Chapter 48: Pagod na pagod
"Ano ba bitiwan mo Ako!" pagpupumiglas ko. Humahagulhol na rin Ako Ng iyak. Feeling ko nanghihina na Ako dahil sa pangangatog Ng katawan ko.
"Shey, it's me, Liam." Niyakap Naman ako nito. Napahawak na Rin ako sa braso nito dahil sa nanghihina na talaga ako. Humahagulhol pa rin ako. Natatakot ako para sa anak ko. "Please don't cry. Walang mananakit Sayo dito" Saad nito habang tinatapik tapik Ang likod ko. Ilang minuto rin kami sa ganong posisyon. Umiyak lang Ako Ng umiyak. Naramdaman ko Ang pag angat ko. Kinarga na Pala ako. Hindi ko na Rin magawang pumalag dahil Wala na Akong lakas. Hanggang sa tuluyan na akong nakatulog. Nagising Ako na nandito na sa room ko. Tumingin ako sa labas Gabi na Pala. Ang tagal ko palang nakatulog. Naramdaman Kong may nakahawak sa kamay ko kaya gumalaw ako. Nagising Naman ito nang maramdamang gumalaw ako. "Babe, thanks God you're awake. Are you okay now? May masakit ba Sayo?" bakas sa mukha nito Ang pag alala. Hinila ko ang kamay ko Mula sa pakakahawakl niya. Tumulo na Naman Ang luha ko nang maalala Ang nangyari kanina. "Please tantanan mo na Ako. Wala Naman akong ginawang masama sa inyo. Hindi Rin ako manggugulo sa inyo" Saad ko habang umiiyak. Gusto ko lang matapos na ito para tahimik na kaming mamuhay ng anak ko. "Babe, what are you saying?" naguguluhan nitong tanong. Nagtaka man Ako sa sinabi niya pero hindi ko na ito pinansin.
"Hayaan niyo na akong umalis dito. Magpakalayo layo na rin ako sa Inyo at sisiguraduhin Kong Hindi niyo na ako makikita. Basta hayaan niyo lang ako." Pagmamakaawa ko. Bigla Naman itong nataranta.
"Walang aalis. Hindi ka lalayo!" diin nitong Sabi Kaya Lalo akong napaghagulhol. Kung Sabihin ko kaya kahit alang alang sa magiging anak ko hahayaan niya Kaya akong makaalis? Magsasalita na sana Ako pero naunahan niya ako. "Please babe. I'm sorry. Alam Kong Galit ka sa akin. Pero wag mo na kaming Iwan please. Hindi ko na kakayanin. Halos mabaliw na Ako nong nawala ka." Saad nito habang hinawakan ulit ang kamay ko. Umiiyak na Rin ito. Naguguluhan Naman. ako sa kanya. Bakit Niya Ako hinahanap? Siya Naman Ang nagpadukot sa akin?
"Bakit mo nagawa sa akin yon? Ano bang nagawa Kong kasalanan?" Mahinang sambit ko. Panay pa Rin Ang tulo ng luha ko.
"I'm sorry. I was mad that time"
"Dahil lang Galit ka Kaya mo ako pinadukot?" agap Kong Tanong. "Alam mo ba sobrang natakot ako nong may bigla nalang dumukot sa akin. At Ang mas masakit malalaman ko pa na Ikaw mismo ang nagpadukot sa akin!" Nagulat Naman ito sa sinabi ko
"What?" bakas sa mukha nito na naguguluhan ito.
"Narinig ko don sa taong dumukot sa akin. Binanggit Niya Ang pangalan mo habang kausap ka. Ikaw Ang tinatawag nilang boss." Sigaw ko pa sa kanya.
"Oh God. Hindi ko magagawa sayo yon. Kahit na puntahan pa natin Ngayon din ang mga taong dumukot Sayo. Nakakulong na Sila Ngayon." Saad nito. Nanlaki Naman Ang mga mata ko sa sinabi Niya. Paano nangyari yon?
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Sinalaysay Niya Ang buong pangyayari simula nong dumating si Venice. Nakikinig lang Ako sa mga sinasabi niya mula sa sakit ni Venice, sa engagement party at sa pagpapadukot nito sa akin. Napasinghap nalang Ako sa mga rebelasyon nito. Hindi ko akalaing kayang Gawin yon ni Venice para lamang makuha niya si Liam.
"I've been looking for you simula nong nawala ka babe. Hindi ko akalain na nadito ka lang Pala kina Mamita. Kung alam ko lang dumirecho na ako dito." Madamdamin nitong sabi.
"Im sorry sa ginawa ko kanina. Natakot lang talaga Ako nong Makita kita sa pag aakalang Ikaw Ang nagpadukot sa akin." Nakayuko Kong sabi
"No.. no.. I should be the one to apologize to you dahil napabayaan kita. Napabayaan ko kayo Ng anak natin." Napaangat Ako Ng tingin dahil sa sinabi niya. "A-alam mo?"
"Yes. I happened to know your OB. She's my cousin's wife. Naiwan mo Ang book mo doon nong pumunta Ako sa clinic. Pinuntahan kita sa condo Ng kaibigan mo at Doon ko nalaman Ang pagkawala mo. I'm so sorry babe." Niyakap ako nito ng mahigpit.
"Wait Liam, okay lang Sayo? I mean tanggap mo siya?" naguguluhang Tanong ko.
"Nong nalaman Kong buntis ka nagulat talaga ako. Masaya Ako na malungkot that time dahil sa nangyari sa atin. I'm so sorry babe. I didn't know. Napagsalitaan pa kita Ng masama that time. I'm sorry baby. Daddy did terrible things to you and mommy. I promise babawi ako sa inyo." Kausap nito sa anak ko habang hinihimas Ang maliit Kong tiyan. Hindi ko na naman naiwasan Ang pagpatak Ng mga luha ko.
"Don't cry babe. It really hurt me when I see you cry. Please stop now. I love you. And I really miss you." Sabi nito habang pinapahid Ang mga luha ko. Pero Lalo akong umiyak.
"Anong Sinabi mo?" Tanong ko sa kanya habang humihikbi. Gusto ko lang siguraduhin kung Tama ba ang narinig ko.
"Ang alin?"maang maangan pa nito
"Sabihin mo ulit yong sinabi mo❞ Hindi ko na mapigilang pagtaasan Siya Ng boses dahil feeling ko binubuska na Niya ako.
"I said, don't cry." Nakangisi nitong sabi
"Hindi Yan!" napasimangot naman ako dahil sa paghalakhak nito.
"O God. I really miss you babe. I love you so much. Please don't leave me again!" seryoso nitong sabi.
"I love you too Liam!" niyakap ko naman Siya ng mahigpit. Sa wakas nasabi na Rin nito Ang matagal na hinihintay ko. Ang Sabihin niya sa akin na mahal Niya ako at masabi ko din sa kanya kung gaano ko Siya kamahal. Walang mapaglagyan Ang saya ko ngayon.
Pagkatapos ng madamdamin naming usapan ay nagpaakyat nalang kami ng pagkain para hapunan. Pagkatapos Kumain ay natulog din siya kaagad. Alam Kong pagod na pagod ito dahil kita ko sa mukha nito ang pagod at halatang kulang sa tulogl. Hinahaplos ko Ang Mukha nito na payapang natutulog. Ang guapo niya talaga. Hindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko siya ngayon. Akala ko Hindi ko mabi igyan Ng kompletong pamilya Ang anak ko. Napangiti Ako habang hinihimas Ang maliit na impit ng tyan ko..
Nagising ako kinabukasan na may ngiti sa labi. Tiningnan ko Ang katabi ko na mahimbing pa ring natutulog habang nakayakap sa akin. Dahan dahan Kong inangat Ang kamay nito ingat na ingat na Hindi ito magising. Nang masigurong tulog pa Rin ito ay dahan dahan na akong bumangon. Hinalikan ko Muna Siya at tumayo para kumuha Ng mga gamit ko.