Chapter 65: Sa Muling Pagkikita
Ang araw ay unti-unti ng tinatakpan ng bulubundukin pero wala akong pakialam kung anong oras ako makakarating doon.
"Cade!" tambad ko sa kanya ng sinagot ang tawag ko.
Ilang segundo bago niya sinagot.
"Nasaan ka?!"
"Hindi ko pwedeng sabihin, Liyag"
"Kailangan mong makipagkita sa akin! Tutulungan kita. Tutulungan ko kayo!"
"Ayokong madamay ka"
"Matagal na kong damay dito!"
Ilang lunok ang laway ang ginawa ko.
"Cade. Tutulungan kita. Pero kailangan natin magkita!"
"Alalahanin mo ang sarili mo, Liyag. Kaya ko na ito"
"Hindi, Cade. Kailangan mo ng tulong ko. Pupuntahan kita dyan. Please?"
Parang nagdalawang-isip pa siya sa sinabi ko.
"Magkita tayo sa sakayan ng bus"
Nagtipa ako ng saktong oras kung kailan ako makakarating. Mabilis pa sa alas kwatro ang naging pagkilos ko. Maingay ang bawat paghakbang ko dahil sa mabilis na pagtagpo.
Abalang nagtatawanan sina Aria at Pixie kaya hindi ako napansin. Si Mang Ben na abalang inaayos ang hose. Si Manang Digna naman ay hawak ang basura na itatapon sa compost pit. "Senyorita?" si Mang Ben habang pinapagpag ang kamay.
"Mang Ben, samahan niyo ko. Kailangan natin mag madali"
"Teka-", hinigit ko ang kamay niya kaya wala na siyang nagawa. Binigay ko sa kanya ang susi. Mabilis naman siyang nagmaneho palabas ng bahay.
Tanaw ko pa sina Pixie, Aria at Manang Digna. Kunot ang noo ng dalawa habang nag kwe-kwento ang matanda sa nangyari.
"Sa El Preve tayo, Mang Ben. Sa may sakayan ng bus"
Kumamot siya ng ulo dahil hindi maayos ang damit nito. Wala naman sisita sa kanya dahil tinted ang sasakyan.
"Bakit ganitong oras at parang nagmamadali ka?"
"Mahirap ipaliwanag, Mang Ben. I'll pay you double"
Naabutan ako ng init ng ulo dahil sa mabagal na pag usad ng sasakyan. Tiyak na kalhating minuto akong malalate.
Nagtipa ako ng mensahe kay Cade.
Sorry. Traffic. But can you wait a little longer? Sa may puno ng Narra tayo magkita. To be exact.
-Sent
Hindi siya nagreply pero sana ay nabasa niya. Masama ang kutob ko ng naramdaman kong palapit na kami sa pagkikitaan.
"You'll wait here, Mang Ben. Kahit anong mangyari dyan ka lang"
Hindi naman nagtanong ang matanda kung bakit.
"Pwede po bang ibili niyong pasalubong 'yung tatlong naiwan sa bahay?"
Tumango naman siya. "May ibibilin ka pa ba, Senyorita?"
Umiling ako. "Wala na. Just make sure that no one's following me"
Masyadong malaki ang lugar na ito kaya hindi ko siya makita. Sana pala ay nagdala ako ng jacket. Malamig ngayon kumpara ng nakaraan na nagbakasyon ako.
May kakaiba sa hangin. Kung paano ito sumipol sa aking tenga ay hindi ko gusto. Nagtaasan ang balahibo ko dahil sa kaluskos. Ingay lang pala iyon ng dalawang pusang naghahabulan sa ilalim ng ilang upuan. Dinagdagan pa ng plastik na bote ang ingay habang naglalakad ako.
Unti-unting tumutusok ang takot sa aking balat habang yakap ko ang sarili. Ang mabilis kong paghakba ay nagsisimula na rin gumawa ng ingay.
I regret that I wear this slippers. Tinatayuan ako ng balahibo.
Nagpalinga-linga ako to make sure that no one's following me. Makulit kasi itong guni-guni ko. Pakiramdam ko ay may nakamatyag sa akin mula sa malayo.
Calm yourself, Piper. There's nothing to worry about. You fed yourself watching horror movies kaya ka nagkakaganyan.
The signs of Cade is nowhere to be found. Umupo ako sa may waiting shed. Malapit na pala ako sa punong iyon. Nasa kabilang waiting shed pala.
I almost had a heart attack ng biglang may palaka na tumalon sa harap ko. He even have a nerve to step on my foot. What an ass.
Buti na lang ay hindi ako takot sa kanya. Napailing na lang ako.
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Sinubukan kong tawagan si Cade pero naubusan na ako nito. Ginamit siguro ni Aria ang pagtawag ko. Hindi naman unlimited iyon katulad ng load ko.
Nag iwan akong mensahe pero walang reply galing kay Cade.
Tumakbo without even making sound ng makita ang pamilyar na anino.
"Liyag!" bulalas nito. Niyakap ko ng mahigpit.
"I'm sorry" sabi ko. Nang hinawakan ko ang braso niya saka ko lang napansin ang pamamayat niya. May mga pasa din iyon.
"Napaaway ka na naman ba?"
Ngumiti siya. "Medyo. Alam mo na pag gwapo. Lapitin sa gulo"
May gana pa siyang magyabang sa sitwasyon niya ngayon.
"Don't even dare to throw a joke" ngumuso ako.
Pinisil niya ang ilong ko. Damn! I missed him!
"Pinapatawa lang kita. Mukha ka kasing ninenerbyos"
Hinalikan niya ang noo ko. "Wala ka na dapat ipag-alala"
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.
"Cade, sumama ka sa akin. Sumama kayo. You'll be safe. Tutulungan ko kayo"
"Hindi ako pwedeng sumama sayo. Mahirap na. Kaya lang ako nakipagkita para malaman mong ayos lang ako"
Niyakap ko siyang mahigpit. This man I owe him a lot. I love him very much.
"Tutulungan kita! Alam ko na ang lahat, Cade! Pinaniwala nila ako! Hindi nila ako anak. Ang totoo kong magulang sila mismo ang pumatay!"
His eyes widened and his jaw dropped.
"Piper, sarili mo silang pamilya. Labas ka dito. Kung sino man ang nagsabi sayo ng gano'ng bagay baka sinisiraan lang nila ang mga magulang mo. Ang sitwasyon ko ay iba, Piper. Mahal ka nila. Hindi nila yun gagawin" "No. Cade! Hindi ka ba naniniwala? I can gather evidence" mangiyak-ngiyak kong sabi.
"Kaya sana tulungan mo ko. Tutulungan din kita. Hindi ko ito papalampasin. Marami tayong matutulungan hindi lang sarili natin"
Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Inalo niya ko habang niyayakap. Sinusuklay niya ang buhok ko na parang bata.
"Nahanap din kita!" si Papa iyon kasama si Mang Ben.
I swallowed hard. May hawak na baril si Papa. Mang Ben was clueless.
Wala siyang kasalanan. Hindi ko naman sinabi kaya hindi ko siya dapat sisihin.
Lumapit si Papa sa aming dalawa.
"Piper, lumayo ka sa lalaking iyan!" may awtoridad ang boses nito. Para siyang mabangis na hayop. Parang ibang tao ang nasa harap ko.
Niyakap ko si Cade ng umunahan ako.
"Ayoko, Papa! Ayoko! Mamatay tao kayo!"
"Kung anu-anong sinabi mo sa anak ko! Masyado kang pakialamero!"
Sa lakas ng paghigit ni Papa ay nawala ako sa tabi ni Cade. Hinawakan ko ang sariling braso dahil sa daliri niyang bumakat.
"Pa, sumuko ka na lang! Umamin ka na lang!" Malapit na kong lumuhod habang hawak-hawak ang kamay niya.
Pero tinulak niya akong palayo.
"Ben! Umalis na kayo dito!"
Hindi mawari ni Mang Ben kung susunod ba siya o hindi.
"Ben! Umalis na kayo kung ayaw mong madamay ka!"
"Patawarin mo ko, Piper" malungkot ang boses nitong may halong kaba. Ang kamay niya'ng nanlalamig ay hinawakan ako sa braso.
"Puro ka pagtatago!", si Papa iyon.
"Hindi ako nagtatago! Ikaw ang nagtatago Don Emilio. Sa amin ang lupang inangkin ninyo! Ang dapat sa inyo habang buhay sa kulungan!" matapang ang sagot ni Cade. "Mang Ben, kayo na lang umalis. Iwan niyo na ako"
Hindi ko makakayang iwan si Cade ng mag isa gayon na siklab ang galit ni Papa. Ako lang ang makakapigil sa kanya.
"Dapat ka ng patahimikin bago ka kumanta!"
Sa paglingon ko ay literal na nanghina ang tuhod ko.