Esta Guerra (Tagalog Version)

Chapter 47: Kaibigan



"Tangina naman o", mura ng isa sa kanila sa gitna ng paglalaro ng baraha habang ako ay nakain gamit lamang ng aking bibig. Parang akong isang aso dahil sa kanilang ginawa sa akin. Kapag uhaw ako ay imbis na tubig ang ipainom sa akin ay suka.

Tumayo ang mga kalalakihan na kanina ay nag umpukan sa mesa sa pagdating ng iba nilang kasamahan. Babae man o bata ay may hawak na baril para bang kahit anong oras ay handa silang sumabak sa kahit na anong gyera. Panakaw akong nanonood sa kanila.

"Bagong recruit Apong", sabi ng babaeng hinatak ang dalawang binata na nasa tabi nito. Nanginginig ang tuhod ng mga iyon.

"Sa una lang yan takot niyo. Masasanay din kayo dito", dagdag ng isang pang lalaki na halos kasing edad ng mga ito. May bandana ang noo nito. Bakas ang kakisigan ng kanyang katawan dahil sa damit nitong puputok na. "Nasaan pa ang iba?", tanong ng Apong nilang tinawag. Humigop siya sa kanyang kupita bago nagpakawala ng usok.

Ang grupo nilang puro makikisig ang katawan at bakas ang tapang sa kanilang tindig. Hindi ko akalain na totoo nga ang kwento noon sa akin ni Mama tungkol sa mga rebelde para silang mabangis na hayop na kinakatukan ng karamihan. May kwento rin si Manang Evy patungkol dito. Ang mga rebelde ay hindi masasamang tao sadyang may pinaglalaban sila kaya naging mabagsik ang kanilang ugali. Sa puntong ito ay naniniwala ako sa sinabi nila sa akin. Nagsialisan silang lahat matapos ang kanilang pagpupulong si Apong ang huling natira at may tinawag siya sa isang kubo. Pamilyar ang pagtakbo nito. Tila may binilin sa kanya si Apong kaya puro tango ang naging pagsagot niya. Simula pagkagising ko kanina hanggang sa magtanghali ay hiniling kong sana ay may makahanap sa akin. Ang lamig ng paligid ay ramdam ko dahil sa pagkapunit ng aking damit. Ang labis nilang paglatigo sa aking katawan ay nagmarka sa makinis kong balat. Halos manhid ang katawan ko dahil sa kanilang katawan. Puno sila ng galit habang ginagawa iyon sa akin kung hindi lamang nakaramdam ng pagkasawa ang kanilang pinuno ay baka hanggang ngayon ay may dagdag pang sugat sa aking katawan.

Nanginginig ang mga tuhod ko ng tumayo ako. Para akong presong nakakulong na may malalim na kasalanana sa kanila.

"Piper", puno ng awa ang boses ng lalaking pamilyar sa akin. Katulad ng iba niyang kasamahan ay may bandana siya, naka long sleeves at sira-sira ang kupas na pantalon. Ang pagkagaspang ng kanyang kamay ay ramdam ko ng hinaplos niyang unti-unti ang aking mukha.

Bigla akong naluha sa kanyang ginawa nakaramdam ako ng pagkaawa sa aking sarili. Pinalis niya iyon gamit ng kanyang hintuturo.

"Shhh", malambing niyang sinabi.

Luminga-linga siya sa paligid. Nang masiguradong kami lang ang tao ay binuksan niya ang silid na kumukulong sa akin.

Kinuha niya ang pagkain sa sahig na para bang pagkain ng aso. Mapili ako sa pagkain pero wala na kong ibang pagpipilian kaya minabuting kainin ko iyon.

Tinapon niya ang laman ng baso matapos niyang maamoy ang masangsang na suka.

"Sandali lang ako. Babalik ako", sumikip ang dibdib ko ng sabihin niya iyon. Kahit puno ng pagkatotoo ang itim niyang mga mata ay ayoko siyang umalis kahit sa isang segundo lang.

Dahil sa sandaling iyon na paglingat ni Cade ay nawala ako. Ganito ang nangyari sa akin. Hindi ko alam kung anong kalagayan nila. Kung hindi ba inaatake ng asthma ngayon si Mama dahil sa pagkawala ko at kasalukuyan siyang nasa ospital kasama si Papa?

O hindi kaya naman ay pinagbubuntunan na nila sina Sandra at Betong? Baka naman nalaman nila ang totoong dahilan ng paglabas ko ng gabing iyon at si Cade ang sinisisi nila?

Hinawakan ko ang braso niya. Nanginginig ang mga kamay ko kahit maingat niyang inalis iyon.

"Loel", paos ang boses ko kasabay ng pagtulo ng aking luha. Hindi ko napigilan ang paghikbi ko dahil sa pagpipigil ng ingay ko sa pag iyak.

Ayoko siyang umalis dahil natatakot akong maiwan. Ayokong mag isa.

"Babalik ako. Gagamutin ko yang mga sugat mo", maingat niyang hinaplos ang aking buhok bago ako iniwan.

Just a heads up: FindNovel.net is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Naupo ako sa isang tabi yakap ang parehas kong mga tuhod. Binubugaw ko ang mga langaw sa pamamagitan ng paghipan sa mga iyon. Pinagpi-pyestahan nila ang mga sugat ko.

"Piper", aniya Loel ng lumapit sa akin. Bago gamutin ang sugat ko ay para pinusod niya ang aking buhok.

Habang ginagamot ang aking sugat sa bawat pagdampi ng bulak sa aking katawan ay maingat. Para akong isang babasagin na baso dahil sa ginagawa niya. Pinagmamasdan ko siya habang hinihipian iyon bago linisin. "Kainin mo itong agad saka inumin mo ito", hindi ko mahilig kumain ng bigay ng iba lalo na't hindi ko gusto.

Mabilis kong kinuha ang tinapay at ang tubig. Hindi ako dinapuan ng hiya dahil sa ginawa ko. Wala ng hiya dahil sa gutom ako at kailangan ko ng sapat na lakas.

"Salamat Loel", sabi ko.

"Dahan-dahan lang", hinagod niya ang likod ko. Mangiyak-ngiyak ako dahil sa ginawa niya.

"Shh. Wag kang mag alala bago magdapit-hapon ay makakawala ka na dito", bulong niya na nagpaaliwalas ng aking mukha.

Pinunasan niya ng panyo ang tabi ng labi ko.

"Susunduin ka ni Cade basta magtiwala ka sa plano ko"

Pinagmasdan ko ng ilang segundo ang mga mata niya. May kaba iyon na ayaw niyang ipakita.

"Mapapahamak ka", malungkot kong sabi.

Hinawakan niya ang magkabila kong braso.

"Ano pa yung pagkakaibigan natin nung elementary kung hindi kita tutulungan?", niyakap ko siyang bigla.

"Hindi ako makahinga Piper", natatawa niyang sinabi.

"Salamat Loel", hinaplos niyang muli ang buhok ko.

"Masyadong maaga ang pasasalamat. Saka hindi ka dapat sangkot dito. Walang alam si Apong sa totoo. Si Itay ang nakakaalam ng totoo", sabi niya.

Magtatanong sana ako ngunit nakarinig kami ng takbuhan na malapit sa amin.

"Nandyan na sila. Aalis na ko Piper babalik ako"

Sumikip ulit ang dibdib ko habang pinagmamasdan ko siyang bumalik sa kasamahan niya. Ang bigik ng lalamunan ko ay namuo habang kinakain ko ang dala niyang tinapay.

Nalilito ako sa mga bagay. Kung sana buhay ang totoo kong mga magulang baka alam ko ang sagot. Ano nga ba ang totoo? Ang pinaglalaban ng mga rebeldeng ito o ang pagpilit kong paniwalaan ang sarili na walang ginagawang mali ang aking mga magulang?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.