Chapter 2: Sapol
(Lindsey POV)
Kinabukasan, Maaga akong nagising para matulungan ko si Nay Perla sa pagluluto. Natapos Naman Namin ito on time. Matapos Kumain Ng pananghalian bumalik Naman ako agad sa aking kuarto. Natulog Muna Ako habang Maaga pa dahil paniguradong mapupuyat Ako mamayang gabi. Naalimpungatan Ako Ng marinig ko Ang nakakabulahaw na boses Ng kaibigan ko sa labas. Papungas pungas Naman Ako habang binubuksan Ang pinto.
"Hindi ka pa ready?" Asik nya agad pagkabukas ko ng pinto
"Bakit, Anong Oras na ba? Maaga pa Naman ah." Sabay hikab
"Anong Maaga? 6 na kaya. Baka Wala na tayong pwesto Nyan pagdating natin dun. Linggo pa Naman" Singhal Naman nya
"Oo na magbibihis na Po." Sabay irap sa kanya
Nagmamadali naman akong nagbihis. Nagsuot lang ako Ng fitted jeans at pinaresan naman ng fitted red sleeveless top. Simple lang talaga ako manamit Hindi katulad Ng kaibigan kong mahilig sa OOTD. Naglagay lang Ako Ng face powder at liptint at satisfy na ako sa aking ayos.
"Let's go!" anyaya ko na sa friend ko
Sinipat Naman nya ang ayos ko. "wala ka bang mas daring Dyan sa suot mo? pano ka Naman makabingwit Nyan? Maganda Naman yang suot mo kaso masyadong simple." Puna pa nito sa suot ko
"Di mo sinabing mamimingwit Tayo di sana nakapagready Ako Ng mga bulate para pangpain natin" pabalang kong sagot
"Bruha ka, namimilosopo ka pa" sabay hampas Ng braso ko "Kung Ako lang talaga may magandang katawan tulad Ng Sayo confident Akong rarampa. Sayang tinatago mo lang."
"Aalis pa ba tayo o magpupurihan nalang Tayo Dito. Kanina lang minamadali mo ako" Nababagot Kong Tanong. Siya nga itong minamadali Ako kanina tapos Ngayon puro Naman siya daldal "Cge na nga. Ok na Yan. Let's go" napipilitan nitong Saad.
Kumain Muna kami sa karenderya dahil gutom na ako. Nakasakay Naman kami agad Ng taxi at mabilis na nakarating sa isang sikat na bar. Mukhang pangmayaman ito base sa mga taong labas masok sa bar at napatunayan ko pa pagkapasok sa loob.
"Mukhang maraming datong Ang kaibigan ko Ngayon ah" sa isip isip ko
Naghanap Naman kaagad Ng table si Ems. Medyo Marami na Ang mga tao Mabuti nakahanap kami ng pwesto na medyo nasa sulok. Pagkaupo namin nag order agad si Ems ng mga inumin at pagkain. "Galante Ang friend ko Ngayon ah. Ang dami mong inorder." Sambit ko sa kanya.
"Syempre para naman Hindi ka manghinayang na sumama ka sa akin❞ nakangisi naman ako sa kanya habang natatakam sa mga pagkain.
Nilantakan ko na Ang mga pagkain dahil mukhang masasarap ito. Hindi ko Kilala Ang mga inumin dahil first time Kong pumunta sa mga ganitong Lugar. Inikot ko Naman Ang paningin ko sa kabuuan Ng bar. "Ang daming tao." Kausap ko sa sarili ko. Naputol Naman Ang pagmamasid ko Ng marinig ko Ang sinabi ni Ems.
"Sis, umpisahan mo ng inumin ito. Light drinks lang inorder ko Sayo" sigaw nya sa akin
Napatingin Naman Ako Dito at mukhang masarap nga. Para lang itong juice dahil sa kulay. Curious ko Naman itong tinikman at masarap nga kahit medyo may pait sa lalamunan pero nangibabaw Naman Ang tamis. Di ko namalayan naparami na inom ko. Medyo nakaramdam Ako ng init sa katawan at parang umaakyat sa aking Mukha.
"Tara sayaw Tayo" sabay hila niya sa kamay ko
"Ayoko muna. Mamaya na Ako." Tanggi ko. Parang Hindi ko kayang sumayaw sa ganito kadaming tao. Nakakahiya.
"Ikaw bahala. KJ, hmp" inirapan pa niya ako at pumunta na siya sa dance floor
Sinundan ko Naman Siya ng tingin at nakikita ko namang nag eenjoy siya. Habang nakatingin sa kanya Panay Naman Ang inom ko Ng drinks. Nakaramdam na Ako Ng Hilo kaya tinigil ko Muna Ang pag inom.
"Ito na ata Ang pakiramdam sa tinatawag nilang tipsy" kausap ko sa sarili. Medyo may Tama na nga Ako.
Nakita ko Namang pabalik si Ems sa table Namin. Saglit lang siyang umupo at Uminom Ng drinks Niya ay hinila na niya Ako papuntang dance floor nang marinig niyang maganda Ang tugtog.
"C'mon Shey! Loose yourself. Enjoy the night." sigaw nito habang hila hila ako
Hindi Naman Ako nakatanggi at parang walang hiya na rin akong gumigiling at yumuyugyog sa dance floor. Para akong nakawala sa pagkakakulong ng matagal na panahon. Grabe na talaga Ang Tama ko sa ininom kong drinks. "Wooh" sigaw ko pa dahil sa nararamdaman Kong saya
Tatawa tawa Naman Ang kaibigan ko na sinasabayan Ako sa pag indak. Nang medyo napagud na ay bumalik Naman kami sa table Namin. Pagdating sa table, para kaming uhaw na uhaw na tinungga Ang alak na parang tubig. Habang nag iinuman kami napansin Naman Namin Ang babae at lalaki na parang nag aaway.
"What? bakla ka?" rinig pa naming sigaw Ng babae. Hindi masyadong maingay dito sa Lugar namin dahil nasa sulok kami. Tiningnan ko Naman ang direksyon nila. Nakita ko Ang lalaki, nakaharap ito sa akin.
"Sayang Ang laking tao at may hitsura, pusong babae Naman. Sayang ang lahi" iiling iling Kong Sabi sa Sarili ko at pinagpatuloy ko na Ang pag inom.
Maya-maya tumayo Ako para mag Cr.
"San ka pupunta?" Tanong ni Ems
"Mag Cr lang." Sagot ko naman
Bago ako pumunta ng Cr, dinampot ko Muna Ang baso Kong may laman Ng alak. Iinumin ko na sana ito ng biglang may bumangga sa likuran ko at tumapon lahat ng laman non sa damit ko. "Shit!" biglang sambit ko
"OMG! Ok ka lang bhest?" gulat na tanong Ems
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Dali Dali Naman ako nitong tinulungan sa pagpunas ng damit ko. Bumakat tuloy Ang mayayaman Kong dibdib. Lumingon Ako para Makita kung sinong hudyo Ang may gawa at di man Lang marunong humingi Ng Sorry. Nakita ko lang Ang bulto Ng lalaki na nakatalikod papalayo sa akin.
"Ang walang hiya. Tinalikuran lang Ako. Makikita mo❞ ngitngit ko sa kalooban ko
Alam Kong Siya yong bumangga sa akin dahil Siya lang naman Ang naglalakad sa side Namin. Nakita ko kung saang table ito nagtungo. Dahil sa inis ko ay sinugod ko Ang walang hiya.
"Shey" habol na tawag sa akin ni Ems sabay hawak sa braso ko
"Anong gagawin mo ha? Lasing ka na ba?" Tanong niyang may pag alala
Hindi ko pinansin Ang sinabi ni Ems dahil kumukulo Ang ulo ko don sa lalaking bumangga sa akin. Hinablot ko Ang braso ko Kay Ems at tinuloy Ang pagsugod. Umuusok Ang ilong Ko na nakatayo sa tapat Ng table nila. "Hoy" sigaw ko sa lalaki
Lumingon Naman ito sa kinatatayuan ko pati Ang mga mga kasama niyang lalaki sa table.
"Siya yong lalaking kausap nong babae" puna ko sa isipan ko
Tiningnan lang ako nito sa mukha pababa sa aking dibdib at nakatutok ang mga mata doon at balik tingin sa Mukha ko sabay tikwas ng isang kilay at iwas Ng tingin sa akin. Lalo Naman akong nanggagalaiti at namumula na Ang Mukha ko sa Galit dahil sa ginawa niya.
"Aba Ang walang hiya, minanyak pa ako" ngitngit ko sa isip ko
Kaya binato ko Siya Ng hawak Kong tissue. Sapol siya sa pagmumukha nya.