Finding Mommy

Chapter 4: Pay



(Lindsey POV)

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko at nanlaki Ang mga mata ko Ng maramdaman ko paglapat Ng mga labi niya sa labi ko. Kinagat kagat at dinilaan pa Niya ito. Lumipad Naman Ang diwa ko dahil sa ginawa Niya. "Shit, Ang sarap ng labi Niya, Ang lambot" Sabi Ng utak ko

"Hmmm.. sweet" Sabi niya na nagpagising sa diwa ko. Nang mahimasmasan ako ay parang umakyat lahat Ng dugo ko sa Mukha ko at agad lumipad Ang kamay ko sa mukha Niya. "Wooh" reaction Ng mga kaibigan niya

Bahagyang pumiling ang Mukha Niya dahil sa lakas ng pagkakasampal ko.

"Walang hiya ka! Manyakis ka talaga! Anong karapatan mong Gawin sa akin yon!" hysterical Kong Sabi. Pinaghahampas ko na Rin siya. Ninakaw pa niya Ang first kiss ko. Walang hiya Siya. "Fuck" malutong niyang mura

Tiningnan niya ako na nanlilisik Ang mga mata. Parang anumang Oras ay dadakmalin nya na Ako.

"Why did you do that?" galit niyang sigaw

"Aba, Ikaw pa Ang may ganang Magalit! Ang Dami mo ng atraso sa akin!" balik sigaw ko Naman

"Tsk, that's what you want right? Pasalamat ka pinagbigyan kita" Nagsmirk pa Ang Gago

"Ang kapal mo, Akala mo Naman Ang sarap ng halik mo" asik ko. Nungkang aminin Kong nagustuhan ko Ang halik niya.

"Really? That's not what your body is saying, though. It seems your body want some more." Pang uuyam pa niya. Nakangisi pa ito habang dinidilaan Ang kanyang labi. p "Arrhhg, bastos ka talagang hayop ka" sigaw ko sa kanya

Susugurin ko pa sana siya pero Umawat Naman Ang kaibigan ko.

"Naku, sorry Mister.. lasing na lasing na kasi itong kaibigan ko, pagpasensyahan mo na." hinging paumanhin ni Ems.

"Bat ka nanghihingi Ng sorry sa kanya? Siya dapat Ang humingi Ng sorry sa akin sa dami ng atraso Ng kumag na Yan❞ turo ko sa lalaking parang aliw na aliw pa.

"Tama na Shey, baka ano pang magawa sa atin nyan, Wala Tayong laban" Saway niya at hila-hila na Ako pabalik sa table Namin

Hindi pa man kami nakakalayo, binalingan ko ulit Ang lalaki na nakatingin Rin pala sa amin.

"Hoy lalaki, Hindi pa Tayo tapos. Oras na makita ko yang pagmumukha mo ulit, sisingilin kita ng mahal sa ginawa mo sa akin." Pahabol Kong sigaw

Hila-hila pa Rin Ako Ng kaibigan ko Hanggang sa tuluyan na kaming nakarating sa table namin. Parang Lalo akong nahilo sa nangyari. Ininom ko ulit Ang alak dahil parang natuyuan Ako ng lalamunan kakasigaw kanina.

"Shey, kailangan na nating umalis. Baka bigla nalang may dumampot sa atin Dito. Mukha pa namang mayaman yong binangga mo." Sabi Ng kaibigan ko habang tumutingin sa paligid. May kinawayan ito at may sinenyas. Tiningnan ko Naman

Ang direksiyon Nakita ko Ang waiter na papalapit sa table Namin. Inabot nito Ang bill namin. Magbabayad na sana so Ems Ng pigilan ko ito.

"Ems, wag na" Sabi ko. Tinawag ko Ang waiter at binulungan ko ito. Tiningnan naman niya Ang kinaroroonan ng sinabi ko at tatango-tango Naman ito.

Nagtataka Naman akong tiningnan Ng kaibigan ko.

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!

"Ano yon at may pabulong-bulong pa?" takang Tanong Niya

"Wala. Tara na" Aya ko sa kanya

"Wait, yong bills natin dipa bayad, ba-"

"Settled na" putol ko sa sasabihin niya. Sabay ngisi. Gulat Naman ito sa sinabi ko.

"Sure ka? Baka I ban na tayo Dito" Sabi pa Niya

"Tapos na nga" dinampot ko na Ang bag ko at tumayo na. Tumayo na rin ito at lumabas na kami ng bar.

(Liam POV)

Nakaalis na Ang babae ngunit diko pa Rin Siya maalis sa isipan ko. Napahawak Ako sa labi ko ramdam ko pa Rin Ang sarap at lambot Ng labi ng babae. Nung hinalikan ko Ang babae kanina, I feel like something is waking up in my body. Why is my body reacting this way. Para akong nakuryente at nagising lahat bawat himaymay sa katawan ko. I never felt this way to another woman. Kahit maghubad pa Sila sa harapan ko.

"Hey Brad, bitin ba?" Untag sa akin ni mavvy na pangisi ngisi pa

Kanina pa ako inaasar Ng mga mokong na ito.

"Bat dimo sundan brad at ayain para may magpainit Ng Gabi mo." Sigunda ni Brian. Isa din sa kaibigan ko.

"Gago. Baka Hindi init Ng Gabi Ang maranasan niyan kundi huling Gabi na niya ito kung gagawin Niya Yan. Halos lapain na nga Siya nong babae" sabay halakhak na saad ni Xylex

If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you! "Tigilan nyo ako sa pang aasar nyo" inis Kong Sabi

At nagtawanan pa Ang mga Gago. Di talaga Ako tinantanan sa pang aasar nila. Diko nalang Sila pinasin at nakahalukipkip lang sa aking upuan.

Bigla namang may dumating na waiter sa table Namin.

"Excuse me Sir, ito pa yong bill Ng girlfriend nyo.' Sabay abot Niya sa akin Ng bills.

Kunot noo ko naman itong tiningnan. Bad mood na talaga Ako kaya diko mapilang sungitan Ang waiter.

"Sinong girlfriend Ang sinasabi mo? Inis kong tanong dito

"Sabi Po kasi Ng babae ibigay ko daw po ito sa inyo dahil boyfriend ka daw po niya." Tarantang sagot Ng waiter

"Kung girlfriend ko yon Kasama ko sana Siya Dito sa table Namin" inis Kong sagot dito. Alam Kong inosente ito pero dahil inis ako damay damay na.

"Eh Kasi Po sir Nakita ko po kayo kanina na hinalikan nyo Po yong babae kaya inisip ko totopo Ang sinabi niya." Pangatwiran Ng waiter sabay kamot Ng ulo "Bayaran mo Yan brad kundi malulugi Ang negosyo ko." Pang Alaska ni Raine Ang may Ari nitong bar. At pinagtatawanan na Naman Ako Ng mga Gago. "Damn, naisahan na Naman Ako Ng babaeng yon" bulong ko Sarili.

Wala Akong nagawa kundi ibigay Ang card ko sa waiter. Walang problema sa akin Ang Pera. Ang Hindi ko lang matanggap ay nautakan Ako Ng Isang babae. "You will pay for this woman. Make sure not to show your face to me" sa isip-isip ko


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.