Esta Guerra (Tagalog Version)

Chapter 57: Power, Wealth and All



Humiwalay muna ako kay Cade dahil makakahalata sina Mama na wala ako sa kanilang tabi. Hindi pa rin kasi tapos ang pagdating ng mga bisita lalo na hinanda ang pagkain na hinihintay ng lahat. Ang Italian Cuisine na hinaluan ng lasang Pilipino.

Ilan sa mga kaibigan ni Arrow ang niyaya akong makipagsayaw. Gulat din ako ng makitang ang pamilya Mondal ay nandito. Nakipagbeso-beso sila kay Mama habang nakipagtawanan sa iba pang bisita.

Si Arrow na kasayaw ko ay pilit na umiiwas ng tingin sa mga iyon. Tahimik siyang nakikipagsayaw sa akin. Nakakapanibago dahil hindi manlang siya naimik. Sanay akong nagsasabi ng kung anu-ano lalo na't kasama niya ko. Pero ibang Arrow ang nasa harap ko ngayon.

"Stupid girl", umiiring siya habang nakatingin kila Abel at Lois na malapit sa pwesto namin.

Hindi ko alam kung paanong nakilala niya si Abel pero base sa reaksyon nito mukhang ayaw niya dito.

"She's not stupid", depensa ko sa kapatid niyang kumikinang ang mga mata'ng kay Abel lang nakatingin.

"Parehas lang kayo", tamad niyang sambit. Pinagtaasan ko siya ng kilay.

Humiwalay siya sa akin ng tinawag siya ng mga magulang nito.

"Come with me", aniya. Pero umiling ako.

Aalis na sana ko sa gitna ng sayawan ng biglang namatay. Para bang naulit ang sayawan noon. Ang sayawan na una kong dinaluhan dito sa El Preve.

You can leave me

Take away all that I have

You can want me

Love me for who I am

Choices, romance

Takin' me high in the air

Flyin', so scared

Afraid not to see you again

Para bang ito ang unang beses na isasayaw niya ko. Kasalukuyan akong nasa gitna pa rin na para bang napako ang mga paa ko lalo na ng makita siyang palapit siya.

'Cause I'm scared to death

Now that I'm losin' you

I'm scared to death

Mabilis niyang hinawakan ang bewang ko habang sinasayaw ako kasabay ng tugtog.

Knowin' I can't get through

I'm scared to death

Living this so lonely life without you

Oh baby, I'm scared to death

Hindi namin kailangan magsalita para lang sabihin ang aming nararamdaman. Nangungusap ang mga mata namin.

Somethings changin'

Giving me fears run through my head

Only find me

Give me the eyes I will understand

Words left unsaid

Leaving me weak in the edge

Getting over

I'm running scared

I can't comprehend

Ang bawat haplos niya ay nagbibigay ng pinaghalong saya at lungkot. Natatakot akong mawala siya. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari gayon na nalaman ko ang totoo. Hindi ko alam kung anong takbo ang isip ng mga magulang ko.

'Cause I'm scared to death

Now that I'm losin' you

I'm scared to death

Knowin' I can't get through

I'm scared to death

Living this so lonely life without you

(Yeah-oh) I'm scared to death

Niyakap ko siyang mahigpit at hindi napigilan ang sarili sa paghikbi. Niyakap niya ko pabalik habang nagsasayaw.

"Bakit pakiramdam ko sa tuwing hinahawakan kita ay nasasaktan ka?"

Tinignan ko ang mga mata niyang puno ng lungkot at pagtataka.

"I'm gonna missed you", sabi ko sa gitna ng aking pag hikbi.

Fallin' in love with you

I'm scared to death

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

There's nothing that I can do

I'm scared to death

What if you won't be around anymore

Dahan-dahan ang naging pagsayaw namin na para bang anumang oras ay mababasag ako.

Slowly

Gently

Choosing me will make me then

You're one and only

I pray that our love will begin

Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya saka ngumiti.

"Mahal kita", I smiled sweetly.

"Mahal din kita", he said in a husky voice. My body trembled when he gave me a peck on my lips.

'Cause I'm scared to death

Now that I'm losin' you

I'm scared to death

Knowin' I can't get through

I'm scared to death

Living this so lonely life without you

"Piper!", Arrow got furious when he recognized Cade.

"

Para bang isa akong bagay na pag aari niya ng hilahin niya ko sa aking braso.

You truly have a guts", matapang na sinabi ni Arrow kay Cade na gulat din sa nangyari.

"Anong nangyayari dito?", si Mama iyon kasabay ng pagbukas ng ilaw ang siyang pagdating niya.

Tumigil ang kanta gayon din ang mga tao. Ang atensyon nila ay nasa amin.

Ang dating nito ay may awtoridad. Ito ang bersyon niya kapag galit siya at may bagay na hindi siya nagustuhan.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! Bumulong si Arrow sa kanya na hindi ko naintindihan. Daig niya pang isang babae dahil sa ginawa niya.

Sumbungero. I cursed.

"A man from the slums", nakataas ang isang kilay nito kay Cade habang naka krus ang magkabila niyang braso.

"Ako ang nag imbita sa kanya, Ma. Kaya wag niyo naman siyang pahiyain"

"Ang mahirap ay nababagay sa mahirap. Ang mayaman ay para sa mayaman!", she put emphasized to her words na para bang punyal iyon na biglaang tinusok sa aking puso.

Si Cade naman ay tinanggal ang maskara nito. Tiim-bagang siya dahil sa sinabi nito. Kinuyom niya ang kanyang kamao at nanatiling tahimik. Gusto ko siyang ipagtanggol pero para bang naduduwag ako. "Guard! Pakialis sa harap ko ang dukhang ito!", sabi ni Mama.

Bago pa siya damputin ng gwardiya ay siya na ang nagkusang umalis. Mapait ang pag ngiti niya. Susundan ko sana siya pero agad akong hinawakan ni Arrow sa aking braso.

"Not this time, Piper", hinawi ko ang kamay niya saka tumakbo palayo doon.

Pumunta ako ng kwarto at doon umiyak. Narinig ako ng mabilis na pagyabag ng mga paa hanggang sa umikot ang seradura ng pinto.

"Anak", si Papa iyon. Hinaplos niya ang braso ko sa gitna ng aking paghikbi.

"You ruined it!", hindi lang ang party ang tinukoy ko kundi ang saya na alam kong sandali lang.

"Gusto niya lang ang yaman mo. Si Arrow ang para sayo!", giit ni Mama na halos lumabas ang litid niya.

"Akala niyo ay hindi ko alam? Sinong pumatay sa mga magsasaka? Sa ama ni Cade hindi ba't kayo?" Natahimik silang dalawa.

"Hindi mo na mababago ang nakaraan. All you have to do is forget him. Sisirain niya tayo! Ang prinsipyo ng pamilya natin! Nakakasuka na papatol ka sa kanya!", hinilot ni Mama ang kanyang sentido. "You're mother have a point, Piper. Ang pinaghirapan ng pamilyang ito could turn into dust in just a blink hindi mo ba naiisip iyon?"

Hindi ako makapaniwala sa kanilang dalawa. Akala ko ay anghel sila. Akala ko ay iba sila. Nagkamali ako. Ngayon kahit hindi nila aminin ng direstahan ay luminaw ang lahat sa akin.

"Bakit hindi niyo iyon naisip noong ninakawan niyo sila?"

"Hindi pagnanakaw iyon! They signed to the agreement anak!", si Papa na ngayon ay nag a-apoy ang mga mata.

"Ginamit niyo ang hindi nila pagiging edukado! Kayo ang edukado, dapat naisip niyo sa una palang na kung ayaw niyo palang mawala ang pinaghirapan niyo in just a blink hindi sana kayo nandaya", I cursed in my mind. Mali ang sumagot sa magulang pero pinupuno nila ako.

"We have the power, wealth and all. Sana alam mo kung kanino ka papanig. Pinalaki ka namin, Piper. Hindi pa ba sapat iyon?", si Mama na ngayon ay hawak ang dibdib niya at abot-abot ang paghinga.

"I don't know what to say, Ma. Pinili niyong maging bulag dahil sa makasarili niyong hangarin"

Iniwan ko silang dalawa doon at tumakbo papalayo. Bahala na kung saan ako pupunta ngayon. Gusto kong makapag isip ng mag isa.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.