Chapter 24: Assume
Sa lumipas na Araw ay nag iba Ang pagtrato ni Liam sa akin. Napakasweet Niya na sa akin. Minsan sinasaway ko na Siya Kasi nahihiya na Ako sa mga kasama namin sa bahay baka kung ano pa isipin nila. Kung umasta Kasi ito parang girlfriend Niya Ako eh Wala Naman kaming label. Palagi na siyang natutulog sa room Namin ni baby. Nagugulat nalang Ako pagkagising ko may nakayakap na sa akin. Hinayaan ko na Kasi kahit pagbawalan ko di naman siya nakikinig. Katulad Ngayon nandito na Naman Siya at kakagising lang.
"Good morning babe" sabay halik sa akin. Hanggang Ngayon tinatawag pa Rin niya akong babe kahit naaasiwa na Ako.
"Hmm.. morning" babangon na sana ako nang hapitin Niya Ako at niyakap. Niyakap ko nalang din ito.
"Hindi ka ba papasok Ngayon?" Tanong ko habang nilalaro Ang buhok niya.
"No. Susunduin ko si Mom at Dad later sa airport." Gulat naman akong napatingin sa kanya. Hindi ko alam na dadating pala Ang parents Niya. Sabagay sino ba Naman Ako para sabihan Niya. Wala naman kami relasyon. Mapait akong ngumiti sa isipan ko.
Narinig Kong gising na si baby kaya kinuha ko na ito at hiniga katabi Ng daddy nito. Malikot na ito. Kaya na niyang maglakad at magsalita ng konti. Nakakatuwa ito Kasama Kasi Ang cute tsaka madaldal na Rin kahit bulol bulol. Hinayaan ko muna Silang maglaro mag ama. Pumasok Ako sa banyo para maligo Muna.
Paglabas ko naabutan ko Sila na naglalaro pa rin. Kinakabayuan ni Ethan Ang daddy niya. Humahagikhik Naman si Ethan.
Matapos kong magbihis lumabas naman si Liam. Pi aliguan ko na Rin si Ethan. Pagkatapos ay bumaba na kami. Naabutan Namin Sila Manang Fe na nag aayos Ng hapagkainan.
"Mabuti nandito na kayo para sabay sabay na Tayo mag almusal"
"Good morning Manang" bati Ng taong nasa likuran ko. Kaya lumingon Ako. Nakita ko si Liam na nakangiti at bagong paligo. Di ko Siya namalayan na magkasunod lang Pala kaming bumaba.
"Good morning din sa inyo. Hali na kayo. Upo na❞ Aya ni manang. Inayos ko muna si baby sa high chair niya Bago Ako naupo.
"Hi good morning. Ang aga nyo Ngayon ah. Naunahan nyo pa ako." Bati ni Lianne. Nagkiss ito sa kuya Niya Kay baby at sa akin na nakasanayan ko na rin.
"Sis sama kayo sa Amin ni kuya sa airport?" tanong nito sa akin. Lalo pa kaming naging close ni Lianne na parang magkapatid.
"Yeah" si Liam Ang sumagot kaya kunot noo akong napatingin sa kanya Kasi Wala Naman siyang binanggit na isasama Niya kami. Baka gusto niya isama si Ethan para Makita Ng Lolo at Lola nito. "Yey. That's good. Are you excited to see Daddy Lo and Mommy La baby?" Tanong ni Lianne Kay baby
Humagikhik lang si baby at bulol bulol na nagsalita.
Pagkatapos naming Kumain ay agad na rin kami nagready at lumabas. Inayos ko Muna si baby sa car seat. Nakaupo na Rin Lianne. Sasampa na sana ako para umupo sa tabi ni baby nang mag salita si Liam.
"You sit here" binuksan Niya Ang pinto sa harapan. Nalito man pero sumunod na Rin Ako. Pagkaupo ko nilingon ko Muna si baby kung ayos lang ba Siya sa likod.
"Don't worry sis. Relax ka lang dyan. Ako Ng bahala sa tabachingching na ito" sabay pinanggigilan si baby kaya napangiti na Rin Ako.
Kukunin sana ni Liam Ang kamay ko pero iniwas ko ito. Alam ko Naman aware si Lianne sa aming dalawa pero Hindi pa Rin magandang ipakita iyon sa iba dahil Wala namang kami.
Napakunot noo Naman itong napatingin sa akin. Kaya umiwas nalang Ako at tumingin sa labas. Narinig ko Naman itong nagbuntong hininga bago paandarin Ang sasakyan.
Mga 30 minutes lang Ang binyahe Namin at narating na Namin Ang airport. Ilang minuto lang kami nag antay nang lumabas Ang parents nila. First time ko lang Sila Makita. Nang makalapit na Sila sa Amin ay namangha Ako. Kuhang kuha ni Liam ang hitsura Ng daddy nila at si Lianne naman nakuha Ang kaputian sa mommy nila. Nagyakapan Naman Ang mga ito. Nakatunghay lang Ako habang karga ko si baby.
"Oh my. Ito na ba Ang apo ko." Nakita ko Ang pag aalangan na hawakan si baby.
"It's okay Mom. Hindi na Siya tulad dati na iiyak pag hinawakan mo❞
"Really? Can I carry him?" paninigurado nito kaya binigay ko na sa kanya si baby.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Kita Naman sa mukha nito ang tuwa habang karga Ang apo nila. Kahit yong daddy nila na mukhang strikto ay nakangiti na Rin Ngayon at kinarga din Ang apo nito. Lumapit Naman Ang mommy nila sa akin at niyakap Ako. Napaayos tuloy Ako Ng Tayo sa gulat. Ngayon Naman nakahawak Siya sa mga kamay ko. "Finally nameet Rin kita Iha. Ang Ganda mo nga talaga tulad Ng sinabi ng anak ko❞ nagtaka Naman Ako sa sinabi Niya. Baka naikwento na ako ni Lianne sa kanila. "Hello Po ma'am. Nice to meet you din Po." Nakangiti Kong sambit sa kanya. Ang bait Pala Ng mommy nila.
"Call me Tita Helen Iha. And this is Tito Robert" pakilala din Niya sa asawa niya.
"Hello Po." Bati ko Kay Tito Robert at tipid na ngumiti. Para kasing napakaseryoso Ng Mukha Niya. Nakakaintimidate. Tinanguan lang niya Ako.
"Thank you talaga Iha for taking care of our Apo" madamdamin nitong saad.
"Wala Po yon Maam-ahmm T-tita. Trabaho ko Po yon"
"So how are you and my-"
"Mom" putol ni Liam sa sasabihin sana Ng mommy Niya.
"Let's go. Sa Bahay nyo na Gawin Yan"
"Fine" sagot Ng mom niya
Pagkadating Namin sa Bahay ay inakyat ko Muna si baby sa room Namin dahil nakatulog ito. Inilapag ko Siya sa crib.
"Babe, are we okay?" Tanong ni Liam. Diko namalayan na nakasunod pala Siya sa Amin.
"Oo Naman. Anong ginagawa mo dito? Ang parents mo?" Lumapit Naman ito sa akin at niyakap Ako.
"Magpapahinga daw muna Sila Kaya hinatid ni Lianne sa room nila" Sabi nito habang hinalik halikan Ako sa leeg ko.
"Liam.." tawag ko sa kanya. Kung anu ano na Kasi pinaggagawa niya. Nadidistract ako.
"Hmm" tanging sagot lang nito. Pinagpatuloy pa Rin Ang ginagawa.
"Stop please" saway ko. Binitawan Naman Ako nito at umayos Ng Tayo.
"Why? May problema ba? Tell me❞ diin nitong Sabi. Kita sa mukha Niya Ang inis dahil salubong Ang kilay nito
"Wala ngang problema" diko Rin tuloy maiwasang mainis.
"You know what, kanina ka pa ganyan eh. Papunta pa lang Tayo Ng airport." Napasabunot na ito Ng buhok
"Dahil sayo kaya Ako nagkaganito. Tigilan mo na Ang mga sweet gestures na pinapakita mo sa akin. Tigilan mo na Rin ang pagtulog dito sa kuarto namin Lalo na nandito Ang parents mo baka kung ano pa isipin nila" nanggagalaiti Kong tugon. Hindi ba talaga Niya iniisip yong sasabihin Ng ibang tao pag Makikitang Ganon Ang trato nito sa akin?
"So may problema ka nga. Bat di mo sinasabi sa akin? Kung ayaw mo nong mga ginagawa ko Fine! Hindi ko na gagawin yon. F*CK" Galit nitong Sabi Saka lumabas. Nagsiunahan namang tumulo Ang mga luha ko. Kung assumera lang talaga matagal na akong nag assume na pareho kami Ng nararamdaman. Pero Hindi Kasi pwedeng Ganon. Dapat Meron akong panghahawakan Hindi yong mag assume ako. Kaya Ako nagkakaganito dahil Hindi ko alam saan ako lulugar.