Esta Guerra (Tagalog Version)

Chapter 49: All the time



Dahan-dahan ang pagbangon ko sa higaan dahil sa sakit ng aking katawan. Nilibot ko ang kabuuan ng bahay. Sa dating palang ng kwartong ito ay kay Letty ito pati sa tigas ng higaan.

"Piper!", si Letty na nakaupo sa tabi ko. Niyakap niya kong kaagad. Si Abel naman ay nakatayo sa may hamba ng pintuan.

"Medyo masakit ang katawan ko Letty. Dahan-dahan lang", kusang lumuwag ang yakap niya sa akin.

Nang pumasok si Cade ay binigyan siya ng espasyo ni Letty para makaupo sa tabi ko.

"Mabuti naman at gising ka na, Liyag", nakangiti siya pero sumimangot ako ng tinitigan ko ang kanyang mukha.

Saka ko lang napagtanto na puro pasa at galos ito. Hinaplos ko iyon pero hinuli niya ang kamay ko saka hinalikan niya ng dahan-dahan. Kahit sa kamay lang iyon ay may kung ano akong naramdaman. Ayaw niyang pag usapan iyon. Akala niya ay makukuha niya sa halik.

"Sabihin mo sa akin anong nangyari sayo. Cade, be transparent"

Sa sulok ng mga mata ko ay sabay na lumabas sila Letty at Abel. Bahagya nilang sinarado ang pinto.

"Walang lambing", ungot niya. Kusang namula at nag init ang pisngi ko. I missed kissing those lips.

Unti-unting lumapit ang mukha ko sa kanya. Sandali lang sana iyon na parang dampi pero siya itong gumalaw ang labi kaya sumabay ako.

Ang halik na para bang gumamot sa masakit kong katawan.

"Liyag sabihin mo na", may paglambing sa tono ng aking boses. Para siyang batang kinikilig at natutuwa.

"Napaaway lang ako sa kanto. Alam mo na maraming lasing sa daan eh", dahilan niya na ayoko sanang paniwalaan dahil iba ang kutob ko. May ibang kinukubli ang ngiti niyang iyon.

"Sigurado ka?", tinitigan ko ang mga mata niya. Dahan-dahan siyang tumango.

"Oh my---Anak!!!", walang pagsubali niyang tinulak si Cade na muntik mawalan ng balanse.

Kitang-kita ang pag alala sa mga mata ni Mama. Hindi niya alam kung anong dapat unahin na tignan kung ang braso ko ba, hita o ang mukha ko.

"I prayed so many times hoping you're okay!", mangingiyak niyang sambit. Niyakap niya ko saka bumitaw.

Ang mga mata niyang galit ay tumingin kay Cade na ngayon ay nakatayo at pinanood kaming dalawang mag ina.

Tumayo si Mama na lumapit kay Cade.

"Hampas lupa!", tila nagmarka ang palad ni Mama sa pisngi niya dahil sa alingawngaw nito.

Pilit kong inabot ang braso ni Mama ngunit iniwas niya iyon.

"Uuwi ka sa atin, Perouzé", tunay ngang galit siya dahil sa pagtawag ng pangalawa kong pangalan.

"Ma hindi naman alam ni Cade na--", pinutol niya ang gayak kong sasabihin ng bumaling siya sa akin.

"Wala akong pakialam kung may alam siya o hindi. Uuwi ka!", madiin niyang sambit. Ang litid sa kanyang leeg ay kitang-kita.

"Ma kahit magpasalamat manlang kay Cade ay gawin mo", pero binaliwala niya iyon.

"Totoo pala ang usap-usapan! Akala ko ay nagsisinungaling lang si Gracio!"

Si Cade ay maamong tupang nasa isang tabi. Gusto kong malaman kung anong iniisip niya.

"Hayaan niyo na kami ni Cade, Ma. Nasa wastong edad na kami"

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Pilit akong ngumiti kay Cade. Sunod-sunod ang pag ahon at sulong ng dibdib niya. Alam kong ayaw niyang palalain ang sitwasyon kaya mas pinili niya na lang manahimik.

"Could you hear yourself? Akala ko pa naman high standard ang gusto mo sa lalaki. This guy isn't a filthy rich! Anong ipapakain niyan sayo lupa!"

Ayaw ko man siyang sagutin dahil siya ang nagpalaki at nag aruga sa akin pero hindi na ito tama. Ang insultuhin ang taong mahal ko para lang igiit ang kagustuhan niya para sa akin ay ibang usapan. "Ma hindi ko gustong insultuhin niyo siya. Kilalanin niyo muna siya bago niyo pagsalitaan ng ganyan"

Nakailang segundo ang pagkurap ng mga mata niya.

"Ganyan ba ang itinuro sayo ng lalaking ito? Ang managot sa magulang mo!", I can't believe her. Hindi ko alam kung anong ginawa sa kanya ni Cade dahilan kung bakit ganito ang galit niya. "No. Ang itinuro niya sa akin ay rumespeto na wala kayo"

Sandaling tumahimik at tumabi si Cade sa akin. Si Mama ay hinilot ang sarili niyang sentido. She's texting to calm herself or baka naman ay sinabi niya kay Papa ang nangyari ngayon. "Sumama ka na. Magkikita pa rin tayo", behind his smile was sadness. Kung yun ang sa tingin niya ay makakabuti para sa akin ay payag ako.

Inalalayan ako ni Cade sa pagtayo.

"Letty!", sigaw ni Mama. Mabilis pa sa alas kwarto ay nandito kagaad si Letty.

"Alalayan mo si Perouzé palabas ng bahay!", agad naman siyang sumunod.

"Cade, ako ng bahala dito

Sige na", bulong ni Letty. Nag usap kami sa pamamagitan ng tingin ni Cade. Hindi ko manlang siya mayayakap sa huling pagkakataon.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Maalagaan ka nila doon. Wag ka ng malungkot", aniya Cade.

Si Mama naman ay sa huling oras bago kami tuluyang umalis ay nagbabala ang tingin niya sa akin. Awtomatikong tumaas ang bintana ng kotse ng sumakay ako.

Ang nasa harap ay ang dalawang body guards nito kaya kami ang magkatabi sa backseat. May espasyo iyon dahil sa huling pagkakataon ay nakatingin ako sa may bintana hanggang sa maglaho si Cade sa paningin ko. "Arrow's waiting for you", pinilit niyang buhayin ang patay na atmosphere.

Siguro ay nasa bahay Arrow na iyon.

"Ma kung ipagpipilitan mo si Arrow para sa akin mas mabuting tumanda na lang akong dalaga", nagpakawala ako ng malalim na paghinga. Tamad na sinandal ko ang aking ulo.

"Siya ang totoong nagmamahal sayo. Unlike Cade gagamitin ka lang niya", nilakasan niya ang air-con dahil sa init kahit gabi na.

"Simple things matter. Kung mahal niya ko Ma bakit hindi siya ang pumunta rito para sunduin ako?"

Lihim akong ngumiti ng makitang isa sa mga body guards ang tumango. Siguro ay naiintindihan niya ko.

"Pagod siya, Anak. Saka isa pa it doesn't matter. What matters ay yung future. May maganda kang future sa kanya. He's one of the finest Engineers", she said in a proudly tone. "Ma wala akong pakialam kung Engineer man siya, business man o kung anu-ano. What matters most ay yung manners at ang gusto ng puso ko"

Ramdam ko ang muling pagtindi ng intensidad sa pamamagitan naming dalawa. The way she flipper her ay alam kong ayaw sa sinabi ko.

"I know what's best for you. Wag mo sanang pagsisihan iyon", kalmado ang boses niyang pilit na tinatago ang pagkainis.

"Not all the time, Ma", hindi na siya umimik ng makitang pumikit ang mga mata ko. Namalayan ko na lang na dinalaw ako ng antok.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.