Chapter 28-Jealous
Sa isang sikat na five star hotel and restaurant nya ako dinala, inalala ko hindi ko nakuha ang cellphone at wallet ko kaya wala akong kawala ngayon.
He ordered for us, ang mga paborito ko ang kanyang inorder. Gustong pumalakpak ng tenga ko sa tuwa, lalo na ng abutan nya ako ng isang kulay asul na rosas na hindi ko alam kung saan nya hinugot. Para ulit akong si Madox noong college na todo kilig kahit isang tingin nya lang sa akin.
"Two years, Madox. How's life?" panimula nya, nilunok ko muna ang nginunguya ko at uminom ng juice.
"Okay lang naman ako, okay na ako" I smilled bitterly at him.
Tumango naman sya.
"Kamusta kayo ni Daevon?" kumunot ang noo ko sa tanong nya. "Binisita kita sa Las Vegas, and I saw you two hugging before you waved at him good bye." napalunok ako at napainom ulit ng juice.
Binisita nya ako? What? Pilit kong inalala kung kelan ko ba huling nakita si Daevon, sya ang isa sa mga naging kasama ko sa Las Vegas noon.
"That was three months ago" aniya, nakahinga ako ng maluwag.
"We're okay." tumango naman sya "I mean, we're friends so we are good" paglilinaw ko, ewan ko ba kung bakit kelangan kong linawin iyon.
"Ikaw? Kayo ni Amaryllis?" tila tumabang ang lasa ng kinakain ko, tumabang din ang juice, tumabang din ang mood ko.
"Ikaw lang naman ang nag iisip na kami, kahit i-explain ko pa ngayon Madox would you listen? Would you believe? Hindi diba? So don't ask" ngumiti sya ngunit hindi umabot ang ngiting iyon sa kanyang mata.
"But I hope one day you'll listen wholeheartedly to my side too. Hindi yung puro iwas nalang, hindi yung puro takbo lang. Kelangan mo rin akong pakinggan"
"Nung gusto ko ng makinig ano bang ginawa mo? You pushed me away, Zarette. Hindi ako umiwas, hindi ako tumakbo, tinulak mo ako palayo"
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko, hininaan ko rin ang boses ko para hindi kami marinig ng ibang tao.
"Pero hindi ba ganun rin naman iyon, Madox. You pushed me away everytime I'm on my knees begging you to listen to me. Tinalikuran mo ako habang nakaluhod ako sa harap ng maraming tao, pinagsasarahan mo ako ng pinto kapag nasa labas ako ng kwarto mo" uminom sya sa kanyang baso saka kinagat ang pang ibabang labi nya, I tried to restrain my self to stand and walk away.
"I sent you away because I grew tired of you pushing me away, napagod rin ako pero hindi ibig sabihin non gusto ko ng tumigil. Kinabukasan wala ka na, nakalipad ka na agad paalis ng bansa. Iniwan mo na naman ako, sa di ko na mabilang na pagkakataon."
"Hindi mo man lang naisip na baka nasasaktan rin ako? That I need a break from all of the shits and rejections too. Pero andito pa rin ako, Madox. I'm just here"
"I just wish you knew how much it destroyed me when you left me alone and I needed you the most" his voice cracked and my heart constricted that it hurts so much.
"Gusto ko ng bumalik sa office" pag putol ko sakanya, I'm still not ready for this. Hindi ko alam kung kelan ba ako magiging handa.
Nasasaktan ako, nasasaktan parin ako tuwing naaalala ko yung nangyari.
Umiling lang sya bago naglapag ng pambayad sa kinain namin saka sumenyas sa waiter na aalis na kami.
Gustong gusto ko ang amoy ng loob ng kanyang bagong sasakyan, it smelled like him. Manly and fresh.
Naalala ko nakailang bili ako ng maliit na bottle ng perfume nya noong nasa vegas ako, gustong gusto kong i-spray iyon sa unan namin.
Tahimik lang kami sa sasakyan, sa sobrang tahimik ay nakakarinig na ako ng kung anong tunog na nililikha ng utak ko.
Hinatid nya ako hanggang sa aking opisina, hindi nakaligtas sa akin ang ilang pag tingin ng mga empleyado namin sa amin, lalo na dito sa kasama ko.
Napapalingon ang ilang mga serbidora, crew at pati mga kumakain.
And its aggravating for an unknown reason. Naiirita ako na napapansin sya ng mga tao, lalo na ng mga babae. Hindi ko alam, basta naiirita ako!
Nag paalam ako sakanya nang nasa harap na kami ng aking office, hinawakan nya ang braso ko para pigilan ako.
"May dalawang bagay akong nakalimutang ibigay sayo"
"Ano yun?" tanong ko.
Inabot nya sa akin ang isang kulay brown na envelope na may nakalagay na pangalan nya sa likod.
"Aanuhin ko to?" But he kissed my cheek instead.
Naiwan ako doon, tulala, nakahawak sa envelope ang isang kamay at ang isa ay ang pisngi kong hinalikan nya. Tila may karera na naman ng mga kabayo sa dibdib ko, damn it!
Katulad ng tibok ng puso nya ay hindi rin sya mapakali. Hawak nya ang envelope na makakapagsabi sakanya ng katotohanang gustong gusto nyang malaman.
But she's still the same coward, Madox. Takot na takot sya sa katotohanan, because the truth can hurt us too.
"Shit, sa bahay na nga lang." she told her self.
Hindi naman talaga umalis si Zarette, nasa parking lang sya at tinitingala ang dating kasintahan.
Pinili nyang mag parking sa parteng iyon dahil mula doon ay nakikita ang dalaga dahil sa tapat ng bintana ang table nito.
Nakita nya kung paano pagmasdan ng dalaga ang envelope, kung pano nya ito ipinaypay sa sarili at bakas sa mukha nito ang kaba.
"She's damn beautiful" aniya sa sarili.
Hindi nya naman gustong magalit sa dalaga kanina, pero kahit sya na ang tumatawag para itanong kung bakit kanselado na naman ang meeting ay tila walang pakealam ang dalaga doon. Naghalo na ang lahat, ang stress mula sa palpak na financial meeting, sa pagiisip nya kay Madox at ang pagkansela nito ng mga meetings nila.
Like she wants to drive him off again. For the nth time.
And God knows how he repressed his self from telling her everything. Gusto nyang sabihin sakanya ng harapan, yung isang bagsakan lang. Lahat ng sakit, katotohanan.
Alam nya sa sarili nya na kahit bulyawan nya pa si Madox ay hindi ito makikinig.
"I'm always Yours" bulong nya sa hangin bago sumakay sa kanyang kotse.
Kanina pa nagngingitngit si Zarette sa tabi, bulong ng bulong tapos kapag tatanungin ko kung bakit magsusungit.
"Kung hindi lang para sa business namin kanina pa ako nag walk out" sabay roll eyes ko sakanya.
"Tss" saka sya bumulong ulit, God knows how I want to spank his face right now.
Maya maya ay nakarinig ako ng sipol nang may dumaang truck sa likod naming dalawa.
"Hi miss, sexy sexy!" umirap nalang ako at nagkibit balikat. Nasa harap kasi kami ng ginagawang building para sa restaurant.
"Wow pare, yummy nung legs oh" napahimas si Zarette sa sentido nya habang ako nagkibit balikat nalang kahit sa loob loob ko ay gusto ko ng magpalit.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Fuck" rinig kong mura nya nang may sumigaw ng mura patungkol sakin sa likod namin, hinapit nya ang bewang ko at kinaladkad ako papunta sa sasakyan nya.
"Get in" kahit hindi ko alam ang nangyayare ay napasakay nalang ako, hindi ko pa nasasara ng mabuti ang pinto ng paharurutin nya ang sasakyan.
"Zarette, ano ba? Anong problema mo?"
"Ikaw! Kanina pa ako nabwibwisit sa suot mo, kanina pa ako nabwibwisit sa mga lalaking pumapansin sa suot mong yan!" bulyaw nya.
Tinignan ko ang suot ko, I'm wearing a nude bodysuit, a white distressed short and a laced kimono with my pink valentino shoes. Bree styled my hair with this cute head scarf. "Excuse me, disente naman ang suot ko ah?"
"Disente? Kitang kita na yang hita mo, yang legs mo. I can even see your cleavage! Kung nakikita na kaharap lang kita paano pa kaya yung mga trabahador na nasa taas at gumagawa ng building?" Napatakip ako sa dibdib ko at natahimik. Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko, I felt the awkwardness too.
"B-bakit mo kasi titignan? E di iwasan mo! Pervert!"
"Im not a fucking pervert!" pagalit nyang sabi, I can see his veins habang hawak ang manibela.
"So saan tayo pupunta? Pwede bang dahan dahan? May hinahabol ka ba--aray!" bigla itong prumeno at bumaba ng kotse, in a blink of an eye hawak na nito ang kwelyo nang lalaking nakasakay kanina sa isang truck na nag "Fuck you miss". Dali dali akong bumaba ng kotse at umawat kay Zarette, ilang beses na nitong nasuntok ang lalaki na mukhang nagulat sa biglang pagsulpot ni Zarette mula sa likod nya lalo pa at kabababa nito sa truck.
"Gago ka! Halos sambahin ko tong babaeng kasama ko tapos babastusin mo lang!"
Hindi na nakapalag pa ang lalaki, duguan na ang gilid ng bibig nito ng maawat ko si Zarette. His cheek is swollen too.
Kabadong kabado ako lalo pa at ayaw pang paawat ni Zarette. Hinarap ko sya at yumakap sa kanya para pigilan ang pag atake nya sa lalaki. The poor man had enough.
Abot abot ang paghingi ng paumanhin ng lalaki sa aming dalawa lalo pa at kinausap ni Zarette ang manager ng pinagtatrabahuhan nito. Pilit ko namang kinakalma ang kasama ko, pero hindi naman nya ako pinapansin o kinakausap. "Zarette, hindi mo na dapat sinugod. Hindi ko na nga pinapansin--
"Kung ikaw hinahayaan mo ako hindi! Hindi ko hahayaang mabastos ka, ano ako? Gago? Inutil?" kalmado ngunit may bahid galit nyang sabi.
"Hindi ko naman sinasabing ganon pero paano kung mapaaway tayo dun?"
"Anong tayo? Away lalaki yun, hindi ka kasali. Uulitin ko Madox, walang pwedeng bumastos sayo hangga't nasa tabi kita"
"Mapapahamak ka sa ginagawa mo eh, kumalma ka na"
"Paano ako kakalma? You're still wearing those damn clothes!"
"Walang problema sa suot ko, Mister. Ang problema yang mga lalaki na bastos, don't start with the victim blaming nga. Hindi ko naman ginustong may mangyaring ganun" pag e-explain ko.
"Hindi ko sinasabing kasalanan mo, may mali lang talaga sa suot mo Madox. It's too short! Hindi tulad sa America na normal ang pagsusuot ng ganyan, iba dito. Nagkalat mga hayok sa laman, nagkalat ang bastos. Atleast wear some decent clothes, hal. Lalo at nasa labas tayo"
Natahimik nalang ako, tila may kung ano sa dibdib ko ng tawagin nya ako ng "hal". Napansin ko nalang na tinatahak na namin ang daan pauwi sa bahay namin.
"Hindi pa ako uuwi" pagbasag ko sa katahimikan.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
"Just change your clothes, please. We'll have our lunch later." tingin ko ay medyo kalmado na sya.
Dumiretso ako ng guest room at tumingin ng maidadamit. Napili ko ang isang tank top, kimono at denim pants.
"Okay naman na siguro to?" sabat sipat sa repleksyon ko sa salamin. Nang makuntento ay nagpasya na akong bumaba.
"Anak" napalingon ako at nakita si manang sa gilid. "Andyan si Zarette sa baba" aniya.
"Opo manang, kasama ko po." napangiti na lamang si manang, ngiting may gustong sabihin.
"Manang"
"Wala pa akong sinasabi anak." may ngiti nyang sabi.
"Eh yung ngiti nyo po eh. Its for the business po"
"Business nga lang ba? Kayong dalawa alam nyong may pag asa pa pero tinatapon nyo ang pagkakataon. Aba, hindi na kayo bumabata, nagsasayang kayo ng oras."
"Hindi mo matatakbuhan ang naghahabol na tadhana." pahabol pa nya bago pinisil ang braso ko at umalis.
Napabuntong hinga nalang ako at bumaba na sa sala.
He's sitting comfortably at the couch habang umiinom ng tubig, same old Zarette who loves drinking water.
Napalingon nya nang madinig ang pag tikhim ko. Tinitigan nya nya ako mula ulo hanggang paa bago bumuntong hinga.
"Damn, beautiful" I blushed when I heard him whisper those words. Napatingin nalang ako sa malayo bago sya inayang umalis.
Sa restaurant na kami kumain, dumating kasi ang ilang chefs na kinuha sa agency para sa pinapatayo nilang branch. Susubukan namin kung pasok ba sa panlasa ang luto nila. Nagustuhan naman namin ang kanilang luto, they were trained by my dad before he left for their vacation. May agency kasi kami na nagte-train ng chefs, servers etc.
"So its final? Sila na ang kukunin mo for the branch?" I asked, he nodded as an answer umiinom kasi sya ng tubig bago nagpunas ng bibig.
"Maam" tawag sa akin ng isang server sabay abot ng isang bouquet ng bulaklak. "Pinapaabot po ni sir" sabay turo sa lalaking nasa gilid.
Si Daevon.
He wave at me so I waved back, sinundan ni Zarette ng tingin ang kinawayan ko pagkatapos ay nagtiim bagang.
"Hey" bati ni Daevon pagkalapit. Tumango siya kay Zarette at ganon din naman ang tugon ng isa.
"Kumain ka na?" tanong ko.
"Yup, I'm with my mom" sagot nito. "Kamusta dude? Long time no see" baling niya kay Zarette.
Zarette just smirked bago binalingan ang kanyang baso at uminom.
"I miss..." ngumiti sakin si Daevon nang panlakihan ko sya ng mata. "you"
I faked a laugh just to diminish the awkwardness. Zarette was all serious, magkasalubong ang kilay at nakahalukipkip.
"Okay, I have to go. Ikamusta mo nalang ako kay you know who" sabay kindat sakin.
"Does he really have to do that infront of me?" sabay tusok ng kutsilyo sa kanyang steak, napaigtad ako at natahimik.