pa akong tumikhim bago binitawan ang bag.

"Tss" yun ang narinig ko sakanya bago sya nagmartsa palabas ng bahay.

"Tita, ihahatid ko nalang ho ang anak nyo mamaya. If possible sa amin na ho sana sya magdinner, tita."

"Okay Zarette, just please be the one to send her home" hinawakan ni mommy ang braso nya at ngumiti sa kasama ko, tumango lamang si Zarette at ngumisi pabalik.

Nilingon nya ako habang ng nakakunot noo, kaya sumunod na ako pagkatapos kong bumeso kay mommy.

"My, una na po kami" she waved at me goodbye bago ako tumalikod at lumakad papasok ng bahay.

Nilagay niya ang bag ko sa likod, pagbubuksan ko na sana ng pinto ang sarili ko pero ng mahawakan ko ang handle ay siya ring hawak ni Zarette.

His hand on my hand gave me this unexplainable feeling again whenever he touches my hand.

Iniwas ko ang tingin ko at inalis na rin ang kamay ko para sya na ang magbukas, pigil ang hininga ko ng ayusin nya at ilagay ang aking seatbelt. "Chairman, I can do this. You don't have to do this" sabi ko sakanya habang nilalagay nya ang seatbelt ko.

Hindi ko alam kung narinig nya iyon dahil sa sobrang hina ng pagkakasabi ko, tensyonado ako lalo na ngayong sobrang lapit ng mukha nya sa akin.

I can see how brown his eyes are and how his facial muscle moved when he clenched his jaw.

"I can so I will, do I have to remind you that always? I need to take care of you dahil ipinagkatiwala ka sa akin ni Tita." Sinarado nya ang pinto at lumapit na sa side ng driver's seat.

Napabuga ako ng hininga habang nasa labas pa sya, hay Xochitl mark this date alright? Ang swerte mo sa araw na ito. Hehe

"Chairman" tawag ko sakanya, pero hindi nya ako pinansin. Focus lamang sya sa daan, hindi ko rin makita ang mata nya dahil nakasunglasses sya.

"Zarette"

"Why?" Napatingin ako sakanya ng sumagot sya, lumingon rin sya sakin lalo na ng tumigil kami dahil pumula ang traffic light. "Uhm, anong ginawa nila sa girlfriend mo? Bakit mo sinuspinde yung mga kaklase ko?"

"I don't have a girlfriend" he said, matter of factly. Umabante na ang sasakyan at lumiko papunta sa isang pribadong village.

Namamangha parin ako tuwing andidito ako sa bahay nila.

The ambiance is very refreshing. Kulay mint green with a touch of black ang kulay ng bahay. Modern rin ang disenyo nito. Natanaw ko na naman ang swimming pool na hugis letter P.

"Oh, Xochitl. Good afternoon" bati sa akin ni Tita Penelope, bumeso sya sa akin at sinipat ako. "I see you're trying to lose some weight. Nako, no need. Your body is fine, hindi ba Zarette?"

Nilingon kami ni Chairman na ngayon ay kausap ang gwapo niyang ama.

"It is" sagot nito na tila ba narinig ang pinaguusapan namin, hindi ko napigilan ang pamumula ng aking mukha.

"Pero tita, I need to lose some weight. Dalaga na po ako at hindi na ito maganda. Isa pa po its for my health rin naman" tumango lang ito at ngumiti sa akin.

"But please don't lose too much" tumango naman ako at lumapit kay Chairman na nakaupo na ngayon sa sala.

"Maguumpisa na ba tayo?"

"Not yet. May iniluto silang carbonara diyan, gusto mo ba?" Biglang kumalam ang sikmura, Ano ba ang nakain ko ngayon? Iyong binili lang sa akin ni Prim at ang iced coffee ang natatandaan kong kinain ko ngayong araw na ito. "Did you eat well today? You should not skip your meals" tinagilid nya ang ulo nya at tinignan ako. Kumuha naman ako ng throw pillow at bahagyang niyakap iyon.

"I skipped breakfast, yung binili lang ni Prim ang nakain ko. Saka kanina nung naghiwalay tayo nakita ko si Daevon, nag iced coffee ako".

Kumunot ang noo nya bago tumaas ang isang kilay. Tumikhim sya at least tumingin muli sa akin.

"He treat you out for lunch?" He asked, umiling ako "I paid for my iced coffee. Nakakahiya naman kasi, he didn't offer to pay for my drinks naman" ngumisi sya at umiling saka bumulong bulong.

"Pag babae matic na babayaran, weak" napangiwi nalang ako kasi hindi ko naman naririnig yung sinasabi nya, yung "weak" lang ang narinig ko ng malinaw.

"Halika na, let's eat first. After thirty minutes, andito na siguro si Prim then we can start" sumunod ako sa kusina nila at umupo sa ikakawang upuan sa kaliwang parte ng mesa habang sya ang nasa kanan at katapat ako. "No need to worry about the food, it's healthy" aniya, tumayo sya at lumapit sa tabi ko para malagyan ang plato ko ng carbonara. Ngumuso ako at tinuon nalang ang tingin sa aking plato, why is he so gentleman today? Hindi naman ako nagrereklamo, it's just that it's weird. Alam nya kayang crush ko sya since childhood? O ganito lang sya kasi bestfriend ko ang kapatid nya? O kaya naman dahil kaibigan rin nya ako?

Baka naman crush nya ako?! Hay, Xochitl you wish!

Baka kasi ganyan lang sya sa mga babaeng malapit sakanya? Kasi pansin ko na kapag hindi kayo close ay hindi ito namamansin o di kaya naman ay malamig ang pakikitungo nya sa mga ito.

Sino bang mga babaeng close nya? Ako at si Prim lang naman, ata. Sa lalaki naman ay ang kanyang mga barkada lang at ang kanyang team ang kinakausap. Pero marami ring mga babaeng sumusubok na kausapin sya araw araw. He's like a star that is very hard to reach, kahit tumayo pa sa matayog na bundok ay mahirap paring abutin.

Swerte ang mapipili nyang mahalin, swerte rin naman ako at kaibigan ko sya dahil kahit papaano ay abot ko sya.

"Stop staring Madox, just eat" napakunot ang noo ko sa sinabi nya, sino si Madox? Luminga linga pa ako para kumpirmahin kung may kasama pa ba kaming iba, pero dalawa lang talaga kami dito. Hindi kaya may nakikita syang hindi ko nakikita? Omg!

"Sino si Madox? Tao ba yan? O multo? Zarette, takot ako sa mga ganyan!" Tinaasan nya lang ako ng kilay at binaba ang kanyang tinidor.

"Meadow Xochitl, Madox for short. It's my nickname for you, and it means that I am the only one who can call you that. Now eat" tumitig pa ako sakanya bago tinignan ang plato ko na may saktong dami lang ng pagkain, pasimple akong humawak sa aking dibdib para pakiramdaman ang naghurumentadong tibok ng puso ko.

He gave me a nickname and I like it!

"Just inhale before jumping, exhale after the jump" nagja-jumping jacks kaming dalawa, pagod na ako paano ba naman kasi ay nakakatatlumpong talon na ata kaming dalawa. I don't want to disappoint him kaya naman kahit hingal na ako ay sige parin.

Si Prim naman ay nasa gilid at nagyoyoga, mas gugustuhin ko nalang itong ginagawa namin kesa naman ang magsplit kasama ng bestfriend ko. Hindi ko kakayanin iyan!

"Okay, rest" napahawak ako sa magkabilang tuhod ko at hingal na hingal na lumapit papuntang couch at umupo doon. "Water" inabot sa akin ni Zarette ang isang bote ng tubig, nagpasalamat ako, tumabi naman sya sa akin at uminom. Mabuti nalang ay binigyan nya ako ng tubig, naubos ko ang laman nito at sinantabi na lamang sa gilid iyon.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

My thighs are on fire!

Lumapit sya sa lalagyan ng jumping rope at nagsimulang tumalon. Pinanuod ko kung paano tumagaktak ang pawis nya mula sa ulo hanggang leeg. Hindi ko na namalayang nakakagat na pala ako sa aking labi habang titig na titig sakanya. Para syang isang greek god, he's a gift to us women. He's indeed an eye candy. Ang sexy nya, sobrang hot.

Even his eyebags screams sexy!

Nanuod lang ako habang tumatalon sya hanggang sa bumagal na ang pagtalon nya hanggang sa tumigil na. Kumuha ulit sya ng isa pang tubig at tinungga iyon. I still can't get my eyes off of him, bawat pagtulo ng pawis nya ay pinanuod ko. I suddenly want him to change and wipe away his sweat.

Ano kasi, diba nakakaubo o sipon yung matuyuan ng pawis. Ayoko namang magkasakit sya kasi syempre wala na akong gym buddy. Si Prim na dapat ay gym buddy ko ayun at nagsosolo habang nagyo-yoga.

"Are you tired? Are you up for some more?" Mabilis akong umiling, hindi ko na kaya! And I think I can't stand now.

It's our second week of working out, pang pitong session ko na ito, pangapat kasama siya bilang aking trainor na rin.

"Hindi ko na kaya, sakit na ng hita ko❞ tumango naman sya at walang pasabing lumabas ng kwarto. Pinanuod ko lang si Prim habang nagyoyoga sya.

"Sit in tayo kila Kuya bukas diba?" Tanong nya bago umupo sa kanyang mat at naginhale exhale.

"Yup, yun naman ang sabi ng kuya mo. Grabe sya magalit ano? Sino kaya ang girlfriend nya?" Fishing for some information about his girlfriend, I bet she's the campus muse? Sino na nga ba ang campus muse, nakalimutan ko na. "Wala. I don't know who, ang alam ko wala. My brother is afraid of commitment so it's safe to say that he's single" tumango nalang ako at sumandal sa couch habang yakap ang throw pillow.

Imposibleng wala pa syang girlfriend, meron pero siguro secret lang. I've seen him with girls, yung mga girls na akala ko talaga girlfriend nya.

Tapos kinabukasan iba na naman ang kasama nya.

Pero ngayon wala na akong nakikita, maybe he's dating someone secretly.

Or he's not dating at all.

I'm really tired, gusto ko ng matulog. Kinuha ko ang gym bag ko at ingat na ingat na tumayo saka pumasok sa kanilang banyo. Dito nalang ako maliligo, kumpleto naman ang dala kong gamit.

Muntik pa akong makatulog sa banyo, nagpalit ako ng oversized shirt at shorts. Pagkalabas ko ay nakahiga si Zarette sa couch at yakap ang unan kong kanina ay aking yakap. He opened his eyes saka umayos ng upo.

"Hindi ka dapat nagsashower after work out, you need to cool down for twenty minutes mapapasma ka sa ginagawa mo❞ ngumuso lang ako at umupo sa tabi nya. "Dito ka na rin magdinner, I have to make sure you eat tonight. No skipping of important meals".

Hindi ko na napigilang mapangiti, he's very sweet today. Is this real? Panaginip lang ata ito. Ilang beses ko na bang nasabing mahirap syang abutin? Pero ngayon ay tila nasa ulap ako at kayang kaya ko syang hawakan. Ang hirap magpigil ng kilig!

"Kuya, ilang araw kaming magsisit in sainyo?" Tanong ni Prim habang kumakain kami, kasama namin sila Zephryne at Zades. Wala kasi sila Tita Penelope at Tita Zero dahil umalis para sa isang meeting.

"I'll be transfering the both of you to our class, I'm working on it". Napatigil ako sa pagkain, maging si Prim ay ganon rin. Hawak ko ang kutsarang may lamang pagkain habang si Prim naman ay napatigil sa pagnguya. Lilipat kami ng section? Teka, bakit? I mean, parehas na star section ang section na kinabibilangan namin pero dahil sobrang dami ng star section students ay hinati kami sa dalawa.

"Are you serious, Kuya?" Tango lang ang sinagot samin ni Chairman. I can't imagine how powerful he is, kaya nyang magsuspend at kaya nya ring maglipat ng estudyante sa ibang section? Ano pa kayang kaya nyang gawin bilang aming Chairman?

"Yes I am, now eat." He ruffled Zephryne's hair bago muling sumubo ng pagkain. Ang ganda nyang tignan kasama ang mga bata.

He's so adorable.

"Prim, ihahatid ko lang si Madox" kumunot ang noo ni Prim sa amin, nakipagagawan rin sa akin si Zarette ng hawak kong gym bag.

"Sino si Madox?" Naguguluhan nyang tanong, maging ako ay nahihiwagahan parin sa pagtawag nya sa akin ng ganon. Pinasadahan nya lang ng kamay ang kanyang buhok.

"Meadow Xochitl, Madox for short. Don't dare to call her that way, stick to Xochit!!" Napa 'oh' nalang si Prim sabay ngisi sa akin.

Tahimik na naman kami habang nasa byahe, gusto ko i-open ang stereo nya pero nakakahiya naman kung mangengealam pa ako. Maybe he likes driving this way, yung walang ingay, walang distractions.

Huminto sya sa tapat ng gate namin, inabot nya mula sa backseat ang aking gym bag. Bubuksan ko na sana ang pinto ng hawakan nya ako sa braso.

"I'll text you later, text as fast as you could."

"H-ha?" Gusto ko lang makasiguro kung tama yung naririnig ko o guni guni ko lang ang aking narinig.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Sabi ko magtext ka agad kapag nagtext ako" bahagya syang ngumuso at umiwas ng tingin. Kahit tagalog ay parang nahirapan akong iproseso iyon.

"Kelangan ko pa ulitin?" Umiling ako sakanya, he's avoiding my gaze kaya naman ay tumingin ako sa kalsada namin saka binuksan ang pinto.

"Sige magtetext ako" I said, finally naproseso na ng utak ko. Kelangan kong replyan ang text niya, yon ang sabi niya. Okay, I will reply. Bakit hindi?

Hindi na ako dumiretso sa kusina kahit amoy na amoy ko ang ulam na Beef steak, nakapagdinner na ako kila Chairman at sapat na iyon. Gutom pa ako pero kung kakain ako sayang lang ang ipinawis ko. Pabagsak akong dumapa sa kama saka ko inabot ang paborito kong hotdog pillow, napabalikwas ako ng tumunog ang cellphone ko. Inabot ko iyon mula sa aking gym bag saka inunlock iyon. From: Chairman Z

I'm home

Napataas ang kilay ko, sa pagkakaalam ko ay sampong minuto ang byahe mula dito hanggang sa kanilang bahay. Kapag lalaki talaga gusto sila ang hari ng daan.

To: Chairman Z

Ang bilis mo naman magpatakbo.

Papikit palang ako ng tumunog ulit ang cellphone ko, inabot ko ito sa bedside table. Wala pa yatang isang minuto ay nagreply na ito.

From: Chairman Z

I only drive slow when I'm with you. Your safety is my concern.

Naginit ang pisngi ko, maging ang puso ko ay bumilis ang kabog. I'm not used to him like this, parati kasi siyang cold or sobrang layo. Tumunog ulit ang cellphone ko at pangalan nya ulot ang nagflash sa screen. From: Chairman Z

Are you going to sleep early? I'm going to take a shower.

Tumipa ako ng reply, sabi niya pala ay I should reply as fast as I could.

To: Chairman Z

Hindi pa. Baka magbrowse muna ako ng facebook or magpapaantok.

Inopen ko ang facebook app ko at nag log-in. Naalala ko, hindi pa ako inaccept ni Chairman. Matagal na nga iyon, siguro simula nung nagfacebook ako ay sila ni Prim ang una kong in-add. Sabagay ay sila lang rin naman ang pinakauna kong naging kaibigan.

Nagpop-up sa screen ang message nya.

From: Chairman Z

Okay, wait for me then?

Kahit hindi nya ako nakita ay napatango ako, mabuti nalang ay hindi pa naman ako antok kahit pagod sa naging routine naming dalawa.

Busy ako sa pagbrowse ng magpop-up ang sang mensahe na galing kay Daevon. Napangiti ako habang binabasa iyon.

From: DaevonAre you home?

Agad akong tumipa ng mensahe sakanya para sabihing nasa bahay na ako. Sinipat ko rin ang aking wall clock para silipin ang oras. It's already eight o'clock.

Inantok na ako kakabrowse pati na rin ang paghihintay sa reply ni Daevon. Matagal kasi talaga syang magreply, mabilis na ang sampung minuto. Pipikit na sana ako ulit ng tumunog ang cellphone ko. It's Chairman. From: Chairman Z

I will call.

Pagkatapos kong basahin ay tumunog ng malakas ang aking phone, Chairman Z flashed on my screen. Tumikhim pa ako bago sagutin ang tawag.

"H-hello?"

"Sleepy already?" He said, using his seductive bed room voice. Pinilig ko ang ulo ko at yumakap ng mahigpit sa unan ko bago ako humarap sa kabila side ng aking kama. "Medyo. Ikaw?" Humikab pa ako ng tahimik, nakakahiya kasi kung hihikab ako ng malakas.

"Yeah. I need to be in school early tomorrow for a meeting." Wala akong masabi kaya pumikit muna ako, hanggang sa hindi ko na namalayan pang nakaidlip na pala ako.

"Good night Madox" he whispered, pakiramdam ko ay may humaplos sa aking puso. Ngumiti ako kahit nakapikit na, inaakalang nasa isang panaginip lamang ako. "Good night Zarette"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.