Chapter 1-Simula
"Ma, can you order me some donuts? Or truffles?" She is combing her hair while looking at her reflection. "Ikaw kuya, what do you want?" Nilingon nya ang kapatid na busy sa paglalaro ng Ps4 at hinihintay sya. Twenty minutes nalang at paniguradong late na sila, kelangan nya pang magkilay!
"I'm okay, I'm full. We have truffles in the fridge, huwag mo na utusan si Mommy. And please Prim hurry up, we're getting late!" Ngumuso lang sya sa sinabi ng Kuya, maging sa bahay ay nasusunod ang kuya nya, he's that authoritive. "Okay po Chairman Serious Black" hininto ng kambal nya ang paglalaro at tinignan lang sya ng masama.
"Come on, Prim. Tara na." Iritado nitong sabi, napatay at naayos na nya ang ps4 pero hindi parin tapos ang kapatid sa pagkikilay
"You know what? You look prettier when you're not wearing any make up on. Let's go!" He snatched his bag from the sofa saka sinukbit sa kanyang likod.
Prim looked at her reflection for the last time bago kinuha ang bag saka sinabit sa kanyang balikat
"Okay let's go!"
"Good Morning Ms. Prim, Mr. Serious black" bati ng mga nakakasalubong nila. Ngumingiti lang si Prim at paminsan minsan ay bumabati pabalik.
Her brother is the Supreme Student Council Chairman, he didn't run for the position though, he was just assigned by the school administrators.
Matalino kasi ang kuya niya, isa pa the students would bow down to him, authoritive, malakas ang dating.
Idagdag mo pang halos sambahin sya ng mga babae dahil sa kapogian nito. I know that sounds crazy, but it's true.
While being in the school officials is not her cup of tea, mas nanaisin nya nalang na maging school Muse.
Sya ang Muse ng kanilang Year level.
"Prim!" Agad syang napalingon ng marinig ang boses, nakita nya ang best friend nya!
"Xochitl!" Tawag nya agad sa kaibigan. Unlike her, ang bestfriend nya ay triple ng body size nya.
"Lumilindol!" Sabi ng mga babae na nasa likod nya, sinundan oa ito ng nakakatuksong halakhakan. The school mean girls, tumaas agad ang kilay nya at umirap sa mga ito. Hindi nya hahayaang ang isa sa mga ito ang magiging girlfriend ng kuya nya.
Yes, she knows that these girls likes her brother, paano ay nakatingin ang mga ito sa kapatid nyang nakapamewang, kulang nalang ay maglaway ang mga ito dahil sa kuya.
Ang kuya nya lang ang nakaschool uniform ng all black, that's why he's often addressed as Mr. Serious Black. Serious all the time and loves to wear something black.
"Oh, Good Morning Mr. Serious Black" bati ni Xochitl sa seryosong kapatid ng kanyang bestfriend "Good Morning" tumango ito bago sinuot ang kanyang aviator.
"Let's go, hatid ko na kayo sa room nyo" magkapareho lamang sila na star section pero dahil nahati ito sa dalawang klase magkahiwalay sila ng designated rooms.
"Xochitl, diba sabi mo gusto mo na magpapayat? Do you want to be my gym buddy? Sige na, para may kasama naman ako ulit. Iba na kasi anh routine ni Kuya eh" Xochitl pouted her lips bago nilingon ang kaibigan. Alangan sya, dahil una tinatamad sya, pangalawa ikakamatay nya ang pagod. Pangatlo, tinatamad talaga sya.
"Don't worry, sa bahay naman ang gym na tinutukoy ko" tumango na lamang sya, alam nyang wala syang kawala sa pangungulit ng kanyang bestfriend, isa pa totoo namang gusto niyang pumayat dahil sa crush nya. "Okay here you go. Prim, behave." Her bestfriend's twin brother took a glance of her, maybe, nakasalamin ito kaya hindi sya siguradong tumingin nga ito sakanya. Tumango lang sya at ngumiti bago pumasok sa classroom. Maingay, magulo, makalat... Yan ang natanaw nyang kalagayan ng classroom nya, he arched his brows up and cursed on his mind.
"Ayan na si Serious Black!" sigaw ng kanyang kaibigan na si Kiko, the guy who almost bullied his twin and Xochitl when they're young. Agad na nagsiupuan ang mga kaklase nya saka yumuko. His squad waited for him to sit bago sya nakipagfist bump sa bawat isa.
"Par, makakasama ka ba mamaya? May practice ang volleyball team." Tumango lamang sya
Of course he wouldn't miss it, he's the captain ball after all. "Pero par may meeting ang supreme government mamaya?" Paalala sakanya ni Ely na kasama ni Kiko noong bata pa sila. "Saglitan lang iyon, makakahabol tayo. Ryan, just tell coach that we'll be late for ten minutes" tumango lamang ang kaibigan, nanahimik na sila dahil dumating na ang kanilang teacher.
"Xochit!! Nuod tayo ng practice game ha?" Aya ni Prim sa kaibigan, alam nya kasing isa sa mga varsity player ang crush nito kaya todo yaya sya na manuod sila.
"Ikaw nalang, andun si Daevon eh. Baka sabihin nya nagpapapansin na naman ako" umismid lang sya sa sinabi ng kaibigan.
"Duh?! Ewan ko ba naman kasi sayo Meadow Xochitl Bloom, magkakagusto ka nalang sa hambog pa. Isa pa pwede naman tayong manuod kasi andon ang kuya ko? Hindi ba pwede yun?" Ngumuso nalang sya saka tumango. Kahit kelan ay wala syang panalo sa best friend, lagi itong may dahilan para mapapayag sya.
"Hoy taba, kumakain ka na naman. Hindi ba uso sayo ang diet?" Binaba nya sa kanyang plato ang kanyang kutsara saka yumuko, it's Bea again together with Celine and Alex, ang campus mean girls.
"Tabi nga, paharang harang eh" Prim shoved them out of her way saka umupo sa harap nya.
"Ano naman kung kumakain na naman sya? Eh she can buy her food. Are you going to pay for her food though? No, right? So back off or else..." umirap lamang ang tatlo at taas noong umalis sa harapan nila. Tinapik ni Prim ang kanyang kamay na humawak sa pizza slice na binili nya.
"Don't let them bully you Xochitl, ano ba? Stand for your self naman beshy."aniya habang hinihiwa ang steak nya.
"Tama naman kasi sila Prim, I'm only good at eating my food" sabay kagat sa kanyang pizza na nirolyo nya pa.
"So? Atleast there is something you're good at, isa pa hindi masama ang kumain. Just so you know beshy, may mga tao na hindi nabibigyan ng pagkakataong makakain ng sapat na pagkain sa isang araw that's why you are blessed." Hinawakan nya ang pisngi nito at nilingon sa direksyon ng mga mean girls na kumakain.
"Look, sinasayang nila mga pagkain nila, ikaw inuubos mo hindi ka nagsasayang ng blessings. So sinong mas masama sainyo? The only problem is sila sexy ikaw... Curvy kaya tingin nila masama na kain ka ng kain. That's why I'm asking you to be my gym buddy, para kahit anong kain mo you'll be shedding unwated fats." pagkukumbinse pa rin ni Prim sakanya na maging gym buddy nya.
"Am I going to sweat to death?" She asked.
Prim just smirked and continued eating.
"Zarette! Zarette! Go Serious Black!" The girls cheered, practice game pa lamang ito pero halos mapuno na ang gymnasium nila.
Halos mabibingi ka sa sigawan ng mga tao. Lalo na para kay Zacchaeus Everette O'brien o mas kilalang Serious Black.
Nakaitim itong jersey na may number four sa likod, katulad nya nakaitim rin si Kiko, Ely at Ryan. Nakaputi naman si Daevon na crush ni Xochitl.
Nilingon ni Zarette ang kinaroroonan ng kapatid at sumenyas para iabot ang kanyang face towel.
"Di ko gets sabi ni Kuya" sabi nya sa katabi, kinuha ni Xochitl ang towel ni Zarette saka tumayo, she was about to take her step pero napatid sya at nasubsob. "Omg Meadow!" Napahinto ang lahat bago namayani ang nakabibinging halakhakan.
Ipinasa ni Zarette kay Kiko ang bola saka lumapit kay Xochitl at inalalayan itong tumayo.
"Come on stand up, don't cry" malambing nitong sabi sa best friend ng kapatid, ilang taon na ba silang magkakilala? Lima? Anim? No. Sampong taon na.
"Come on. Don't mind them" itinayo nya ito saka inabutan ng towel na kanina ay iaabot sakanya ng dalaga.
"Stop fucking laughing!" Umalingawngaw ang boses nya sa buong gymnasium, lahat sila ay natahimik at napatigil.
Parang lahat ay napatigil sa paghinga. He's the SSC's Chairman, he is not the right student to mess with.
"Come on. Prim, halika na" hinila nya ang kamay ni Xochitl at lumabas sa gymnasium.
"Beshy, okay ka ba? Okay ka lang ba? May masakit? Omg! I saw what Alex did to you before you fell down! I'll make her pay talaga!" Umiling lang si Xochitl habang pinapagpag ang kanyang damit... Hawak parin ang kamay ng seryosong si Zarette.
"Call the nurse, Prim" nilihis bahagya ni Zarette ang kanyang palda pataas, dumudugo ang kanyang tuhod at hindi nya iyon napansin. "Sa susunod tignan mo yung dinadaanan mo, maraming gago sa paligid." Sambit ng binata bago inihipan ang kanyang sugat.
She flinched when he cursed, and flinched again when she felt him touching her knee.
"Chairman. Ano pong nangyari?" Pumagilid sya para bigyan ng espasyo ang nurse "Pinatid. Ikaw na bahala nurse." Lumabas na ito sa clinic at dumiretso sa kanyang opisina kung saan andun na ang kanyang barkada at naghihintay sakanya. "Ano, Zarette? Patawag ko na ba?" Hinubad nya ang kanyang jersey at nagsuot ng bath robe, tumango sya saka umupo sa swivel chair nya at tinaas ang paa sa kanyang mesa. Pinaglaruan nya muna ang kanyang cellphone habang naghihintay, hanggang sa wakas ay dumating na rin ang ibang officers nya kasama ang Mean Girls ng campus. "Zarette. Wala p-po k-kaming...
"Cut the crap. My sister saw you, and I know when my sister is lying. I will give you one chance to tell me the truth or else I'll kick you out of this school" mahinahon nyang sabi. But people are more dangerous when they are calm.
"Oh my gosh! It was Alex!" Turo ni Celine "Anong ako? It was Bea's idea!" Bea shooked her head "It was you Alex!"
"No! Ikaw Bea!"
"Alex, ikaw! How dare you?!"
"Si Celine talaga... "Enough!! Shut the fuck up!" Mahina pero may pagbabanta nyang sabi, napayuko ang tatlong dalaga habang ang barkada nya naman ay napatigil sa paglalaro.
"As the head of the Supreme Student Council, I am imposing you a sanction which you are required to clean the whole campus for a week"
"What?! You can't do this to us!" Reklamo ni Alex, kahit gustong guto nya si Zarette ay hindi ito papayag sa inuutos ng Chairman.
"I can so I will. You think I will tolerate such bullshit? Sa kaibigan pa ng kapatid ko?! And what infuriates me is that you can't even point who the fuck did that to her."
"Now take the sanction or leave it. It's basic, maglilinis kayo sa loob ng isang linggo o makikick out kayo sa school na to. You may now leave" hinawakan ng mga ibang officials ang tatlo saka inilabas.
"The fuck par, intense!" Sabi ni Ely saka tinuloy ang paglalaro. Of course he need to sound like the head of the government, katulad ng daddy nya he should sound authoritive and act lordly.
"Masakit pa rin ba sugat mo? Napilayan ka ba beshy?" Umiling lang sya kahit iniinda nya ang sakit ng kanyang paa, nasprain pa yata ang paa nya. "Okay na ako. Pakisabi sa kakambal mo, salamat" tumango lamang sya saka inalalayan ang kaibigan.
"Mommy, magpapauwi po ako kay Daddy ng foods ha? Nagugutom na naman po kasi ako" Xochitl told her mommy, tumango ang mommy nya at ngumiti habang hawak ang isang brochure ng mga sample designs ng mga damit na ginagawa nila. "Anything, sweetheart. Just order whatever you want"
Ganyan ang mommy nya, she would ofter tell her to order whatever she wants, to eat anytime and anything she wants.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Her mom doesn't care at all with the way she looks, siguro iyon rin ang isang dahilan kung bakit wala rin siyang gana magpapayat.
"Jusmiyo kang bata ka, kumakain ka na naman. Sayang ang maganda mong mukha dahil sa katabaan mong yan" sita sakin ni Manang Lelay, napanguso lang ako at naibaba ang aking kutsara na puno ng paborito kong graham cake. "Eh manang, bakit po si mommy hindi naman po ako pinapagalitan?" Bumuntong hininga lamang si Manang saka humila ng upuan at umupo sa harap nya.
"Kelan ka ba huling tinitigan ng mommy mo, anak? Naiinis ako minsan sa mommy mo eh, may oras sya sa mga amiga nya pero ang matignan ka at ang katawan mo, anak?"
Napangiwi nalang ako dahil tama sya, my mom would always go out with her friends pero ni minsan ay hindi nya ako sinama sa mga paglabas na iyon.
"Hindi ka rin naman nya pinapakilala sa mga amiga nya, malalaman nalang nila na ikaw ang anak at magtataka sila dahil modelo ang mommy mo samantalang ikaw... mataba" it's like a dagger thrown directly to my heart.
Ilan beses na ba nakwestyon si Mommy dahil sa sobrang katabaan ko? I lost count. But still she didn't care, she only care about herself, about her fitness. Siguro nga ay kasalanan ko rin ito, masyadong matakaw ang alaga ko sa tyan. "Prim!" Sumakit ang ulo ko sa tili ng kaibigan ko mula sa kabilang linya "ahm, about dun sa gym thing kanina? Count me in, gusto ko na magpapayat eh!" Tumili na naman ito at pumalakpak pa sa kabilang linya. "Prim, lower your voice down. Natutulog na ang kambal sa kabilang kwarto" rinig kong sita ng kanyang kuya, hindi ko alam pero parang kinuryente ako.
His bedroom voice though. Paano kaya ang bedroom voice ng crush ko? Ihh kinikilig ako!
"Oh sige na ha? Nagsusungit na kasi si Chairman Zacchaeus Everette, goodnight beshy! Mwa!"
"Mommy, what's for breakfast?" Tanong ko habang kinukusot ang aking mga mata, muntik na naman akong matalisod dahil kumirot ang aking paa.
"Your favorites, as usual. Mayroon ring blue berry waffles" tinitigan ko si Mommy, busy sya sa hawak nyang ipad.
"Mommy, mataba na po ba ako?" I was waiting for her to take a look.
"No honey. You're doing just fine." Sagot nya kahit ni tignan ako saglit ay di nya ginawa, she's busy with her gadget. Napailing lang ako at kumain na lamang hanggang sa di ko namalayang nakatatlong balik na ako sa kusina. Hays. "Good morning Chairman. Nasan po si Prim?" Ibinaba nya ang shades nya, nagkasalubong ang aming mga mata. Uy kuya! Wag po! Marupok ako! Hihi.
"Nag cafeteria lang bumili ng tubig" aniya saka isinuot ulit ang shades. Ngumuso lang ako sa tabi nya habang naghihintay kay Prim, mabagal kasing maglakad ang isang iyon kaya sa tantya ko mga isang taon pa akong maghihintay kasama ang kuya nya.
Okay lang, gwapo naman ang kambal nya. Hihi.
"Why are you pressed?" "Huh?"
"Kelangan ko pa ba talagang tagalugin?" Napangiwi ako sa pagsusungit nya, ayan na naman po sya sa pagiging Serious black niya. Naalala ko nung mga bata kami, mabait sya and in a snap masungit na sya agad. "Hindi naman ako malungkot, uhm wala lang siguro ako sa mood" sumandal ito sa pader at humalukipkip, halos lumuwa ang mga mata ng mga babaeng napapadaan sa harap namin, saka sila umaktong kinikilig. Hay, can they not?
"Binubully ka parin ba nila?" Tumango ako "Wala namang bago, Chairman. Parang daily habit na nila iyon, daily habit ko na ring tanggapin lahat" pumeke ako ng tawa, being bullied is definitely the worst feeling ever. Para bang yung pagkatao mo tinatapakan nila at pilit nilang binababa kahit feeling mo sobrang sadlak ka na.
"Hinahayaan mo, alam nilang di ka lalaban kaya sige lang sila ng sige."
"Mahirap lumaban, ano lang naman ako? Isa pa, tama naman po sila eh. Mataba ako, panget, balyena, baboy, napabaya "You're more than that. You're better than that, and you know that" napahawak ako sa dibdib ko at napayuko. Nakakakilig! Ihh! Kinikilig ako!
"Halla yung crush ko." Sumiksik ako kay Chairman at nagtago sa braso nya, saka ko lang narealize ang ginawa ko ng nasinghot ko ang bango nya.
Shucks! Ang bango! Suminghot pa ako, dinaig ko pa mga sumisinghot ng mga pinagbabawal na singhutin sa pagamoy ko sa kapatid ng bestfriend ko.
"Mmmm"
"Enjoying my biceps and the way I smell?" Doon ako natauhan, inangat ko ang ulo ko at nahanap ang mata nya, he's not wearing his glasses now. Ugh, ang gwapo talaga!
Nag peace sign ako at sumandal nalang rin sa pader. "So, si Daevon Guzman ang crush mo? Mas pogi pa ako" he smirked, napangiti at iling nalang ako.
Oo na, mas gwapo ka na. Pero kung kay Daevon nga wala akong pag-asa sayo pa kaya, Chairman? Mr. Serious Black, wala akong pag asa sayo mas pahirapan na namang pumila. Kung hindi ko siguro bestfriend ang kapatid mo baka hindi mo rin ako kakausapin no.
"Prim! Sa wakas, grabe ka talaga, daig mo pa pagong sa kabagalan mo maglakad" humalakhak lang ang bestfriend ko, bakit ganon? Pati pag tawa nya, kinaganda nya parin? Pero, bakit nagiba yung pakiramdam ko sa tabi ni Chairman? Dahil ba sa bango nya?
Ihh! Nakakakilig naman kasi yung bango nya.
"Kuya, may hinihintay ka ba?" Umiling lang ang kuya nya at nauna na naglakad sa amin, ang mga babaeng kanina ay nakatingin sakanya ay pumagilid para bigyan sya ng sapat na espasyo na dadaanan. Iba, ang lakas talaga. "Grabe yung kuya mo no? Lakas ng dating" I said out of the blue, totoo naman simula bata pa kami lagi ng pinagkakaguluhan ang kuya nya.
"Hindi ka na nasanay, bata palang tayo lagi naman syang center of attraction"
"Syempre nakakaamaze parin no, may kababata akong sobrang pogi. Paautograph po! Hihi" umismid lang sya habang nakangiti.
"Sige papautograph ako sakanya mamaya" bumelat lang ako bago pumasok ulit sa classroom.
"Hi Zades! How's school?" Umapir sakin ang bata bago tumabi sa kambal nyang si Zephryne.
"Buti pa kayo may playmates, ako sa bahay sila manang lang pwede ko makausap, pag maglalaro magisa ko lang" ngumuso ako saka hinaplos ang buhok ni Zephryne. Ngayon ang first gym day namin ni Prim, I'm a little bit nervous though parang gusto kong magback out pero siguro ay para rin to sa sarili ko. Fighting! "Ouch, ang sakit. Tao pa ba ako?!" Hindi nga ako makalakad eh, hindi ko maramdaman ang mga hita at binti ko. Huhu.
Habang yung bestfriend ko ayun, nakangiti at nagjajumping rope, may tricks pa!
How to be you po?
Napalingon ako ng pumasok si Chairman at nakitang paika-ika ako maglakad. Serious Black mode na naman sya, he's wearing all black from top to bottom. "Hindi ka nagstretching." Statement, hindi patanong. Alam nyang hindi ako nagstretching. Ang galing!
Ang sakit ng katawan ko!
"Anong naging routine nyo?" Tanong nya, bumagal ang pagtalon ni Prim hanggang sa tumigil na sya.
"Squat, lunges, butt kicks, flutter kicks and crunches" umiling lamang si Chairman, kinuha nya ang kulay blue na jumping rope saka inumpisahang tumalon.
Bakit ang gwapo?
"Rule number one, stretch first" Pati ang balikat ko ay masakit kaya nahirapan rin akong tumungo. "Ahh. Ouch" reklamo ko habang dahan dahang umuupo sa couch. Jusko po, ano ba tong pinasok ko?!
"I'll get you some medicine and hot compress na rin" paalam ni Prim, ginalaw ko nalang ang kilay ko. Iyon lang ang kaya kong igalaw na walang sasakit.
Bumagal ang pagtalon ni Chairman hanggang sa tumigil, kinuha nya ang tubig nya bago tumabi sa akin.
"You should always stretch first before doing some crazy work outs."
"Opo Mr. Serious Black" ngumuso ako saka sumandal, shucks! Pati ang likod ko ay masakit!
Serious black mode on talaga sya ngayon, wearing all black and very serious.
"Water." Sabay abot nya sa akin ng parehong boteng ininuman nya. Ay wait, yung puso ko!
Shucks!
Naniniwala pa naman ako sa indirect kiss! Papakipot pa ako syempre hihi, pero sige na nga. "Thanks" hihi. I bit my tongue to stop my self from grinning.
"And drop the Chairman or the Serious black, you're in my house. It's Zarette" Tuluyan na akong napaiwas ng tingin para pasimpleng ngumiti. Ano ba yan?! Kinikilig ako! Paano pa kaya pag si Daevon ano? Baka di ko kayanin!
Siguro nagtataka kayo kung bakit hindi ko crush si Zarette, uy mali kayo. Crush na crush ko siya since bata pa kami, pero kasi ano naman panama ko sakanya? I mean, kung kay Daevon wala akong pagasa paano pa kaya kay Chairman? Parang anak ng Greek God and Goddess yun eh. Ang gwapo gwapo talaga ni Tito Zero saka ang ganda ni Tita Penelope.
"Your muscle will sore for days, you need to continue doing your routine every day. Kung ano ang dahilan bakit ganyan ang muscle mo, yun rin ang gamot" so I need to exercise again tomorrow? I cannot!
"Why are you tying to lose weight anyway? Para kay Daevon?" Napatingin ako sakanya, and he's already looking at me. My heart skipped a beat. My God, he's blessed with good genes! I'm lost for words, tititig lang muna ako pwede? "Do you think he'll like you after you lose some weight?" Ano raw? I'm busy looking at his facial features, bakit ang gwapo?
Perfectly sculpted ang ilong, panga, ang labi mas mapula pa yata kesa sa akin, maging ang mapupungay nyang mata, his eyelashes are longer than mine too. Ghad, kung hindi gumagawa ng kasalanan itong si Chairman maari na ba syang tawaging perpekto?
"Okay, let's stare at each other for a while." napapitlag ako at napatikhim. I looked away and sighed, napayuko ako para itago ang pamumula ng mukha ko.
Sarap magtago sa bilbil ko.
"Oh, andito ka rin pala Xochitl. Papapayat ka na ba finally?" Si Ryan kasama ang ilan pang kaibigan ni Chairman, hindi na nila ako inaaway katulad nung mga bata pa kami.
Inaasar, minsan pero okay lang iyon magkakaibigan naman kami eh. Yun ang sabi nila.
"Try ko lang" I flashed an awkward smile, pasimple kong tinignan si Chairman hawak nito ang gloves bago isuot sa magkabilang kamay.
Pati ba naman paghawak ng gloves pogi sya? Teka, nagbaboxing sya? Grabe, ang dami nya namang sports! MVP sya sa Basketball at Volleyball tapos naglalaro rin sya ng badminton, ano kayang sports ang di nya kayang laruin? Pang food contest lang ako! Hehe
"Xochitl, okay na to. Just put these on your lap" inabot sakin ni Prim ang dalawang water bag na may mainit na tubig, ginawa ko ang utos nya at medyo naginhawaan ang pakiramdam ko pagkatapos ng ilang minuto.
"Dapat tuloy tuloy na yan, saka mawawala ang sakit kapag nasanay" sabi ni Kiko na busy sa kanyang cellphone dahil sa clash of clans nya. "Ay potek, one star lang!" Pinitik nya pa ang screen ng cellphone nya, parang baliw lang. Hindi ko alam kung mapapanindigan ko ba ang pagpapapayat, eto na naman ako at napapaligiran ng masasarap na ulam at sweets. Nagmamayari kasi kami ng isang sikat na restaurant at dessert shop kaya laging may take out si Daddy ng mga kung ano anong pagkain. Paano na ang mga pinawis ko nito?
Dear Foods, bakit po ang landi nyo? Huhu.
Siguro kung tinanong ako ng mga pagkaing ito ng "Will you marry me" oo ang sagot ko, who would say no to foods? Pero kasi yung pinagpaguran kong pawis kanina? Meadow Xochitl Bloom, maraming batang hindi kumakain. At eto na naman ako, ineenjoy ang sarili ko kasama ang mga pagkain sa harap ko. Oh my God.